Hindi mapigilan ni Mariella ang magpaligoy-ligoy ng tingin habang pinaglalaro ang mga daliri sa hawak na baso.
Hanggang ng mga sandaling iyon, hindi pa rin niya maisiksik sa kanyang utak ang katotohanan na wala na ang lahat. Ang ilang taon ng pagtitiis, sinayang na mga opportunidad at inilaan niyang panahon para sa relasyon ay tila naglahong parang bula.
Napa-igtad na lamang siya nang madama ang isang malakas na kurot sa kanyang tagiliran, dahilan para mag-angat siya muli ng ulo at magising sa pagmumuni.
“Sister, ano ka ba? Akala ko ba magpapakasaya tayo ngayon?”
Ngising turan na lang ni Leora sabay akbay sa kanyang balikat.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, muli nanaman siyang napadpad sa naturang lugar na iyon, ang lugar na dahilan ng lahat ng kanyang agam-agam.
Ang buong akala niya ay hindi na siya muling babalik pa roon, subalit dahil na rin sa kakaibang poot ay hindi niya mapigilan ang sarili.
“Nag-eenjoy naman ako ah.”
Birong bulyaw na lang niya sa kaibigan, pagkatapos ay hinawi niya na ang braso nito patanggal.
Natatawang napalipat na lamang ang babae sa kanyang tabi, agad na talumbaba paka-upo, na mayroon ng malapad na ngisi sa mukha.
“Hay naku, I knew it. Pumunta ka lang dito para mang-stalk sa asawa mo no.”
Taas kilay na saad na lang ng kaibigan nang mabatid kung paano magpabalik-balik ng titig si Mariella sa ilang mga parokyano na naroon.
Ganoon na lang tuloy ang pagngiwi niya sa kaibigan, kasabay ng paniningkit ng mga mata dito dahil na rin sa walang patid na pang-aalaska sa kanya.
“I’m going to show him that what he can do, I can do better.”
Taas noong turan na lang niya sa kaibigan sabay angat ng kanyang dibdib upang ipangalandakan ang namimilog at puting-puting mga dibdib.
Napabusangot na lamang si Leora sa kanya, inisang lagok nito ang inumin na inilapag sa harapan ng bartender bago tumayo sa kinalalagyan.
“Para saan pa? You’re not understanding the whole point ng pagpunta natin dito. We are here to have fun, celebrate your freedom, hindi magmukmok sa paghihiwalay niyo ng walang hiya mong asawa.”
Sermon na lang nito.
Napalihis na lang siya ng tingin dito nang madama ang biglaan pagkirot sa kanyang dibdib, hindi niya man naisin ay sadyang may dulot pa rin na hapdi ang katotohanan na iyon sa kanya.
Agad na lang niyang hinablot ang bagong lapag na inumin ng bartender, doon itinuon ang galit.
Malugod niyang tinanggap ang pait at hapdi ng paggasgas nito sa kanyang lalamunan, pikit matang ninanamnam ang paghagod noon, upang kahit papaano ay hindi mabatid ng kaibigan ang kanyang pagluha.
“See, I’m having fun.”
Saad niya sabay angat ng basong wala ng laman. Pero halos mayanig naman ang lamesa pakabagsak niya pabalik dito.
Isang makahulugang tingin lamang ang ipinukol sa kanya ng babae bago ito naparolyo ng mata. Nagpakawala pa ito ng malalim na buntong hininga bago napahilot sa sintido.
“You’re not convincing anyone with that. If you don’t want to, then I’ll just have to enjoy what this place has to offer.”
Maloko nitong bulong sabay senyas ng mata sa dance floor ng naturang lugar.
Kunot noong napalingon na lamang si Mariella sa kung saan na nakatuon ng tingin ng kaibigan, agad na pataas ng kilay nang makita ang sinisipat nito.
Sa hindi kalayuan, sa ilalim ng nakasisilaw ng mga ilaw iaang lupon ng mga kalalakihan ang ngising-ngising nakatitig sa kanila. Panaka-naka pa ang labas ng mga dila ng mga ito na tila may nilalasahan sa labi habang pinagpasadahan sila.
Mas lalo pang kumusot ang kanyang mukha nang mabatid ang mga hitsura ng mga ito. Maaring nakasuot ng mamahalin at sopistikado ang pananamit. Matatangkad at hubog ang pangangatawan.
Subalit hindi niya sigurado kung nasa disiotso na ang mga ito, dahil tila mukhang may mga gatas pa sa labi. Napakurap na lamang siya ng mata nang mapansin pa kung paano kumindat at magsimulang gumiling ang mga ito para magpapansin..
“Come on, girl! Mukhang palaban ang mga ito. This is your chance na makatikim ng fresh.”
Humahagikgik na tapik na lamang ng kaibigan sa kanya.
Napabusangot na lang siya sa kaibigan habang pinapalinga ang ulo para sabihin na hindi, kaya ganoon na lang ang pagrorolyo ng mata ng babae.
Ngising nagpa-ikot-ikot na lang si Leora na nagsimula ng sumayaw, halatang nang-iinggit habang patungo sa naturang grupo.
Napalinga na lang siya muli ng ulo, ngiwing pinagmamasdan itong mapalibutan ng lupon, mukhang may balak nga ang mga binatilyo dahil todo pakitang gilas ang mga ito sa pag-indayog.
Wala pang ilang segundo at tuluyan ng humalo ang mga ito sa lupon ng mga nagsasayaw bago tuluyan naglaho.
Doon na nagpasyang umalis sa kina-uupuan si Mariella, dahil na rin sa bahagyang pagkahilo, dulot na rin ng walang patid na pagpatay-sindi ng mga ilaw roon.
Dala ang isang baso ng inumin, pagewang-gewang siyang naglakad sa may pasilyo. Nangingiwi dahil sa suot na high heels. Kaya dali-dali na lang siyang lumabas sa may hardin ng naturang mansion.
Pinalibot niya muna ang tingin upang makasiguradong wala ng masyadong tao sa paligid, nang makakuha ng tyempo ay agad niyang hinubad ang naturang suot upang mas makapaglakad ng maayos.
Isang malalim na paghinga ang kanyang pinakawalan nang madama ang lamig at lambot ng lupa roon. Nagtuloy-tuloy siya papasok sa isang hardin na mayroon matataas na dingding na gawa sa talahib.
Ilang sandali rin siyang nagpaikot-ikot doon, inaaliw ang sarili sa pagkakaligaw sa naturang lugar. Iyon nga lang, paminsan ay kinakailangan niyang umiwas sa ilang sulok upang huwag makaabala sa ilang mga taong naisipan na gumawa ng kababalaghan doon. Hindi naman na impossible iyon, lalo pa at liblib ang nasabing lokasyon.
Nang mapagod ay naupo siya sa isang silya na gawa sa bato upang mamasahe ang mga paa. Ilang saglit siyang nanatili roon, nakatulala sa berdeng pader na tila nagsisilbing harang sa katotohanan hindi niya nais harapin.
Nagbigay rin ng bahagyang kapayapaan sa kanyang isipan ang katahimikan ng lugar, kung kaya’t nagawa niya ng makapag-isip-isip.
Doon ay hinayaan niya ang mga luha at hikbi na magtuloy-tuloy sa pag-agos. Hinahayaan na pakawalan ang naipon na sama ng loob na kanina niya pa ikinukubli. Dulo’t ng pagkasira ng buhay ng dahil lamang sa problemang wala naman siyang kontrol.
Ilang sandali rin iyon tumagal, bago siya nakahupa, nang medyo mailabas ang lahat ay tila nakahinga na siya ng maluwag. Nang matigil ay bumalik nanaman siya sa pagkatulala, iniisip kung saan na patutungo ang kanyang buhay.
“Mariella ikaw ba iyan?”
Ito ang mga katagang bumasag sa katahimikan ng kanyang pagmumuni-muni.
Kunot noong napaangat na lamang siya ng tingin, upang alamin kung kanino nagmula ang malalim na boses na tumawag sa kanyang pangalan.
Tila tumigil ang oras nang masilayan niya ang matipunong ginoo sa kanyang harapan.
Sa hindi malaman na dahilan ay kumabog ang kanyang dibdib, habang pinagmamasdan ang pamilyar na mukha nito. Lalo pang nagrigodon ang kanyang dibdib nang ngumito ito.
“Uhm, do I know you?”
Turan na lamang niya.
Kahit anong kalikot niya kasi sa kanyang alaala, hindi niya mbatid kung saan niya nga ba nakita ang naturang lalake.
“Para naman tayong walang pinagsamahan niyan.”
Tawang saad na lang nito habang pinaglalaro ang mga kilay sa kanya.
And boses, postura, at kilos nito sa kanya ang siyang nagpanumbalik ng ilang mga bagay sa kanyang memorya.
“Armando Orvella!”
Ngangang bulalas niya na lamang. Aad na lang siyang napatayo upang mas matingnan nang maayos ang kaharap.
Dulo’t na rin ng naghihimutok na mga braso, matikas na pangangatawan, at balbas sa mukha nito. Hindi niya kaagad nakilala ang lalake.
“Lalo ka yatang gumaganda ah.”
Doon na ito tuluyan na pahalakhak.
Ganoon na lang tuloy ang pag-angat ng init sa pisngi ni Mariella, isang tipid na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi dahil sa komento.
Pasimple niyang pinagmamasdan ang kasama. Tila ba mas lalo yatang gumwapo ito matapos ng ilang taon niyang pagkakalayo.
“Kamusta ka na?”
Saad na lang ni Armando nang mabatid ang kanyang pananahimik.
Isang malalim na paglunok na lamang ang kanyang nagawa upang pahupain ang walang patid nag pagtatambol sa kanyang dibdib.
Niyakap niya na lamang ang sarili upang takpan ang dibdib, naroon kasi ang agaran pag-angat ng kahihiyan sa kanya nang makita kung paano ito mapatingin sa parteng iyon.
“Heto, ayos naman, kahit papaano. Ikaw, kamusta na kayo ni Regina?”
Iyon kaagad ang unang lumabas sa kanyang bibig, dulo’t na rin ng nakaraan nila.
Isang ngiwi naman ang isinukli ng lalake, sabay napalinga ng ulo. Kasabay noon ang pagkabawas ng sigla sa mga mata nito.
“Ayun, wala na.”
Pilit tawang pagkikibit balikat nito.
Ganoon na lang tuloy ang pagbagsak ng kanyang mukha sa tinuran ng kasama. Napakurap pa siya ng ilang saglit bago magawang maproseso ang mga sinabi nito.
“Ano? Paano nangyari iyon?”
Bulalas niya. Hindi niya mapigilan ang mapanganga dahil sa nalaman, lalo pa at alam niya kung anong klaseng tao ang kaharap.
“Hindi ko naman alam na may dinaramdam na siya. Kilala mo naman iyon, hindi magsasabi kahit nahihirapan na. Ayun, hanggang sa nalaman na lang namin na malala na pala iyong sakit niya.”
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Armando, habang pilit pa rin na pinapanatili ang ngiti sa mukha.
Doon na sila nagpasyang maupo sa batong silya na naroon, dahil na rin sa pagsenyas ni Mariella. Nabuhay kasi nito ang kuryosidad at gana niyang makipagkwentuhan.
“I’m so sorry for your loss. Hindi ko alam.”
Napakagat na lang siya sa labi sabay iwas ng tingin sa natuklasan. Ang buong akala niya ay namumuhay na ng masaya ang mga ito, matapos nang kasal nito.
“Thanks, halos sampung taon na rin iyon nakakalipas.”
Pilit ngiting sambit na lang ni Armando.
Mas lalo lang tuloy siyang nanlumo, sa tagal ng panahon hindi niya man lang nabalitaan ang ukol sa bagay na iyon. May kung anong bigat tuloy siyang napasan nang dahil sa tila kawalan ng alam ukol dito.
“Hindi ba may anak kayo? Paano iyon?”
Nanghihinang sambulat na lang niya nang maalala ang bagay na iyon. May kung anong bigat na lamang ang puma-ibabaw sa kanyang damdamin, dahil na rin sa ilang mga alaala.
“Heto, ilang taon na rin na single dad.”
Biglang halakhak na lang nito sa kanya, na napapapalo pa sa may tuhod.
Ngunit naroon ang kakaibang kirot sa dibdib ni Mariella, batid niya ang hinanakit sa likod ng tila masayang pagbibiro nito.
“Ako kakabalik ko pa lang sa pagiging single.”
Mahinang usal na lang niya sabay yuko ng may tipid ng ngiti.
Hindi niya man nais ipaalam ang kalagayan dito, subalit may kung anong nag-udyok sa kanya na sabihin iyon. Dahil na rin sa pagnanais na iparamdam na naiintindihan niya ang kalagayan nito.
Biglang natahimik tuloy si Armando. Isang malalim na lunok ang ginawa nito dahil sa pagkabigla, ilang sandali rin ang kinailangan bago makahupa.
“Sandali lang, diba iyong napangasawa mo eh si Arthur Paco. Iyong rich kid na akala mo hindi makabasag pinggan.”
Ganoon na lang ang pagkunot ng noon ng lalake, napaawang pa ito ng bibig nang maalala ang tungkol sa bagay na iyon.
Hindi niya tuloy napigilan ang mapabusangot sa narinig. Napapalatak na lang tuloy siya ng tawa nang maalala ang kasinungalingan ng dating asawa.
“Whoever said na mayaman iyon? My parents were the one who paid for our wedding. Ni isang kusing wala siyang ginastos noon.”
Bara na lang niya.
Wala na siyang paki-alam kahit pa man sabihan pa na paninira ang ginagawa niya, dahil naroon naman talaga ang katotohanan. Kung noon ay ipinagtatanggol niya pa ito, ngayon ay wala na siyang paki-alam na ibulgar ang kabulukan ng ugali nito.
“Ano bang nangyari?”
Salubong na kilay na turan na lamang ni Armando. Napakamot na lang ito sa batok habang kusot na kusot ang mukha.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Mariella. Bahagya niyang pinaglaro ang mga daliri sa suot na palda,
“Ayun, nangibang bahay na. Pumatol sa mas bata. Hindi ko kasi maibigay iyong gusto niya.”
Isang pagak na tawa na lamang ang kanyang nagawa dahil sa kakaibang kirot na naidulot ng sariling mga salita. Tila ba parang dinudurog ang kanyang puso ng mga sandaling iyon dahil na rin sa kasalukuyan kalagayan.
“Ano ba iyon.”
Seryosong saad na lang ni Armando.
Kusot na kusot pa rin ang mukha nito sa tila pagkalito. At halata ang matinding pag-aalala at pagtataka sa mukha.
Bumuntong hinga muna si Mariella ng malalim, bago mag-angat ng tingin sa lalake. Naroon ang pighati at pamamasa ng kanyang mga mata nang makipagtitigan na rito.
Walang patid na kasi ang kirot sa kanyang dibdib, kaya naman hindi niya na namalayan ang bagay na iyon.
“I’m infertile. Baog.”
Mapaklang tawa na lang niya sa sariling problema. Pilit na ginagawang biro ang naturang katotohanan. Hindi niya rin naman nais na kaawan ng kausap, lalo pa at ngayon na nga lang sila muling nagkita.
“Eh diba ayaw naman niya magkaanak?”
Halos magsalubong na ang kilay ni Armando sa narinig. Ilang beses pa itong napakamot sa ulo, dahil na rin sa nalalaman.
Doon na siya tuluyan napaluha, kasabay ng panaka-naka nanaman na paghikbi. Sa hindi niya matukoy na dahilan, bigla na lamang nanumbalik ang sakit na kanina lamang ay napahupa niya na.
“Iyon nga eh. Alam niya na naman iyong kalagayan ko before kami magpakasal, pero he still insisted on it.”
Ganoon na lamang ang paggigitgit niya sa kanyang mga ngipin, dulo’t na rin ng kakaibang panggagalaiti nang maalala nanaman ang pagkakamaling iyon.
“Eh gago pala siya eh. Bakit pa niya itinuloy iyong kasal kung ganoon? Gunggong pala iyon eh.”
Tiim bagang na sambulat na lamang ng lalake, kasabay ng pagsasalubong ng mga kailay nito.
And reaksyon iyon ang bahagyang nagpagaan sa kanyang pakiramdam, dahilan para matigil ang kanyang agam-agam at mapalitan ng isang kakatwang kiliti sa dibdib.
“Ano palang ginagawa mo rito? Don’t tell me parokyano ka rin ng lugar na ito?”
Hindi niya napigilan biruin ito, dahil na rin sa katotohanan na hindi kaaya-aya ang lugar na iyon. Nais niyang kahit papaano ay malaman kung anong ginagawa nito roon.
“Single naman ako ah.”
Ngising bara na lamang ni Armando na pinaglaro pa ang kilay sa kanya.
Hindi niya tuloy napigilan ang mapahagikgik kahit naroon pa rin ang luha sa kanyang mga mata. Kahit papaano, nanumbalik bigla ang kanyang sigla habang kausap ito, idagdag pa na taimtim lamang itong nakinig sa kanyang hinanakit.
“Sabi ko nga.”
Agad na lang niyang balik sabay pabirong umirap.
Ito naman tuloy ang napahalakhak sa kanyang ginawa dulot na rin ng kunwaring pagmamaldita niya.
“Hindi, joke lang. Kliyente ko iyong may ari nito, kaya paminsan nagagawi ako rito para kamustahin si sir, tsaka para makasigurado na rin na walang problema sa mga produkto namin.”
Natatawang bawi na lamang ni Armando nang makita ang pagroroly ong kanyang mga mata.
Doon siya bahagyang umayos dahil sa narinig, napakurap siya ng mga mata nang mapagtanto ang sinasabi nito, hindi niya mapigilan ang mapaawang ang bibig sa tuwa sa narinig.
“Anong business mo now?”
Mabilis niyang tanong , dulot na rin ng kuryosidad. Naroon na ang paglitaw ng malapad na ngiti sa kanyang mukha dahil na rin sa tuwa para rito.
“Ano pa ba, eh di iyong project natin dati.”
Angat kamay na turan nito, pinalitaw pa ng lalake ang mapuputing mga ngipin sa lapad ng ngisi, kasabay ng pagpapalikot ng mga kilay sa kanya.
“Oh my. Itinuloy mo iyon?”
Napatakip na lamang siya ng kamay sa bibig dahil sa pagkalaglag ng kanyang panga, may dulot na kakaibang galak ang kaalaman na iyon, lalo pa at tila may sentemyento iyon ng kanilang kahapon.
“Oo naman. Sayang rin iyong pinaghirapan at puyatan na project natin noon. Nag-eexport na nga kami ngayon, at hindi na lang lambanog ang product namin, nagproproduce na rin kami ng other pinoy made liquor.”
Buong galak na pagtataas nito ng noo, kasabay ng pag-aangat ng dibdib na puno ng pagmamalaki.
Ganoon na lamang ang pagpapalakpak ni Mariella sa tuwa, Hindi niya lubos akalain na ang pinaghirapan nilang proyekto ang magbibigay ng magandang kinabukasan dito.
“Ang galing naman. Congratulations, sabi ko naman sa iyo, magiging successful ka balang araw.”
Turan na lamang niya. Noon pa man ay kapuna-puna na ang sipag at tyagang ipinapakita nito, kaya naman alam niya na mayroon itong mararating.
“Ano palang ginagawa mo rito. Sa pagkaka-alala ko, ayaw na ayaw mo sa mga ganitong lugar.”
Saad na lang nito na medyo kunot na ang noo. Naroon na rin ang tila nangunugsap at makahulugan nitong tingin sa kanya, kaya naman biglaan na lamang ang pagtatambol ng kanyang dibdib nang mapagtanto ang sariling tanong.
“To tell you honestly, hindi ko rin alam. For some reason, parang nadikit na ako sa lugar na ito. Dito kasi nagsimula iyong pagloloko ni Arthur, dito niya rin nakilala iyong kabit niya. Kaya alam mo iyon, parang palagi akong nahahatak sa lugar na ito, nagbabakasakali na makakita ng pagkakataon na makaganti sa kanila.”
Isang tipid na ngiti ang pinakawalan niya rito. Naroon rin naman kasi ang kalituhan sa kanyang sarili, ngayon na napagtanto niya na ang ginagawa.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Armando, napalinga pa ito ng ulo habang pinagmamasdan ang muling pamamsa ng kanyang mga mata.
“Mahirap ang ganyan. Kung mabubuhay ka sa poot at galit, hindi ka makakaalis sa nakaraan mo.”
Malungkot na turan na lang nito.
“I know, pero alam mo iyon. It’s so hard to let go, lalo pa na I gave my all to this marriage. Tapos bigla lang magiging ganito. What’s worst, ako ang nadehado after sacrificing everything.”
Pilit niya ng pinipigilan ang mga hikbi ng mga oras na iyon, nagbabadya na rin kasing tumulo muli ang kanyang luha dahil sa tila pagkakapiga ng dibdib.
“Magkaiba man tayo ng sitwasyon, pero ganyan rin iyong naramdaman ko noon nawala si Regina. Alam mo iyong sobrang galit mo sa lahat. Na tipong hindi mo alam kung saan ka nagkulang.”
Nanghihinang sambit ng lalake sabay napatingin na lamang sa nagniningning na kalangitan. Tila ba may hinahanapp roon.
“That’s the thing. I thought lahat ng mga ginawa ko was enough. I was a virgin noon ikinasal kami, I avoided my friends and became a housewife para lang maboost iyong ego niya, and I even help him start up his business, tapos ako iyong maiiwan sa ere ng ganito, dahil lang sa biglang nagbago iyong isip niya.”
Pagak na tawa na lang niya sa kinahinatnan. Unti-unti ng kumakawala ang ilang patak sa kanyang mga mata dahil na rin sa katotohanan na iyon.
“May mga tao talaga na gago at siraulo, pero at the end of the day, wala naman mangyayari if iisipin natin sila. Ayos lang naman na magmukmok ka ng ilang buwan, iiyak mo lang lahat, pero huwag mong hayaan na maapektuhan nila ang buhay mo.”
Malambing at puno ng pag-iintinding sambit na lang ni Armando. Tila ba nanghahatak ang mga titig nito sa kanya ng mga sandaling iyon.
“How can I not think about it if they’ve ruined my life?”
Bulyaw niya na lang dahil sa kakaibang inis na nadarama, dulot na rin ng mga masasamang alaala ng lahat ng pagtitiis na ginawa niya noon.
“Kung ganoon anong gusto mo mangyari?”
Pagtataas na lang nito ng kilay sa kanya dahil na rin sa pagkabatid ng mga nanlilisik niyang mga mata.
“I want them to pay.”
Tila padurang sambi niya habang nagkukuyom ng palad.
“At paano mo iyon gagawin? Ipapapatay mo sila?”
Makahulugang tanong nito.
Tila nasamid siya sa mga binitiwan nito, kahit naman na matindi ang galit niya sa dating asawa at kalaguyo nito, hindi niya masisikmura ang naturang suhestyon. Alam niyang hindi kakayanin ng kanyang konsensya ang bagay na iyon, lalo pa at alam niyang dadalhin niya iyon habang buhay.
“No, of course not! I just want them to feel how I feel.”
Bara niya na lamang sa lalake pakakakagat ng labi. Naroon kasi ang makahulugan nitong titig na tila ba tinatantsa siya ng mga sandaling iyon.
“Mahirap iyan, mas lalo ka lang mababaon sa galit.”
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Armando, kasabay ng pagkakamot nito sa batok habang pinipigilan ang tawa.
Akmang magsasalita pa sana siya nang bigla na lamang tumunog ang kanyang telepono, napakunot na lamang siya ng noon nang makitang and kaibigan ang tumatawag.
Agad na lang niyang sinagot ito pakasenyas ng pasintabi sa lalake, pero ganoon na lamang ang mas lalong pagkusot ng kanyang mukha nang madinig ang tila naghihingalong boses nito.
“Hello, Leora what’s wrong?”
Malakas niyang sambit, subalit bigla na lamang naputol ang koneksyon sa kabilang linya. Sinubukan niya ito muling tawagan ngunit tanging ang busy tone na lamang ang sumasagot sa kanya.
“May problema ba?”
Kunot noong tanong na lamang ni Armando nang mabatid ang biglaan niyang pagkablisa.
“Yeah, I think my friend is in trouble.”
Tango na lamang niya dahil sa kakaibang kabog sa kanyang dibdib ng mga sandaling iyon. Base sa kanyang narinig, tila ba sinasakal ang kanyang kaibigan dahil sa kakapusan ng hininga.
“Sigurado mo?”
Napasabay na ng tayo ang lalake sa kanya. Dali-dali na lang siyang nagtungo pabalik sa nasabing mansyon, hindi na siya nag-atubili pang suotin ang kanyang heels dahil sa pagnanais na makabalik at hanapin ang kaibigan.
“May mga CCTV ba sila rito?”
Bulalasa na lang niya dahil sa matinding nerbyos dahil walang hanggang ng mga sandaling iyon ay hindi niya pa rin matawagan ang kaibigan.
“Oo, pero mahigpit sila sa pagpapakita noon.”
Pagpapaalam na lamang ng lalake sa kanya.
Tila para na lamang umikot ang kanyang paningin nang maalala ang patakaran sa naturang lugar. At sa lagay nga naman niya, impossibleng pagbigyan siya sa nais.
“Can you help me?”
Iyon na lamang ang tanging naisip niya ng mga sandaling iyon, lalo pa at mukhang mayroon naman kakilala ang kasama sa naturang establisyemento.
“Sumunod ka sa akin.”
Tanging sambit nito bago nauna sa paglalakad. Dali-dali na lamang siyang sumunod sa lalake. Nagtuloy-tuloy sila sa basement kung saan tahimik at walang katao-tao ang pasilyo. Tumigil sila sa isang pulang pinto, at doon ay sinenyasan siya na maghintay.
Walang atubili na lang siyang tumango, taimtim na nanatili sa kinalalagyan habang pumasok naman si armando sa loob. Ilang saglit lang ay lumabas na rin ito.
“Ito ba iyong kaibigan mo?”
Tanong ng lalake habang ini-aangat ang telepono sa kanya. Kuha iyon mula sa bar kanina bago sila maghiwalay. Kitang-kita pa ang malapad at masayang ngiti ng kaibigan niya na nakataas pa ng kamay.
“Yes, that’s her.”
Walang atubiling sagot na lang niya.
“Sige, alam ko na kung nasaan siya.”
Tula kanina ay mabilis silang kumilos, mula sa isang gilit ng pasilyo ay bigla na lang silang lumiko, ganoon na lamang ang pagkamangha niya nang makita ang isang elevator na nakabukas roon.
Dali-dali silang nagtungo rito at wala naman naging paninita ang taong nakaupo at nagmamani-obra ng naturang bagay.
“Second floor please.”
Utos ni Armando na siya naman sinunod nito. Wala pang ilang minuto ay nakarating na sila sa naturang palapag. Naroon ang bilis nilang sa paglalakad nang makalabas, kaya naman halos hinihingal na siya nang mahinto sila sa harapan ng isang pinto.
“Sigurado ka bang may masamang nangyayari sa kaibigan mo?”
Kunot noong turan na lang nito, tila ba nagdadalawang isip sa naging sumbong niya.
“Yes! Hindi naman siya tatawag kung nagkataon.”
Naroon kasi ang katotohanan na hindi naman ito basta-basta nagbababa ng tawag, lalo pa at silang dalawa lamang ang magkasama.
“Dito siya huling nakita sa camera.”
Turo ng lalake sa pintuan na naroon.
Napasalubong na lamang siya ng kilay nang mabatid ang malaking hugis pulang puso na nakadikit sa gitna nito. Pero hindi na niya iyon pinansin pa, lalo’t hindi mawala ang kanyang pag-aalal sa kaibigan.
“Then what are we waiting for.”
Agad niyang pihit sa siradura noon. Walang atubili sa pagtulak pabukas ng nasabing bagay, dahil na rin sa pangamba na mahuli sila dahil sa pagmumuni.
“Mariella sandali!”
Tarantang sambulat ni Armando sabay hablot sa kanyang baywang bago pa man siya maka-aapak papasok rito.
Hindi na rin niya nagawa pang makapalag dahil sa tila pagtakas ng kanyang dugo nang tuluyan ng bumukas ang naturang pinto.
Mula sa kinalalagyan nila ay kitang-kita nila si Leora, hubo’t hubad na nakahiga sa gitna ng kama at pinagtutulungan ng mga binatilyong kasayaw nito kanina.
Dalawa ang walang habas na bumabayo sa magkabilang butas nito, habang ang ilan naman ay naka-antabay na nakapalibot malapit sa ulo ng kanyang kaibigan, habang nakatutok ang mga tigas na tigas na mga pagkalalake na siyang pinagsasalit-salitan isubo nito.
Walang bakas ng kahit anong pangamba sa mukha ng kaibigan niya, bagkos ay ngising-ngisi pa ito habang walang habas na pinagsasaluhan ng mga mga nasabing binata.
Halos nanlaki ang kanyang mga mata, kasabay ng matinding pag-iinit ng kanyang pisngi. Tila ba bigla na lamang siya nakaramdam ng matinding pagkatuyo ng lalamunan ng dahil sa nasasaksihan, idagdag pa ang mainit na katawan na nakaakap sa kanya ng mga sandaling iyon.