Chapter 4

3113 Words
Hanggang ng mga sandaling iyon ay hindi niya mapigilan ang pagririgudon ng kanyang puso, kasabay ng walang patid na pag-init ng dugo habang pinandidilatan ng mata ang kaibigan. Halos ipanalangin na niyang kainin na lamang siya ng lupa, dahil na rin sa nasaksihan, idagdag pa ang katotohanan na halos magwala na siya kanina sa kasama dahil sa pag-aakalang nasa panganib ito. “Leora, I can’t believe you could do such a thing! What were you thinking back there?” Buong tinis na sigaw niya sa kaibigan, hindi niya napigilan ang sarili na ilabas ang galit dulot na rin ng parang pagsabog sa kanyang dibdib ng mga oras na iyon. Naroon pa rin ang matinding kahihiyan niya dulo’t ng mga pangyayari. Nagawa niya ng mailabas ang matinding inis ng mga oras na iyon, dahil na rin sa dalawa na lang sila na magkasama sa naturang coffee shop. Sinigurado niya talaga na pumwesto sila sa liblib na parte ng naturang establishimento upang mailabas niya ng paghihimutok. Subalit kahit anong talim at panlilisik ng kanyang mga titig ay tila wala lang iyon sa kaibigan. Umirap pa ito pakarolyo ng mga mata sa kanya bago mapahikab. “Sis, even if that place is called Cupid’s underground mansion, it is not a place of romance or such, but I think you already know that.” Saad ng babae habang pinapaikot ang mga daliri sa hangin, bago nito ilapat ang ngumungusong mga labi sa straw ng inumin nito. Halata ang pag-iwas nito ng tingin sa kanya ng mga oras na iyon, idagdag pa ang pananatiling kusot ng mukha nito dahil was walang patid niyang pagsesermon. “Yes, that place is nothing but a s*x den.” Bulyaw niya sa kaibigan dulo’t na rin ng matinding pangga-galaiti sa naturang lugar. Nakatatak na kasi sa kanyang isipan ang kasamaan at kalaswaan ng naturang lugar, idagdag pa ang pagsisi niya dito dahil sa kinahinatnan ng kanyang relasyon. Muli na lamang naparolyo ng mata ang kaibigan sa narinig, isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito bago siya batuhan ng isang tipid at walang ganang tingin. “I know. Why do you think I go there.” Busangot ni Leora pakataas ng isang kilay, dahil na rin sa tila pagkalimot niya sa katotohanan na iyon. Kung tutuusin ay hindi naman na sekreto sa kanya ang dahilan ng pagpunta nito doon, kung kaya’t ganoon na lamang ang pagtataka ng kaibigan kung bakit ganoon na lamang ang paghihimutok niya. “Still, I would have understood if it was just one. But six and all at once! Are you out of your mind? Or did they put something in your drink?” Singhal niya muli kay Leora, hindi pa rin siya makapaniwala na magagawa ng kaibigan ang ganoon bagay, kaya naman nabuo niya ang naturang posibilidad na iyon. Isang malalim na paglunok na lamang ang kanyang nagawa nang maalala ang imahe ng babae nang kanilang madatnan. Pawis na pawis, namumula, at tumitirik na ang mga mata ni Leora nang madatnan nila na pinagsasaluhan ng mga naturang binata. Halos pikit na nga ito at naglalaw habang nakalawit ang dila, pero walang patid pa rin ang naturang grupo sa ginagawa rito. “Mariella, I was completely aware of what I was doing, so don’t worry.” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng kaibigan, kasabay ng pagpapaypay ng kamay upang siya ay pahupain, dahil naroon na ang walang patid na pamumula ng kanyang mukha ng mga sandaling iyon. Hindi niya kasi mapigilan ang sarili dahil sa kakaibang bugso ng nadarama, dulo’t na rin ng matinding pag-angat ng dugo sa kanyang init sa kanyang ulo, kasama ang walang tigil na pagtitibok sa loob noon. “Paano? Did you even consider how old those boys were?” Bulyaw niya na lamang upang pahupain ang sarili. Naroon na kasi ang pambubulabog ng kanyang utak, dahil na rin sa walang patid na pagpapalitaw ng naturang tagpo sa kanyang isipan. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, nagdulot ng kakaibang pagririgudon sa kanyang looban ang imahe ng kaibigan at mga kasama nito. Mula sa mabibilog at tila umiindayog na mga pwetan ng mga naturang binata, kumikinang sa pawis sa katawan ng mga ito, hanggang sa mga tirik matang ekspresyon ng bawat isa ay nagdudulot ng kakatwang pakiramdam sa kanya. Naroon na nga ang panaka-nakang paghinga niya ng malalim dahil sa paulit-ulit na litaw ng naturang pangyayari sa kanyang alaala, dahilan para lalo lamang mag-init ang kanyang dugo dahil sa kalituhan. “Yes I do.” Walang ganang bara ni Leora sa kanya, kasabay ng panliliit ng mga mata nito na tila nanghuhusga na. Napasinghap na lamang siya pakaatras ng ulo dahil sa bahagyang pagkagulat sa naging sagot ng kaibigan. Tila ba lalo lamang siyang natuliro at naguluhan dahil doon. Ilang saglit rin ang kanyang kinailangan upang makahupa sa pagkabigla. Nakailang lunok pa siya bago tuluyan na makabawi. “They’re almost as old as… “ Subok niyang paalala rito, subalit napanganga na lamang siya nang iangat ng kaibigan ang kamay malapit sa kanyang labi, kasabay ng pagpapagalaw noon, upang senyasan na siya na huwag ng ituloy ang sasabihin. “Don’t try that on me, Mariella. Because if you are, I just want to remind you he’s already at the legal age.” Ngising turan nito na nagtaas pa ng isang kilay, halata ang ningning at kakulitan sa mga mata nito habang lumalapad ang guhit sa labi. Mas lalo lamang kumusot ang kanyang mukha dahil sa panunuya nito. Mukhang napaghandaan ng kaibigan ang sasabihin, dahil na rin mabilis nitong pagsagot. “But that does not excuse the fact you did it with six people all at once. What is wrong with you?” Bawi na lang niya sa mga sagot nito. Iyon na lamang kasi ang sigurado niyang hindi nito kayang maipaliwanag ng maayos o magawan ng palusot. Isang malakas na pagbuga ang pinakawalan ni Leora, kasunod ng pagpipigil nito na maparolyo nanaman ng mata dahil sa pandidilat niya. “I was just enjoying myself.” Busangot ng kaibigan matapos ang ilang minuto na pagbubuntong hininga. Ganoon na lang tuloy ang lalong panlalaki ng kanyang mata, lalo pa na hindi niya man lang nakita ng kahit anong pagsisisi ang kaibigan. “My god Leora! This is insane.” Muli niyang singhal sa kasama, hindi niya napigilan ang mapahawak sa kanyang ulo dahil sa pagnanais na hilahin ang buhok. Tila para bang kinilabutan siya, kasabay ng matinding panginginig ng kanyang kalamnan dahil sa sagot na iyon. Hanggang ng mga oras na iyon ay hindi siya makapaniwala sa inaasal ng babae, lalo pa at kilala niya na ito mula pa noon. Ganoon na lamang ang pagkunot ng noo ni Leora, bago muling ipagtaas baba ang kilay habang pinagmamasdan ang kanyang reaksyon. “What? Don’t tell me you’ve lost your sense of adventure Mariella?” Ngising tuya nito habang nagpipigil ng pagtawa. Sa pagkakataon na iyon ay sumandal na ang babae sa kinauupuan, nanatili ang makahulugan na tingin sa kanya bago dumekwatro at humalukipkip. Lalo lang nanliit ang mga mata ni Mariella, nanginginig ang isang kilay niya habang tumataas iyon. Unti-unti na rin napapalitan ng simangot ang tuwid niyang mga labi. “This is beyond being adventurous.” Sermon niya muli. Sa pagkakataon na iyon ay hindi na niya napigilan ang magtaas ng boses, lalo pa at parang hindi na niya makilala ang kaibigan ng mga sandaling iyon. Naninibago siya sa ipinapakitang pag-uugali nito, dahil para bang tuluyan ng nawala ito sa sarili nang dahil lamang sa pagpunta sa nasabing lugar. Sa pagkakataon na iyon ay napabuntong hininga na si Leora, isang tipid na ngiti ang pinakawalan nito habang napapatulala sa langit habang inaalala ang naturang karanasan. “Hay naku. It’s just the same. You should have seen how they craved for my body, worship every part of me na parang bang gutom na gutom sila sa akin. I haven’t experienced that kind of attention since the time I lost my virginity.” Turan na lang nito habang napapayakap sa sarili, napakagat pa ito ng labi nang tila madamang muli ang mga maiinit na kamay, haplos, at halik sa sariling katawan. Ilang saglit pa at nagsimula na itong huminga ng malalim, kasunod ng pamumula, kasunod ng panaka-nakang pamamawis sa gilid ng noo nito dahil sa pagbabalik tanaw sa mga naranasan. Ilang saglit rin siyang natahimik dahil sa biglaan paglitaw sa kanyang isipan ng sariling karanasan. Ganoon na lamang ang biglaan pangingilabot at panlalamig ng buo niyang katawan na siyang naging dahilan ng pagbabalik ng kanyang wisyo. Ang sakit, takot, at inis niya sa unang karanasan noon ang siyang naging dahilan ng paggising ng kanyang wisyo. Lalo pa nang lumitaw sa kanyang isipan ang mukha ng ngising-ngising si Arthur na nagpapakasasa sa kanyang katawan noon. Iyon ang naging dahilan upang manumbalik ang kanyang katinuan at pag-iisip, kasabay ng paglalagablab ng galit sa kanyang dibdib. “Where the hell is your dignity?” Ngitngit na hampas na niya sa lamesa, salubong na salubong ang kilay habang nagkikiskisan ang mga ngipin dahil sa pagkulo ng kanyang dugo. Mukhang hindi naman ito nabatid ng kaibigan, dahil na rin sa masyado na itong lunod sa sariling pantasya. Ang tanging nabatid at narinig nito ay ang mga huling katagan niya. “Girl please, I’ve lost that a long time ago.” Paypay na lamang ni Leora sa kanya habang napapatawa na ng pagak dahil na rin sa ilang mapapait na pinagdaanan. Doon tila nabuhusan ng malamig na tubig si Mariella, dahilan para mabilisan siyang kumalma. Sa tagal na nilang magkaibigan nito ay batid niya ang lahat ng pinagdaanan ng babae, dahil saksi rin naman siya sa ilan sa mga ito. “Seriously, I’d rather we stop this conversation here.” Angat na lang niya ng kamay bilang pagsuko. Mukhang wala na rin naman patutunguhan ang kanyang mga pangaral at paalala rito, lalo pa’t mukhang alam naman nito ang ginagawa at wala naman itong kahit anong badya ng pagsisisi. Isang malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan niya, dahil na rin sa katotohanan na matanda na ang kaibigan, kaya naman sigurado siyang batid na nito ang kahihinatnan ng sariling mga desisyon. “At bakit naman? You haven’t told me your side of the story.” Biglaan na lamang napasalubong ng kilay ang kaibigan dahil sa kanyang sinabi. Mabilis rin ang pagbusangot ng labi nito, dahil na rin sa biglaang pag-iiba niya sa usapan. “What is there to tell? Diba nakita mo naman, I ran barefoot to your rescue, thinking that you were being killed.” Pagkikibitbalikat na lang niya dito. Wala na rin naman siyang kailangan pang ipaliwanag, lalo pa at nakita naman nito ang lahat-lahat. Isa pa, wala rin naman siyang kailangan pang ikwento dito dahil sa katotohanan na wala naman kahit anong interesante ang nangyari. Iyon ang naging dahilan ng paglitaw ng isang nakakalokong ngisi sa mukha ni Leora, dulo’t na rin ng mga nasilayan nang matigil sa ginagawa. “But what were you doing before you came to our room? Don’t tell me you weren’t doing anything with that piece of a man? Because I’m sure he was definitely your type.” Tuya ng kaibigan, habang nilalaro ang straw ng inumin. Halatang may sarili itong haka sa kanyang ginagawa, dahil na rin sa kasama niyang lalake. Ilang sandali rin siyang natigilan, natulala sa pilit na pag-aalala at pag-intindi sa sinasabi nito. Nang sa wakas ay mapagtanto niya kung ano ang nais iparating ng kasama. “Who? You mean Armando.” Bulalas na lang niya nang wala sa sarili, dahil na rin sa wala naman kaso sa kanya ang pag-amin sa bagay na iyon. Bahagya na lang siya napangiti ng matamis nang maalala ang naturang lalake. Kahit ang pagbabaliktanaw sa kanilang simpleng tagpo. “Oh, so you know his name already. Pero I’m sure that’s just another pseudonym, so better watch out girl.” Turan ng kaibigan sabay kindat, matindi ang pagpipigil nito ng hagikgik, pero kitang-kita naman sa mukha nito ang malapad at malokong ngisi. Doon siya napasalubong ng kilay sa pagkatanto na iba pa rin ang gumagana sa utak ng kaibigan. Mukhang hindi nito nakuha ang nais niyang ipaalam, kaya naman napabuga na lamang siya ng malalim sabay taas ng isang kilay rito. “Seriously, Leora. That’s his real name, you should be aware of that because you know him too.” Pagpapaalam niya rito, upang pilit ipaalala ang bagay na iyon. Doon na napa-ayos ng upo si Leora, kasabay ng pagtutuwid ng mukha nito. Ilang sandali rin itong natahimik sa pag-hahalungkat sa sariling isipan upang intindihin ang narinig. “Wait, seryoso ka ba diyan?” Bulalasa ni Leora habang napapanganga nang makitang nanatiling tuwid at seryoso ang kanyang ekspresyon ng mga oras na iyon. “Yes! Unless you know anyone else who’s named Armando Orvella!” Paglilinaw na niya rito, upang kahit papaano ay malinawan na ang kanyang kasama. Biglang nagliwanag ang mukha ng kausap sa narinig, kasabay ng agaran na paglitaw muli ng ngiti nito. “You’re not talking about the Armando? Iyong pinikot ni … ” Napapapalakpak na saad ni Leora na halos napapatalon na sa kinauupuan dahil sa pagkakaalala sa naturang tao. Halatang natatandaan na nito ang naturang lalake dahil na rin sa apelyido. “Leora, please. Let’s not bring that up. Besides, didn’t you know, wala na si Regina.” Agad niyang bara sa kaibigan, dahil na rin sa hindi niya nais pang dungisan ang alaala ng naturang kakilala. Ayaw niya rin naman magbalik tanaw sa mapait na pangyayaring iyon, lalo pa at nagdulot rin iyon ng matinding sama ng loob sa kanya. “Nagkahiwalay na sila? Paano at bakit? Ano raw and dahilan at sino ang nang-iwan?” Agaran at walang pagpipigil na sambit ni Leora sa nalaman, tila mas lalo pang nanlaki ang mga mata nito, kasabay ng biglaan paglapit sa kanyang kinauupuan. Tulad kanina ay mukhang iba nanaman ang tumatakbo sa utak nito, mabilis ang pagbuo ng sariling haka dahil sa hindi siya pinatapos nito. Napabuntong hininga na lamang siya habang inaalala niya ang kwento ng naturang lalake, bahagyang nakokonsensya dahil na rin sa kaalaman na iyon. “She died. I think it was cancer or something.” Agad niyang amin sa kaibigan, dulot na rin ng kakaibang konsensyang tila kumakamot sa kanyang isipan. Kahit naman kasi mayroon siyang sama ng loob sa naturang babae ay hindi niya nais pang siraan ito. Doon natameme si Leora, ilang sandali rin itong natahimik kasabay ng pagkalma dahil sa pagkagulantang. “Oh my gosh. Seryoso?” Sambit na lang nito habang napapahawak sa bibig dahil sa matinding pagkabigla. Ganoon na lamang ang panginginig nito habang paulit-ulit ang pagpikit. “Yes, she’s been dead for ten years na.” Walang pag-aatubiling sagot niya base na rin sa kwento ng lalake sa kanya. Para bang naghihina sa katotohanan na iyon, kahit naman may hindi sila magandang nakaraan ng naturang babae ay nalulungkot pa rin siya sa kinahinatnan nito. “That long? Kaya pala naroon siya sa club. Pero how come ngayon ko lang siya nakita?” Wala sa sariling bulong na lang ng kaibigan dahil sa nalaman. Sa pagkakataon na iyon ay naparolyo na siya ng mata, napagtanto niya ng may tama pa rin ang babae mula sa dami ng nainom nito. Mukhang hindi pa rin nawawala ang tama noon, kaya naman parang walang pakundangan at pagpipigil ang mga salitang kumakawala sa bibig nito. “Seriously Leora, he’s not there for that.” Agad niyang saad upang depensahan si Armando, hindi niya rin naman nais masira ang imahe nito. Maliban doon ay nakasisigurado naman siya na hindi ganoon uri ng tao ang naturang lalake, lalo pa at alam niya naman ang katotohanan. “Then what was he doing there exactly?” Nangingiwing sambit ni Leora na may badya ng panunuya. Itinagilid pa nito ang ulo habang pinapakatitigan siya ng nakakaloko. “Business, nothing else.” Agad niyang bara rito sabay sandal sa kina-uupuan. Sa pagkakataon na iyon ay siya naman ang humalukipkip at nagtapon ng makahulugan na titig dito. “Oh really.” Muling balik ni Leora. Sa pagkakataon na iyon ay siya naman ang napangisi, dahil na rin sa kakaibang galak, dala na rin ng totoong dahilan kung bakit nandoon ang nasabing lalake. “Yes, isa siya sa mga nagsu-supply ng liquor sa kanila. And might I add, it’s one of the best sellers in the place.” Taas noong sabi niya rito. Ilang beses niya rin kasing nakita na ino-order ang naturang bote na nabanggit sa kanya, kaya nakasisiguro siyang mabenta iyon doon. Maliban pa sa natikman niya na rin ang naturang produkto kaya’t nakasisiguro siya sa sinasabi. “Wow, so you’re telling me he’s successful and a bachelor again?” Napapahagikgik na sambit ni Leora dahil sa kanyang ipina-aalam. Kahit siya ay hindi napigilan ang mapatawa na lang rin sa bagay na iyon. Hindi niya naman nais ay bahagya siyang nakadarama ang galak dahil sa naturang kalagayan ng lalake. “I suppose you can put it that way.” Sambit na lang niya habang ini-aayos ang buhok na naligaw sa kanyang mukha. Sa pagkakataon na iyon ay bahagya ng naglakbay ang kanyang isipan, naglalaro ang imahinasyon habang palitaw-litaw ang mukha ng naturang ginoo sa kanya, kasabay ng pag-alala sa hitsura nito habang nagkwe-kwentuhan silang dalawa. “Girl, this must be fate!” Tiling saad na lang ni Leora sabay angat ng kamay para abutin ang kanya. Subalit sa pagkakataon na iyon ay nanatili na siyang nakatulala sa hindi kalayuan. Ganoon na lang tuloy ang mabilis na pagsasalubong ng kilay ng kaibigan, kasabay ng pagwawagayway ng kamay upang magpapansin. Subalit tulad kanina ay nanatili lamang ang mga mata niya sa kalsada na puno ng sasakyan. “Mariella, hoy! Did you hear what I just said?” Bulyaw na ng kasama nang manatili pa rin siyang tulala at nakanganga. Nang mabatid nito na may kung anong siyang tinitingnan ay agad nitong pinaglakbay ang tingin upang sipatin kung nasaan nakatutok ang kanyang mga mata. “Oh shit.” Tanging sambit nito nang sa wakas ay makita na ang bagay na siyang nagpatameme kay Mariella. Sa hindi kalayuan ay naroon ang isang grupo ng mga dilag, masayang nagtatawanan habang naglalakad. Halata ang galak ng mga ito habang bitbit ang ilang mga paper bags. Kahit malayo ay hindi siya pwedeng magkamali sa naturang dilag dahil na rin sa walang patid na pag-iimbestiga niya nitong mga nakaraan buwan. Maliban doon ay kasunod lamang nito ang dati niyang asawa na siyang sanhi ng biglaan na paglalagablab ng matinding pakiramdam sa kanyang kaloob-looban. Ganoon na lamang ang pagkuyom niya ng palad, kasabay ng pagtitiim bagang habang pinagmamsdan ang mga ito. Hindi niya napigilan ang biglaan pagbugso ng mga luha sa kanyang mga mata, dahil na rin sa hapdi sa kanyang dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD