Chapter 14

1801 Words
“You can’t do this! Where will I stay?” Hindi mapigilan ni Mariella ang pagtataas ng boses habang hawak-hawak ni Leora. Naroon kasi ang pagpupumilit niya na sugurin ang mga naroon. Nanlalambot at nanliliit dahil wala siyang magawa kung hindi ang panoorin na ikandado ng mga tagabanko ang kanyang tirahan. “Mam, tapos na po iyong palugit sa inyo ng banko. Wala na ho kaming magagawa.” Walang ganang sagot ng isang lalakeng nakasalamin sa kanya. Napaparolyo na lamang ito ng mga mata habang nag-iiwas ng tingin. “This is stupid! Makakabayad ako if hindi niyo frineeze iyong mga accounts ko.” Bulyaw ni Mariella sa mga naroon. Pero tulad kanina ay tila walang narinig ang mga ito at nagpatuloy lamang sa ginagawa. Ganoon na lamang ang kanyang panggagalaiti, naiinis sa katotohanan na hindi naman dapat mangyayari ang lahat ng iyon kung nagagalaw niya ang perang nakatago sa banko. “Pasensya na po mam, pero wala po kaming control doon, lalo na at may mga kaso pa pong kinakaharap ang asawa niyo ngayon.” Buntong hininga ng naturang lalake bago ayusin ang suot nitong salamin. Mabilis nagpintig ang kanyang tenga dahil sa narinig, kaya naman ganoon na lamang ang lalong panlilisik ng kanyang mga mata at pagtaas ng dugo. “He’s my ex-husband!” Ngitngit na singhal niya rito. Napalinga na lamang ang lalake ng ulo sa kanya. “Hindi na po namin problema iyon, mam.” Kibit balikat nito bago sumenyas sa mga kasama na bilisan na ang ginagawa. Kuyom na kuyom na ang kanyang mga kamao ng mga oras na iyon, nangangati na patamin iyon sa mukha ng kaharap. Mabuti na lamang at nananatiling nakahawak sa kanya ang kaibigan ng mga oras na iyon, kung hindi ay kanina niya pa nasapak ang naturang lalake. “Mariella, tama na, Lalo mo lang pinapalala iyong problema.” Hatak na sa kanya ni Leora nang mabatid nito ang nais niyang gawain. Naroon na kasi ang panginginig ng kanyang mga kamay, kasabay ng paglitaw ng ugat sa kanyang sintido ng mga oras na iyon. “This is unfair!” Pagpapadyak niya na lamang ng paa dahil sa pagkairita. Hindi niya pa rin matanggap ang mga nangyayari ng mga oras na iyon, lalo pa at wala naman siyang kasalanan sa mga nangyayari. Mas lalong nadagdagan ang poot na kanyang nadarama [para kayArthur ng mga oras na iyon dahil sa mga kamalasan at problemang kinakaharap. “Hayaan mo na. Kinontak ko na iyong kaibigan ko na attorney, hintayin na lang natin iyong advice niya.” Yakag ni Leora. Minabuti na nitong hatakin siya palayo roon, kasabay ng pagkuha sa ilang mga bagahe na naroon upang makakilos na sila. Bandang huli ay wala ng nagawa si Mariella kung hindi ang sumama na sa kaibigan. Hulid na rin naman ang lahat dahil natapos na ng mga taga banko ang ginagawa. Naroon din ang katotohanan na nagsimula ng magsilabas ang ilan sa kanyang mga kapitbahay, sumisilip upang makiusyoso sa mga nangyayari. Tuluyan na siyang napaiyak nang makasakay sa kotse ng kaibigan, tuluyan na siyang bumigay dahil sa sakit at sikip na nadarama sa kanyang dibdib. Sa ilang oras rin nilang byahe ay wala siyang ginawa kung hindi ang humagulgol. Pilit na inilalabas ang lahat ng sama ng loob upang kahit papaano ay pagaanin ang nadarama. Hinayaan naman siya ng kaibigan, nananatili lamang ang panaka-nakang pag-aalo sa kanya at pagpapatahan kapag may pagkakataon dahil nagmamaneho ito. Bahagya na siyang nakahupa nang dumating sila sa tinitirhan ni Leora. Tumigil sila sa isang sikat na apartment complex na mayroon ilang palapag, namumukod tangi ito sa ibang mga naroon dahil sa ganda ng disenyo at taas kumpara sa mga katabing gusali. Pagpasok na pagpasok pa lamang nila ay sinalubong na sila ng ilan sa mga guwardiya dahil na rin sa ilang mga bagahe nila, kasabay noon ang pagbati ng ilan sa mga receptionist nang sila ay makalapit. Mabuti na lamang at tila malapit at kilala ang kanyang kaibigan sa mga empleyado roon, dahil halos wala siyang naging problema sa pagpasok doon. Dahil sa dami ng mga dala ay kinailangan niyang iwan ang ilan sa mga gamit sa unang palapag upang hindi makaabala sa ibang mga kasabay sa elevator. Mabigat at mabagal ang bawat apak ni Mariella habang papasok ng pinto sa naturang unit ng kanyang kaibigan. Hindi niya napigilan ang mapahigpit ng kapit sa hawak na trolley, dahil sa naroon pa rin ang panakanakang panghihina kapag sumasagi sa kanyang isipan ang katotohanan ng kalagayan ngayon. “Pasensya ka na sa kalat. I haven’t had time to call the cleaning service, alam mo naman, busy.” Turan ni Leora pakasabit ng bag sa tabi ng pintuan. Nagkalat ang ilang mga damit, pinagkainan tulad ng lata ng softdrinks, chichirya, at ilang mga baso sa coffee table nito. Maliban doon ay halos gulo-gulo rin ang ilan sa mga kagamitan nito. “Sorry about this Leora, I promise I’ll move out once makahanap ako ng malilipatan.” Paulit-ulit na pagyuko na lang niya nang mabatid ang liit ng naturang lugar. Iisa lamang kasi ang kuwarto roon, maliban pa sa katoohanan na makakasikip ang kanyang mga dalang gamit sa tinitirhan nito.. “Oh, don’t worry about it. Namiss ko na rin naman magkaroon ng kasama.” Natatawang paypay na lang ni Leora. Nagtutuloy-tuloy na ito sa pagpasok sa loob habang tinatanggal ang mga damit. Sumunod na lamang siya rito pakasarado ng pinto. Minarapat niyang bahagyang ayusin ang ilan sa mga kalat roon upang may mapaglagyan ng dala. “I swear, if I ever see that ex-husband of mine, makakatikim talaga siya sa akin.” Napatiim bagang na lamang siya habang isinisiksik ang trolley bag sa tabi ng kusina. Inis na inis dahil sa pagkakalaglag mula sa marangya niyang buhay. “Didn’t you even notice iyong mga pinaggagagawa niya?” Naparolyo na lamang si Leora ng mata habang kumukuha ng ilang inumin sa mini ref nito. “I was too naive to care.” Isang malalim na buntong hininga ang kanyang ginawa nang maalala nanaman ang kawalan niya ng pake noon mga panahon kasal pa dahil na rin sa sobrang pagtitiwala sa asawa. Hindi niya tuloy maialis ang matinding inis sa sarili ng mga sandaling iyon dahil na rin sa mga kinasadlakan. “Any news of his whereabouts?” Isang makahulugan na tingin ang ibinato sa kanya ni Leora bago lagukin ang hawak na lata. “Hay naku, ang gago, nawalang parang bula.” Napagitgit na lang siya ng ipin nang maalala ang biglaan paglalaho ng naturang lalake matapos lamang ang ilan buwan ng kanilang paghihiwalay. Ang malala pa noon ay nag-iwan ito ng napakalaking utang, at dahil sa komplikasyon ng kanilang paghihiwalay ay nadamay pa tuloy siya sa kabulastugan nito. “What did you expect.” Buntong hininga na lang ni Leora matapos lagukin ang inumin. Agad na lang nitong iwinasiwas ang kamay para sabihin na kalimutan na iyon, pagkatapos ay mayroon itong kinuhang itim na sobre sa side table ng kinauupuan nito. “Anyway, I have this private party coming up this weekend, you should come with me.” Magiliw nitong iwinasiwas ang naturang bagay sa kanya. Mabilis ang naging pagkunot ng noo ni Mariella nang mabatid ang pamilyar na disenyong nakamarka sa naturang bagay. “Leora, I told you diba, I’m done with that partying stuff.” Napalinga na lang siya ng ulo nang maalala kung saan lugar niya iyon nakita, kaya agaran na lang niya ipinagkibit balikat iyon. Maliban kasi sa hindi niya na makita ang punto ng pagpunta sa ganoon uri ng pagsasalo, sariwa pa rin ang sugat at sama ng loob na naidulot ng nasabing lugar sa kanya. “Sister, don’t worry. This is a different kind of party.” Buong lapad na ngisi ni Leora habang ibinabalandra ang naturang sobre na tila isa itong mamahaling premyo. “No thank you. I think I’ve already had my fill.” Agad niyang angat ng kamay para sabihin na hindi na lang. Napanguso naman si Leora sabay simangot sa naging sagot, pero nanatili pa rin doon ang kung anong pagpupungay sa mga mata na tila nangungusap. “Iba itong party na ito. Maraming kilalang negosyante ang pupunta dito. Malay mo, ito na iyong maging tsansa mo para makabawi ka.” Puno ng buhay, kompyansa, at pang eenganyo ang boses ni Leora. Tumayo pa ito na napapayakap na lang sa sarili habang iniisip na makakasalamuha ang mga nasabing bisita. “There won’t be any s****l stuff?” Taas na lang ni Mariella ng kilay sabay halukipkip, bago batuhin ng isang makahulugan ngisi ang kaibigan. Natigilan naman si Leora sa narinig sabay napakuso ng mukha. Isang buntong hininga ang pinakawalan nito bago bumalik sa pagkakaupo. “Sis, come on. I think that’s already obvious.” Rolyo na lang nito ng mata sa kanya. Doon na siya napahilot sa sintido. Hindi niya maintindihan kung anong mundo ba ang ginagalawan ng kaibigan. Sa ilang linggo kasi na pagsama niya rito ay masasabi niyang hindi normal at kakaiba talaga ang prinsipyo at paniniwala nito. “Then pass ako.” Walang patumpiktumpik ang naging sagot niya, kung tutuusin ay sinubukan niya lang naman sumama rito sa kagustuhan sana na makalimot at makaganti sa dating asawa. Iyon nga lang, tila mas lalo lamang siyang napanghinaan ng loob at kompyansa dahil na rin sa sariling pagkakamali at nawalang pagkakataon. “You don’t know what your missing.” Pahabol na saad ni Leora nang makita na siyang papalabas. “I’m going to get my other stuff.” Ngiting kaway niya na lang sa kaibigan bago magtuloy-tuloy papunta sa pintuan. Sigurado niya kasi na kukulitin lang siya nito kapag hindi pa siya umalis. Maliban doon ay marami pa siyang gamit na naiwan sa ikaunang palapag ng naturang gusali. Bahagyang nanumbalik ang kanyang kalungkutan nang muli ng mapag-isa, hindi rin nakatulong ang kakaibang katahimikan ng pasilyo noon lumabas siya. Hindi niya talaga gusto ang ganoon mga lugar, dahil pakiramdam niya ay nasa isa siyang hawla. Yakap-yakap ang sarili, nagmadali na siya sa paglalakad patungo sa elevator. Mabilis ang bawat apak niya, pero kahit na ganoon ay hindi nakatakas sa kanyang paningin ang isang pamilyar na pigura na ilang dipa ang layo sa kanya. Ganoon na lang ang pagkukunot ng kanyang noo at pagsasalubong ng kilay, dahil hindi niya sigurado kung namamalikmata ba siya o totoo ang nakikita. Ilang saglit rin ang kanyang kinailangan upang makalapit at masiguro iyon. At nang mapagtanto niyang hindi nga siya nagkakamali ay mabilis ang naging pagkulo ng kanyang dugo kasabay ng panginginig ng kanyang mga kalamnan dahil sa galit. Ilang metro lamang mula sa kanyang kinatatayuan ay ang dati niyang asawa. Kalalabas lamang nito sa isa sa mga unit doon, tumatawa pa ito habang napapakamot at naglalakad paatras. Mas lalo lamang naglagablab ang kanyang nadarama niya nang makita ang dalagang kalaguyo nito na masayang humahagikgik habang palaro itong pinapalo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD