Chapter 2

3881 Words
“Lintik lang ang walang ganti, alalahanin mo iyan!” Hampas ni Mariella sa lamesa na halos bumasag sa hawak niyang baso. Naroon ang matindi niyang panggagalaiti dahil sa hanggang ng mga oras na iyon ay hindi niya pa rin nagagawa ang ninanais. “Seriously Mariella. Is this really worth it?” Kunot noong iniangat na lamang ni Leora ang isang itim na card na may nakatatak na C.U.M at isang espesyal na numero. Iyon ang nagpapatunay na miyembro na siya ng nasabing club. Hindi pa rin kasi ito makapaniwala na magagawa niyang gumastos ng malaking halaga para lamang magkaroon ng kakayahan na palaging makapasok doon. “And what do you want me to do? Ilang araw ng hindi umuuwi ang hinayupak kong asawa.” Singhal na lamang niya sa kaibigan dulot ng inis sa katotohanan na iyon. Matapos ng away nila ay hindi na niya nakitang muli ang naturang lalake. At kahit tawagan niya ito sa telepono ay hindi siya nito sinasagot. “And sa tingin mo mahahanap mo siya rito?” Naparolyo na lamang ng mata si Leora habang iwinawasiwas ang kamay sa naturang lugar. Kasalukuyan kasi sila ngayon nakatambay sa unang palapag ng Cupids Underground Mansion, ang lugar kung saan nagsimula ang lahat ng kanyang problema. Iyon nga lang, hanggang ng mga oras na iyon ay wala pa rin silang napapala, kahit nakailang ikot na sila sa nasabing lugar ay hindi pa rin nila makita si Arthur. “Where else do you think would they go?” Pagtataas niya na lang ng kilay sa kasama. Nabatid niya kasi ang kakaibang tingin sa mga mata nito, na halatang hindi makatingin ng maayos sa kanya at nananatili lamang na nagpapa-ikot sa buong lugar. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Leora, bago nito pinarolyo ang mata papatingin sa kanya. Hindi nito napigilan ang mapabusangot nang makita na talagang walang alam ang kaibigan. “I don’t know. Maybe they bought a love nest somewhere, considering ibinenta ni Arthur iyong ilang assets niya recently.” Paypay na ng babae ng mga daliri sa kanya habang ipinapaalam ang mga nalalaman. Ganoon na lang tuloy ang panlalaki ng kanyang mga mata, hindi niya lubos akalain na pakiki-alaman ng lalake ang naturang bagay, lalo pa at mayroon siyang hati roon. “Ano? Paano iyon nangyari? Those were my assets too.” Walang pagpipigil na napasinghal si Mariella pakahampas ng kuyom na palad sa lamesa, Naroon na ang walang patid na pagririgudon ng kanyang dugo sa katawan dahil sa matinding galit. Ayaw a tumigil ng panginginig ng kanyang kamay, kaya naman sinunod-sunod niya ang lagok sa mga maliliit na basong nakahain sa harapan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Leora habang pinagmamasdan ang kaibigan. Walang patid nanaman ang pagluha nito, kahit pa naroon ang matatalim na titig ng mata. “Sorry, you know wala akong alam masyado sa ganyan, but I can ask some of my friends.” Napakagat na lamang ito ng labi dahil sa kakaibang lungkot at awa. Ipinagkibit balikat ni Leora ang hapding nadarama ng mga oras na iyon, salamat na rin sa alak at medyo namamanhid na ang kanyang pakiramdam at emosyon. “I’m going to do some rounds again.” Turan niya na lang bago tumayo, naroon ang bahagyang pag-ikot ng kanyang paningin kaya naman napakapit na lang siya sa upuan para panatilihin ang pagkakatayo para hindi mawala sa balanse. “Girl, sigurado mo iyan? Ang dami mo ng nainom.” Kunot noong pansin na lang ng kaibigan habag subok siyang inaabot. Agad na lang niyang hinawi ang kamay ng kaibigan upang makalayo. Sigurado niya kasing pipigilan nanaman siya nito kapag nagkataon. “Look, I’m still walking straight in my heels. I’ll be fine.” Wagayway niya rito habang ipinapakita ang tuwid na paglalakad na taas pa ang noo. “Suit yourself, I’m going to get myself a massage.” Walang ganang saad ng kaibigan paka-rolyo muli ng mata sa kanya. Sa pagkakataon na iyon ay umalis na rin si Leora sa kina-uupuan at nagtungo na papunta sa kabilang parte ng mansion. Iyon ang naging hudyat niya para simulan na muli ang paglilibot sa nasabing lugar. Tulad ng dati ay wala pa rin pinagbago sa mga kaganapan doon. May ilang mga magkakapareha ang naghahalikan sa pasilyo, nagtatalik sa mga bukas na kuwarto. Ang iba naman ay tapos na at nakatambay na lamang sa daanan, nag-uusap at nagtatawanan na hubo pa rin. Nang wala pa rin siyang mahita ay lumabas na muna siya sa may hardin, upang muli niyang tawagan ang asawang si Arthur, at sa pagkakataon na ito ay nagawa na siyang makakonekta rito. “What is it now?” Bulyaw nito kaagad pakasagot na pakasagot. Bahagya siyang nagulat sa lakas at lalim ng tono nito, ilang sandali rin ang kinailangan niya upang mabalik sa wisyo at makuha muli ang tapang. “Ano nanaman ang ginawa mong walang hiya ka?” Agad niyang balik nang makuha ang kanyang boses. Hindi niya nais magpadaig sa pagkabigla dahil sa galit na tono nito. “I’m separating our assets, what else. I’ve sent your share on your bank account already, so you don’t need to worry about it.” Walang ganang saad nito na napabuga pa ng hininga. Doon na tuluyan kumulo ang kanyang dugo, kasabay ng pagpipintig ng kanyang tenga sa narinig. “At sino nagbigay sa iyo ng karapatan para gawin iyan!” Buong lakas na sigaw niya sa lalake dulo’t ng matinding panggagalaiti sa nalaman. Ngayon niya naiintindihan ang ginagawa nito, pero bago pa man siya makapagsalita muli ay pinatayan na siya nito ng tawag. “Hello!” Ngitngit na singhal na lang niya bago nanggigigil na ikinuyom ang palad sa telepono. Sinubukan niya ito muling tawagan ngunit hindi na iyon kumonekta kahit naka-ilang tawag pa siya. Ganoon na lang ang sigaw niya sa sobrang inis, ngunit dahil na rin sa wala na siyang magawa ay nagtuloy-tuloy na lang siya pabalik sa loob ng naturang mansion. Nais niyang muling lunurin ang sarili sa alak upang bahagyang mawala ang sakit na nadarama sa dibdib, lalo pa at nangyayari na ang kanyang kinatatakutan. Subalit hindi pa man siya nakakaabot sa bar ay napilitan na siyang maupo sa isang malapit na mesa dahil na rin sa pag-ikot ng kanynang paningin. “You okay miss?” Puna na lang ng isang lalake. Naroon ang malapad na ngisi nito habang pinagmamasdan ang kasuotan ni Mariella habang nakatayo sa kanyang harapan. Mula kasi roon ay kitang -kita nito ang magandang hubog ng kanyang dibdib sa suot na spaghetti strap. Hindi niya tuloy napigilan ang mapataas ng isang kilay dahil sa kakatuwang titig nito, kaya batid niya kaagad ang nais nito dahil roon. “It’s mrs. and I’m not here to have fun, sorry.” Agad niyang iniangat ang kamay upang ipakita ang darili na mayroon singsing. Mas lalo lamang lumapad ang guhit sa mukha nito na napataas na rin ng isang kilay dahil sa kanyang ginawa. “You’re actually in my table. They don’t come cheap; you know.” Turan ng lalake sabay lipat ng tingin sa lamesa na kanyang kilalagyan. Napasalubong na lamang si Mariella pakabaling sa nasabing kinalalagyan at ganoon na lamang ang pagsapo niya sa mukha nang makita ang nakaayos na mga baso at inumin doon. “Oh, f**k. I’m sorry, I forgot about the rule thing here.” Napabalikwas na lamang tuloy siya sa kilalagyan upang subukan na tumayo, ngunit agad rin siyan hinarangan ng naturang lalake. “Well, you can’t just leave now, can you? since you’re already sitting there, it will not look good for me if you suddenly leave.” Saad nito pakatapon ng isang makahulgan tingin sabay senyas sa ilan pang mga tao na naroon. Bahagya siyang napaayos nang tumungo na sa kabilang upuan ang nasabing binata. Dito niya ito mas napagmasdan dahil na rin sa ilaw na tumata sa lugar na iyon. Sa tantsa niya ay nasa bandang bente singko o mas bata pa ito, umuukit ang ganda ng katawan sa suot nitong blaser at turtleneck. Naroon ang tamang tangos ng ilong ng lalake at matalim kung makatitig kaya naman kakaiba ang dating nito kapat tumitingin, idagdag pa ang kakaibang pag-igting ng panga nito kapag ngumingisi na nagpapalitaw sa umbok sa pisngi nito. “I think it’s going to be bad for your reputation if you’re seen with an older woman, don’t you think.” Saad na lang niya dahil sa makahulugan na ngiti nito, sumandal na siya sa silya, sabay halukipkip bago dumekwatro bago salubungin ng mataray na tingin ang mga mata nito na kanina pa siya pinagmamasdan. Alam niya naman ang pagkakamali at hindi niya nais pang mapahiya kapag dumating na ang mga kasama nito. “Not if she’s as hot as you.” Pinaglaro na lang nito ang kilay sabay kindat bago kumuha ng alak upang salukan ng inumin. Hindi niya napigilan ang mapatawa ng bahagya sa tinuran nito, dahil na rin sa lakas ng loob na magsabi ng ganoon. Pero hindi niya rin naman maipagkaka-ila ang bahagyang tuwa na nadarama dahil sa pagpansin nito sa kanya. “Look, I don’t want any trouble. I think there are a lot of girls wanting to be in my place right now, so why don’t you give them a chance. Baka kasi nakakagulo na ako sa iyo.” Turan na lang niya upang subukan na makaalis. Batid niya kasi ang matatalim na titig ng ilang mga dalaga roon. Napabuga na lang ito sa pagpigil ng tawa dahil sa narinig, sabay baling ng tingin sa ilang mga dumadaan sa kanila. Agad naman naglihis ng tingin ang mga ito na halatang nailang. “If you’re not here to have fun, then bakit nandito ka?” Saad ng lalake bago ilapag ang isang maliit na shot glass sa harap niya. Isang malalim na paglunok na lang ang nagawa niya sabay kagat sa ibabang labi nang madama ang sikip na nadarama nang maalala ang ukol sa problema. Hindi niya tuloy natiis na kunin ang naturang baso upang lagukin, para maibsan ng bahagya ang nadaramang sakit. “I’m looking for my husband.” Tuwid niyang saad pakababa ng baso. Napasipol na lamang ang naturang binata sa kanya na namimilog na ang mga mata. “Woah, swinger couple I see.” Ganoon na lang ang lapad ng ngiti nito na siyang nagpalitaw sa mapuputi nitong ngipin. Halata ang lalong kulit ng mukha ng lalake pakasandal sa kinauupuan. “No, we’re not.” Agad niyang bara bago pa man ito makapagsalita muli. Hindi niya napigilan ang mapataas ng kilay sabay ang pagseseryoso ng mukha dahil sa naiisip nito. “Oh, then why are you both here then?” Napaayos na ng upo ang binata sabay bahagyang umaabante para mas makalapit sa kanya upang makinig. Isang malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan ni Mariella dahil na rin sa katanungan na iyon. Dulo’t na rin ng alak na nainom ay wala na siyang pagpipigil na sagutin ito. “It’s because this is the place where I caught him with his mistress, so I was checking to see if nandito na naman iyong walang hiyang iyon.” Hindi niya napigilan ang magtaas ng boses pakasabi noon, naroon na rin ang bahagya niyang pagkakagaralgal dahil sa nadarama. Doon na tumuwid ng mukha ang kaharap at napatango na lang ito. Muling nagsalok ng inumin sa kanyang baso bago kumuha ng sariling inumin. “So you’re trying to catch him in the act then, is that it?” Saad nito bago lagukin ang hawak na bote ng beer. Naging seryoso na ang tingin nito sa kanya habang umiinom. “That’s the only reason why I’m here.” Agad naman siyang napapunas sa mata nang madama ang bahagya pamamasa noon, kaya naman walang pasabi an siyang kumuha rin ng inumin roon. “Whatever for?” Napakunot na lang ito ng noo, naguguluhan at hindi naniniwala sa kanyang naging sagot. Lalo pa at “Excuse me?” Sinalubungan niya na lang ito ng kilay dahil sa sinabi. Ngunit nanatili lamang na kalmado at seryoso ang mukha ng binata. Tila nga mas naging interesado pa ang hitsura nito dahil doon. “I mean, alam mo na nga na nambababae siya, so why chase him around? Ano iyon, para lalo ka masaktan?” Saad nito sabay angat ng balikat nang hindi makakuha ng sagot. Kinailangan ni Mariella ng ilang sandali upang maproseso ang lahat ng iyon. May katotohanan rin naman kasi ang sinasabi nit. Ilang baso rin ng alak ang kinailangan niyang lagukin bago muling makuha ang lakas ng loob upang magsalita. “No, sila ang sasaktan ko sa oras na makita ko sila!” Ngitngit niya sabay hampas sa lamesa. Naroon na rin ang panlilisik niya ng mata kasabay ng malalim na paghinga habang pinapakatitigan ang kaharap. “Ah, revenge, I see. Pero is it really going to be worth it?” Mahinahon na saad nito nang may nagtatanong na titig sa kanya. Hindi niya tuloy napigilan na mas lalong magsalubong ang kilay rito, kasabay ng paniningkit ng mga mata dahil sa tila panunuya ng tono nito. “You can say that easily because you are not in my place. Kapag nakasal ka na or na-inlove, tapos biglang dumating sa punto na nasira ang bagay na iniingat-ingatan mo, tsaka mo iyan sabihin sa akin.” Duro niya rito. Medyo tinatalaban na si Mariella ng alak ng mga sandaling iyon kaya naman wala na siyang pag-aatubili sa pagsagot sa naturang lalake, idagdag pa na alam niyang mas nakatatanda siya rito. “Then hindi na lang ako magpapakasal kung ganoon.” Kibit balikat na sagot nito sabay ngisi ng nakakaloko sa kanya. Bahagyang kumulo ang dugo niya dahil sa tila nang-aasar na tono nito, ngunit pansin niya rin na nagiging maloko lamang ang kausap. “So hindi ka rin ma-i-inlove?” Bara niya sa lalake na nakataas na ang isang kilay. “I’m already at this age and luckily I haven’t fallen that hard for anyone.” Lalo lamang lumapad ang ngisi ng lalake kaya naman lumitaw nanaman ang mga namimilog na umbok nito sa pisngi. Naparolyo na lamang siya ng mata dito, alam niya naman na impossible ang bagay na iyon, ngunit mukhang tinutuya lamang siya ng kausap. “Lalake ka kasi, so you can never understand the pain that we go through. Kung alam mo lang iyon sakripisyo at hirap na pinagdaanan ko mapanatili lang na maayos iyong relasyon ko then you would never say that!” Duro niya dito sabay kuha ng isang bote sabay bukas at walang pagpipigil na ininom ang laman noon. “Whoa, let’s not generalize here. Cause if that is the case then it’s like saying, all men are in it for s*x, while women are in it for the money.” Agad nitong sambit habang nilalaro ang ilang patak ng tubig upang iguhit ang ang mga sinasabi sa may lamesa. “Totoo naman ah! Puro s*x lang ang nasa isip niyong mga lalake.” Bulyaw niya na may mapait na ngiti sa binata. “Then you’re saying na all women are gold digger?” Bara naman nito kaagad sa kanya. “Hell no, for your information I have my own money bago kami nagpakasal.” Agad niyang balik. Hindi niya maatim na sabihan siya ng ganoon, lalo pa at nanatili siya sa tabi ng asawa mula sa hirap nito hanggang sa makaangat sa buhay. Siya pa nga ang halos tumulong upang mapalogo nito ang negosyo kung kaya’t naiirita siya na marinig iyon. “That’s why I told you that you shouldn’t generalize people.” Turan na lang nito habang pinaglalaro ang daliri habang pinapangaralan siya. Lalo lamang tuloy kumusot ang kanyang mukha dahil sa pagka-inis dahil sa tila ba mas nagmamarunong pa ito sa kanya ng mga oras na iyon. “Bakit, don’t tell me nandito ka para lang makipagkwentuhan?” Agad na lang niyang puna. Alam niya naman kasi kung para saan ang lugar na iyon at nais niyang ipunto ang nais sabihin. “There are a lot of activities in this club besides s*x you know. Proof of that is you hunting for your husband.” Agad na balik nito sa kanya. Napaawang na lamang siya ng labi dahil sa bigla nitong ipinunto, mukhang nadedehado na siya kaya naman agad niya na itong inirapan. Ganoon na lang tuloy ang tawa ng lalake kay Mariella dahil sa pagkaaliw. Ilang sandali rin silang hindi nag-imikan dahil hindi ito magawang tingnan ng ginang habang abala sa pag-inom. “You men are all the same! Once you find someone younger you easily discard years of relationship.” Singhal na lang niya dahil sa unti-unti sikip ng dibdib na nadarama nang manumbalik nanaman ang ilang alaala sa kanya. Marahil epekto iyon ng dami ng nainom kaya naman hindi niya magawang pahintuin ang bunganga at isipan. “Same with women, once you find someone richer you leave us behind.” Balik naman ng binata na halatang ayaw pa rin magpatalo. “Akala ko ba hindi ka pa na-i-inlove?” sita niya rito na nanlilisik ang mga mata sa inis. Muli na lang tuloy napahalakhak ang lalake sa kanyang hitsura kaya muntik na nitong mabuga ang iniinom. “I didn’t say that, I only said I haven’t fallen that hard to the point na maghahabol ako.” Agad nitong sagot habang nagpupunas ng bibig. “Saan ba ako nagkulang? I did everything that was wanted of me. I cook, I clean, and I give the s*x that he wants almost everyday!” Walang pigil na ang kanyang paghikbi habang sinasabi iyon. Doon na umayos ang kausap nang makitang nagsisimula ng tumulo ang ilang butil ng luha sa kanyang mga mata. “Sometimes it’s not about you, it could be them.” Malumanay na saad na lang nito sabay napabuntong hininga. “I’ve heard that excuse so many times. That kind of reverse psychology bullshit is overrated na.” Iyon naman kasi ang totoo, tipong sasabihin nila iyon para lamang baliktarin ang sitwasyon. “But do you really understand the context of it?” Naroon ang tila nangheheleng tono nito habang sinasabi iyon. Ilang saglit rin ang kinailangan niya para pahupain ang walang patid na pagsinok dahil sa pagpipigil ng iyak, mabuti na lang at marami pang bote ng alak roon kaya naman tinungga niya muli ang isa rito upang pakalmahin ang sarili. “Why? May iba pa bang context iyan?” Nanghahamon na tanong niya rito. “Yeah, its the polite way of saying that you are not enough for me, or would you rather they tell to your face na hindi nila mahanap iyong isang bagay na gusto nila sa iyo.” Turan na lang nito. Doon na siya tuluyan napahagulgol. Hindi niya na napigilan ang mapaiyak dahil sa katotohanan na sadyang mayroon nga naman siyang hindi kayang maibigay sa asawa. Ganoon na lang ang pagbuntong hininga ng lalake, agad na lang itong umalis sa kina-uupuan upang tumabi sa kanya. Marahan siya nitong inakbayan upang ihele at patahanin, kaya naman kahit papaano ay maibsan ang nadama niyang agam-agam. Pumwesto ito sa kanyang gilid upang hindi siya takpan siya at itago sa mga matang kanina pa tumitingin sa kanila. Umabot rin ng halos isang oras ang pagkakaganoon niya bago siya tuluyan makahupa. Nang medyo mahimasmasan ay agad siyang binigyan ng malamig na tubig ng kasama, upang tuluyan na siyang makahupa sa paghikbi. “Sorry about that.” Malambing na saad na lang nito habang hinahaplos ang kanyang likod. “It’s okay. I just needed to get that out.” Saad na lang niya dahil kahit papaano naman ay napagaan noon ang kanyang loob. Hindi niya nga lang lubos maisip na sa ibang tao pa ang sasampal sa kanya ng katotohanan na iyon. “You know, as Alexander Graham Bell once said, when one door closes, another opens; but we often look so long and so regretfully upon the closed door that we do not see the one which has opened for us. So maybe it’s about time na you move to that other door rather than looking back at the closed one.” Magiliw na sambit nito na mayroon ng matamis na ngiti. Ganoon na lamang ang pagatawa niya dahil sa binitiwan nitong mga kataga, nagtutunog mas matanda kasi ito sa kanya kahit siya naman talaga ang mas may edad sa kanila. “It’s hard to move on if you haven’t even manage to at least slam that freaking door.” Nanginginig na napalamukos na lang siya sa hawak na napkin nang madama nanaman ang matinding inis at galit ng mga oras na iyon. “Ah yes. Hell hath no fury like a woman scorned. Pero you know, they say the best revenge is showing them that your a lot better without them, I think you should consider that one.” Turan na lang nito muli na halos napapatawa na lamang sa inaasal niya. Hindi niya tuloy napigilan ang mapahagikgik na lang rin, dahil na rin sa kakaibang gaan ng loob matapos noon. “Thanks, I’ll think about that.” Tango na lang niya sa lalake. Ang inis at matinding sama ng galit na naipon ng ilang araw sa kanya ay tila ba parang naupos ng mga oras na iyon. Maliban pa doon ay na-iintindihan niya ang nais nitong sabihin kaya naman napa-isip na lamang siya ukol sa bagay na iyon. Napatigil lamang siya sa pagmumuni nang madama ang panginginig ng kanyang telepono. Tumatawag na si Leora sa kanya at doon niya lang namalayan kung anong oras na. “I need to go, my friends probably waiting outside na.” Pagpapaalam na lang niya sa binata. Wala naman itong naging problema at tumayo na upang padaanin siya. “It’s no problem.” Magiliw na sambit nito na napapatawa na lang rin habang nagmamadali siya sa pagkilos. “I didn’t get your name.” Agad na lang niyang balik, napagtanto niyang halos naikwento niya na ang lahat dito pero hindi niya man lang nakuha ang pangalan ng lalake. “My friends call me Arny.” Isang matamis na ngiti ang namutawi rito na halos magpasara na sa mapupungay nitong mga mata. “Mariella.” Iniabot na lang niya ang kamay rito na siya naman kinuha nito ng walang pagdadalawang-isip. “Maybe I’ll see you some other time?” Pasintabi na lamang nito nang magbitiw na ang kanilang mga kamay. May tila kung anong kinang ang naroon sa mga mata nito habang sinasabi iyon. Ngiting napakibit na lamang siya ng balikat, kung sa ibang lugar siguro ay ayos lang, huwag lang sa lugar na iyon. “Who knows? Thanks again, it was really nice having someone to talk to and just listen.” Iyon lamang ang nasabi niya dahil na rin sa nasayang niyang oras nito, nais niya man sana na bumawi sa lalake ay batid niyang baka iba ang nasa-isip nito dahil sa kinalalagyan nila, kaya naman minarapat na lang niyang tapusin iyon doon. “It was my pleasure.” Magiliw na sagot na lang ni Arny na napasaludo pa sa kanya. Kahit nakakahiya ay walang atubili na siyang umalis pakatapos noon. Nagpapasalamat dahil nakatagpo siya ng isang maginoong tulad nito. May kaunting galak na siya sa dibdib sa kaunting ginhawa na nadama mula sa aksidenteng enkwentro, kaya naman naroon na ang panibagong lakas ng loob sa kanya para harapin ang kung ano man pinaghahandaan ng kanyang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD