Magnus' POV
"What have you done Rita!?"
Singhal ko kay Rita dahil nagising na lang akong katabi sya sa kama, hindi ko alam kung anong nangyari kagabi pero sigurado akong may binalak sya na mag mangyari sa amin.
"I am so sorry Magnus, pero hindi ko kayang makita kang nasa piling na ng iba. Hindi mo siguro napapansin pero matagal na kitang gusto."
"Pero ikakasal na ako Rita! Sana naman naisip mong hindi tama ang binabalak mo bago mo ginawa, pumunta ako dito dahil nahiya naman akong tanggihan ka, kaibigan kita kaya appreciated kong binigyan mo ako ng ganitong party bago man lang ako ikasal, tapos ganyan pala binabalak mo? Hindi ko ata kayang tignan ka ngayon, hindi ka tanggap tanggap ang ginawa mo sa'kin"
Agad ko namang pinulot ang mga damit kong nagkalat sa sahig at saka nagbihis, hindi ko na kaya pang mag tagal dito, hindi ko inaakalang magagawa sa'kin to ni Rita, pinagkatiwalaan ko sya. Umuwi na lang ako sa bahay namin nang naiinis at talaga namang hindi mapakali, pano ko to sasabihin kay Margaret, nag taksil ako sa kanya pero hindi ko naman ginusto iyon.
"Oh anak? Tumatawag dito si Margaret kanina, hinahanap ka nya kasi galing ka daw ng bachelor's party. Tawagan mo anak baka nag aalala na yun."
Ito na nga ba ang kinakatakot ko eh, binabagabag na ako ng konsensya ko. Nanginginig kong hinahanap ang number ni Margaret sa phone ko upang tawagan sya. Ang unang ring, pangalawa, pangatlo, pang apat...
"Hello Lovie? Nasa bahay ka na ba ninyo?"
"O-oo mahal, kakarating ko lang. Di na ako nag drive pauwi baka kasi kung ano pa mangyari eh lasing pa naman ako"
"That is good, mabuti ng walang nangyari sa'yo. Anyway, mamaya be ready Lovie, pick me up and pupunta tayo sa patahian ng wedding gown and ng suit mo okay? at saka we will try na din the menu para sa wedding, I'll see you later okay? love you!"
"Okay Madam Baby, love you too"
Kailangan kong mag focus dahil baka mahalata ni Margaret na hindi ako okay. Saka ko na lang kakausapin ulit si Rita kapag medyo humupa na ang galit ko sa kanya.
AFTER AN HOUR
Papunta na ako ngayon sa bahay nila Margaret para sunduin sya. Hinanda ko na din naman ang sarili ko para maging composed ako kapag nagkita kami. Ilang minuto nga lang ay nakarating na ako.
"Hi Madam Baby kooo"
"Oh you look good ha? You look so fresh! Did you have fun kagabi?"
Shit! Hindi ko alam kung sinusubok nya lang ako sa pagsagot ko sa kanya, o baka naman talagang nagtatanong lang sya kung nag enjoy ako kagabi
"Ah, ano wala yan ako ka ba! Dati na akong fresh at gwapo 'no!"
"Sus nambola pa, tara na, Mom! Dad! Mauna na po kami ni Magnus"
"Tita, Tito we will be going na po!"
"Oh mag ingat kayo ah, balitaan nyo din kami sa Menu"
"Puntahan muna natin yung patahian Lovie, baka kasi pag kumain ako eh lumubo ako"
"Eh?? Ang sexy sexy mo nga eh, pero sige ikaw naman masusunod eh"
"Okayyyy"
Buti na lang at tumahimik na si Margaret at nagpa tugtog na lang ng paborito nyang kanta.
Margaret's POV
Hindi ko masabi kung kinakabahan ba si Magnus dahil sa pagsukat ng wedding gown at suit namin o dahil may ginawa syang hindi maganda?
Ayaw ko na lang na pag usapan dahil minsan ay umiiwas din naman sya. Nang makarating kami ay patuloy lang akong nanahimik, magsasalita lang ako kapag kailangan ko pero hinihintay ko lang sya na magsabi sakin, kahit ba napaka impossible.
"Ayun natapos din, ano uwi na ba tayo?"
Nagulat ako dahil uwi agad ang sambit ni Magnus, madalas kapag lumalabas kami ay inaalok nya pa akong gumala at kumain.
"Ang aga pa naman, kumain muna tayo? Di ka ba nagugutom?"
"Ay oo nga, hehe sige sa paborito na lang natin?"
"Hindi, try naman natin sa iba. May alam akong bagong bukas na kainan dito eh"
Inaya ko na sya sa bagong kainan na nalaman ko nung nakaraang araw. Chinese restaurant iyon at nasabi nya sa akin noon na mahilig sya sa mga Chinese cuisine.
"Dito na lang tayo? Nabanggit mo naman noon na paborito ko ang mga Chinese cuisines hindi ba?"
"Sakto craving din ako sa pork menu nila, sige dito na lang tayo"
"Sige ikaw na ang mag order, alam mo naman kung ano ang gusto ko eh"
Nag order na sya habang ako naman ay nasa upuan na. Hindi pa din nakakabalik si Magnus nang makita ko sila Rita at Caleb na papasok
"Rita! Caleb! Dito na kayo!!"
Nag tinginan muna ang dalawa bago sila lumapit sa akin
"Oh Margaret, kamusta naman ang ikakasal?"
"Eto busy, kakagaling lang namin sa patahian ng wedding gown, kayo? Mukhang nagkaka mabutihan na talaga kayo ah?"
Kahit na ganun ang nangyari sa amin sa Boracay ay hindi ko pa din maalis na makipag kaibigan sa kanila. Para kasi sa akin ay kaibigan naman sila ng mapapangasawa ko kaya naman kailangan ko din silang paki samahan at ngayon ko yun gagawin.
"Hindi naman, nakapag order na ba kayo?"
"Ahh oo, si Magnus nandun sa cashier, kayo?"
"Ah oo, Caleb, order ka na din don"
Umupo na sa harap ko si Rita at naghintay sa dalawa naming kasama.
"So were you at the party last night?"
"Huh? Anong party?"
"The Bachelor's Party? Magnus said na ikaw raw nag organize non"
"Ah, wala ako don. Kahit ako naman ang nag organize di naman ako pumunta. Para naman sa kanilang mga boys yun eh"
"Ganun ba? Okay sabi mo eh"
Hindi ko alam kung bakit ganito ako mag salita. It's like something is urging me to believe na may nangyari kagabi at may kinalaman doon si Rita.
Rita's POV
Bwisit! Bakit dito pa sila kumain? Sa lahat ba naman ng makakasabayan sila pa? Sila pa na gustong gusto kong iwasan? Hay naku!
Mabuti na lang at dumating na si Caleb kasunod nya si Magnus
"Oh? Rita andito ka din pala"
"Hi Magnus! Nag enjoy ka ba kagabi?"
Basang basa ko sa mukha nya ang kaba at panlalamig.
"Sa party? Medyo."
"Ay medyo lang? Sayang naman, baka kulang pa yung na prepare ko"
We are now throwing shades at each other at kami lang naman ang makakaintindi non at pati na din si Caleb. Kinukurot kurot na ako sa tagiliran ni Caleb para manahimik na ako dahil baka mabisto pa kami.
Sa loob ng isang oras na pag ubos ng pagkain ay hindi na kumikibo si Magnus. Ramdam ko na ang pag iwas nya sa'kin. Kung titingin man sya ay napaka lamig nito na para bang wala na syang emosyon.
Salamat naman at natapos na ang kainan na yun at nakauwi na kami ni Caleb.
"Mukhang hindi talaga sya natuwa sa ginawa mo"
"Natuwa man sya o hindi wala akong pakialam basta marerealize nya din na ako ang para sa kanya"