Chapter 20: Tuso

1291 Words
Margaret's POV Ni review ko ang mga kasama na guests at pupunta sa wedding namin na gaganapin na next week. Final revisions na lang ng mga kasama para hindi magkamali sa pag deliver sa kanila ng invitation. Napansin kong wala si Rita sa mga pupunta kaya naman tinawagan ko kaagad si Magnus "Hi Lovie, nakaka istorbo ba ako?" "Oh? Good morning misis ko. Hindi naman bakit?" "Eh kasi diba tinitignan ko mga pupunta sa wedding natin para wala na problema sa invitation letter, wala kasi dito si Rita. Hindi ba sya makakapunta?" Saglit na tumahimik sa kabilang linya "Hello? Lovie? Are you still there?" "Uhm ano misis ko, ikaw na bahala kung papa puntahin mo pa sya. Sabi nya kasi sa'kin baka may kumuha na sa kanya sa trabaho sa araw na yan, di nya daw ma hindian eh" "Ay ganun ba? Sige ako na lang mag contact sa kanya ah" "Sige, bye po love you" Sila ang mag best friend pero bakit ako ang kakausap sa kanya na pumunta? Pero dahil okay lang naman na nandon sya sa araw ng kasal namin ay ako na mismo ang tumawag sa kanya. "Hello, Rita?" "Sino to?" "Ah si Margaret 'to. Nakuha ko cellphone number mo kay Magnus. I just want to ask if you could come sa wedding day namin? This coming week na and I am finalizing the guests na kasi, and I just want to confirm if you could come?" "Thank you for the invitation Margaret but I will be busy that day eh. Best wishes sainyo ni Magnus" "Oh so totoo pala talaga yung sinabi nya sa'kin. Sige. Thank you so much. Good bye" Nang matapos ko na ang pag aayos ay pinadala ko na ito sa courier kasama ang listahan ng mga address na naka address sa kanila. Ang ilan sa mga guess namin na magsisidatingan galing abroad ay pinatuloy ko muna sa penthouse namin na may 10 kwarto. "Hello anak. Wow you look extra exhausted today? Mag pamper kaya tayo?" "Wow mommy! that is exactly what I need right now, sakto po na deliver ko na yung mga invitation letters" "Hay ang laki laki mo na talaga anak. Dati baby baby ka lang namin ng daddy mo. Ngayon may iba ng bumibaby sa'yo." "Ih si mommy naman eh nang aasar lang kayo" "Hoy hindi ab, totoo ang sinasabi ko. Anak hindi magiging madali ang buhay may asawa. May mga pag aawayan kayong hindi nyo pa napag awayan sa buong taon na naging mag boyfriend at girlfriend kayo. May mga times na gugustuhin nyo na lang na makipag hiwalay sa isa't isa. Dyan nyo makikita ang tunay na ugali ng isa't isa. Pero lagi mong tatandaan na pagmamahal ang nagdala sainyo sa kalagayan na yan kaya pag usapan nyo ha? Wag kayong matutulog na hindi nagkaka ayos. Huwag nyong hayaan na may maging lamat sa relasyon nyo. Alam kong napaka bait mong tao at bata pero anak bakuran mo yan si Magnus, halos lahat ng babae eh sya ata ang ideal type eh" "Aww Mommy naman eh! Bakit po kayo nagpapaiyak. I love you so much Mommy! I will remember everything you said" "Good girl. Tara na? Haha baka mag iyakan pa tayo dito eh" Rita's POV "Next week na pala sila ikakasal? Ang bilis ah. Wala pang alam nyan si Margaret?" "Malamang wala pa. Hindi nya pa ako kinakausap na ganyan ang approach nya sa'kin" "Eh paano yun? Ikakasal na si Magnus?" "Kilala mo ba si Calix? Yung muntik ko na din maging ka hook up kagaya mo?" "Oh? What about him?" "He offered me a job, at sya din pala a g ka syoso ni Magnus sa kumpanya nya. Kinukuha nya ako bilang Secretary ni Magnus!" "Oh and?" "And?? Ang low gets mo, edi mas mapapalapit ako sa kanya! Mas malapit ang ahas sa prey Caleb, sana gets mo na" "Hmm kaya yan ang gusto ko sa'yo eh napaka tahas mo" "Si Magnus na yan eh. Gagawin ko lahat mabalik lang sya sa'kin" Akala ba nila magiging masaya ang pagsasama nila ngayong mag asawa na sila? Di nila alam na lalo lang lumalakas ang loob ng mga kabit kapag kinakasal ang mga taong dapat na sa kanila? Kahit anong gawing pag iwas ni Magnus sa nangyari hindi nya pa din matatatakasan na may nangyari samin. Ang magiging unang gabi nila ni Margaret, ako ang papasok sa utak nya. "Ayan na nag email na si Calix kailangan ko ng pumunta don" "Gusto mo ba ihatid na kita?" "Tigilan mo ko sa mga pa ganyan mo Caleb ah. Sige na una na ko" "Ge ingat!" Nang makarating ako sa office ay kinakabahan pa din ako. "Oh Rita! Nandito ka na pala! Tara sa loob, naku pagod na pagod na tong co founder ko eh." Bumukas na ang pinto at nadatnan ko si Magnus na abalang abala sa mga papeles na tambak na sa kanyang desk. Naisip ko ay sakto lang talagang nandito ako para naman matulungan ko sya di tulad ng walang kwenta nyang girlfriend. Hindi man lang siguro yun pumupunta dito, pwes ngayon madadagdagan pa ang rason para di sya pumunta dito "Magnus, this is Rita Buenafe. Fresh graduate yan. Actually ngayon na naalala ko, galing kayo sa same school, and same batch??" "Rita? Anong ginagawa mo dito? Calix is she the secretary na tinutukoy mo?" "Yes, she is. Magkakilala ba kayo?" "Yeah, from same school kami eh" "Okay that is great! Maiwan ko na kayo, I guess she is hired right? Good luck bro! Good luck Rita!" "Thank you Calix" "Argh!" Pagmamaktol naman ni Magnus. Wala syang magagawa dahil kaibigan nya naman ang nag pasok sa'kin dito. "Hindi ka man lang ba nakakaramdam na ayaw kitang makita? makasama? Kahit nga marinig ang pangalan mo ayaw ko na eh" Alam ko ang kahinaan ni Magnus, tiklop yan sa akin kapag nagmakaawa ako. "Magnus, sorry na nga kasi. Saka hindi ka ba naawa sa'kin? Wala akong pampa gamot kay Nanay. Nasa hospital pa din sya ngayon. Tanggapin mo na ako dito please" "Tatanggapin lang kita dahil si Calix ang nag pasok sa'yo at alang alang na lang din kay Tita, pero sana naman sa ibang cubicle ka na, hindi ko kayang nandito ka" Okay na sa'kin ang nasa iba akong cubicle kesa naman wala ako dito malapit sa kanya. Magnus' POV Tambak tambak na nga ang mga gagawin sa opisina dumagdag pa sa stress ko itong si Rita. Wag na wag nya lang talaga akong pikotin dito sa opisina. Ang perang tinayo ko dito ay galing pa mismo sa pinaghirapan na pera ni Margaret. Nang matapos na ang mga gawain ko ay agad na akong nag out para pumunta kila Margaret dahil magkakaroon kami ng family dinner kasama ang family ko at family nya. "Uuwi ka na?" "Kapag nasa office tayo, wag mong kalimutan na ako ang boss mo, call me Sir" "Woah angas. Sir, uuwi ka na po ba?" "Stop this Rita, I know what you are doing" "That was one time Magnus. At saka di naman sinasadya yun eh. Lasing lang din ako ng mga oras na yun at bigla kang dinala ng mga lalaki sa room. Akala ko si Caleb ka, kasi dahil kay Caleb kaya ako nandun eh" Nararamdaman ko naman na totoo ang sinasabi nya. Unang beses kong narinig ang explanation nya tungkol sa nangyari, siguro nga ay nabulag lang ako ng grabeng pagka dismaya at galit kaya di ko na naisip na hingin ang side nya. "Wag ka na magpa gabi dyan. Pwede pa naman yan bukas. Umuwi ka na, mag ingat ka. Paki kamusta na lang ako kay Nanay" Kung tunay ngang di naman sadya ang nangyari handa naman akong patawarin sya, kahit na mali pa din naman ang ginawa nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD