Chapter 6

4042 Words
Sa ika-limang pagkakataon ay muling kinuha ni Mariella ang mumunting salamin sa kanyang purse. Doon ay sinilip niya ang hitsura, bahagya niyang pinapungay ang mga mata, para makasiguradong maayos pa rin ang pilikmata. Kasunod noon ang pagdila sa kanyang labi upang pakintabin, kasabay ng panaka-nakang pag-iikot ng daliri sa buhok para masiguradong nakaayos pa rin ang kulot noon. Natigilan lamang siya sa ginagawa nang makita ang kakaibang tingin sa kanya ng kaibigan. Ganoon na lang tuloy ang pagtataas niya ng kilay rito, kasabay ng pagkukusot ng mukha. “Stop looking at me like that.” Busangot niya na lang dito, kasabay ng paninigkit ng mga mata. Mas lalo lamang lumapad ang ngisi ng kasama, kahit pa nasa labi na nito ang bote ng sorbesa na hawak. “You look happy.” Turan ni Leora matapos makalagok ng inumin. Hindi pa rin ito tumitigil sa walang patid na pagsasayaw sa kina-uupuan dahil na rin sa malakas at nakakayanig na tugtugin. “What’s wrong nanaman ba? Noon nakaraan you said I should lighten up. Ngayon na I’m enjoying myself, may issue ka na naman.” Singhal na lang niya. Subalit kahit naroon ang galit sa kanyang tono, hindi niya naman ma-i-alis ang ngiti sa kanyang mukha, dahil na rin sa ilang alaala. Napataas na lang si Leora ng kilay, kasabay ng pagrorolyo ng mga mata. Bago paglakbayin ang tingin sa suot ng kaibigan. Naroon ang makulit na ngisi nito habang pinapasada ang titig sa kulay pulang cocktail dress na suot ni Mariella, dahil na rin sa iksi nito, idagdag pa na halos nakalabas na ang mabibilog na dibdib ng babae. “It’s Armando. Isn’t it?” Makulit na sambit ng kaibigan, bago muling laguking ang hawak. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Mariella, kasabay ng agaran na pag-iinit ng pisngi dahil sa narinig. Hindi niya napigilan ang mapahampas ng kamay sa lamesa, kasunod ng pandidilat ng mga mata sa kaibigan. “Seriously. Can’t a girl just have some fun?” Busangot niya sa kasama dahil sa tampo at pagkainis. Kahit naroon ang katotohanan na iyon, hindi niya naman nais aminin sa kaibigan, lalo pa at aalaskahin nanaman siya nito. Idagdag pa ang pagka-irita niya dahil na rin sa sikip at iksi ng kasuotan. Ngunit dahil na rin sa pagnanais niyang magmukhang kaakit-akit ay hindi niya magawang magreklamo. “Hindi na ako magsasalita.” Napahalakhak na lang tuloy si Leora sa tuwa dahil sa naring reaksyon niya, kasunod ang pagpaypay nito ng kamay para patigilin siya. Isang malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan ni Mariella upang pakalmahin ang sarili. Mabilisan niya na lang nilagok ang sariling inumin bago tumalumbaba sa lamesa dahil sa unti-unting pagkawala ng kanyang gana. “Still, are you sure you haven’t seen him? I mean, It’s been three months since he last came here.” Naroon na ang panghihina sa kanyang boses dahil na rin sa unti-unti kawalang ng pag-asa. Mag-iilang oras na sila roon, subalit ni anino ng lalake ay hindi niya pa rin maaninag. “So iyon pala iyon rason kung bakit pabalik-balik ka rito.” Halos patiling saad ni Leora sabay ngisi ng nakakaloko sa kanya. Ganoon na lang tuloy ang pag-angat ng dugo sa kanyang pisngi dahil sa sinabi ng kaibigan, mabuti na lamang at medyo umeepekto na ang alak sa kanya, kaya naman naroon na ang bahagyang lakas ng loob at bilis ng kanyang isip. “Hey, I’m not the one who’s always here. Ngayon lang naman ako nagliliwaliw dito.” Taas noo niyang sagot sa kaibigan sabay ngusong irap dito. Isang malakas na tawa na lang tuloy ang kumawala kay Leora dahil sa inasal niya. Halos mapahawak pa ito sa tiyan, dahil sa hindi mapigilan ang sarili sa pagkaaliw sa kanyang hitsura. “Girl, you go here three times a week for the past month. More than you used to noon hinahanap mo si Arthur.” Pagpupunto ng kaibigan na mayroon malokong tingin at nang-aasar na ngiti. Biglaan pa nitong dinutdut ang kanyang pisngi, kaya naman ganoon na lamang ang lalo niyang pagkainis. Agad na lang niyang hinawi ang kamay nito, kasabay ng pandidilat muli sa kaibigan. “And so? At least I’m trying to move on.” Balik niya kaagad sa pangbuburyo ng kaibigan. Subalit hindi niya mapigilan ang matinding pag-iinit ng kanyang pisngi, kasabay ng pakiramdam ng panliliit dahil na rin sa mayroon naman katotohanan ang bagay na iyon. “Are you?” Ganoon na lang ang paglalaro ng kilay ni Leora habang tinatapunan siya ng isang nakakalokong titig. Mabilisan na lang niyang inubos ang natitirang alak sa kanyang baso upang dagdagan ang lakas ng loob, bago muling harapin ang kaibigan. “Can’t you just answer the question? Have you seen him or not?” Pagdidiin niya nang makakalap na ng sapat na lakas ng loob, salamat na rin sa epekto ng alak. Napapaypay na lang nga kamay si Leora, sabay buntong hininga nang mabatid ang pagseseryoso sa kanyang boses. “Sadly, no.” Nakangiwi nitong saad habang pinaglalaro ang daliri sa bunganga ng bote na nakalapag na sa lamesa. Mukhang nabatid na nito ang pagkadismaya sa kanyang tono ng mga sandaling iyon. “I wonder what happened?” Hindi niya mapigilan ang bahagyang panghihina, kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga balikat nang marinig iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit tila nawalang parang bula ang lalake matapos nang araw na iyon. Walang patid na tuloy ang kanyang utak sa pag-iisip sa kung mayroon ba siyang nagawang pagkakamali o may nagawa ba siya na ikinasama ng loob nito. “Seriously girl. I just don’t understand why you didn’t ask for his address? Or kahit iyong number niya man lang.” Naparolyo na lamang si Leora ng mata dahil doon. “Like that was possible in that situation?” Isang malalim na paglunok lamang ang nagawa ni Mariella dahil sa katangahan. Kung tutuusin ay may punto naman ang kaibigan, subalit sa sobrang pagkalutang niya nang araw na iyon ay hindi na iyon sumagi sa kanyang isipan. Idagdag pa ang kaalaman na nagpupunta naman sa lugar na iyon ang lalake, kaya ang buong akala niya ay mabilis lang itong mahahagilap. Kung ano-anong bagay na tuloy ang naglalaro sa kanyang isipan nang mga oras na iyon, dahilan para mas lalo lang bumagsak ang kanyang pakiramdam. Dulo’t na rin ng matinding pagdadalamhati dahil sa mga nangyayari, kasabay ng biglaan pagbugso ng ilang mga masasamang alaala, sunod-sunod na ang naging pagsalin at lagok ni Mariella ng inumin. “Girl, hinay-hinay lang! Hindi pa naman katapusan ng mundo.” Pigil kaagad ni Leora nang makitang nakalahati niya na ang bote ng matapang na alak na nasa lamesa. Mabilis nitong hinawakan ang lalagyan ng naturang inumin nang subukan nanaman niyang salukan ang baso. Kahit ganoon ay hindi siya nagpadaig at pinilit niya pa rin ilapat ang bibig sa dulo noon upang subukan na lumagok sa mismong lalagyan. Bandang huli ay nanaig pa rin ang kanyang kaibigan dahil sa mas nasa wisyo pa ito ng mga oras na iyon, dulot na rin ng pagiging mas sanay sa pag-inom. “I don’t know what I did wrong this time? May nagawa ba ako na hindi niya nagustuhan? Dahil ba sa umiyak ako? Impossible naman na nangangamoy ako, at tsaka I made sure na maayos iyong bawat kilos ko noon, so ano?” Isang malakas na hampas na lamang ang nagawa ni Mariella sa lamesa dahil na rin sa magkahalong pagkalito at irrita ng mga oras na iyon. Ilang saglit rin silang nanatiling walang imik upang ayusin ang mga sarili sa kina-uupuan. “Baka mas gusto niya iyong babaeng palaban. Basag ni Leora sa katahimikan. Itinaas pa nito ang isang daliri na tila isang guro, sabay kindat na may kasama pang ngiti. “What do you mean by that?” Mabilis na lang napakunot ng noo si Mariella, kasabay noon ang pagtapon ng isang matalim na titig sa kanyang kaibigan. Hindi niya kasi masigurado kung pinagtritripan nanaman siya nito, o mayroon ba talaga itong nalaman na hindi niya napansin. Agaran ang naging paglitaw ng malapad at nakakalokong ngisi kay Leora dahil sa kanyang reaksyon. “You know, sa tingin ko siya iyong tipo ng lalake na gustong idinadaan sa santong paspasan. Kaya nga naging sila ni Regina diba?” Saad ng kaibigan na mapaglaro ng iwinawagayway na ang daliri sa kanyang harapan. Doon naging tuwid ang mukha ni Mariella, dulo’t na rin ng pagsagi ng ilang alaala sa kanya noon mga panahon na nasa kolehiyo pa lamang sila. “Now that you mention it. It does make sense.” Ganoon na lang ang pagkagat niya sa kanyang ibabang labi habang nagbabaliktanaw sa panahon na iyon. Alam niya na sa likod ng pagiging makulit, bibo, at masayahin ng naturang lalake, ay naroon ang pagiging mahiyain at mababang kompyansa nito. At mukhang hanggang ng mga panahon na iyon ay hindi pa rin ito masyado nagbabago. Base na rin sa huli nilang pagkikita, napagtanto niya sa pagsasalita at pakikisalamuha ay batid niya pa rin ang parteng iyon ng lalake. Nakadagdag pa sa kanilang teorya ang katotohanan na sunod-sunuran si Armando sa kasintahan nito noon, pero kahit na ganoon ay hindi maipagkakaila ang kakaibang kasiyahan ng lalake noon. Patunay noon ang mas madalas na pagngiti, pagtaas ng grado, at lalong pagiging maayos ng hitsura nito nang mga panahon na iyon. Kaya ganoon na lamang ang paglalaro ng ilang ideya at haka-haka sa kanyang isipan. “Ngayon, sa tingin mo ba uubra pa iyang pagiging mahinhin at konserbatiba mo?” Inilapit na lamang ni Leora ang mukha sa kanya upang mas maipakita ang maloko nitong ngisi, na sinabayan ng paglalaro ng kilay nito para iparating ang punto. Tinaasan niya na lang ito ng isang kilay, sabay hawi ng buhok. “What are you saying? I have my own charms.” Turan niya sabay irap na siyang nagpatawa sa kaibigan. Ilang saglit rin ang kinailangan ni Leora upang makahupa sa paghagikgik. Kaya ganoon na lamang ang pagkusot ng mukha ni Mariella. Isang malalaim na hininga ang pinakawalan ng babae, bago marahan na tapikin ang kanyang balikat. “We both know that, pero did it work with Armando?” May bahid na ng pagseseryoso ang boses nito, kasama ang isang makahulugan na tingin. Isang mapait na paglunok lamang ang nagawa ni Mariella. Naroon naman kasi ang katotohanan na alam niya naman na mayroon na itong lihim na pagtingin sa kanya noon. At kung nabigyan lang sana sila ng pagkakataon ay marahil, ito ang pinili niya kaysa sa asawa. Iyon nga lang, sa tagal na rin ng panahon na hindi sila nagkita, hindi niya alam kung ganoon pa rin ba ang nadarama nito para sa kanya. Maliban doon, hindi niya rin sigurado kung naghahanap pa rin ba ito ng karelasyon o nagpapakasaya na lang. Dulot na rin ng ilang taon na rin itong byudo. “He’s matured now, you know.” Iyon na lamang ang naisagot niya upang hindi magmukhang katawa-tawa sa harap ng kaibigan. “And what if may makasulot nanaman diyan?” Dito na nagtaas ng isang kilay si Leora. Tuwid na ang mukha nito at halatang may nais ipahiwatig. “What do you mean?” Pagsasalubong na lang niya ng kilay rito. Tumigil na silang dalawa sa pag-inom at seryoso ng nag-uusap, kaya naman naharap na sila sa isa’t isa. “With Armando’s looks, status, and charisma, sigurado akong marami ng babae ang nagkakandarapa na makuha siya. And sabi nga nila, walang matinong lalake sa malanding babae, remember that.” Pagpipitik na lang ni Leora ng daliri sa harapan niya. Kung tutuusin nga naman. Sa edad nilang iyon ay masasabi niyang napakatikas pa rin ng pangangatawan ng lalake, at hind rin maipagkakaila na nakabawas sa hitsura nito ang pagtanda, bagkos ay mas lalo pa itong naging kaakit-akit. “Sa tingin ko hindi naman siya basta-basta papatol sa kahit sino lang.” Agad na lang niyang inirapan ang kaibigan sabay talikod upang i-iwas na ang tingin rito. Ayaw niyang ipakita ang unti-unti nanaman panghihina sa katotohanan na iyon. Lalo pa nang muli nanaman sumagi sa kanyang isipan ang dahilan ng naudyok nilang nakaraan. “As if naman hindi siya napikot ni Regina, rest her soul.” Naparolyo na lamang si Leora ng mata, kasabay ng pagwawasiwas ng kamay nito. Doon na tuluyan napayuko si Mariella, kasunod ng agaran na pagbagsak ng kanyang balikat dahil sa kung anong kirot sa kanyang dibdib. Napakagat na lamang siya ng labi dahil sa kakaibang paninikip sa kanyang looban, dahil na rin sa kaalaman na ang kasalukuyan na pinapangarap niyang kaligayahan ay tila hanggang panaginip na lang talaga. “What are you implying, exactly?” Dala na rin ng tama ng nainom na alak, kasama ang pagbubugso ng kanyang damdamin, hindi niya na napigilan na sungitan ang kaibigan. Napalinga na lang ito ng ulo, kasabay ng isang tipid na ngiti. Nanatiling kalmado dahil na rin sa tila nabasa nito ang nangyayari. “What I am trying to say is, hindi ka na bumabata para mag-inarte. Stop acting like a virgin and start facing the reality na this might be your only chance to save yourself from your current dilemma.” Agad na balik ni Leora sa kanya na pinalapad pa ang ang ngisi. Nakuha niya naman ang pinupunto nito, kaya ganoon na lamang ang pagtaas ng dugo sa kanyang mukha at ulo. “I’m not doing this for that.” Bulyaw niya sa kaibigan. Halos mapasigaw na siya, mabuti na lamang at malakas pa rin ang tugtugin sa naturang lugar, kaya naman tila wala lang iyon sa mga taong naroon. Nanatili naman na kalmado ang kanyang kasama, pero napabuntong hininga na lang ito ng malalim. “I know, but does it matter?” Wagayway na lang ni Leora ng kamay. Sabay tapon muli ng isang makahulugan na titig sa kanya. “It is for me.” Bara niya na lang rito. Kahit naman na naghihirap siya ngayon, hindi naman siya ganoon kadesperada para manggamit ng tao. At naroon pa rin naman ang prinsipyo at paniniwala niya sa nadarama. “So mas gugustuhin mo ba na mapunta nanaman si Armando sa ibang babae?” Busangot na lang kaagad ni Leora sa kanya, kusot na kusot na ang mukha nito dahil sa paninigkit ng mga mata sa narinig. Isang mapait na paglunok na lamang ang nagawa niya nang mayroon ilang alaala ang sumagi sa kanya. Noon pa man ay iyon, kasabay ng paglitaw ng isang mapaklang ngiti nang tila mayroon tumusok sa kanyang dibdib. “If that person is going to make him happy. Why not.” Nanghihina niyang saad. Pagkatapos noon ay mabilis niya na lang na sinimot ang natitirang laman ng kanyang baso, sa pagnanais na pahupain ang kirot na paulit-ulit na dumadaplis sa kanya. Napatapon na lamang si Leora ng kamay sa ere, kasabay ng pagrorolyo ng mga mata. “God, Mariella, enough with this good girl s**t, you’re too old for this kind of stuff. It’s time to take control of your life. Stop with the martyrdom and start seizing your happiness. Don’t you want to be happy? You at least deserve that, after all these years.” Nanlalaking matang bulyaw na lang ni Leora. Hindi na nito napigilan ang hawakan siya sa magkabilang balikat at walang habas na yugyugin para magising sa tila panaginip. Agad na naglihis na lamang siya ng tingin, dulot na rin ng mga makahulugan at nanlilisik na titig ng kaibigan sa kanya. Naroon kasi ang kung anong panliliit at panghihina sa kanya, dahil na rin sa matalim at makahulugan na titig ng kaibigan. Ilang saglit silang natahimik nang marinig ni Leora ang bahagya niyang pagsinghot, senyales ng nagbabadya niyang paghikbi. Noon pa man ay iyon na talaga ang pinangarap niya. Ang lumigaya, kahit pa sa haliparot at manloloko niyang asawa ay umasa siyang makakamit iyon. Sa kasamaan palad ay wala rin naman naidulot ang pagtitiis at hirap niya, kung kaya’t batid niya ang sakit ng mga salitang binibitiwan ng kasama. Ilang saglit rin silang natahimik, dahil na rin sa biglaan bigat na lumukob sa paligid. Napabuntong hininga na lamang si Leora sabay angat ng kamay senyales ng pasuko nang bitiwan siya. Habang siya naman ay napayakap na lang sa sarili upang magmuni. Ilang sandali rin niyang pinag-isipan ang mga binitiwan ng kaibigan. Isinasaalang-alang ang lahat ng pinagdaan at hinanakit. At sa bandang huli, nang mapagtanto niyang mayroon naman itong tama, ay lakas loob na siyang tumingin sa katabing babae. “And how will I do that?” Kagat labi niya nang basag sa katahimikan. Sa pagkakataon na iyon ay nais niya rin naman na makamtan na ang ninanais na katahimikan at kaligayahan, at kung ang ipinapayo ng kaibigan ang magiging daan roon, hindi na siya magdadalawang isip na sumugal sa kung ano man ang binabalak nito. Tila lumiwanag ang mukha ni Leora sa narinig. Mabilis ang naging paglitaw ng ngiti sa mukha nito kasabay ng mabilisan pagharap sa kanya. “Of course, hindi iyon magiging madali, lalo pa sa lagay mo ngayon.” Tudyo ng babae na napapapilantik ng daliri sa pagturo sa kanya. Hindi na nito napigilan ang mapasayaw sa kinalalagyan dahil na rin sa kung anong pananabik. “So, what do you suggest then?” Buong tapang niya ng tanong. Napagtanto niyang marahil ito na ang senyales na kailangan niya ng magbago. Upang maiayos muli ang buhay at maibalik ang nawala sa kanyang sarili. Napapalatak na sa pagpalakpak ang kaibigan sa narinig. Agad nitong hinawi ang ilang piraso ng buhok na humarang sa kanyang mukha. “First, kailangan muna natin siguruhin na wala ka ng inhibitions diyan sa katawan mo. And the only way to do that is to make sure that you learn how to focus.” Tapik na ni Leora sa pisngi ni Mariella. Marahan pa nitong pinisil iyon dahil sa panggigigil at tuwa. “I can do that.” Taas noong ngiti niya sa kasama. Kung konsentrasyon lamang ang usapan ay wala siyang magiging problema, lalo pa at sanay naman siya na ginugugol ang isipan sa isang trabaho kapag nais niya iyong matapos. “Oh please!” Napanguso na lamang si Leora kasabay pagrorolyo nanaman ng mata. “Sigurado ko na kapag tinamaan ka nanaman ng konsensya mo ay uurong na naman iyan na buntot mo.” Dagdag pa ng kaibigan habang pinipindot ng isang daliri ang ilong ni Mariella. Agad na lamang siyang napasalubong ng kilay, dahil sa bahagyang pagkalito at tila pagmamaliit ng kasama sa kanyang kakayahan. “I will not!” Angad na niya ng dibdib sabay pamamaywang, upang ipakita rito ang pagkabuo ng kanyang desisyon sa kanilang gagawin. “Pustahan?” Ngising napataas si Leora ng kilay, naroon ang maloko at nanunuyang titig nito sa kanya pakatalumbaba sa lamesa. “Give me your best shot.” Taas noo niyang balik rito sabay gaya sa galaw ng kasama. Mas lalong lumapad ang paglitaw ng mapaglarong linya sa labi ni Leora. Bahagya muna nitong nilagok ang natitirang laman ng hawak na bote, bago umayos ng upo at dekwatro, upang humarap sa lupon ng mga nagsasayawan na tao roon. “You see those guys over there?” Turo nito sa isang grupo ng lalake na nagtatawanan sa isang sulok malapit sa kanilang kinalalagyan. Nakatayo ang mga ito at nakapalibot sa isang bilog na lamesa malapit sa entablado ng naturang lugar. Halatang abala ang nasabing pangkat sa pag-uusap at pag-iinuman, kaya naman hindi nito pansin ang ginagawang pag-oobserba nila. “Seriously Leora! This again?” Nanlalaking matang bulalas na lang niya sa kasama nang mas maaninag ng mas maayos ang umpok ng mga lalake. Tila para na lamang nanginig ang kanyang kalamnan nang mapagtanto ang ninanais ng kasama, lalo pa nang tila lumitaw sa kanyang isipan ang ilang imahe nito noon nakaraan. “Kita mo na. Wala pa nga ito sa kalingkingan ng kailangan mo gawin. tapos nagkakaganyan ka na.” Sermon ng kaibigan sabay wasiwas ng kamay sa kanyang mukha. “And what exactly will I benefit from doing this?” Panlilisik niya na ng tingin dito. Hindi niya man nais magpatalo, pero hindi niya makuha kung ano ang magiging pakinabang noon sa pinaplano nila. Ang buong akala niya namay ay tutulungan siya nito sa ninanais. Tulad na lamang sa pagsubok na paghagilap kay Armando at sa ilang impormayson dito. “Duh, sa tingin mo ba ganoon lang kadaling makabingwit ng lalake dito? Tumingin ka sa paligid mo, ang daming mas bata, mas maganda, at mas malandi sa iyo sa tabi-tabi. So what can you do to make yourself stand out from the rest? Kung dito pa nga lang hirap ka na magpapansin, paano pa kapag naharap ka na sa mismong sitwasyon?” Pangaral ni Leora habang ikinukumpas ang kamay sa nasabing lugar. Isang malalim na paglunok ang tanging nagawa ni Mariella dahil sa kung anong kabog sa kanyang dibdib. May katotohanan naman kasi ang sinabi ng kaibigan. Sa bawat sulok yata ng nasabing establishimento ay mayroon mga dilag na mas kaakit-akit kaysa sa kanya. Mas maalindog at halos nakaluluwa na ng mata ang mga kasuotan. “Why them?” Pilit niya na lang balik sa kasama. Kung tutuusin ay may mangilan-ngilan naman na kalalakihan doon na medyo akma sa kanilang dalawa. Hindi tulad ng itinuturo nitong grupo. “Why not?” Nang-aasar na ngisi ni Leora sabay pagpapatagilid ng ulo sa kanya. “Nakikita mo ba kung gaano kababata iyong mga iyan? What are they, eighteen, nineteen?” Pinanlisikan niya na lang muli ng mata ang kasama. Naroon man ang pagnanais niya na gawin ang sinasabi ng kaibigan, ay sadyang hindi pa rin niya kaya ang kalokohan at tipo ng ginagawa nito. Sa hitsura pa lamang ng pinupuntirya ng kanyang kasama ay masasabi niyang may gatas pa yata sa labi ang mga ito. Naroon man ang tangkad, tikas, at guwapo ng mga nasabing binatilyo, hindi niya naman maipagkakaila na napakalayo ng edad ng mga ito sa kanila. “I don’t know. But should it matter ba for someone who’s trying to awaken her seduction skills? Alalahanin mo, you’ve been out of the game for too long, and never ka pang lumandi kahit noon mga bata pa tayo. So what better to use for practice than inexperienced and horny young men.” Walang gana na lang na napabuga ng hininga si Leora sabay talumbaba. Pinaglaro na lang nito ang daliri sa lamesa habang tinatapunan siya ng isang nababagot na tingin. Ganoon na lang ulit ang paglunok ni Mariella, naintindihan niya naman ang dahilan sa likot ng katwiran nito, ngunit tila sadyang ayaw tumigil ng pagririgudon sa kanyang kalamnan sa kaalaman ng ninanais nitong gawin. “I mean, it’s not like its that hard.” Pilit na lang niyang bara sa kasama. Base na rin sa mga narinig niyang kwento, at ilang mga karanasan, nakasisiguro siya na madali lamang akitin ang isang libog na libog at naghahanap ng karanasan na binata. Lalo pa sa ganoon lugar na iyon ang pangunahin na ipinupunta ng mga parokyano. “Then prove it. Ipakita mo sa akin na may ibubuga pa rin ang alindog ng isang Mariella Lesandro.” Buong lakas at taas noo na saad ni Leora. Agad na itong tumayo upang ayusin ang kasuotan, pagkatapos ay nagsimula ng maglakad ng pakendeng at dahan-dahan patungo sa nasabing grupo. Tila nanigas na lamang ang mga tuhod ni Mariella sa kinalalagyan. Kahit naman sabihin na paghahanda ito sa pagnanais niyang pang-aakit kay Armando, ay naroon naman ang parte sa kanyang utak na hindi tanggap ang suhestyon ng kasama. Subalit naroon din naman ang katotohanan na kung hindi niya nga naman magagawa at mababago ang sarili, akma sa kinakailangan niya, ay wala rin patutunguhan ang kanyang binabalak. Mabilis na lang niyang tinapik ang mukha, pagkatapos ay agaran na nagsaol ng alak sa baso. Naka-ilang lagok siya ng naturang inumin, upang kahit papaano ay palakasin ang loob. Nais niyang ipakita sa kasama na kaya niya rin naman ang mang-akit. Hindi niya nais umatras sa hamon na iyon, dahil sa isip-isip niya, kung hindi niya nga naman magagawang makuha ang atensyon ng ilang mga binata, ay mas magiging mahirap iyon sa isang katulad ni Armando. Ipinasok na lang niya sa isipan na kailangan lang naman niya makuha ang atensyon ng mga ito upang patunayan sa kaibigan na may ibubuga pa rin siya. At hindi niya na kailangan pang lumagpas sa kung ano man ang susunod roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD