Chapter 15

1119 Words
“Arthur Paco!” Gasgas lalamunan na sigaw niya nang sa wakas ay mahanap niya na ang kanyang boses. Tila nagkaroon ng sariling isip ang kanyang mga paa dahil ganoon na lamang ang bilis ng pagkilos ng mga ito papalapit sa naturang lalake. Nanlalaking matang napanganga na lang ito nang mapabaling kay Mariella. Mabilis naman na nagsarado ng pinto ang babaeng nasa unit, kaya napakaripas na ng takbo paalis si Arthur. “Hey, bumalik ka rito! You freaking asshole!” Mabilis na tinanggal ni Mariella ang suot na heels upang ibato. Nagpa-ikot-ikot pa ang naturang bagay na wari mo ay sandata, subalit maliksing naiwasan pa rin iyon ni Arthur. “Putang ina naman, Mariella! Tigilan mo na ako.” Angil ng lalake bago pumasok sa malapit na fire exit. Walang pag-aatubiling hinabol pa rin ito ni Mariella, hindi alintana ang pananakit ng mga paa dahil sa matinding galit na nagbibigay lakas sa kanya. Ilang palagpag rin ang binaba nila bago matigil, dahil nahimasmasan na si Arthus sa pagkabigla nito kanina. Sinalubong na siya nito sabay salo sa kanyang kamay nang subukan niyang ambahin ng palo ang mukha nito. “How dare you, matapos mong itakas ang pera ko!” Ngitngit ni Mariella. Pilit siyang kumakawala sa pagkakawahak nito upang kahit papaano ay mabigyan ng isang suntok ang dating asawa. Subalit dahil mas malakas ito ay wala siyang magawa kung hindi ang makipagbuno rito. Doon na nagpintig ang sintido ni Arthur, hinatak na siya nito upang magkaharap sila, nanlilisik ang mga mata habang tiim bagang siyang pinapakatitigan. “Wala ka ng makukuha sa akin, ubos na!” Bulyaw nito. Bahagyang nagulantang si Mariella, subalit hindi siya natinag dahil mas nangingibabaw ang kanyang matinding poot para rito. Sinabayan niya ito sa pamamagitan ng mas lalong paglapit ng mukha. Nauwi sila sa pagsusukatan ng matalim na tingin, walang nagpapatalo kahit halos magdikit na ang kanilang mukha. “Then you better give yourself up to the police, or else I will drag you there myself!” Sa pagkakataon na iyon ay nagawa na rin itong hawakan ni Mariella. Halata naman ang panlalaki ng mata ni Arthur dahil sa narinig. Mabilis ang pamumutla nito at pamamawis habang napatulala ng ilang sandali. Kinuha ni Mariella ang pagkakataon na iyon upang pakawalan ang sarili, nang tuluyan na siyang makapiglas ay agad niyang inambahan muli ang lalake. Kakaibang tuwa ang bumalot sa kanya nang madama ang paglapat ng kanyang palad sa mukha nito, kahit pa naroon ang bahagyang kirot at pamamanhid noon. Nadagdagan pa ang kanyang saya nang makita ang pagtagas ng dugo sa pisngi nito. Sa isip-isip niya, kahit papaano ay nakabawi siya ng kaunti sa mga ginawa nito sa kanya. Ngunit alam niyang hindi pa iyon sapat sa lahat ng sakit, hirap, at pinsala nito sa kanyang buhay. Akmang iisa pa sana siya ng sampal dito, subalit nagawa nito muling mahuli ang kanyang palapulsuhan upang pigilan iyon. “Putang ina, Mariella!” Dagundong ng boses ni Arthur. Mabilis ang naging pag-iiba ng ekspresyon ng lalake, mula sa pamumutla at nanlalaking mga mata ay agaran iyon napalitan ng pulang-pulang mukha at matatalim at nanlilisik na titig. Marahas ang naging pang-aalog ng lalake sa kanya, kaya naman natigilan siya dahil sa gulat. “Aray ko, ano ba!” Daing niya dahil sa biglaan pagbaon ng kuko nito sa kanyang balat. Sa pagkakataon na iyon ay hindi na niya magawang makawala pa sa pagkakahawak nito, lalo pa at dama niya ang matinding kirot sa bawat pagkakataon na susubukan niyang pumalag. “Oh, nasaan na ang tapang mo!” Gigil na ngisi ni Arthur nang hindi makapalag si Mariella. “It’s here! Why, you think I’m scared of you?” Padura niyang balik sa lalake. Naroon man ang kabog sa kanyang dibdib, pero hindi siya nagpatinag. Buong tapang niya itong hinarap upang makipagsukatan ng tingin, kahit pa mag-isa lamang siya. Nanatili siyang matatag ng mga oras na iyon, hindi umaatras kahit halos magkadikit na ang kanilang mukha. Nababalot man siya ng kaba pero nangingibabaw pa rin ang poot niya rito na siyang nagbibigay sa kanya ngayon ng lakas ng loob. “Talagang sinusubukan mo ako.” Singhal ni Arthur na tila nababaliw na. Mabilis nabura ang tapang ni Mariella nang ilipat na nito ang pagkakahawak sa kanyang balikat. Hindi niya na napigilan ang mapatili nang umangat sa sahig ang kanyang mga paa, kasabay ng mabilis na pag-iikot nito. Dahil nasa fire exit ay walang ni isang tao roon at sigurado niyang walang nakarinig sa kanya, kahit pa ubod ng lakas na ang kanyang sigaw. Idagdag pa roon na nasa itaas na palapag pa sila ng naturang condominium complex, kung kaya impossible rin na mapansin sila ng mga guwardiya sa ibaba. Ilang sandali rin ang kinailangan niya bago makahupa. Pabalik-balik kasi ang tingin niya sa mataas na hagdan sa kanyang likuran at sa dating asawa na tila nanunuya na ang mukha. “Do it! You think masisindak mo ako.” Pinandilatan niya ito ng mata sa panunumbalik ng kanyang galit. Wala na rin naman mawawala sa kanya kung ilaglag siya nito mula roon, lalo pa sa kasalukuyan na lagay ng kanyang buhay. Tila natigilan naman si Arthur, tumuwid ang mukha nito at napalunok ng malalim habang pinapakatitigan siya. Ngunit wala pang ilang segundo ay nanumbalik ang pagkakunot ng noo nito at ang pandidilim ng mga titig sa kanya. Isang malalim na hinga ang ginawa niya upang ihanda ang sarili. Kahit na ganoon ay hindi niya tinanggal ang matatalim na tingin sa lalake. Muli nanaman silang nagtagisan dalawa, pero sa pagkakataon na iyon ay mayroon ng bahid ng paghahamon sa isa’t isa. “What the f**k are you doing?” Dagundong ng isang malakas at malalim na boses. Sa sobrang tutok nila sa isa’t-isa ay hindi nila namalayan ang pagbubukas ng pinto sa likuran at pagpasok ng isang estranghero. Sakto naman ang pagbitaw ni Arthur kay Mariella dahil sa gulat. Agaran itong umatras nang magkakawag-kawag siya ng kamay para subukan kumapit dito. Dahil na rin sa biglaan pagkakabagsak ay hindi niya kaagad nagawang maibalanse ang sarili, hindi rin nakatulong na nakasuot siya ng pencil skirt at isang pirasong high-heels ng mga oras na iyon. “Oh my gosh, help me!” Iyon lamang ang tangi niyang tili nang makita ang malaking pigura ng lalake na pumalit sa dating asawa papalapit sa kanya. Ang anyo nito ay bahagyang nagdulot ng ginhawa sa kanya, idagdag pa ang kakaibang pakiramdam at gaan ng kanyang dibdib ng mga oras na iyon habang unti-unting nahuhulog paatras na tila ba lumulutang siya sa alapaap. Doon na niya nagawang pumikit habang niyayakap ang sarili. Tanggap na niya ang kahihinatnan ng mga oras na iyon, panatag sa kaalaman na mayroon saksi sa ginawang pagtutulak sa kanya ng dating asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD