Ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin magawang matigil ni Mariella ang panginginig dahil sa magkahalong galit at takot.
Tulala na lang siyang nakayakap sa sarili, habang nakaupo sa pinakababang palapag ng hagdanan.
Hindi niya lubos akalain na magagawa ni Arthur ang bagay na iyon sa kanya, kaya naman nanggagalaiti pa rin siya ng mga oras na iyon.
“You okay?”
Marahan siyang niyakap ng lalake upang aluhin.
“Yes, thank you so much kanina, Arny. Kung hindi ka dumating baka napano na ako.”
Sa kabutihang palad ay mabilis siyang nasalo ng binata bago pa man siya tuluyan mahulog. Iyon nga lang, dahil sa pagkabigla at takot ay nawala na sa isip nila si Arthur, kung kaya nakatakas ito.
“Can you walk?”
Maingat inalalayan ni Arny si Mariell upang makatayo, naroon pa rin kasi ang walang patid na panginginig ng mga tuhod nito.
“Yes.”
Kahit naroon ang panghihina ay wala naman problema si Mariella sa kanyang mga paa.
“Then mas mabuti if we move someplace else to calm you down.”
Turan nito bago siya yakagin.
“Okay.”
Iyon na lang ang nasabi ni Mariella.
“Was that your ex?”
Nanatili pa rin na nakaalalay si Arni sa mga balikat niya, buong pag-iingat ang hawak nito sa magkabilang balikat upang gabayan sa paglabas sa fire-exit.
“Yes.”
Kagat labing sambit na lang niya habang napapayuko sa hiya.
Bahagya siyang nakahinga nang makita ang liwanag at luwag ng naturang lugar, idagdag pa na mas maaliwalas doon. Tahimik silang naglakad sa pasilyo, patungo sa isang unit sa kabilang dako ng kanyang pinagmulan.
Dahil sa nanatili pa rin na magulo at lutang ang kanyang utak, walang pag-aatubili na lang siyang sumama hanggang sa loob, lalo pa at kilala niya naman ang lalake.
Pinaupo siya nito sa isang eleganteng L-shape na sofa, nang makasiguradong komportable na siya roon ay nagtungo na ito sa kitchen counter.
Ilang sandali lang ay bumalik na si Arny na may dalang dalawang maliit na baso na puno ng yelo at mayroon tila madilaw na inumin.
Nang maiabot sa kanya ang inumin ay naupo na ito sa kanyang tabi at agad na lumagok sa sariling inumin.
“What an asshole, pinatulan mo iyon?”
Saad na lang nito.
“Don’t remind me.”
Dama ni Mariella ang pait sa kanyang lalamunan habang inaalala ang nakaraan nila nito. Dahil sa nanririndi pa rin ng mga oras na iyon ay walang pasabing nilagok na lang niya ang ibinigay nito, isang mabilis na ngiwi lang ang kanyang pinakawalan nang madama ang hapdi at init na dulot noon sa kanyang lalamunan.
“Don’t tell me you want to get back with him?”
Kunot noong sambulat na lang ni Arny na napapatawa na lang ng mapakla.
Ganoon na lang tuloy ang panlalaki ng kanyang mga mata sa sinabi nito, kaya naman tinapunan niya ito ng masamang tingin.
“Of course not!”
Napataas na lang tuloy siya ng boses dahil sa pagkulo ng kanyang dugo.
Muntik ng mabuga ng lalake ang iniinom nang makitang ang hitsura ni Mariella. Nakabusangot kasi ito at kunot na kunot ang noo, na tila ba isang batang nagtatampo.
Agad na lang inirapan ni Mariella ang kausap, sabay halukipkip nang makita ang pagpipigil nito ng tawa ng mga sandaling iyon.
Ilang saglit rin ang kinailangan ng binata bago makahupa mula sa pagpapatigil ng halakhak. Naka-ilang buga pa ito ng hininga bago muling makaayos.
“Then what happened?”
Sa wakas ay nagawa na nitong makapagsalita, kahit pa naroon pa rin ang panaka-nakang halakhak na tila inuubo.
“I acted on impulse.”
Tangi niyang saad na hindi pa rin ito nililingon.
Agad tumaas ang kilay ni Arny sa narinig.
“So, you’re not over him yet?”
Bahagyang lumalim ang boses nito, kasabay ng pagkakaroon ng kung anino sa mga mata.
Subalit hindi iyon pansin ni Mariella dahil nananatili pa rin siyang nakatalikod dito, maliban pa sa pananatili ng kanyang inis dahil sa mga sinabi nito.
“Hinahanap siya ng mga pulis ngayon and I thought I could get him, para naman kahit papaano mapagbayaran niya iyong mga kasalanan niya.”
Masungit niyang sambit.
Nanumbalik sa pagiging maamo ang mukha ni Arny sa narinig, kasabay ng paglitaw ng isang maloko at malapad na ngiti sa mukha nito.
“You’re really quite the woman aren’t you. I’m starting to like you even more.”
Dito na dahan-dahan na inilapit ni Arny ang sarili. Pasimple ang mga kamay nito na sumilid papulupot sa sa katawan ng walang kamalay-malay na si Mariella.
Hindi niya ito napansin dahil nananatili pa rin ang tampo at init ng ulo niya rito, huli na nang mabatid niya na nakahawak na pala ito sa kanyang baywang kasabay ng pagkakadikit sa kanya, kaya naman halos dama na niya ang matikas nitong dibdib sa kanyang likuran.
Doon lang siya parang nahimasmasan, natahimik, habang napapalunok ng malalim nang maalala ang nakaraan nila at ang personalidad nito.
Nahigit na lang niya ang kanyang hininga nang madama ang mga daliri nito na naglalaro sa usli ng kanyang suot, paikot-ikot na tila gumughit ng bilog upang pakiramdaman ang kanyang balat.
Nanigas na lamang siya sa kinalalagyan, dulot na rin ng magkahalong init at kaba dahil sa biglaan paggapang ng kakatuwang kuryente sa kanyang katawan.
Ilang sandali rin ang kinailangan niya upang pahupain ang apoy na unti-unti ng nagpapahina sa kanyang wisyo. Lalo pa at damang dama niya ang kung gaano na kalapit ang mga labi nito sa kanyang leeg, dahil sa init ng hangin na lumalabas sa bibig nito.
“Sa iyo itong condo?”
Minabuti na lang niyang ibahin ang usapan upang malihis ang ginagawa nito, lalo pa’t tila nanunukso na ang mainit nitong palad sa kanyang tiyan.
Nais niya man lumayo at tanggalin ang mga kamay nito, ngunit tila ayaw makinig ng kanyang katawan, nalululon sa init at sarap na dulot ng mga haplos nito.
“Nope, it’s my friends.”
Mapang-akit na bulong ni Arny sa kanyang tenga bago nito bigyan ng mapaglarong kagat iyon.
Ang kakaibang silakbo ng makamundong kuryenteng nangingilit na dumaloy sa kanyang mga ugat ang tila gumising sa kanyang katinuan, subalit isang malakas na ungol na ang kanyang napakawalan bago pa man bahagyang maitulak ang binata.
“Oh, okay lang ba na nandito tayo?”
Iyon lang ang naisambit niya nang makita ang gulat sa mukha nito dahil sa kanyang ginawa.
Mabilis naman napalitan iyon ng isang malokong ngiti, lalo pa nang makita nito ang matinding pamumula at pamamawis ni Mariella.
“Yeah, he’s in Europe right now, ipinagkatiwala niya sa akin ito. Alam mo na, kailangan ma-check every now and then kung may sira or ano man.”
Naroon ang pigil na halakhak ni Arny habang nagsasalita, pero prenteng sumandal na iyon sa kinauupuan at hindi na siya kinulit pa.
“Ang laki ah, at ang ganda ng interior.”
Pagpapatuloy na lang niya sa naturang usapan.
Kung ikukumpara kasi ang naturang condo sa pagmamay-ari ng kanyang kaibigan, higit na mas malaki iyon ng mga limang beses. Tantsa niya ay ilang magkakaibang unit ito na pinag-isa na lamang.
“Thanks, I was the one who designed it.”
Lalo lang lumapad ang ngisi ni Arny habang pinagmamasdan si Mariella na mapanganga.
“Wow, hindi mo naman sinabi sa akin iyon kaagad.”
Sa wakas ay nahanap niya rin ang boses nang magawang umiwas ng muli niyang talikuran ang lalake.
Hindi niya kasi magawang makapag-isip ng maayos habang kaharap ito. Nandoon kasi ang halo-halong mga alaala, pakiramdam, at emosyon na idinudulot nito sa kanya.
Napataas na lamang si Arny ng kilay nang mapansin ang pag-aalinlangan at pagkailang ni Mariella ng mga oras na iyon.
“Something happened to you recently, am I right?”
Makahulugan nito, wala ng gana ang tingin nito pakaangat ng baso sa labi upang muling lumagok sa inumin.
Siningkitan na lang ito ng kilay ni Mariella upang itago ang matinding kabog sa kanyang dibdib.
“Huh? Bakit mo naman nasabi iyan?”
Pilit niyang tuwid na sambit sa takot na mabatid siya nito.
Naroon na kasi ang bahagyang pagpiyok at garalgal dahil sa kung anong sikip at hapdi sa kanyang dibdib nang maalala nanaman ang nangyari ilang araw na ang nakakaraan.
“Because you’re acting the same way when I first met you.”
Halos buntong hiningang sagot ni Arny sabay tapon ng isang makahulugan na tingin sa kanya.
Isang malalim na paglunok na lamang ang nagawa ni Mariella. Mabilisan niya itong inirapan sabay halukipkip para iwasan ang mga nagtatanong nitong mata.
“Parang sinasabi mo na matagal mo na akong kilala, ah.”
Wari’y tawa na lang niya rito sabay bigay ng matalim na tingin.
“Maybe I don’t. But your sudden return to your sad, angry, and insecure self again is enough to give me a hint.”
Nanatili naman na walang buhay at tila bagot ang ekspresyon nito kahit pa may bigat ang bawat binitiwan na salita.
“How dare you!”
Hindi na niya napigilan magtaas ng boses.
Akmang magsasalita pa sana siya pero hindi na niya nagawa pa nang madama ang tila kakapusan sa hininga, kasabay ng pag-iinit ng kanyang mga mata.
Nabatid naman ito kaagad ni Arny, kaya mabilisan ang pagkukunot ng noo.
“It’s a guy isn’t it? I doubt it’s your ex, and impossible naman na ako. So who is it and what did he do to you?”
Mabilis ang naging paglitaw ng mapanuyang ngisi nito nang hindi niya magawang sumagot.
Tinalikuran na lang niya itong muli dahil sa ilang luhang kumawala sa kanya. Agaran niya iyon pinunasan bago sumagot.
“It’s none of your concern.”
Ayaw niya pero sadyang basag na ang mga lumabas na kataga sa kanya dahil sa kakapusan ng hininga.
Dito na naging maamo ang mukha ni Arny, umayos na ito sa pagkakaupo at muling inilapit ang sarili. Maingat, dahan-dahan, at puno ng lambing.
“C’mon, you can tell me. Remember noon first time tayo nagmeet? Didn’t you feel better after letting it out?”
Malalim pero nanunuyong bulong ng lalake.
May parang nakakahypnotismong epekto ang tono nito, dala na rin ng nakapang-aakit ng boses ng lalake, idagdag pa na naroon pa rin ang bigat sa kanyang pakiramdam, kaya naman nawalan na siya ng pag-aatubili.
“He was an old flame of mine.”
Naroon rin kasi ang pagnanais niya na mailabas iyon, sa pagnanais na pagaanin ang sakit na dala noon.
“Oh, is this the one that got away?”
Nagliwanag na lang ang mga mata ni Arny sabay litaw ng isang ngiti.
“Not really, walang naging ganoon. More on, we just had a thing for each other during college, pero we never got to that point.”
Iyak, tawa an lamang ang nagawa niya dahil sa pait na dulot noon sa kanyang bibig.
Muling tumuwid ang mukha ni Arny dahil dito.
“So what happened?”
Alo na lang nito sa kanya, habang marahan ang bawat haplos na ginagawa sa kanyang balikat.
“Nagkita kami, he was drunk, I was vulnerable. And I thought we still had that spark between us, so ayun, may nangyari.”
Isang mapaklang halakhak ang kumawala kay Mariella habang inaalala ang naturang gabi na iyon.
“And then?”
Tudyo nito nang muli nanaman siyang matigil.
Parang sumisikip na kasi ang kanyang lalamunan ng mga oras na iyon, dahil na rin sa pagpipigil niya na kumawala ang kanyang hikbi.
“Akala ko espesyal iyong namagitan sa amin, pero mali pala ako. Ang sabi niya, nagawa niya lang daw iyon dahil lasing siya, kaya kalimutan ko na lang iyon nangyari and then hindi na siya nagpakita or paramdam ulit.”
Parang bang binasag ng lambing at aruga ng binata ang pagpipigil niya, dahil tuluyan niya ng inilabas ang lahat ng agam-agam na dala ng bigat at hapid sa kanyang dibdib.
“It’s okay. It’s not your fault.”
Dito na siya ikinulong ng binata ng mga bisig, kasabay ng panaka-nakang tapik sa kanyang likod.
“Bakit lagi na lang ganito? Dahil ba sa hindi ako magaling sa kama? Hindi ako sumisirko at sumusubo?”
Wala ng naging pigil ang kanyang bunganga habang napapahagulgol, pakiramdam niya ay napakaliit at hina niya ng mga sandaling iyon.
Nanatiling nakayakap si Arny kay Mariella, naroon ang buong ingat at pag-aaruga nito habang hinihele siya nito sa kinalalagyan para kumalma.
Tuluyan niya ng hinayaan ang paglabas ng lahat ng sama ng loob, dahil pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay wala siyang dapat alalahanin at ipangamba habang nakakulong sa matitipunong bisig ng binata.