Chapter 6: The start of "love story"

1702 Words
Magnus' POV Isang linggo na din ang nakakaraan nang magtanong ako kay Margaret kung pwede ba akong manligaw sa kanya. Wala pa akong nakukuhang sagot pero nae-enjoy ko naman kung anong meron kami. Masaya at kumportable naman syang kasama ako kaya masaya din ako sa nangyayari sa amin. Isang linggo simula ng manalo kami nang sabay sa huling paligsahan sa kolehiyo. Naging busy din kami dahil sumabay ang exams pati na din ang trainings ko, pero kahit na minsan ay hindi ko sya nahahatid at nasusundo ay wala akong narinig sa kanya. Kaya mas lalo ko syang minamahal. Nakalipas na din ang exams at naging maingay na naman ang paligid. Napansin kong masyadong nawalan ng energy at pahinga si Margaret kaya ipinagpaalam ko sya sa mga magulang nya na mag out of town kami. Hindi naman siguro masama na magkakaroon sya ng panandaliang pagkakalaya sa academic pressure. "Margaret, how was the exam?" "Oh? Magnus? Wala kayong training ngayon?" "Wala eh, so kamusta nga yung exam?" "Okay naman? I think I did well naman bakit? At saka bakit ka nandito? Sunday ngayon at dapat meron kang training hindi ba?" "Na cancel ni coach eh, nandito ako dahil kukunin kita." "Huh? Is this kidnapping?" "Not anymore dahil unang una, hindi ka naman na "kid". Pangalawa pinagpaalam na kita sa mga magulang mo and they agreed dahil ako naman daw ang kasama mo" Sabay kindat ko sa kanya. "Mom, Daaad, halika po kayo" Sus ito talagang si Margaret hindi na naman naniniwala sa akin. Talagang tinawag pa, oh sige ka ngayon "Oh? Magnus anak! Nandito ka na pala, pasok ka muna, hindi pa nakakapag prepare yang si Margaret eh" "Alam nyo po yung about dito Mommy and Daddy?" "Oo anak, he said mag out of town kayo? Hindi ba?" "Yes po Tito. Plano ko pong dalhin sya sa Baguio since mainit po ang panahon" "That must be nice! Kaya anak go upstairs and magbihis ka na, matagal ng nakapag paalam si Magnus sa amin, bago pa man matapos ang exam week nyo" Wala ng sinabi si Margaret at pumanhik na lang sa taas para magbihis. Pagkatapos ng ilang minuto ay bumaba na din sya at nagpaalam na din kami sa mga magulang nya. Buti na lang talaga kahit na sobrang yaman nila ay hindi sila strikto sa nag iisang anak nila. "Sooo, matagal mo na tong plano?" "Oo, kita ko kasing masyado kang subsob sa pag aaral kaya plinano kong bigyan ka naman ng breather, di naman kailangan eh ang kaharap mo lang ay reviewer papel at ballpen, kailangan mo din maranasan ang ganda ng mundo, Este ng Baguio." "Hahaha whatever you say, advance thank you Magnus. Magiging first time ko ulit to after 14 years kasi matagal na nung huling punta namin sa bagyo. Mom and Dad are always a little busy with our company kaya hindi nila ako ma accompany" "Oh, next time mag plano naman tayong kasama sila, okay ba yun?" "That's must be nice" Sa tagal ng byahe at sa sobrang daldal naman pala nito ni Margaret at nakatulog din sya pagkatapos. Hindi na ata kinaya ang comfiness sa kanyang pagkakaupo at ang lamig. Hindi ko muna sya ginising para mamaya ay meron syang energy para maglibot. "Nandito na tayo" Pagkasabi ko noon ay napabangon na si Margaret mula sa pagkakahiga sa reclining chair. "Wow, is this Baguio na?" "Oo, nasa tapat na tayo ng una nating stop which is Burnham Park" "Wow I missed this so much!! Nag try na din kami nyan dati nila Mommy eh" "Tara na, para ma try mo ulit " Parang batang lumundag lundag si Margaret nang nasa ticket booth na kami. Inalalayan ko sya sa mauga ugang bangka dahil baka masira ang outfit nya. Picture dito, picture doon. Yan ang hilig ni Margaret. Habang namamangka kami ay madami pa kaming napag kwentuhan, halos lahat sa mga ito ay ang karanasan nya sa Burnham Park nung bata pa sya. Nakakatuwang pagmasdan at pakinggan si Margaret dahil para lang syang maliit na bata na nagkikwento ng nangyari sa araw nya. Pagkatapos naman namin doon ay pumunta kami sa pitasan ng mga strawberry para ipang pasalubong sa Mommy at Daddy nya na sya namang request nila. "Wow, Magnus look oh ang hinog na nitong strawberry" "Ah oo, kung gusto mo pwede mo na yang pitasin at kainin ngayon" "Talaga? Sige try ko nga" Nakita ko din kung paano walang takot na humaharap sa mga bagay bagay si Margaret na kahit hindi sya kumportable, pero sinusubukan nyang makibagay kahit iba pa ang estado namin sa buhay. Sa Baguio ko pa lang kasi sya kayang dalhin eh. Sunod naman kaming nagpunta sa Sm Baguio at doon ay wala nga talagang Aircon. Naghanap na kami ng makakainan at sya naman ang pinapili ko "Magnus okay lang naman sa akin kahit saan tayo kumain eh, it will not matter as long as magkasama tayo at okay sa'yo" "Weh? Sure ka?" "Oo naman saka naniniwala ako sa magiging desisyon mo kung saan tayo kakain" "Sige paano kung sa Jollibee?" "Sure, I love chicken naman eh" Napansin nya atang medyo nasa pasok na budget lang ang out of the country namin kaya nag insist na sya na ako na ng pumili kung saan kami dapat na kumain. Alam nya at naiintindihan nya kaya naman mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya. Margaret's POV Maganda ang Baguio, pero mas lalong gumanda kasi may isang taong naglakas ng loob na dalhin ako dito at iparanas sa akin ulit ang mga bagay na matagal ko ng hindi nararanasa. Kung hindi lang busy ang Mommy at Daddy ko ay siguradong palagi din kaming may scheduled na out of town kaso eh laging trabaho ang inuuna nila, na para naman daw sa kinabukasan ko. Ngayon ay nandito na kami sa huling destination namin. Nagpunta kami sa isang park na maraming tao at may mga masasayang karanasan sa paligid. Ngayon na ang tamang panahon at oras para sagutin ko naman si Magnus, pinakita nya sa akin na seryoso sya at ginagawa nya ang makakaya nya para mapasaya ako kaya naman wala na akong nakikitang ibang dahilan para hindi ko sya pagbigyan sa tanong nya. "Magnus, handa ka ba sa pinapasok mo?" "Huh? Alin? Anong papasukin?" "Kung sakali man na maging mahirap, nandito ako okay?" "Teka anong ibig mong sabihin?" "Magnus, pumapayag na akong manligaw ka sa'kin" "Huh? Seryoso ba yan? Kasi kung oo tatalon talaga ako dito ngayon" "Ang overreacting mo na naman dyan, oo nga, pumapayag na ako" At ayun na nga nagtatatalon na sya at pinag sisigawan sa mga tao doon na pinayagan ko na syang manligaw. Sobrang dali lang din namang pasayahin ni Magnus. Nang pauwi na kami ay malapad pa din ang mga ngiti nya na para bang yun na ang pinaka masayang araw sa buhay nya. "Kanina ka pa nakangiti, di pa ba pagod ang mukha mo? "Huh? Seryoso ka ba sa tanong mo? Sinong hindi sasaya kung pinayagan mo na kong manligaw? Ang tagal na kitang gusto Margaret, hindi mo lang alam pero matagal ko ng gustong marinig sa'yo yan, yun ngang makaamin eh sobrang saya ko na ito pa kaya?" "Wow, you really are that down to me?" "Yes madam, kaya gagawin ko lahat para mapanalunan ko yang mga oo mo" "Let's see, tignan natin kung maging consistent ka naman ba" "Talaga lang naman boss madam baby ko" "Hay naku don't you ever say it kapag nasa school tayo ah, tayo na naman magiging pulutan ng mga kaklase natin nyan eh" "Eh buti nga yun boss madam diba? At least alam nilang sakin ka at sa'yo ako? Na may something na sating dalawa" "Hay naku ikaw bahala ah at saka hindi ba magagalit sa'kin yung bestfriend mo?" "Sino boss madam?" "Si Rita Buenafe? Mukhang close kayo nun ah, baka magalit sya sa'kin" "Bat naman sya magagalit sa'yo eh best friend ko nga lang naman sya, kung may dapat man syang maramdaman yun ay dapat na masaya sya kasi matagal na din kitang na kwento sa kanya eh" "Ganun ba, okay" Tumahimik muna ang byahe namin at nakatulog ulit ako. Pagka gising ko ay nakarating na kami sa bahay. Namalayan ko na lang na nasa kwarto ko na ako, siguro ay binuhat na lang ako nila daddy sa lalim ng tulog ko. Bumaba na ako para tignan kung anong ginagawa nila sa baba. Si Mommy ay naghahanda na ng dinner habang si Daddy naman at si Magnus ay nasa sala naglalaro ng PS5 Nang makita ako ni mommy ay agad nya akong pinalapit sa kanya. "Anak, ano ka ba, you were deeply asleep tapos nakanganga ka pa habang buhat ka ni Magnus, nakakahiya" "Oops, sorry mommy, puro kasi kami lakad sa bagyo, the parking was so rare" "Ay naku anak,sige na tawagin mo na sila at kakain na tayo" "Dad, Magnus, kakain na daw" Umupo na kami at hiyang hiya naman akong umupo katapat sya sa mesa. Habang katabi ko si mommy na katapat si daddy at katabi si Magnus na katapat ko naman. Si Mommy at si Daddy at si Magnus lang ang nag uusap, nang mapansin nilang hindi ako kumukibo ay tinanong ako ni Daddy "Oh anak? Is something hurt? Okay ka lang ba?" "Yes dad okay lang po ako" Tinignan naman ako ni Magnus na nakangisi pa. Tinarayan ko na lang sya at sumenyas sya na mag usap kami sa labas bago sya umalis. Natapos na kaming kumain and yung mga helper na namin ang nagligpit. Nagpaalam na si Magnus sa parents ko at ako na lang ang naghatid sa kanya sa labas ng gate namin. "I'm so sorry nakita mo pa kung paano ako matulog kapag pagod" "Yun ba ang dahilan kung bakit ka tahimik kanina? Eh wala naman yun sa'kin? Ang ganda ganda mo kaya kahit na ganun ka" "Whatever, hays basta I'm sorry pa din, I'm such a fast and deep sleeper" "Okay nga lang yun. Sige na mauuna na ako. Sunduin kita bukas okay?" "Okay, thank you for today and ingat ka" Sumakay na sya sa jeep at pinailaw ng tatlong beses ang signal light nya to say "I love you" and that was the time na na feel ko ang mga butterfly sa tiyan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD