Rita's POV
"uy narinig mo na ba?"
"nabalitaan nyo na ba? grabe no? power couple sila pag nagkataon!"
ilan lang yan sa mga bulong bulongan sa corridor, Kay aga aga pa pero ang lala na ng chismis, ano bang meron ngayon?
"Mr. Pres? Ano bang meron bakit nagkakagulo?"
"Uy Rita? Hindi ka updated? Hindi ba at ikaw ang best friend ni Magnus? Kala ko alam mo na eh"
"Ano nga bang meron?"
Pinakita nya sa'kin ang cellphone nya at litrato iyon ni Magnus at Margaret magkasama sa Baguio.
"Naku napaka sweet talaga ni Magnus ano? Dinala nya si Margaret sa Baguio kahapon para daw makapag relax at makapag unwind after nung exam, naku iba talaga ang lover boy natin"
Bad trip, nag uumpisa na sya kay Margaret, di pa nga ako nakaka amin sa kanya eh. Umupo na lang ako sa upuan ko at naghintay na mag ingay ang room at mag kunwari na lang na wala akong alam sa nangyayari. Mas mabuting huwag din muna akong mag react para di makahalata si Magnus.
Ilang sandali pa nga ay dumating na sila, nang sabay. Expected na yun since may rumor na kumakalat na nga na sila na daw.
"Uy ayieee! kayo na ba?"
"Uy hindi pa nanliligaw pa lang ako, si Rita nga pala?"
"Ayun oh nasa upuan nya"
Nararamdaman ko ng papalapit si Magnus kaya kinondisyon ko ang sarili ko.
"Good morning Rita! Pasensya ka na ah? Di ako nakapag reply sa'yo kahapon, kamusta lakad mo?"
"Okay naman ayos na"
"Ah ganun ba, alam mo ba finally nililigawan ko na si Marga-"
Naputol na ang pagsasalita ni Magnus dahil dumating na ang professor namin
Oh buti na lang dumating na ang prof, ayokong makarinig ng kahit ano sa kanya o sa kanila
Xavier's POV
"okay class dismissed"
Excited naman akong tumayo at lumapit sa upuan ni Margaret, sabay kaming kakain ng lunch ngayon kasama ang mga kaklase namin dahil sabay sabay din naman kaming babalik sa room para sa susunod na klase. Pero bago kami lumabas sa room ay inaya ko muna si Rita dahil baka nahihiya lang sya dahil kahit noon naman ay di sila masyadong nagkikibuan ni Margaret
"Rita, tara mag lunch?"
"Pass muna Magnus, may kailangan pa akong tapusin eh"
"Pwede namang mamaya na yan oh, sabay sabay na tayo! Tara na"
"Hindi sige na mauna na kayo"
"Sabi mo yan ah, susunod ka!"
"Oo nga"
Nauna na nga kami sa canteen at as usual masasarap ang mga tinda nilang pagkain. Agad ko namang inasikaso si Margaret at kinuhanan sya ng pagkain nya
"Hindi sumabay si Rita?" tanong ni Margaret
"Hindi eh, may tatapusin daw sya"
"Or baka iniiwasan ka girlie pops, ever since naman si kayo in good terms nun eh" Saad naman ni Elisia.
"Ano ba kayo? Kasama natin si Magnus oh, that is his best friend and I'm sure may sole reason si Rita kung bakit di sya sumabay mag lunch satin"
"Oops, sorry Magnus"
"Okay lang, ganun talaga yun mailap sa tao eh, ano busog ka na ba?"
"Uhm yeah, kayo ba girlie pops?"
"Yup! Sige balik na kami sa rooms namin, thanks for the invite Magnus and Marga"
"Okay bye!"
"Margaret, wait lang ah bibili lang ako sa canteen ng pwedeng makain ni Rita, for sure wala pang kain yun"
"Oh okay okay CR lang ako"
Agad kong kinuha ang paboritong pillows ni Rita at ang dutchmill na lagi nyang dala. Nang makabalik si Margaret ay pumahik na kami ng room at nilagay ang mga binili kong pagkain sa table ni Rita, hindi ko na sya hinintay pang mag salita.
Araw araw ay ako ang nagiging sandalan ni Margaret, lahat ng bagay ay ginawa ko para lang mapa oo sya. Pero kahit na ganun ay hindi ako nagrereklamo dahil mahal ko kung ano man ang ginagawa ko at handa kong patunayan yun sa kanya. Madalas pa din ang pag bisita ko sa bahay nila at mag bonding kasama ang mommy at daddy nya. Napakabait ng family ni Margaret na parang nakahanap ako ng ikalawang pamilya sa kanila. Napaka welcoming at lahat ay pwede kong sabihin nang walang panghuhusga.
"Ano iho? Limang buwan ka nang nanliligaw sa anak kong yan ah, hindi ka pa din ba sinasagot?"
"Di pa po tita, pero as much as she wants naman po handa naman po ako eh"
"Pasensya ka na sa anak ko, ikaw kasi ang magiging una nya kung sakali kaya siguro nag iingat lang sya"
"Opo tita naiintindihan ko po"
"Saka nga pala naisipan namin ng Tito mo na mag arrange ng panibagong out of the country, isasama namin kayo ni Margaret, okay lang ba sa'yo?"
"Wow tita kasama po ako? Pero po wala po ata akong sapat na ipon para dyan eh"
"You don't need to gastos, kami na ang bahala sa lahat, so ako sama ka?"
"Oo naman po tita! Saan po ba tayo?"
"Iniisip kong mag Japan, siguro doon na lang, hindi pa alam yan ni Margaret, malapit na din kasi ang birthday nya eh"
Oo nga pala muntikan ko ng makalimutan. Sa loob lang ng 2 linggo ay birthday na ni Margaret. Wala pa akong maisip na mairegalo sa kanya pero sana ay makahanap ako iyong magagamit nya.
Hinanda ko na ang mga kailangan na dokumento para sa pag alis namin talaga nga namang literal na blessing dahil kasama pa ako sa pag byahe nilang mag anak.
After 2 weeks ay binigla na lang namin si Margaret at buti na lang ay nakahanda na ang maleta at iba nyang gamit kaya lumipad din agad kami
"How did you know about this?"
"Sinabi na sa akin ni tita 2 weeks before ng birthday mo! Happy birthday madam baby ko"
"Awwe, thank you so much, I appreciate this a lot"
Gumawa ako ng crochet na flowers para sa kanya, wala na kasi akong maisip na iba dahil parang lahat naman na ay nasa kanya.
"Ano eh naiisip ko kasi baka kako lahat na eh nasa sa'yo kaya ayan, ginawan na lang kita, hindi yan natutuyo o nawawala kaya pwede mong itago hanggang gusto mo."
"I am so happy with this gift right now Magnus! Di ko alam na ganyan pala ang level ng pagiging thoughtful mo ah"
"Sus ako lang to oh!" at nagtawanan naman kaming dalawa dahil totoo nga naman.
"Excited na akong libutin ang Japan kasama ka Margaret, sana alam mo yun"
"At excited na din akong makasama ka sa Japan Magnus, sana alam mo din yun"
Nang makalapag ang eroplano ay agad namin kaming pumunta na sa hotel para mamahinga ng kaunti. Dahil matanda na ang parehong magulang ni Margaret ay hindi na nila kayang lumabas pa at sumabak sa matinding lakaran
"Hindi na daw kaya nila Mommy at Daddy mo maglakad kaya nagpapahinga na lang sila ngayon"
"Sayang naman ang isang araw pa, gusto mo bang lumabas?"
"Ikaw syempre kung gusto mo, susunod lang ako sa'yo"
"Come on let's go, saka kumain na din tayo, sila mommy di pa yan gutom kaya tayo na lang muna"
Nabigla ako nang hatakin ni Margaret ang kamay ko at hawakan iyon. Namumula na masyado ang mga pisngi ko na hindi ko na kayang itago ito.
"Why is your face so red Magnus? Malamig ba?"
"Hindi naman, ah eh ano kasi"
Tinignan ko ang kamay namin na magkahawak pa din hanggang ngayon pero agad nya naman itong binitawan
"Oh no I'm so sorry, naging uncomfortable ka ba? I'm so sorry ano ahm ano sorry talaga!"
"Luh? Bakit ka ganyan? hindi naman ganun yung ibig kong sabihin eh, nagulat lang ako pero gusto kong nakahawak ka sa kamay ko"
"Is that why you're blushing so hard?"
"Oo, hehe akin na yang mga kamay mo, baka mamaya mawala ka pa eh"
Sya naman ngayon ang pulang pula ang pisngi na agad ko namang hinawakan dahilan para magkatitigan kami. Unti unti na kaming nadadala ng mga sandaling iyon, mabuti na lang at dumating na ang train at nakasakay na kami.