Halos hindi na magkandamayaw si Mariella ng mga sandaling iyon. Ang akala niyang magiging madaling gawain ay tila ba naging isang pasakit na ngayon, lalo pa nang matapos ang ilang saglit ay halos para na siyang estatwa sa kinalalagyan.
Habang ang kanyang kaibigan naman ay nananatiling pinagkakaguluhan ng naturang grupo.
Walang tigil si Leora sa pakikipagkwentuhan, tawanan, at kulitan sa mga binatilyong nakapalibot sa kanya. Marahil dala na rin iyon ng pagpapatay malisya nito sa mga hawak at hipo ng mga naturang binata. Isang bagay na siyang naging dahilan nang agaran niyang pag-iwas at layo sa mga ito.
Ilang sandali pa at mukhang nabatid na nito ang pagkailang at pagkahiya ni Mariella, kaya naman dali-dali na itong nagpasintabi sa mga kausap.
“Mamaya ha, magready lang ako.”
Hagikgik na turan na lang ni Leora bago tapikin ang mga binatilyo para padaanin siya. Agad naman nagbigay daan ang mga ito ng walang kahit anong problema.
Palaro pang pinisil ng babae ang maselan na umbok ng pinakamatangkad sa grupo, na siyang nagdulot ng malalakas na hiyawan at asaran ng mga kasama ng binata.
Nag-angat naman ng kamay ang naturang lalake na tila nanalo sa kung anong patimpalak.
Matapos noon ay mabagal na kumendeng si Leora, marahan nitong kinuha ang kanyang kamay para mailayo na roon.
“Akala ko ba sabi mo kaya mo ito?”
Mapanuyang saad na lang ng kaibigan sa kanya na hindi na mawala ang malokong ngisi sa mukha. Tila ba naroon ang parte sa mukha nito na pilit sinasabing tama ang mga sinabi kanina.
“You saw where their hands were going?”
Nanginginig na pandidilat na lang niya sa kaibigan.
Alam niya man ang dapat na mangyayari, pero hindi niya lubos akalain na napaka agresibo ng mga ito.
“Obviously, duh.”
Pagrorolyo na lang ni Leora ng mata sa kanya.
Naroon na lamang ang paghagikgik muli nito nang tila mayroon maalala sa mga nangyari kanina.
Habang si Mariella naman ay hindi mapigilan ang mapalinga na lamang ng ulo, dahil na rin sa bahagyang pagkadismaya.
“Why do you even let them do that?”
Sermon niya sa kasama.
Hindi niya alam kung talagang wala itong paki-alam sa ginagawang pagpipisil ng mga binata sa dibdib at pwetan nito kanina, o sadyang manhid na lang ito sa mga nangyayari dahil sa tama ng alak.
“Inhibitions, remember?”
Pagkunot na lang ni Leora ng noon sa kanya, naroon pa ang pagsasalubong nito ng kilay para ipaalala ang dahilan ng paglapit nila sa nasabing grupo.
“I know, but isn’t that too much!”
Singhal na lang niya.
Walang patid pa rin ang pagtatalo sa kanyang isipan sa pinapagawa ng kaibigan, dahil na rin sa ilang mga paniniwala at nakasanayan.
“Sabi ko na nga ba eh.”
Buntong hininga na lamang ni Leora sabay tila panlalambot ng katawan.
Nakalayo na sila at nakapasok na sa loob ng palikuran ng mga babae, kaya naman nakahinga na silang dalawa ng maluwag at mas maayos. Mabuti na lamang at kakaunti lang ang tao roon kaya nakapag ayos sila ng walang problema.
“What did you expect me to do? Let them grope me?”
Sita na lang niya sabay yakap sa sarili.
Sa pagkakataon na iyon ay abala na si Leora sa pagdadagdag ng lip tint sa labi at pagsusuklay ng buhok, kasabay ng walang patid na pagpupungay sa harapan ng salamin.
“Obviously. Ano sa tingin mo ang dahilan ng paglapit natin doon? Makipagchikahan at kaibigan? Like seriously girl, we came there to seduce, not to make friends.”
Napaliyad na lang ito ng ulo sa kanya, kasabay ng paglilinga noon ng pakaliwa’t kanan.
“Interesado na iyong isa sa iyo eh, tapos bigla mo na lang pinandilatan, tingnan mo tuloy, nawalan ng gana pati iyong mga kaibigan sa iyo.”
Sermon na lang ni Leora na nakatuon na sa pag-aangat ng damit upang maiayos ang pagkakabilog ng dibdib sa naturang kasuotan.
“Isn’t getting their attention enough?”
Ngusong sambit na lang niya rito.
Dahil sa tapos na ang kaibigan sa pag-aayos ay nagmamadali na ito sa paglabas ng palikuran. Agad naman sumunod si Mariella sa kaibigan na halatang hindi na mapakali sa pagkasabik.
Halos kinikilig pa ito habang naglalakad, at hindi ito matigil sa paghagikgik ng mga sandaling iyon.
Tumigil lamang ito sa may harap ng pinto upang humarap sa kanya at pumostura.
“No, because anyone can get attention. What we need is for them to crave us, want us. Iyong tipong mababaliw sila sa atin, na ultimo sa panaginip ay tayo pa rin ang makikita nila.”
Turan na lang ni Leora na parang kiti-kiti sa pagpapalakbay ng kamay sa sariling katawan upang ipakita ang nais ipahiwatig.
“And how do you expect me to do that?”
Pamamaywang niya na lang sa kaibigan sabay taas ng isang kilay rito.
Ang mga sinabi kasi ng kaibigan ay nagbukas ng panibagong pananaw sa kanya, lalo pa nang tila may kung anong maalala siya dahil na rin sa sariling karanasan sa dating asawa.
Naroon ang parteng nahuli niya itong nagsasalita habang natutulog, kaya naman napagtanto niyang may punto ang ibinabahagi ng kasama sa kanya.
“Give them what they want, but you have to make sure it is something completely out of the ordinary, exciting, an experience they will never forget.”
May bahid na ng pagseseryoso si Leora ng mga sandaling iyon. Makahulugan na ang titig nito, at tuwid na ang tindig habang nakahalukipkip sa kanya.
“Okay. I can work with that.”
Sa ilang taon niya na kasal ay hindi na naman siya inosente sa bagay na iyon. Maliban doon ay marami na rin naman siyang nasubukan dahil na rin sa asawa, kaya naman may kaunti siyang kompyansa pagdating sa sariling karanasan.
“Oh, and bago tayo magkalimutan, may isang bagay ka na dapat alalahanin.”
Turan ni Leora na nakataas na ang isang daliri na tila isang guro na nagtuturo.
Napasalubong na lamang siya ng kilay nang mabatid ang biglaan at malokong pagngisi ng kaibigan sa kanya.
“And what is that?”
Napakagat na lamang siya sa ibabang labi, dulot na rin ng kakaibang kabog sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang kasama.
Tila para bang lahat yata ng sinasabi nito ay sinasang ayunan na niya, isang bagay na hindi niya lubos akalain, lalo pa at kanina lang ay sumasalungat siya sa mga sinasabi nito.
“Make sure you enjoy yourself. Else, it is going to be pointless.”
Pahaagikgik ng saad ni Leora sabay bukas ng pinto.
Bahagya siyang napaatras sa biglaan pagpasok ng malakas at nakakapagpayanig na tugtugin, tila ba parang tinutulak siya ng tunog pabalik sa loob.
Ngunit dahil na rin sa kung anong lakas ng loob, dala na rin ng tuluyan na pagtalab ng alak sa kanya, ay nagtulo-tuloy na siya sa pagsunod sa kaibigan.
“How so?”
Tanong niya nang makapantay na ang kasama.
“Duh, alangan naman sila lang ang maliligayahan? At tsaka isa pa, paano mo malalaman na sexually compatible kayo? Alam mo ba kung gaano iyon kaimportante sa isang relasyon.”
Agad na balik ni Leora, na pinaglaro pa ang kilay bago siya hatakin para mas bilisan ang kanilang pagkilos.
Isang malalim na paglunok na lamang ang nagawa ni Mariella, dahil na rin sa kakaibang haplos ng kiliti sa kanyang kalamnan.
Naroon na ang tuluyan na paglukob ng mga ideya ng kaibigan sa kanya, na siyang pumukaw sa kung anong nakatagong pagkatao sa kanya. May ilang bagay na ang naglalaro sa kanyang isipan, mga pagnanais na sa panaginip niya lamang nakakamtan.
“So Babalikan na ba natin iyong mga boylets mo kanina?”
Lakas loob niyang saad sa kaibigan. Naroon na kasi ang lakas ng kanyang loob ng mga sandaling iyon, dahil na rin sa ilang mga naiisip at epekto ng nainom.
“Oh no, girl. Sinusubukan lang kita that time. Alam ko naman na hindi mo type iyong mga iyon.”
Hagikgik na lang ni Leora sabay tapik sa kanyang balikat.
Napataas na lang siya ng isang kilay rito, kasabay ng paghalukipkip habang pinagmamasdan kung paano ito tuwang-tuwang kumaway sa grupo ng binata na kausap nila kanina.
Agad naman nag-angat ng mga bote ang mga ito, habang sila naman ay nagpatuloy papabalik sa kanilang lamesa.
“Then what is the plan now?”
Maktol na lang niya sa kaibigan.
Hindi na kasi ito matigil sa kakatapos ng tingin sa grupo na kasama nila kanina, panaka-naka pa ang kindat at kaway nito sa mga ito. Batid niyang iiwan nanaman siya nito sa ere, upang pawiin ang sariling pagnanasa at pagkauhaw sa laman.
Ilang sandali rin ang hinintay niya, bago nito ibalik ang atensyon sa kanya.
Mabilis ang naging pagkusot ng mukha nito, kasabay ng pagsasalubong ng kilay pakahinga ng malalim.
“Ano pa ba. You must practice your seduction skills on the person who resembles Armando’s behaviour.”
Pagkikibit balikat nito na may malapad ng ngisi.
“Saan naman ako hahanap ng ganoon?”
Siya naman ang napasalubong ng kilay sa pagkakataon na iyon, dahil para sa kanya ay hindi ganoon kasimple ang nais nito. Dahil para sa kanya, napakahirap makahanap ng isang lalake na kasing kisig at ginoo nito.
“Luckily, mayroon ako nakita kanina pa.”
Malokong ngisi na lang ni Leora sabay nguso sa kanyang likuran.
Agad naman napa-ikot si Leora upang hanapin kung saan nakaturo ang kaibigan.
Sa isang madilim na sulok ng nasabing lugar ay may isang nakayukong binatilyo ang tila nagsusumiksik sa pinakamadilim na parte ng lugar. Panaka-naka ang pagpapaikot nito ng inumin sa hawak na baso, habang kuso’t na kuso’t ang mukha sa paglilitanya ng mag-isa.
“You mean that guy who is all alone in the corner?”
Taas na lang niya ng noo sabay turo rito. Hindi niya man maaninag ang mukha nito dahil sa dilim, pero batid niyang kaedaran nanaman ito ng mga pinupuntirya ng kaibigan kanina.
“Yes, he reminded me of Armando.”
Agad na tango ni Leora na napapahagikgik sabay talumbaba para mas mapagmasdan ng maayos ang naturang lalake.
“Parang ang layo naman. Bibo si Armando, eh iyan mukhang loner.”
Agad niyang balik sa kaibigan na nakataas ang noo at nakabusangot dahil sa pagkukumpara nito. Sa unang tingin pa lang niya kasi sa inaasal nito, masasabi niyang hindi ito tulad ng natitipuhan.
“Well, I think napagod na siya.”
Napatakip na si Leora sa bibig para pigilan ang tuluyan paghalakhak.
“How so?”
Doon na siya napakunot ng noon.
“Kanina ko pa siya pinapanood. Kung nakita mo lang kung paano siya magpapansin sa mga dalaga riyan. Sadly, none of them seems interested in him. I don’t blame them, tingnan mo naman kasi iyong kilos at porma niya. He’s trying too hard to impress. Much like someone we know when he was young.”
Buntong hininga na lang ni Leora na napabagsak na ng balikat, dahil na rin sa kung anong awa para rito.
Nakagat na lang ni Mariella ang labi sa sinabi ng kasama. Mabilis ang paglukob ng konsensya sa kanya dahil na rin sa pagkahabag sa sinapit ng binata.
Hindi niya akalain na ganoon pala ang nangyari rito, at kung ano-ano pa ang nasabi niya.
“Okay, so anong dapat kong gawin?”
Dahil na rin sa nadarama ay parang gusto niyang palubagin ang loob nito. Naroon kasi ang parte sa kanya ng pagnanais na mapalakas ang loob ng binatilyo at maibalik ang nawalang kompyansa. Taliwas sa nais na gawin pang-aakit ng kanyang kaibigan.
“It’s all up to you. Basta alalahanin mo, pupuntahan mo siya para i-seduce, hindi kaibiganin.”
Paypay na lang ni Leora ng kamay na napasimangot na lamang nang mabatid ang kakaibang ningning sa mata ni Mariella.
Mukhang nabatid nito na iba ang kanyang ninanais kaya naman hindi nito napigilan ang pagkukusot ng mukha.
“I can do that!”
Naniningkit na singhal niya sa kaibigan, dahil tila minamaliit nanaman siya nito.
Hindi man siya sang-ayon sa nais nito, subalit naroon rin naman ang parte sa kanya na hindi magpapatalo sa pagsubok ng kaibigan.
“I’ll give you half an hour, after that, he better be drooling over you.”
Kaway na lang ni Leora na may maloko ng ngisi bago siya lagpasan.
“You just watch!”
Habol niya sa kasama bago pa man ito makalayo.
Isang maloko at mapanuyang titig lang ang binato nito sa kanya bago magmadali sa paglalakad.
Nagtuloy-tuloy na ito patungo sa grupong kasama nila kanina. Agad naman itong pinalibutan ng mga binata, kasabay ng agaran na pagsisimula ng kwentuhan at inuman ng mga ito.
Dahil na rin sa bugso ng damdamin mula sa hamon na kinakaharap, namuo ang kakaibang tapang at lakas ng loob sa kanya.
Ngunit dahil na rin sa walang patid na pagkalabit ng kanyang konsensya, minabuti niya ang lumagok ng dalawa pang baso ng malakas na alak bago magtungo sa lalake na pinupuntirya.
Naroon pa rin ang matinding kabog sa kanyang dibdib, dala ng kaba at matinding panginginig ng kanyang kalamnan. Pero salamat sa epekto ng naimon ay unti-unti na itong natatabunan ng kanyang pagkalasing at pagnanais na mapatunayan na kaya niyang magbago.
Ilang buntong hininga ang pinakawalan niya nang nasa harapan na siya ng binatilyo, pero halatang hindi siya pansin nito dahil sa lalim ng iniisip.
Nanatili lang kasi itong nakatingin sa sahig, habang walang patid sa pagsasalita ng mag-isa. Doon niya napagtanto na mayroon itong pilit kinakabisado, dahil walang patid ang pag-eensayo nito ng tono at pamamaraan ng pananalita.
“Hi there!”
Nagpasya na siya na kumaway rito upang makuha ang atensyon. Nakasisiguro kasi siya na walang mangyayari kung mananatili lang siyang nakatayo roon.
Mabilis na lamang ang panlalaki ng mata ng binata, kasabay ng pagnganga nito nang mag-angat ng tingin sa kanya.
Isang malalim na paglunok naman ang nagawa niya, kasabay ng pagkatuod nang masinagan ng ilang ang mukha ng binatilyo at bumungad sa kanya ang pamilyar at maamong hitsura nito.
“Mam Mariella!”
Wala sa sariling bulalas na lang ng lalake, kasabay ng paglitaw ng napakatamis at lapad na ngiti.
Tila nablangko na lamang ang kanyang isipan nang marinig ang pangalan mula sa labi nito. Kasabay noon ang matinding pagririgudon ng kanyang dibdib, dulot na rin ng pagkabigla sa hindi inaasahan na pagkikita nila ng binatilyo.