Chapter 17

1109 Words
Kinabukasan ay agad na isinuplong ni Mariella sa mga pulis ang nangyari, kasama ang kaibigan, ito na ang detalye dahil sa mayroon itong kakilala sa prisinto. Matapos noon ay nagpasya na muna silang mamasyal, para naman kumalma siya at makapagmuni-muni. Sa sobrang tuwa ay hindi na nila namalayan na inabot na pala sila ng gabi. Habang naglalakad ay hindi mapigilan ng kanyang kasama ang magtanong. “So wala kayong ibang ginawa? Nag-usap lang kayo?” Taas kila ni Leora habang sumisipsip sa inumin nito. “Yes, Leora.” Walang gana niyang saad. Naka-ilang beses na rin siyang kuwento sa kung ano ang naganap matapos noon, pero tila hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang kaibigan. “And this is the same guy you met at cupids underground mansion?” Paninigurado nito. “Yes, he wanted to do something but he ended up comforting me.” Taas na niya ng kilay dito. “Seryoso ka niyan?” Hindi mapigilan ni Leora ang manlaki ang mata, hindi makapaniwala sa narinig. Bahagya pa itong napanganga na akmang may sasabihin, pero itinikom na lang nito ang bibig. “Why would I lie to you about it? Eh halos alam mo na iyong lahat ng nangyari sa akin sa lugar na iyon.” Pagrorolyo na lang ni Mariella ng mata. Naiintindihan naman niya kung saan nagmumula ang pagdududa nito, lalo pa at nakilala niya ang lalake sa makasalanan na lugar na iyon. “Fine.” Buga na lang ni Leora ng isang malalim na hininga sa pagsuko. “Anyway heto, sis. May narinig ako doon sa kakilala ko about kay Arthur.” Dugtong na lang nito na mayroon ningning sa mga mata. “Ano iyon?” Napakunot na lang si Mariella nang mabatid ang kutitap at lapad ng ngiti nito. “May reward money sa kung sino man makapagsasabi kung nasaan siya. And hindi siya pipitsugi lang ah, nasa half million iyon!” Halos mapatalon na lang ito habang nagpipigil ng hagikgik. Doon na namutawi ang ngiti sa mukha ni Mariella, kasabay ng pag-aliwalas ng mga mata. “Really? Does that mean may makukuha ako?” Pakiramdam niya ay tatalon na ang puso niya sa sobrang tuwa dahil doon. Magiging malaking tulong ang ganoon kalaking pera para sa kanya, lalo pa at limitado lamang ang pera niya ngayon. “As of now, chinicheck pa ng mga pulis iyong mga cctv noon condo para i-clarify.” Tuwang-tuwang hinawakan ni Leora ang braso niya, na tila ba nanggigil sa saya. “Oh my gosh, at last, may napala rin ako.” Napapalakpak na lamang siya sabay talon. Ilang sandali rin silang ganoon ng kaibigan, dahil sa matinding galak, napahawak pa sila sa kamay ng isa’t isa habang nag-didiwang. Ilang saglit rin ang kinailangan nila bago mabalik sa ayos. “Pero to think na may mag-lalagay ng ganoon kalaking reward, it means matindi itong binangga ni Arthur.” Pagseseryoso ni Leora, napakamot na lang ito sa baba habang nag-iisip. “I don’t care, and not my problem anymore.” Ismid na lang niya sa kaalaman na iyon. Naroon kasi ang saya sa kanya sa katotohanan na parang kinakarma na ngayon ang dati niyang asawa. “Yeah, pero next time, don’t go chasing him on your own! Paano na lang kung hindi dumating iyong kakilala mo, baka nasa hospital ka ngayon or worst.” Seryosong baling sa kanya ng kaibigan. Napabuntong hininga na lamang siya nang maalala nanaman ang muntikan aksidente na kinasangkutan. “I know, nadala lang kasi ako ng galit ko.” Kagat labi niyang saad habang napapahilot sa sintido. Nabigla lang rin naman siya noon oras na iyon, dahil hindi niya lubos akalain na makikita ang naturang lalake sa lugar na iyon. “Paano ba iyan, dito na ako. May pupuntahan pa kasi ako.” Turan ni Leora nang dumating sila sa isang crossing. “Sure ka na ipapadala mo sa akin iyong sasakyan mo? Baka mahirapan ka makauwi niyan?” Angat ni Mariella ng susi na ibinigay nito kanina, nag-aalala kasi siya dahil sigurado niyang gagabihin ito. “I’ll be fine. Magpapahatid naman ako.” Mabilis na lang bumeso ang kanyang kaibigan bago nagmamadaling tumawid sa kabilang dako kung saan sila nagpark. “Mag-ingat ka sa lakad mo.” Pahabol na lang niya habang kumakaway dito. “You too, sis, huwag ng magpakasuper hero, okay.” Natatawang balik naman nito, bago pumasok sa isa sa mga mall na naroon. Isang buntong hiinga ang pinakawalan niya, nappangiti na lamang dahil sa kahit papaano, dama niya na nagkakaroon na ng hustisya ang mga nangyari sa kanya. Dahil doon ay naging magaan ang pakiramdam niya, kaya naman parang lutang siya habang naglalakad patungo sa parking lot. Ilang saglit rin ang kinailangan niya para mahanap ang naturang kotse ng kaibigan, dahil halos nasa gitna ito ng naturang lugar, at natakpan ng ilang malalaking sasakyan na tumabi dito, idagdag pa na napahina ng ilaw doon. Mabilis napalitan ng takot ang sayang kanyang nararanasan nang bigla na lamang may humawak sa kanyang braso habang binubuksan ang kotse. Hindi na niya nagawang tumili pa dahil agaran ang naging pagtakip ng mga kamay nito sa kanyang bibig, bago siya hatakin at itulak sa lupa. Ang pagkabigla at kaba na bumalot sa kanya ay naglaho lamang nang makita kung sino ang taong dumagan sa kanya. “Alam mo bang ginawa mo?” Nanlilisk matang singhal ng lalake, bago mapatiim ng bagang. Hindi naman nagpatinag si Mariella at sinuklian niya lamang ito ng parehas na tingin, kahit hawak siya nito ay nagpatuloy lamang siya sa pagpupumiglas. “Puta!” Sigaw na lang nito nang magawa niyang makagat ang isang daliri sa kamay nito na tumakip sa kanyang bibig. “f**k you, Arthur!” Walang sinayang na oras si Mariella, mabilis ang kanyang naging pagkilos nang makawala ang isang kamay, agad niyang pinuntirya ang mata nito. Ganoon na lamang ang sigaw ng lalake nang makalmot niya iyon, dahilan para tuluyan na nitong matanggal ang mga palad na nakatakip sa kanya. “Tulong, tulongan niyo ako!” Halos mapaos na siya dahil sa paggasgas ng mga salita sa kanyang lalamuna, habang ang mga kamay niya naman ay walang tigil sa paghampas at kalmot sa dating asawa. “Shut up!” Sa pagkakataon na iyon ay natahimik na si Mariella, nahigit niya ang kanyang hininga nang ipakita ni Arthur ang hawak na patalim sa kanya. Mabilis siyang nabalot ng kaba, lalo pa nang mabatid ang tila pagkabaliw sa mga titig ng lalake. Naglalaway pa ito na tila isang ulol na aso, habang inilalapit iyon sa kanyang mukha. Napapikit na lamang siya sa takot nang madama ang pagkaalis nito sa kanyang ibabaw, kasabay ng malakas nitong sigaw.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD