Chapter 8: Spend some time

1211 Words
Margaret's POV Phew! That was close! Muntikan na kaming maghalikan ni Magnus in public? Like hindi ko akalain na madadala ako ng mga rizz moves nya. He is still holding my hand at the moment at nakaharang ang katawan nya sa mga ibang pasahero para hindi sila dumikit sa akin. Medyo siksikan ngayon at ewan ko ba naman kasi kung bakit ngayon pa ako nag aya peak hours nga ngayon. Pagkababa namin ng train ay hindi pa din humihiwalay ang kamay namin sa isa't isa. Para na nga kaming couple kung titignan, hindi mapakali ang mga paru-paro sa tyan ko na para bang nagrarambulan silang lahat. I feel like I'm throwing up pero wala naman, at saka parang ang gaan lang ng pakiramdam ko. I feel safe kapag nandyan sya at alam kong safe ako dahil nandyan sya. We went sa isang kainan na nagseserve ng mga ramen. "Anong gusto mong kainin Margaret? Mahilig ka din ba sa maanghang?" "Oh no, hindi ko kaya since may acid reflux ako eh" "Okay noted! May acid reflux ka at hindi mo kaya ang mga maanghang" He always takes note ng mga ayaw, pwede, at gusto ko. Mapa pagkain man yan o gamit eh palagi nyang tinatandaan. Totoo nga ang sabi nila na to be love is to be seen and to be known. Ganyan kung mag mahal si Magnus na agad ko din naman na napansin sa kanya dahil halata din na giving gifts at quality time ang love language nya. Isa pa yan sa lalong nakakadagdag ng appeal nya kaya hindi din sya mahirap na mahalin. Pero hanggang kaya nya ay susubukan ko muna kung hanggang saan sya hahantong. Gusto kong malaman kung worth it ba ang lahat ng ito. "How about you Magnus? Mahilig ka ba sa maanghang?" "Oo eh, halos di nga ako makakain kung walang maanghang o sili" "Okay noted, mahilig ka sa maanghang" Napangiti na lang si Magnus nang gayahin ko sya sa kanyang ginagawa sa akin. Hindi mahirap sabayan ang trip nya. Nang dumating na ang order namin ay agad na din kaming kumain. Halos lahat ng kalat ko eh sya na ang nagpupunas. "Magnus, I don't think kaya ko pang ubusin to, busog na ako eh" "Hala sayang naman, ang dami kayang nagugutom dyan oh, akin na lang ubusin ko pa din" Hindi nya din gustong nasasayang ang mga pagkain dahil para sa kanya, swerte na ang kumakain tatlong beses sa isang araw. He really cares about the consumption at hindi din nya tini take for granted ang lahat ng bagay na binibigay sa kanya. Pagkatapos naman naming kumain ay nakaramdam kami ng antok kaya nagsimula na kaming mag lakad lakad muna sa isang park na malapit sa pinag kainan namin para bumaba na lahat ng mga kinain namin. "Marga, tayo ka dyan let me take a photo of you" "Ah okay" I striked a pose at lahat iyon ay nagustuhan ko "How about you? Let me take a photo if you din. Akin na" He also striked poses at ang cute lang dahil tinernohan nya ang mga poses na ginawa ko kanina. "Forever ko tong itatago, ikaw ba naman kumuha nito? Dati pangarap ko lang na makasama ka pero ngayon natutupad na, hihintayin ko ang araw na masasabi kong tayo na para maipag malaki ko sa past self ko na na earn ko ang yes ko mula sa'yo" "Sa tamang panahon Magnus, in God's right time" Sumakay na ulit kami ng train at bumalik ng hotel "Oh saan kayo galing? Kakagising lang namin ng Daddy mo eh" "Galing po kami sa isang ramen shop, kumain lang po saka naglakad lakad sa park malapit don, maganda po kasi yung panahon ngayon" "Oo, maganda para mag holding hands" Agad naman naming binawi ang kamay ng isa't isa at hiyang nagtago dahil kila mommy at daddy "Ano ba kayo, ga graduate na kayo ng college nahihiya pa din kayong gumanyan? At saka wala naman kaming say about that, you two can even be officially couple right now, no problem" "Yes po Tita, pero we prefer taking it slow po, mas worth it po kasi kapag ganun" "Well kayo ang bahala, gutom na kami so kakain lang kami ng dinner ah" "Okay tita and Tito ingat po kayo!" "Magaling ka sumagot kila Mommy plus points yun sa'kin" "Eh totoo naman kasi, saka mas gusto ko nga yung pacing natin eh, walang pressure at saka mag kasama naman tayo lagi kaya parang nagbibuild lang din naman tayo ng friendship at yun naman ang mahalaga dahil yun, hindi yun nawawala kahit na matagal na panahon na ang lumipas. Mananatiling mag kaibigan ang dalawang tao Margaret" "Yeah, I totally agree" "So ano ng gagawin natin ngayon?" "Gusto mo na ba mag pahinga?" "Hmm ayoko pa eh, sayang naman kung matutulog lang tayo" " How about manood tayo ng movie?" "Sounds good to me" Magnus' POV Nakaka kalahating oras na kami sa panonood ng movie na gusto ni Margaret kaya naman akala ko ay matatapos namin ito. Nagiging mas exciting na ang mga nangyayari sa pelikula nang mapansin kong wala ng kibo si Margaret na ilang dangkal lang ang layo sa akin "Margaret, ayan na magkikita na sila ng Bida, hoy Margaret hoy!" Hindi na sya sumasagot kaya minabuti kong ilipat ang tingin ko sa kanya,yun naman pala ay mahimbing na syang natutulog at nakayakap sa unan ng sofa. Natawa lang ako dahil siguro kanina nya pa iyon pinipigilan, ayaw nya lang aminin na antok na sya para hindi masira ang vibes naming dalawa. Binuhat ko na sya paalis sa sala at nilipat sya sa higaan nya. Magkakatabi lang ang mga kwarto namin. Sa unang kwarto ay si Tito at Tita, sunod si Margaret, at ang huli ay sakin. I tucked her in at sinarado na ang kwarto nya. Nang makapasok naman na ako sa kwarto ko ay tumawag sa akin si Rita Rita Calling.... "Hello Magnus! Pwede mo ba akong samahan ngayon? May lakad kasi si mama kaya di ako makapag paalam ng maayos Kay papa, alam mo naman eh kilalang kilala ka na nun sa'yo lang sya pumapayag eh" "Hi Rita, kung nasa pilipinas lang ako why not?" "Huh? Anong joke naman yan Magnus? Pano ka naman makakapunta ng ibang bansa aber?" "Well ito tignan mo" "Wait, nasaan ka ba talaga? Hindi naman ganyan kaganda sa Pilipinas ah, saan ka ngayon?" "Nandito ako sa Japan ngayon, sinama ako ng mga magulang ni Margaret para mag bakasyon dito. Ang ganda dito Rita, napaka linis ng paligid at saka masarap ang mga pagkain." Kitang kita ko ang dismaya sa mukha ni Rita kaya iniba ko na lang ang usapan "Saan ka ba sana pupunta? Baka pwede kong mapakiusapan si Tito? Bigay mo sa kanya ang cellphone mo ako ang kakausap" "Hindi wag na, ako na lang bahalang magpaalam sa kanya. Sige na bye mag ingat kayo" Call Ended Nitong mga nakaraang araw eh nagiging cold ang trato sa'kin ni Rita. Hindi ko din alam kung anong nangyayari sa kanya, pagbalik ko ng pinas ay kakausapin ko sya dahil baka naman meron na syang tinatagong problema na pwedeng maka cause ng sakit o kaya naman eh baka galit talaga sya sa'kin dahil masyado na akong napapalapit kay Margaret.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD