Chapter 19: Getting Closer

1328 Words
Magnus' POV It's been a month simula nang mangyari ang ginawa ni Rita. Hanggang ngayon ay hindi pa din alam ni Margaret na may nangyari samin, hindi ko din naman na balak pang ipaalam sa kanya ang nangyari, baka kung ano pa ang maisip nya at hindi nya na ituloy pang maikasal sa akin. Sigurado ako sa nararamdaman ko para kay Margaret pero ang ginawa ni Rita ay lagpas na sa inaakala kong pagka gusto nya sa'kin. Matagal nya na pala akong gusto, pero wala man lang akong naramdaman na kahit ano mula sa kanya at para sa kanya. "Hey bro! Lalim naman ng iniisip mo" "Uy pare, tara pasok ka" Nasa office ako ngayon dahil unti unti ng dumadami ang clients namin, mabuti na lang talaga at nag dagsaan lahat ng mga gustong mag inquire kaya na busy ako na occupied ang utak ko kesa mag isip nang mag isip sa mga nangyari. "Nga pala napapunta lang ako dito para ipatingin sa'yo tong proposal ko, feeling ko kasi mas makakadagdag yan sa sales natin lalo na sa susunod na buwan" "Oh sige tignan ko mamaya ah. Tapusin ko lang tong ginagawa ko" "Eh bro kanina ka pa kasi talaga nakatulala, ang lalim ng iniisip mo. Limang minuto na akong nakatayo dyan sa pinto mo hinihintay ko lang kung mapapansin mo bang nandyan ako sa may pinto eh, kaso olats. Ano ba yan?" "Ah wala naman, iniisip ko lang kung ano pa bang kulang sa preparasyon namin ni Margaret para sa kasal" "Ay oo nga ano. Malapit na din pala kayong ikasal. Naku pre matatali ka na!" "Haha baliw, tagal kong pinangarap si Margaret nung college, tapos tagal ko din niligawan, syempre di na din ako makapag antay na matali sa kanya" "Hay iba talaga ang mundo ng pag ibig, can't relate pare eh" "Haha sige na email ko na lang to o kaya naman bigay ko sa secretary mo pag labas ko" "Speaking of secretary, ayaw mo bang kumuha ng para sa'yo? Dumadami na clients natin hindi mo na yan maaasikaso lahat" Ngayong nabanggit na ni Calix ang tungkol sa paghahanap ng secretary, naalala ko ang offer sa akin noon ni Rita, na sya na lang daw ang kunin ko kung sakali man na nangangailangan ako dito. Hindi ko pa ata kayang harapin sya, kaya naman sumagot na lang ako kay Calix ng... "Oo nga pre eh, may kakilala ka ba?" "Oo pre, buti natanong mo. Madami akong kilala. Pero yung isa mas malapit lang, refer ko sya sayo ah" "Sige pre, walk in na lang siguro para mas makilala ko din. Mas magaling mas maganda" "Oh sige hintayin mo na lang sya dito kung kailan man dyan ah" Mas maigi nang hindi na ulit kami mag tagpo ni Rita, masyado syang mapusok at masyado syang agresibo, baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya sa sobrang galit. *Ting* Kanina pa tunog nang tunog ang cellphone ko kaya minabuti ko na lang na tignan dahil baka may clients ulit na gustong mag try sa company namin. Pero si Rita lang ang nakita kong nag pop up. Di ko na sana titignan nang bigla syang mag send na ikinabahala ko. "Magnus, inatake si Nanay" Malapit ako sa mga magulang ni Rita at para ko na din silang tunay na magulang. Pero kahit ano pang pagmamahal ang meron ako sa kanila dahil sa minsan nilang pagmamalasakit sa akin noon, hindi pa din ako kumportable na makita si Rita. "Magsisend ako sa'yo ng pera, dalhin mo si Nanay sa hospital" "Pero hindi ka ba pupunta dito? Samahan mo naman ako, please" "Kung hindi mo sana ginawa yun, edi sana maayos tayo ngayon Rita. Hindi ko pa gustong makita ang mukha mo" Di na ako ulit nag reply pa para hindi na mapa haba ang usapan. *Margaret | Madam Baby Calling....* "Hello, Lovie! Uwian nyo na ba?" "Hi Madam baby! Oo, bakit?" "Daan ka muna dito sa bahay. May papatikim lang sa'yo sila Mommy" "Oh? Ano kaya yan? Sige diretso na ako dyan ah" "Okay see you! Love you!" "Love you too, madam baby ko" Buti na lang at palaging dumadating si Margaret kapag kailangan ko sya. Hindi ko maisip kung wala sya sa buhay ko, simula ng dumating sya parang na kumpleto nya yung parte ng buhay ko na kulang kulang nung wala sya. Pagkadating ko naman sa bahay nila ay agad akong dumiretso sa kusina "Oh Iho buti at nandito ka na! Halika, papatikim ko sayo itong recipe ko. Naka ugalian na kasi ng pamilya namin na ipatikim ito sa magiging miyembro ng pamilya" "Ah ganun po ba, sige po" Sabaw iyon at unti unti ng nilapit sa akin ni Tita, mabango at mukhang masarap naman ito kaya naman umulit pa ako "Tita napaka sarap naman po nyan! Ganyan po ba talaga ang sa mga pamahiin o ritwal?" "Aba oo naman! Mga great grandparents ko pa ang may gawa ng recipe na yan eh!" "Naku Tita, baka pwede nyo pong maipasa kay Margaret ang recipe na yan, napakasarap po eh" "Kaya ka nga namin pinatawag eh. Kasi kung di mo to magustuhan ibig sabihin lang eh hindi ka para sa anak ko" "Buti na lang pala tita nagustuhan ko" "Haha! Biro lang! Sige na pumunta ka na sa taas naghihintay don si Margaret, miss ka lang talaga ata ng anak ko" Kinabahan ako sa sinabi ni Tita dahil hindi ko naman talaga masyadong nagustuhan ang soup na yun kung ano man yun. "Knock knock" "Who is there?" "Who's there who?" "Ay wag na pala, sige na Lovie that is open naman pasok ka" Ito ang unang beses na nakapasok ako sa kwarto ni Margaret. Malinis, maaliwalas, at napaka organize ng mga gamit. Nandito din ang unang picture namin nung pageant. "Wow, I did not know na ganito kalinis ang kwarto mo. Napaka tidy naman" "Well, I am just a girl" "Tita said na may ipapatikim ka, and I went to the kitchen, turns out prank lang pala yun" "Haha ganyan talaga si Mommy kapag walang nagawa. Kung ano ano naiisip eh" "Saka ano sabi nya miss mo daw ako" "Well that one is true naman. Pero naiintindihan ko naman. Maaga naman kasi natapos lahat ng mga kailangan para sa kasal. At this moment naghihintay na lang tayo ng mga dadalo sa wedding to arrive eh. Bakit kasi tayo ng invite ng mga nasa malalayong lugar? Ayan tuloy nahihirapan tayo ngayon" "Phew, ang haba nun madam baby, pero alam mo okay lang naman yan. At least hindi tayo pressured diba? How are you lately ba?" Naupo ako sa other side corner of the bed na nakaharap sa kanya. May inaayos syang mga gamit sa isang box at naka upo naman sa carpet nya. "I am good, nag try ako mag help sa business nila Mommy pero wala talaga akong idea so I quit na lang. Eh ikaw Lovie? Anong ganap mo naman lately?" "Busy, busy with the clients. Pero grateful naman ako kasi padami na sila ng padami." "Wow, that's great!!! Eh mag hire ka na dapat ng secretary mo!!" "Speaking of, may irerefer daw si Calix eh. Hinihintay ko pa kung sino man mag walk in sa office. Sana yung magaling at quick witted" "Ang taas naman ng standards ng fiance ko. What if ako na lang?" "Eh baby hindi dapat Ikaw ang secretary, ikaw ang bossing ko eh" "haha you and your never ending banats against the world talaga eh no?" "no, it's you and me against the world mahal ko." Hindi na natiis ni Margaret kaya lumapit na sya sa'kin at niyakap ako. "Miss na miss na talaga kita. Thankful ako na prank ka ni Mommy, edi napapunta ka din dito." "Asus, kailangan mo lang naman akong tawagan at dadating naman ako agad dito eh" "I love you Lovie, so much and I can't wait to be your wife" "Mahal na mahal din kita madam baby ko, I can't wait to explore this life with you"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD