Chapter 12: The Truth

1204 Words
Rita's POV Nitong mga nakaraang araw napaka bigat na din talaga sa dibdib ng mga nangyayari. Hindi na ako makapag sabi kay Magnus ng mga problema ko. Lagi na lang nyang kasama si Margaret. "Uy may napapansin ka ba kila Margaret at Magnus? Iba na yung samahan ng dalawang yan ah, ano sa tingin mo sila na kaya?" Rinig ko mula sa likod ko ang usapan ng dalawa naming kaklase. Tumingin ako sa kanilang dalawa at masasabi ngang mayroon ng special na nangyayari sa kanilang dalawa. Lalong kumirot ang puso ko kaya sindi na naman ng sigarilyo, akala ko eh pagpunta ko dito mapapa punta ko pa sakin si Magnus pero mukhang baliktad pa ata. Hirap na hirap na akong abutin sya. May mga pagkakataon na kung pwede ko lang aminin kung anong nararamdaman ko talaga eh gagawin ko, pero iniisip ko naman ang pagkakaibigan namin, hindi ko kayang itaya iyon kapalit ng pag iwas nya. "Hoy, ayos ka lang ba? Bat di ka pumasok don kasama namin? Iniiwasan mo na naman ba kami?" "Hindi ganun yun Magnus, hindi mo na kasi alam ang mga nangyayari sa'kin kaya hindi mo na din ako maintindihan" "Edi ipaintindi mo sa'kin, sa family nyo na naman ba? Kung gusto mo namang pag usapan nandito naman ako eh, handa akong makinig sa'yo" "Ayaw ko munang pag usapan ngayon. Gusto ko lang munang mapag isa Magnus, saka nandyan naman si Caleb eh." "Nito lang naman kayo naging close nyan ni Caleb, ingat ka dyan babaero yan" "Kung makapang husga ka naman sa tao, hindi sya ganun" "Ang init naman agad ng dugo mo. Oh sige ganito na lang. Kapag gusto mo akong kausapin sumenyas ka lang." Tumango na lang ako at saka naman sya umalis pero bago sya tuluyang makaalis ay tinanong ko na sya. "Kayo na ba ni Margaret?" Matagal bago sya nakasagot. Sa puntong yun alam ko na kung anong sagot. "Oo, kami na" Narinig yun ng mga kaklase ko kaya naman ay humiyaw sila sa saya dahil matagal na din naman nilang alam na nanliligaw ito kay Margaret. It clenched my chest na sa sobrang sakit ay gusto ko na lang umiyak, sumigaw at maglaho. Lahat ng mga mahal ko inaayaawan ako. Akala ko noon hindi na ako mahal ng kahit na sino, pero kasi iba si Magnus. Pinaramdam nya sa akin na pwede akong maging importante, pwede akong sumaya, pwede akong maging priority. Lahat ng yan pinaramdam nya sa'kin ako naman na si tanga syempre mahuhulog sa mga ginagawa nya. Ganun lang pala talaga sya sa lahat, sayang naman hindi ako naka ilag. Mas mabuti na muna sigurong kimkiman lahat ng hinanaing ko ngayon, kahit naman anong gawin ko, kung sila talaga, sila pa din. Margaret's POV Maggagabi na at abala na ang lahat sa pag prepare ng bonfire, inihaw, at ng mga kakainin pang iba. Kaming tatlong magkakaibigan ay nagdala na lang ng ready to eat na mga pagkain para hindi na magluto pa. "Pst, Magnus anong lulutuin nyo?" "Hmm secret! hahahaha" "Lah ang duga mo talaga! Ano nga kasi yun?" "Mamaya makikita mo naman yan eh, ayaw mo ba ng surprise?" "Okay sige kung yan ang gusto mo" Pinagmamasdan ko lang si Magnus habang nag luluto sya. Mas nagiging sexy sya sa panigin ko, iba din talaga ang dating sa akin ng mga taong magaling magluto, para bang kayang kaya nilang dalhin ang isang relasyon kung magaling sila sa mga ganyang bagay "Hoy Marga! Matunaw naman yang bf mo sa mga titig mo grabe ka naman, di naman yan mawawala" "Haha, sorry just can't help it eh. Ngayon ko lang na realize na mas hot pala sya kapag nagluluto" "Wow this is not the Marga we know ah, anong ginawa mo sakanya?" "Stop being so dramatic guys, ngayon lang naman ako na inlove ng ganito. Hayaan nyo naman ako makaramdam ng ganito " "Support ka naman namin girl ano ka ba, pero sana huwag kang saktan nyan, naku makikita nya talaga" Malayo pa ang tatahakin namin para masabing sasaktan nya nga ako o hindi. May mga iba dyan na akala mo sobrang perpekto na ng relasyon pero grabe na din pala yung sira. Di lang nakikita ng mga mata ng iba. "I really do hope so" Nang matapos ang lahat ay nagtipon tipon na kami para kumain. "Okay Presi, carry on! Bigyan mo na kami ng pang malakasan na speech" "Haha why me? Pero sige since ako naman ang president ng class natin, again Congratulations everyone *hand claps*. Natapos na din natin ang kalbaryo ng college, we will now move forward sa totoong hamon ng buhay, pero bago natin gawin yun let us endulge muna sa kaunting oras na magkakasama tayo ngayon. Some of us will be gone far away. Baka yung iba nga mag abroad pa pero ayun nga let's enjoy this time na magkakasama tayo. Hindi man naging perfect ang naging bonding natin but those were the days na masasaya tayo, at least. Good luck sa mga magiging future careers nyo. I wish you all the best! To the batch 2029!" We all cheered sa speech ni Presi. It was indeed a tough 4 years. Di din biro lahat ng pinagdaanan namin para lang maka graduate. Kumain na ang lahat at syempre nagpasikat sa akin si Magnus ng niluto nya "Marga, look" "Oh what is that?" "Tikman mo hala di ka pa nakakatikim nito?" "Uhm nope not yet. Hindi naman ako halos kumakain pag nasa bahay eh" " Edi tikman mo" Tinikman ko at yun na ata ang pinaka flavorful and savory na recipe na natikman ko. "You better tell me kung anong name nito, ang sarap naman!" "That sisig. Health conscious ka kaya chicken na lang ang ginawa ko. It's usually a pork meat and balat ng pork pero pwede din namang chicken, ano masarap ba?" "It was so good baby!" "B-baby?" "Oo, baby kita. Madam baby" "Shh! Quite marinig ka nila!" "Sus, anong akala mo sa mga yan, kinder? Meron na silang alam kahit pa hindi natin sabihin and I already confirmed it to them, na tayo na" "Wow hindi man lang ako informed" Nagpatuloy lang kami sa pagkain dahil pagod na pagod na din ang lahat sa byahe. "Okay everyone. Syempre hindi mawawala ang inuman sa mga ganito. You guys should know the drill!!!" As someone na hindi umiinom ng alak or kahit anong alcoholic drinks, ayaw kong subukan, hindi dahil sa ayoko kung hindi ay hindi ko naman kaya. Ang lasa nitong kumakapit at ang init na dala nito. "Madam baby, umiinom ka ba?" Umiling naman ako at naglabas ng bothered na look "Wag ka ang alala ako bahala sa'yo. Ako magiging taga salo mo tonight" I smiled at him dahil alam ko naman na gagawin nya yun para sakin. "Okay everyone, we will play truth or dare ah, ayan dapat nandito na lahat" I looked around at nakita ko si Rita na katabi si Caleb. They were extra close to each other at ngayon ko lang din napansin na naging close sila. Hindi sya tumitingin sa akin kahit alam nyang nakatingin ako. Siguro ay naiilang din sya kaya iniwas ko na lang para hindi na din mag cause ng away, lalo na sa kanila ni Magnus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD