Napatigil si Liam nang marinig ang tinig sa kaniyang likuran. Lalong naging interesado ng marinig ang pamilyar na boses ng babae at lalo na sa topikong pinag-uusapan ng mga ito.
Mukhang malalim nga ang nararamdaman ni Danielle sa sinasabing mystery man nito. Ganoon na ba nito kamahal ang lalaking iyon para i-turn down lahat ng lalaking nagtatangkang ligawan ito. Napatigil siya hinintay ang isasagot ng babae. Ngunit wala siyang narinig buhat rito.
"Dani, please give me chance," dinig na turan ng lalaki.
"Pau," paos na tinig nito.
"Hindi kita minamadali Dani, I'm just here for you." Turan pa ng lalaki.
"I'm sorry Paulo, but—"
"Dani please."
"No Pau, ayaw kong umasa ka. Hindi ako handa sa ganito. Nandito lang ako dahil pinilit ako ni mama pero ayaw kong paasahin ka." Mahinang wika.
Nakitang tumaimbagang ito sa kaniyang sinabi. Nakitang nagpipigil lang ito na hindi mainis sa kaniya.
"I'm sorry," aniya.
"It's okay," anito saka bumuntong hininga. "Pero hayaan mo sanang ipakita ko sa'yo ang aking pag-ibig baka sakaling—" Hirit pa rin nito.
"I'm sorry Pau pero hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay," tapatang turan. Ayaw niya itong masaktan kaya ngayon pa lamang ay tinatapat niya na ito.
"Okay," tila napipikang turan nito. "Finish your food then I will drop you home," anito na nawala na ang ngiti sa labi nito.
"It's okay, kaya ko naman nang umuwi." Aniya dahil baka kung ano ang gawin ng lalaki. She knows na galit na ito at nagtitimpi na lamang.
Tumitig ito sa kaniya at tila inarok ang kaniyang kalooban hanggang sa makitang sumuko na ito.
"Okay fine!" Anito at hindi na ito umimik.
Hinintay ni Liam na matapos ang dalawang pinapakinggan at nang maramdamang may tumayo sa dalawa ay napatuwid siya ng upo. Nang marinig ang may bahid pait na tinig ng lalaki.
"Okay, hindi na kita kukulitin dahil mukhang mahal na mahal mo talaga siya. Sana lang at hindi ka umasa sa wala." Anito saka umalis.
Pinakiramdaman niya si Dani ngunit ilang segundo na ay hindi pa rin ito kumikilos sa kinauupuan nito. Tinawag na niya ang waiter upang kunin ang bill niya. Agad naman siyang inistema. Matapos noon ay tumayo na siya at imbes na umalis ay hinila ang palad ng babaeng nakayuko pa rin.
Nabigla ito at agad na nagtaas ng tingin at nanlaki ang mata nito ng makita siya nito.
"Direk!" Gulat na turan ni Dani ng makita si Liam.
"Call me Liam, let's go." Sabay hila ulit ang kamay ng babae. Bakas ang pagkakunot nito nang tignan ang magandang mukha nito. "Trust me," aniya na tila nangungumbinsi.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Dani nang makitang desidido ang guwapong mukha ng lalaking nasa harapan. Matapos ay ngumiti saka nagdesisyong sumama na rito. Wala naman sigurong masama itong gagawin sa kaniya at wala na rin siyang pakialam kung pagalitan pa siya ng ina.
Habang hila pa ni Liam ang kamay niya ay hindi niya maiwasang mapangiti. Ngayon lang siya susuway sa magulang kaya lubos-lubusin na niya. Sumama na siya sa lalaki. Naging sunod-sunuran sa nais nito. Nang sumenyas itong sumakay siya sa sasakyan nito ay agad siyang sumakay. Imbes na takot ang manaig sa sandaling iyon ay kalayaan at kasiyahan. Nagsimulang umusad ang sasakyan nito at hindi man batid kung saan sila pupunta ay hinayaan na lamang na magdesisyon si Liam.
Nang makitang papalabas na sila ng Metro Manila ay bahagya siyang napalingon rito. Abala ito sa pagmamaneho at nakatuon ang tingin sa daan nila.
Napansin ni Liam ang pagsulyap ni Dani sa kaniya. "Don't worry, walang mangyayari sa'yong masama. Trust me," aniya sa babae.
Nakitang bahagya itong ngumiti.
"Magugustuhan mo kapag nakarating na tayo. Hindi naman masyadong malayo. Buti nga at hindi gaano traffic." Saad pa. Tahimik pa rin si Dani.
Nang bumungad na sila ng Antipolo ay nakitang napapalingon na si Dani sa bintana ng kotse niya. Tila batang namamangha sa nakikita nito at nang tuluyang nakarating sa pakay ay agad na niyaya ito. Tila paslit na mabilis na umibis ito nang kotse at nagpaikot-ikot.
"Wow! Ang ganda rito," bulalas. Nakita nitong tila nakalimot konti sa pressure ng mundong pinasok nito at sa mata ng ina nito.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya.
Nakangiting tumingin sa kaniya si Dani.
"Yes, salamat! Ngayon lang ako nakarating rito. Saan ito?" Sunod-sunod na tanong nito.
"Tawag dito. Cloud 9 at naririto tayo ngayon sa Antipolo," aniya rito. Nalulugod ang pusong makita ang kasiyahang nakikita sa mukha ng babae.
"Salamat," dinig na turan nito.
Ngumiti siya.
"You're much welcome," turan niya saka sumandig sa kotse niya habang ang babae naman ay masayang nilibot ang lugar. "Huwag ka lang masyadong lumayo," babala rito.
Agad na lumingon ito sabay ng thumbs up nito. Ligaya ang dulot sa kaniya ang bawat ngiti nito ngunit habang nakatanaw sa papalayong babae ay siyang pagbalong ng alaala sa kaniyang isipan. Nakikita niya kasi ang malayong kaibahan nila ni Dani. Kung ito ay masunurin, siya naman ay suwail. Dahil sa kasuwailan ay napaagang nawala ang kanilang papa. Kasabay ng alaala ng kahapon.
"Alam mo namang ikaw ang panganay at ikaw ang inaasahan kong magmamanage ng negosyo natin?" Giit ng papa niya.
"Pero papa na sa photography ang hilig ko—."
"Photography? Mabubuhay ka ba niyan? Hindi! Mag-aaral ka ng marketing sa ayaw at sa gusto mo!" Hasik ng ama.
"Ayako papa bakit hindi na lang si Lance," baling sa papasok na kapatid na galing sa pagbabasketball nito.
"Anong ako? Ayos na ang papers ko sa PMA," angal naman nito kahit third pa lamang si Lance ay talagang ayos na nitong papasok sa PMA dahil naroroon ang isa sa tiyuhin nila.
"Ikaw ang kinakausap ko Liam. Kaya pwede ba tigil-tigilan mo ako sa photography at directing na iyan. Wala kang mapapala diyan?" Inis na turan ng ama.
"Ano na naman bang pinag-aawayan niyong mag-ama." Ang awat ng mama nila.
"Ito kasing anak mo! Ang tigas ng ulo, ayaw akong sundin. Pagsabihan mo nga," anito saka iniwan na sila.
"Pero Ma, wala talaga sa negosyo ang puso ko. Nasa photography at sa film making," naiiyak na turan sa kaniyang mama.
Wala naman nagawa ang mama nila kundi ang yakapin siya. At nang tuluyan siyang nagdesisyong kumuha ng kurso sa Ateneo ay talagang tahasang sinalungat ang gusto ng ama. He took up Media and Creative Arts. Dahil doon ay mas umigting ang iringan nila ng kaniyang papa.
"Ahemmmm." Mahabang tikhim na nagpabalik sa kaniya. "Direk," tinig ni Dani.
"Dan," usal sa pangalan nito.
Napangiti si Dani nang tila wala sa sarili ang kasamang lalaki nang bumalik siya. Inabot rito ang biniling coke in can. Saka tinabihan ito sa kinatatayuan nito. Kapwa sila binalot ng katahimikan. May ilang taong naroroon at kaniya-kaniya ang pwesto kung sa tingin ng nga ito ay maganda ang view.
"Salamat," tinig ni Dani na bumasag sa katahimikan nilang dalawa.
"Hndi ba dapat ako ang mag-thank you," ani naman ni Liam na nakabawi na sabay taas sa binigay na coke in can.
Ngumiti si Dani. "I mean, thank you sa pagdadala sa akin rito. Never pa akong gumala na hindi kasama ang mama o si papa." Aniya saka muling binaling ang tingin sa kalayuan.
Bahagyang napatawa si Liam. Ngunit paglingon ni Dani ay nakita niyang bahagyang may kumislap sa mata ng lalaking kasama.
"Kung hindi mo pa ako dinala rito, hindi ko alam na may lugar pa palang ganito," malungkot na dugtong pa ni Dani.
Tinungga ni Liam ang binuksang softdrinks. "Galit ka ba sa parents mo dahil mahigpit sila sa'yo?" Maya-maya ay tanong kay Dani.
Tumingin ito sa kaniya ngunit saglit lang at binalik din sa malayo ang tingin.
"Ewan ko! Mahal ko sila pero—" Putol ni Dani saka uminom din sa hawak.
"Masuwerte ka. Masuwerte ka kasi nandiyan sila, pareho silang nandiyan para sa'yo," turan niya.
Kontrolado ang tinig dahil ayaw naman niyang maiyak sa harap nito.
"Ako, kasi noon. Ginawa ko ang gusto ko. Hindi ako nakinig sa papa ko kaya inatake siya. Well, sabi ng mama at mga kapatid ko na aksidente at hindi ko kasalanan pero nandito sa dibdib at isipan kong isa ako sa dahilan kaya maagang nawala ang papa ko." Mahabang turan saka muling sumandig sa sasakyan nito at tumingala sa langit.
Sa narinig na iyon mula sa lalaki ay tila naarok niya ang pagkatao nito. Napakaseryoso nito pero may malalim na dahilan ang lahat. Naalala niya ang nasa plastic pang sitsirya na dala. Binuksan niya iyon saka inalok ito.
Agad namang tumingin si Liam sa kaniya.
"Pantanggal stress. Mukhang malalim ang hugot mo direk," aniya na nakangiti.
Walang nagawa si Liam kung di ang ngumiti na lang din. Doon ay lumilitaw din ang kapilyahan ng babae. Sa tuwing makikita kasi ito ay malungkot ang mata at tila mataray naman kung minsan. Kumuha siya noon at kumain, ganoon din naman ito.
"Pareho lang pala tayo ng buhay eh. Well, kabaligtaran pala pero mukhang pareho ang patutunguhan. Huwag mo masyadong isipin baka tumanda ka agad." Anito saka tumawa nang malutong. Isang aktuwasyon nito na hindi niya napaghandaan.
"Ikaw nga diyan. Palagi kang malungkot, para lagi kang hinahabol lagi," aniya rito.
Tumingin si Dani sa kaniya. "Hirap pagsabayin ang pangarap ng papa ko at the same time ay pangarap ng mama ko," biro nito.
"How did you say that?"
"Pangarap ng papa kong maging katulad nito para may magtuloy sa legacy nito at ang pagpasok sa showbiz naman ay pangarap ng mama ko. Di ba obvious," aniya.
Tumingin si Liam kay Dani, matiim. "Ikaw anong pangarap mo?" Seryosong tanong niya. Nakitang napaunat ng tayo si Dani saka muling sumandig at gaya kanina ay tumingala rin ito.
Nagtanong pa siya eh alam naman na niya ang pangarap nito. Ang sundan ang mystery guy nitong sundalo.
Nang hindi ito sumagot ay siya na rin ang sumagot.
"Ang muling makita ang mystery guy mong pumasok sa military?" Aniya.
Agad na lumingon sa kaniya si Dani at siya naman ang tumingin sa malayo. "Paano mo nalaman?" Maang na tanong niya sa lalaki.
"So, tama nga ako?" Aniya rito.
Maya-maya ay ngumisi na si Dani. May kapilyahang naisip.
"Hindi! Well, crush ko siya pero kaya gusto kong mag-military ay para suwayin lang sila. Gusto ko kahit papaano ay maging independent. Doon ay pansamantalang makakalayo ako sa lahat nang pagmamando ni mama sa buhay ko." Aniya rito.
Sa narinig ay kahit papaano ay naliwanagan si Liam. "Ikaw? At your age, bakit wala ka pang asawa?" Tanong rito na agad nitong kinakunot ng noo.
"Ganoon na ba ako katanda?" Maang na tanong ni Liam kay Dani. Alam niyang bente- uno pa lamang ito. "I'm just twenty-eight?" Dagdag pa.
Natawa si Dani. "Seryoso ka kasi lagi direk! Palagi ka pang naka-long sleeves at amerikana. Kaya akala ko noon—" Pambibitin pa nito.
"Ano?"
"Huwag na baka ma-offend ka?" Aniya sabay ngisi.
"Ano nga?" Pamimilit ni Liam. "Don't worry, hindi ako mapipikon." Pangungumbinsi rito.
"Huwag na," nakangisi pa ring turan ni Dani.
"Sasabihin mo o pipilitin pa kita," pagbabanta na ni Liam.
Tumitig sa kaniya si Dani dahilan para mailang siya kahit siya ang lalaki. Iba kasi ang titig na iyon ni Dani. Batid niyang may kapilyahan itong naglalaro sa isipan. Matapos nitong titigan ang buo niyang mukha ay umayos na ito ng tayo.
"Huwag na," anito saka binuksan na ang sasakyan niya. "Umuwi na tayo. Tiyak na umuusok na ang ilong ng mama ko." Aniya na nakatawa. Umiling na lamang at pumasok na rin at umupo sa driver seat.
Sa biyahe ay pareho silang nagpapakiramdaman. Paminsan minsan ay nahuhuling sumisilip sa kaniya si Dani. Hindi tuloy alam kung napapansin na nitong naaagaw na rin nito ang pansin niya.
"May gusto ka bang sabihin?" Hindi mapigilang tanong rito.
"What do you mean?" Maang-maangang tanong nito.
"Kanina ka pa kaya di mapakali at pasulyap-sulyap sa akin. I know, guwapo ako—"
"Wow! Ang kapal ha," natatawang turan ni Dani. "Okay, sabihin na nating guwapo ka—."
"See?" Gagad niya. "Crush mo ako noh?" Tahasang turan.
Tumawa nang malutong si Dani.
"Crush ka diyan " aniya ngunit tagos sa ilong. Sa totoo lang ay tila nagsisimula nang mabaling ang paghanga kay Lance sa lalaking nasa tabi.
"See, hindi ka na nakapagsalita. That means, crush mo nga ako?" Pagbibiro ni Liam.
"Ewan!" Nahihiyang turan na lamang si Dani dahil nahuli na siya nito.
Napansin na lamang ni Dani ang pagtigil ng sasakyan nito. Kapwa sila tahimik.
"Bakit tayo tumigil?" Maang na tanong rito. Humarap sa kaniya si Liam dahilan upang kabahan siya ng todo.
"Liam," usal niya nang tila unti-unting bumababa ang mukha nito sa mukha niya. "Liam," aniya na may takot dahil unang halik pa lamang niya iyon kung mangyayari.
Ngunit walang halik na lumapat sa pisngi o labi. Bagkus narinig itong bumulong.
"Be ready, your mom is coming." Anito at agad siyang napadilat ng mata at kinabahan sa narinig. Napalunok siya nang makitang nasa tapat pala sila ng bahay at tila kanina pa naghihintay ang mga magulang niya.