"Hah!" Gulat na turan ng marinig ang sinabi ng lalaki at agad na ginala ang tingin. Nakita ngang papasugod ang kaniyang ina. Agad siyang bumaba ng sasakyan ng direktor bago pa ito pagdiskitahan ang lalaki. "Mama," aniya rito. "Buti naman at umuwi ka nang bata ka. Alam mo bang tinawagan ako ni Paulo na maagang natapos ang date ninyo. Tapos malalaman kong sumama ka lang sa kung sino-sinong lalaki." Ani ng ina na dinuduro pa ang direksyon ni Liam. Alam niyang nakamasid lang sa kanila ito. "Ma, stop that. Twenty-one na ako at kaya ko na ang sarili ko. Nandito na ako, okay naman ako 'di ba?" Giit sa ina ngunit tila walang planong tantanan si Liam. Kinampag pa nito ang harapan ng sasakyan nito. "Daddy," hinging tulong sa amang nasa likuran ng ina. Tila wala itong balak siyang ipagtanggol s