Rita's POV
So nag bakasyon sila sa Japan? Ano na bang level ng relasyon ang meron sila ni Margaret para isama sya sa ganon kalayo at kamahal na lugar? Kainis naman hindi tuloy ako makapag paalam sa tatay ko. Si Magnus lang kasi ang kilala nilang kaibigan ko at siya lang din ang pinagkakatiwalaan nilang tao na pwede kong kasama kahit saan man ako mag punta.
"Tay aalis po ako, kasama ko si Magnus wag kayong mag aalala di na sya nakapunta dito kasi nagpapa gas pa, di na hahabol sa oras, una na ko"
"Nagpapaalam ka ba o nagsasabi ka na lang? Walang hiya ka di ka na napirmi dito sa bahay, humanda ka sa nanay mo pag uwi nya"
"Parehas lang din naman diba? Kung magpapa alam ako na kasama ko si Magnus papayagan nyo pa din naman ako"
"Aba syempre, si Magnus na yan, ikaw Rita ha kung hindi mo magawang maging top sa klase ninyo eh aba galingan mo mang pikot! Pikotin mo yan si Magnus para naman mapakinabangan ka namin, sayang ang lahi saka medyo may kaya din naman sya kaya pwede na gusto ko sya ang mapangasawa mo ha"
Umalis na lang ako nang walang imik. Palaging sila ang may control ng mga nangyayari at mangyayari sa buhay ko. Halos wala na nga akong sariling desisyon dahil halos lahat pinapakialaman nila.
Margaret's POV
Nagising na lang akong nasa kwarto na. Naalala kong nanonood kami ni Magnus ng movie. Maaga pa naman kaya nag prepare lang ako ng sarili ko bago lumabas.
"Oh? Buti gising ka na, lumabas lang saglit sila Tita at Tito babalik yun may pagkain na"
"Good morning Magnus, wala bang pagkain ang hotel? Sayang naman bayad natin dito"
"Good morning Margret, wala eh"
"Tara sa labas na lang ulit tayo kumain!"
Bumalik nga kami ulit sa kinainan namin kahapon at talaga namang hindi nakakasawa ang pagkain nila doon.
Nang matapos kaming gumala at mamili ng mga pasalubong ay dumiretso na kami sa airport. Mabilis lang ang naging araw namin dito pero nasulit naman namin.
Pagkadating sa Pinas ay hinatid lang namin si Magnus sa bahay nila at saka ako na magpahinga.
KINABUKASAN
Usap usapan sa school ang naging bakasyon namin ng pamilya ko kasama si Magnus sa Japan. Ang iba ay mukhang masaya naman sa balitang yun pero parang ang iba ay iba na ang tingin sa akin.
"Hey girl! Mukhang fresh ka ah, kamusta ang Japan?"
"Okay naman we had fun, nga pala eto pasalubong. Sorry girls yan lang ang nabili ko pero na make sure ko naman na makukuha ko yung gusto nyo"
"Hoy! Hindi lang to basta basta ah! Ang rare lang kaya ng ganitong collection, thank you so much, Marga!!"
"Haha you are welcome, actually meron akong pasalubong para sa lahat sana kaso mukhang yung iba ako na naman ang pinagpi piyestahan. What are the stares for?"
"Hay naku girl, itong si Rita nag post ng blind item sa page ng school natin at mukhang kayong dalawa ni Magnus ang laman!"
"Sabi ko sa'yo may kakaiba talaga akong nararamdaman dyan sa babae na yan eh, hindi na nakuntento sa pagiging mag kaibigan nila ni Magnus, masyado ata syang na fall sa kanya kaya ayan umaasa at sinisiraan ka pa"
"Oh, Rita again"
"Wag ka na ma sad, madami naman kaming suportado ka eh. Halika na sa room, mag uumpisa na ang klase"
Nang makarating nga kami sa classroom ay hati ang mga tingin sa akin ng mga kaklase ko. Nang binigay ko naman ang mga pasalubong ay si Rita lang ang hindi tinanggap ang mga yun, kaya nilapitan ko sya para sana kausapin.
"Hey Rita wait!"
Huminto sya pero naka talikod pa din sya sa'kin.
"Here, kunin mo na to, si Magnus pa mismo ang pumili nyan para sa mga kaklase natin. Mas kilala nya kasi halos lahat sa kanila."
"Sa'yo na yang pasalubong mo, at saka pwede ba lumayo layo ka nga kay Magnus, hindi ka nya gusto!"
"Uhm pero nanliligaw na sya sa'kin? At saka bakit ka ba ganyan? Nung una pa lang hindi na naging maganda ang pakikitungo mo sa'kin, palagi mo din akong iniiwasan sa mga groupings, did I do something bad to you?"
"Ewan ko. Hindi lang talaga kita gusto bilang ikaw. Masyado kang nakakaligtas sa mga hamon sa buhay Marga. You can get everything you want pero bakit inaagaw mo pa ang para naman na sa iba?"
"Wala akong inaagaw sa'yo Rita, at saka wala naman akong intensyon na agawin sa'yo si Magnus"
"Oo pero dahil sa'yo, lapit pa din sya ng lapit"
"Hindi ko alam kung san ka nanggagaling pero may karapatan naman si Magnus pumili kung sinong mamahalin nya"
Tinarayan nya na lang ako at saka umalis. Hindi ko pa din talaga maintindihan kung anong ikinagagalit nya.
Pagbalik ko sa room ay nandun na si Magnus, agad nya akong sinalubong ng yakap pero nahalata nyang nagiging malamig ang pakikitungo ko. Baka tama naman talaga si Rita, dapat siguro ay layuan ko si Magnus, baka hindi naman talaga sya seryoso sa nararamdaman nya.
"May problema ba? Okay ka lang?"
Dahil wala pa naman ang prof namin ay lumabas muna ako sandali sa room at agad naman akong sinundan ni Magnus.
Rita's POV
Nakakainis talaga ang babaeng yun. Pinapa mukha nya pa na sabay silang pumili ni Magnus ng mga pasalubong nila samin, ano para ipamukha nyang hindi namin kaya bumili ng ganun? At saka manhid ba sya? Alam nya naman na hindi ako kumportable sa kanya talagang lumapit pa. Oo ako ang nagpakalat na pumunta sila ng Japan, pero hindi dahil makisali pa sa umuusbong nilang "loveteam" pero para siraan si Margaret, lagi nya na lang nakukuha ang gusto nya, pano naman ako? Pano naman akong may gusto talagang totoo kay Magnus. Matagal na akong nangangarap na ako naman. At yun din ang pangarap sa akin ng mga magulang ko, ang maikasal kay Magnus, baka pag ginawa ko yun ay maging maayos na ang trato nila sa akin.
Nagkasalubong kami ni Magnus pero parang hindi nya ata ako nakita, tatawagin ko sana sya pero pag lingon ko ay nawala na sya. Lalo lang akong nainis kaya pumunta na lang ako sa likod ng school. Madalas akong tumambay dito para mag sigarilyo, ang sigarilyo lang ang tanging nakakawala ng stress ko sa pag aaral, sa pamilya at sa pagka bigo kay Magnus. Wala akong ibang kaibigan bukod sakanya kaya ganito na lang ako mag react. Buong buhay ko loner ang bansag sa akin ng mga kaklase at mga nakakakilala sa akin sa campus pero nag iba yun ng lumipat ako dito at naging kaibigan si Magnus.
Magnus' POV
"Pst, kayong mga tropa ni Margaret napano yung kaibigan nyo? Biglang nag walk out"
"Uy Magnus check on her nga, sinundan nya kasi si Rita sa labas ng room after hindi kunin ni Rita yung pasalubong nyo for the whole class"
"Ah ganun ba sige sige"
Naabutan kong naka upo lang si Margaret sa bench malapit sa room at malayo ang tinatanaw.
"Uy, okay ka lang ba?"
"Ah oo"
"Wow, ang tipid ah, ngiti ka naman dyan, okay naman tayo diba?"
"Magnus, okay lang ba na wag muna tayong mag usap ngayon?"
"Bakit naman? Mas mabuti nga yung napapag usapan diba?"
"Diba dapat ganun? Bakit ayaw mo sabihin?"
"Eh kasi kanina, si Rita..."
"Kung ano mang sinabi sa'yo ni Rita, hayaan mo na yun. Walang katotohanan sa mga sinasabi nya. Minsan gawa gawa nya na lang din yan eh. Kaya ikaw lagi mong tatandaan na, ikaw lang ang mahal ko. Ang tagal ko kayang nag hintay para maka amin at manligaw sa'yo. Tapos ngayon lolokohin lang kita? De no! Sayang ng pagkakataon na to!"
Agad naman akong niyakap ni Margaret. Sana kahit papano napagaan ko ang loob nya, kailangan nya lang naman ng taong bibigyan sya ng assurance. At nandito ako para ibigay sa kanya yun.