Chapter 5:

2005 Words
Mataman siyang nakikinig sa pakikipag-usap ni Liam sa tinawag nitong Lance. "So, nasa bahay ka ngayon?" Wika nito. Kung hindi lang nakakahiya ay tinanong na niya ito. Napansin naman ni Liam na tila tahimik na tahimik ang babaeng kasama at mukhang interesado sa pakikinig nito. Kaya agad na nagpaalam sa kapatid. "Okay bro, see you later," aniya saka binaba ang tawag ng kapatid. Bumaling siya kay Dani na noon ay tahimik pa rin. "Sorry, tumawag ang kapatid ko. Halos three years din kaming hindi nagkita. Nasa PMA pa siya noong lumipad ako papunta ng US," aniya ngunit nagulat sita ng napabulalas si Dani. "Sundalo ang kapatid mo?" Gulat  na turan nito. Maging siya ay nabigla sa inaktong iyon ni Danielle. Nang mapansin nitong natigilan siya ay tila nahiya ito at binaling sa labas ang tingin. Hanggang sa magsink in sa isipan ang narinig na pag-uusapn ni Dani at ang mama nito.  "Akala mo ba hindi ko alam na gustong-gusto mong pumasok sa PMA ay dahil nagsundalo ang lalaking kinababaliwan mo. Wake up Dani, nandito sa showbiz ang buhay mo at ano ang gagawin mo kung naging sundalo ka. Sayang ang ganda at talento mo." Umaatingawngaw sa kaniyang isipan. Kaya nga siguro naging interesado si Dani nang banggitin niyang sundalo ang kapatid niya. Kinabahan si Dani, malaki kasi ang posibilidad na kapatid ng bagong direktor ang lalaking matagal nang pinanabikang makita. Muli ay napansin ni Liam ang pananahimik ng babae at tila malalim ang iniisip nito. Nang untagin niya ito. "Ahemmmm." Tikhim upang pukawin ang pansin nito.  Tumingin ito sa kaniya kaya simpatikong ngumiti siya dahilan para lumabas ang magkabilaang biloy sa pisngi. Hindi siya masyadong nangiti dahil ayaw niyang nalabas ang biloy niya. Hindi niya kasi alam kung bintahe ba niya iyon o hindi dahil para sa kaniya ay sa babae lamang bagay ang pagkakaroon ng biloy. "Direk," turan ni Dani. Agad siyang nahimasmasan. Siya tuloy ang natulala. "Nandito na po tayo," dugtong pa nito. "Okay," aniya saka mabilis na pinarada ang sasakyan. Nang buhatin nito ang may kalakihang bag nito ay agad na sanang tutulungan. "Let me," aniya. Aangal pa sana si Dani ng hawakan nang buhatin na ni Liam ang bag niya. "Direk, ako na lang po. Kaya ko naman po." Awat niya ngunit tuloy-tuloy lang ito at sumaludo pa sa security guard nila. "Direk wait," habol pa dahil mataas ang takong ng shoes niya.  "Saan ang studio kung saan kayo may guesting?" Tanong nito na nakahinto. "Ako na lang direk," muling turan at kukunin na rito ang bag niya.  "No, dadalhin na kita roon," giit ni Liam. Akmang nag-aagawan na sila sa bag niya ng makarinig siya ng pagtawag mula sa pamilyar na tinig. "Dani!" Malakas at tila galit na boses. Sa kung saan. Agad na hinanap ang pinanggalingan noon at nakitang ang mama nga niya iyon. Napabitaw siya sa kaniyang bag. Mabilis na lumapit ang mama niya at masama ang tingin sa kanila ni Liam. "Mommy," alanganing turan. Naramdaman naman ni Liam ang panginginig ng boses ni Dani sa pagdating ng mama nito. "Ma'am, sorry kung na-late si—."  "I'm not talking to you!" Galit na sabad nito. "Tell me Dani! Sino ang lalaking ito at bakit niya buhat-buhat ang bag mo? Sagot!" Mataas na boses ng ina na alam niyang nagtitimpi. "Mommy, wala po kaming ginagawang masama—." "Sagutin mo ang tinatanong ko! Alam mo bang kanina ka pa hinihintay ni Paulo. Nag-aalala na at baka hindi ka raw sisipot tapos naririto ka lamang at nakikipagharutan sa kung sino-sino lamang." Giit ng ina. Nakita ni Liam ang pangingilid ng luha ni Dani. "Ma'am, I'm Will Liam Montecalvo, new film director ng MGM  station." Pakilala niya. Nang marinig ng ginang ang pagpakilala ay tila biglang lumambot ang mukha nito.  "Oh siya, bilisan mo nang bata ka at magsisimula na." Anito saka tumalikod na pabalik. Naiwan silang dalawa.  "Sorry," turan saka kinuha ang bag na hawak ng lalaki. "It's okay," turan na nahahabag sa kalagayan ni Dani.  Tila gusto niya itong yakapin at payapain sa kaniyang balikat. Ramdam niya ang bigat sa dibdib nito na tila isang puppet na sunod-sunuran sa ina. Parang gusto niyang itakas ito sa mundong gustong pagpasukan ng ina rito. Habang nakatanaw sa babaeng papalayo ay hindi niya maiwasang maawa dito. Nakatanaw pa rin siya ng makitang lumingon ito at nakita sa mata ang pagtulo ng luha nito. Agad nito iyong pinawi saka nagmadali nang umalis. Nasa loob na siya ng kaniyang opisina at kausap ang ilang staff niya ngunit hindi mawala ang isipan ang tungkol kay Dani.  "Robert, can you open the TV please." Aniya at sakto ang guesting nina Dani at Paulo ang nakasalang.  "Isang Happy Happy Hapon sa ating lahat." Bungad ng host nito na napakaganda ang awra. "Isang sikat na loveteam ang makakasama natin ngayon. Ang bibida sa ating bawat umaga at gabi. Let's welcome Paulo Aguilar and Danielle Santibañez." Masiglang tawag ng host at lumabas ang magpartner na hawak pa ng lalaki ang beywang ng babae. Napansin yata ng crew niyang napapatingin siya sa TV. "Ganda talaga ni ma'am Dani." Komento nito. "Sa TV mukhang masaya siya pero kapag nakakasalubong ko rito sa istasyon tila manikang naglalakad. Walang buhay." Dagdag nito. Muli ay tila gusto na niyang tangayin ito at ilayo. Ipakita rito ang ganda ng mundo. Muling lumingon sa TV.  "So tell us, anong real score sa inyong dalawa? Balita namin ay may upcoming movie kayo?" Tanong ng host. "Oh yes, pero hindi pa pwedeng i-revail kung ano iyon." Agad na sagot ni Dani. "How about sa real score sa inyo?" Giit na tanong ng host na tila binubuyo nito sila ni Paulo. Hindi na iyon bago sa kaniya. Since, nagteam up sila ay palagi na silang tinutukso sa isa't isa. "Me personally, I like Dani pero for now work na muna." Ang maangas na turan ni Paulo. Ngumiti na lamang siya. Nainis na si Liam sa pinapanood. Nakita kasing besides sa pasimpleng pakikipagholding hands ng ka-loveteam ni Dani ay napaakbay pa ito. Nabuwisit na siya.  "Robert, turn off the TV." Turan pero tila nawili ang lalaki sa kapapanood at hindi nito pinapatay ang TV kaya siya na ang umabot sa remote at pinatay iyon. Napakamot pa ito ng ulo sabay lingon sa kaniya. Nang makitang seryoso siya ay ngumiti na lamang ito. "We have lots of work to do," turan na lamang rito at sumunod naman. Gustuhin man ni Dani na ipiksi ang mga kamay ni Paulo ay hindi niya magawa dahil nasa harap sila ng camera. Besides ay nasa harap din ng audience ang kaniyang mama. Kaya minabuting tanggapin na lamang dahil holding hands lang naman. 'Dani, matatapos din ito.' Aniya sa sarili saka pinilit ngumiti ngunit tila namimihasa ang katabing lalaki dahil may paakbay pa ito sa kinauupuan niya na kinakilig ng kanilang fan club. Sumenyas ang ina na ngumiti siya kaya wala siyang nagawa kundi ang itudo ang pagngiti ngunit wala siyang ibang ginawa kundi ang magdasal na sana ay matapos na ang guesting na iyon at hindi naman nagtagal ay nangyari nga. Masayang lumapit si Paulo sa mama niya at magiliw namang kinausap ng mama niya.  "Hello po tita," bati nito. "Hello din hijo. Kumusta ka na? Dinig ko ay may bago kang endorsement?" Dinig na tanong ng ina. "Oo nga po," anito sabay lingon sa kaniya. Tahimik lamang siya saka kunwari ay nag-aayos sa bag. "Ito kasing anak ko, lahat na lang gustong i-turn down. Kaya minsan ay naiinis na ako!" Ani ng mama. "Mommy!" Sawata. "Okay fine,"anito na suko na sa kaniya. "Dani," untag ni Paulo sa kaniya. Tumingin lang siya rito. "Can I invite u for a dinner?" Anito. Sasagutin sana iyon ng no nang sagutin ng kaniyang mama. "Sure, Paulo. I think it's a good idea." Ani ng ina niya na tila halatang talagang pinagtutulakan siya dito. "Mommy, I'm busy."  "Wala ka naman nang klase. Tapos na ang defense ninyo sa thesis. So, it's about time na pagtuunan mo ang career mo. You have a lots of offer na tinanggian mo dahil pinagbigyan kita sa kagustuhan mong mag-aral. So, I do hope na hindi mo rin ako tatanggihan." Matigas na turan ng ina. Wala siyang nagawa kundi ang pumayag na lamang. "Hey bro, long time no see!" Maingay nanbungad sa kaniya ni Lance sa restaurant na sinabi nitong kinaroroonan. May kasama itong katulad nito ay nakasuot pa rin ng uniporme habang sa lapag ay ang malalaking bag ng mga ito. Mukhang hindi rin nagpatinag ang kapatid sa pangarap nitong maging sundalo. Naalala niya tuloy ang kaniyang papa. Muli ay kumirot ang puso siya sa alalanahing naging malaki ang parte niya sa agarang pagpanaw nito.  "Mukhang hindi masaya itong utol ko nang makita ako!" Diga ni Lance sa kasama nito na ngumiti lamang. Doon ay napabalik siya sa ulirat at ngumiti. "Of course I'm happy. Natupad mo na rin ang pangarap mo," aniya rito sabay tapik sa balikat nito.  "Ikaw din naman," anito saka natahimik ito.  Maaaring katulad nito ay naalala ang kanilang ama. At nang makabawi ay agad na pinakilala ang kasama.  "'Tol, bok ko. Si Bruce. Bok, utol ko, si kuya Liam." Pakilala ka-buddy nito. "Nice to meet you, siguro naman ay walang ginawang katarantaduhan itong kapatid ko habang nasa Baselan kayo?" Natatawang wika. Tumawa si Bruce. "Wala naman kuya, makulit lang talaga. Gustong sugod ng sugod. Buti nga at buo pa siyang nakauwi." Anito. Napangiti siya. "Good, buti at b***l lang ang pinutok nito. Hindi semilya," baling pa. "Kuya talaga. Matulis man ako, hindi ako chickboy!" Ani lalo pa at naiinis pa siya noon gawa ng ginawang pagtataksil ng kasintahan sa kaniya. "Mabuti na iyong malinaw." Turan saka nagtawanan at kumain na. Bigla ay tila naalerto ang dalawang kasama. "Bakit?" Bulong sa mga ito. Nakakailang subo pa lamang sila ng inihaing pagkain nila. "Huwag kang lilingon kuya. Magkita na lamang tayo sa bahay. Bruce, we need to vacate." Turan ng kapatid. Mukhang malakas na rin ng radar ng kapatid kapag may panganib. "Copy bok!" Pasimpleng ni Bruce at maya-maya ay umalis na nga ang mga ito ng makahanap ng tiyempo. Saktong papasok na sila ni Paulo ng pintuhan ng restaurant ng mamataan sa dulo ang bagong direktor habang may nakatalikod na dalawang sundalo na papalayo sa mesa nito. Bigla ay kumabog ang dibdib niya. 'Lance,' bulong niya. Nang maramdaman ang paghawak ni Paulo sa kaniyang braso.  "This way," giya nito sa mesa nila. Mas lalo pang kinabahan ng sa likod ni Liam ang kanilang mesa. Natanaw sa mesa nito ang tatlong order ng steak. Ngunit umalis na naman ang mga kasama nito. "What do you want to eat?" Tanong ni Paulo sa kaniya. Nakaupo siya sa malapit sa likuran ni Liam, kaya talikuran sila nito. "Hmmmmm," aniya habang nakatingin sa menu na binigay ng umasisteng waiter sa kanila. "One caesar salad and steak, please." Turan niya.  "Drink?"  "Lemonade with mint please," turan ulit. Matapos ibigay rin ni Paulo ang order nito ay natahimik siya. Ayaw niyang palawigin pa ang pag-uusap nila. Kaya lang naman siya naroroon dahil sa utos ng ina. "I know you don't like me Dani." Panimula ni Paulo. Natigilan siya at tumingin rito. "Why don't you try to know me personally. Yes, you know me by my name and my reputation pero hindi mo kilala kung sino talaga ako. Lagi tayong magkasama pero ramdam ko ang layo natin sa isa't isa." May pait na tinig ni Paulo sa kaniya. Napalunok tuloy siya. Tama ito.  "I like you Dani." Tahasan pang turan nito. "Kaya kahit, ini-snub mo ako at hindi kinakausap ay naririto pa rin ako." Dagdag pa. Hindi alam kung ano ang gagawin. Hinawakan nito ang palad niya na nasa mesa. "Paulo," may bikig na turan. "Please Dani. Give me one chance to prove my love for you. Maloko ako oo pero gaya ng trabaho natin ay para lang iyon sa mga fans na umaasa." Anito. Unti-unting binawi ang palad at nakiramdam na tahimik ang lalaking nasa likuran niya. Kung kanina ay naririnig nito ang kubyertos nito. Ngayon ay hindi na. "Paulo, I am sorry.I try na ibaling sa'yo ang pansin ko pero—" Putol na wika niya. "Pero umaasa kang muling magtatagpo ng landas ninyo ng high school crush mo?" Puno ng pait na turan ni Paulo. Napamaang siyang tumingin rito kung bakit niya alam ang tungkol doon. "Sorry, I chatted Maricar. Desperado na akong malaman kung bakit ni isa ay wala ka pang boyfriend. And she told me that despite of how many years you're still longing for that guy. How lucky he was," sarkastikong wika. Yumuko siya at nalaglag ang luha sa kaniyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD