Nagpatiuna na siyang pumasok sa bahay nina Maricar. Agad namang sumunod ang dalawa at hindi pa rin matapos-tapos ang pang-uusisa ng mga ito tungkol kay Liam.
"How old is he?" Tanong pa ni Angela. "Baka pwedeng gawing fafa. Aahhhh," kilig nito.
"Malay ko, late twenties na ata! Ewan," aniya dahil hindi naman natanong rito. Saka tumahimik. Napansin agad iyon ni Maricar lalo pa nang bumuntong hininga siya. Sa loob ay naroroon sina Marigold at Cecille na kasama sa kanilang defense. Inaayos ng mga ito ang kanilang mga data sa laptop para maayos ang pagkakasunod ng kanilang ipapakita sa projector nila bukas.
"Anong kaguluhan iyan?" Agad na bungad ni Cecille ng makitang tila aligaga sina Maricar at Angela.
"Ito kasing celebrity natin eh hinatid ng handsome, yummy and hot na direktor. Aahhhhh," sabayang tili pa nina Angela at Maricar.
Napapailing na lamang si Dani. "Talaga?" Tila tuluyang naintrigang turan ng dalawa pang kasama.
"Yes, as in. Ampogi!" Ani ni Angela na tila nagkikita pa sa balintataw ang mukha ni Liam. Kung bakit pa kasi binaba nito ang bintana, 'di sana hindi na ganito nagkakagulo ang mga ito.
"Hay naku! Nandito po tayo para gumawa ng presentation at tayo na po ang magdedefense bukas," aniya sa mga ito para matigil na. At nang tila bumalik na sa isipan ang totoong pakay ay natigil na at lahat ay naging seryoso.
Sa ang unang magsasalita. Pakay ng defense nila ay hindi lamang good performance kundi entertaining also. Ayaw niyang ma-boring ang kanilang mga panel of judges kaya may mga line na silang ipupukol. Pati mga isusuot nila ay maayos na. Look like a dignified working business woman.
"Good morning ladies and gentlemen. I am Danielle Santibañez, an accountancy student. We are here today as we present to you our company annual report." Panimula niya. Very striking ang personality niya na dapat iportray. Siguro ay blessing in disgust sa kaniya ang pagiging artista niya at nagagamit niya iyon kahit sa ganoong paraan.
Ang nabigay kasi sa kanila ay ang anual income ng isang construction firm sa Makati. They work for three month as an OJT na rin at pinag-aralan ang lahat.
"As you can see in our draft. The anual report," aniya sabay turo sa figures na lumabas sa kanilang projector. Naroroon ang lahat ng sales, tax reduction, consumption, etc. "My groupmates will explain to you the further details by month for you to fully understand," aniya pa saka tumingin sa mga kasama na tila ang mga ito ang kanilang panel of judges.
Pumalakpak ang mga kasama. "Sana ay maging maayos ang lahat. I'm nervous," turan ni Maricar.
"Kaya natin ito. We will hit that 100 grade for this!" Aniya na buo ang loob.
"Yes! Para sa mataas na grades," sigaw ni Marigold na tila si Gabriela Silang.
"Para sa mataas na grades," sigaw nilang lahat saka nagtawanan.
Nagsimula na ring sumalang ang iba. Paminsan-minsang nagtatawanan. At nagkukulitan lalo na kapag may nagba-buckle pero hopefully ay mairaos nila.
Matapos iwan ni Liam si Dani sa bahay ng kaibigan nito ay naisipan niyang dumaan sa mall upang bilhan ng regalo ang ina at bulaklak na rin. Since matagal na 'di nakakauwi ng Pinas ay sa bahay pa nila siya nakatira. May balak siyang kumuha ng condo malapit sa TV station na pinapasukan kapag nagsimula na siyang mag-taping. Pagpasok sa mall ay napangiti siya. Matagal-tagal na hindi nakakapunta sa mall na iyon. Patingin-tingin sa paligid. Hindi pa niya kasi alam kung ano ang ireregalo sa ina.
Mahilig ang ina sa magagandang figurine na pwedeng ipang display. Hindi kasi siya nakahanap ng pagkakataong makabili ng regalo sa Amerika. Sa department store siya nagtungo. Ikot-ikot lang siya at nang walang magustuhan ay sa ibang shop siya naghanap.
Naka-ilang ikot na siya ng may mamataan siyang shop. Mabilis na tinungo iyon ng may masagi siyang babaeng palabas din ng shop. Nahulog ang dala nito kasabay ng pagbagsak ay ang tunog ng pagkabasag sa loob ng nabagsak.
"What the heck! Oh my God." Anito ng tila masilip na basag ang laman ng paper bag na nabagsak nito. "It's your fault, you—"
Gigil na hitsura ng babaeng tumingin na sa kaniya. Bigla itong napahinto. Maging siya ay nagulat rin. Hindi niya inaasahan ang babaeng makakabangga.
"Will?" Malakas na turan nito.
"Danica!" Gulat ding sabad.
Maya-maya ang mala-tigre nitong mukha ay napalitan ng ngiti sa mukha. "Kailan, kailan ka nagbalik?" Tanong nito sa kaniya na hindi makapaniwala.
"Noong isang araw lang. Anyways, sorry dito. I will pay or kuha na ka na lang ulit sa loob." Aniya.
"No, it's okay. Sorry, may kasalanan din ako. Hindi ako nakatingin sa dinaraanan ko. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Tanong nito.
"Ah, just wanna buy something for mom," aniya. Nang mabanggit niya ang mama niya ay ngumiti ito.
"Hows tita. Mula kasi noong—" Tigil nito.
"She's good," agad na turan. Tiyak kasi na naalala na nito ang kanilang paghihiwalay noon.
Nakitang alanganing ngumiti ito. "Oh—kay. So, kumusta ang buhay?" Paninimula nito ng kuwento.
"I'm good. I had an offer sa MGM station kaya bumalik ako rito." Turan niya.
"Really, that's good." Anito na natuwa naman sa kaniyang tagumpay.
Bumalik sila sa loob at pinalitan niya ang nabasag na binili nito. Saka bumili na rin siya ng ibibigay sa kaniyang mama. Masaya silang nagkasama ni Danica na tila walang nangyari. Paminsan-minsan nga ay nagtatawanan pa sila. Niyaya niya itong kumain tutal ay gabi na. Masaya ito ng yayain niya.
"So, any girlfriend?" Naiilang na tanong nito.
Ngumiti siya. Saka umiling. Ayaw niyang tanungin ito baka kasi ay umasa pa itong magkakabikan sila. Nakitang ngumiti ito.
"Aren't you going to asked if I have boyfriend?"Anito.
Ngumiti siya. Hindi niya alam kung papaano sasagutin iyon ng hindi ito ma-o-offend.
"Well, I am happy being single Danica. I know, you move on already. We're both mature now." Aniya para ipaalam na hindi siya interesado. Nakitang pinilit nitong ngumiti. Saka nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos noon ay nagpaalam na siya sa dating kasintahan dahil may trabaho siya kinabukasan.
Sunod na araw ay kabado ang grupo nina Dani sa kanilang defense. Maayos na maayos na ang kanilang pustura. She wore lousy sleeveless top na pinatungan niya ng black blazer na binatunes sa gitnang bahagi para ma-emphasize ang korte ng katawan. Saka isang black miniskirt saka black stocking at black high heel shoes. Pinusod ang mahabang buhok. Nagpahid ng konting make-up at lipstick. Nang makontento na sa hitsura ay saka bumaling sa mga kasama. Tapos na rin ang mga ito at limang minutos na lamang ay magsisimula na sila.
"Are you ready girls?" Tanong sa mga ito.
"Ready!" Maarteng turan ng mga ito.
Pagpasok nila sa defense room ay nakitang nakaupo na roon ang limang panel of judge. Gaya ng napractice nila ay siya ang unang nagsalita.
"Are you ready ladies? Your grades depend on your whole performance. So, I hope Miss Santibañez, since you are running for c*m laude. You trained your groupmates." Pormal na pormal na turan ng kanilang accountancy coordinator.
"Yes ma'am." Kumpiyansang turan niya.
"Okay good! You may start now." Utos pa nito. Mabilis na puwesto si Marigold sa projector area habang siya naman ay kumpiyansang pumunta sa harapan na tila isang CEO ng kumpanya.
"Good morning ladies and gentlemen. I am Danielle Santibañez, an accountancy student. We are here today as we present to you the Del Monte Incorporated annual report." Panimula niya saka sinalang ni Marigold ang ginawa nilang mga draft.
Habang iniekplika sa mga ito ang bawat gagawin ay hindi niya maiwasang tignan ang bawat panelist na naroroon. Habang tumatagal ay tila nagiging komportable na siya. Para siyang isang boss na lahat ay nakatingin sa kaniya. Hanggang sa sumunod si Maricar, si Cecille, si Angela at si Marigold. Tumango-tango ang mga ito habang nakikinig sa kanilang report defense.
"Our report is done and do hope you like our performance. If you have any questions, then feel free to ask us. It's our pleasure to answer all your questions," aniya bilang pagtatapos.
Nagtaas ng kamay ang isang panelist.
"Yes, Mr. Mariano?"
"Miss Santibañez, I was impress by your research and I guess you've been working with Del Monte with a couple of months. But I am concern about your balance sheets. Can you further explained?" Anito.
"Thank you sir, Miss Garcia will take care of that." Aniya sabay tukoy kay Cecille. Agad namang humakbang si Cecille at sa harap ay nakatutok ang projector.
Iniisa-isa niya ang bawat detalye. Sa assets at liabilities. Masusi nilang pinag-aralan iyon kaya alam niyang hindi papalya si Cecille doon. Masaya naman siya at nang matapos si Cecille ay nakangiti na si Mr. Mariano.
"Well presented and we really appreciate your effort to go beyond the company. You really work hard for this. Thank you ladies. Have a great day!" Turan ng kanilang course coordinator.
Wala na raw tanong ng mga ito dahil kompletos rekados na sila. Medyo naguluhan lang daw si Mr. Mariano sa balance sheet. Sabagay, they understand dahil economics naman talaga ang tinuturo nito. Yes, may solving din doon pero hindi kagaya ng sa accounting.
Nang makalabas sila ay napatalon pa sila sa tuwa. Lalo pa nang buksan nila ang envelop na laman ng kanilang defense grade. Ninety-eight iyon na sobrang kinatawa nila. Matapos ng defense nila ay nagmadali na siya. May TV guesting sila sa isang show. Maya-maya ay narinig na ang pagtunog ang cellphone niya.
"Hello Ma."
"Where are you?"
"School pa lamang Ma, sorry katatapos lang ng defense namin." Aniya habang mabilis ang lakad niya papalabas ng campus. Maraming kapwa niya estudyante ang napapalingon sa kaniya. Ngunit wala na siyang pakialam. Halos takbuhin na niya ang gate ng school nila.
"Make it quick. Aayusin ka pa! Bilisan mo at nakakahiya sa ka-loveteam mo na kanina pa rito!" Madiin na turan ng ina.
Paglabas ng campus ay punuhan pa ang mga taxi. Halos mapaiyak na siya.
Galing sa isang meeting si Liam ng maipit sa traffic. Medyo nabanas pa siya dahil kailangan niyang makabalik sa station dahil may gagawin silang ilang arrangement sa kanilang set-up. They will be starting soon at naghahanda na sila. Nakita ang mga estudyante na tila labasan na iyon. Napataas ang mata niya saka nabasa ang pangalan ng eskuwelahan. Naalala si Danielle. Ito ang eskuwelahan nito. Nang unti-unting lumiit na ang bilang ng estudyante ay medyo umusad na rin. Hanggang sa patapat na siya sa mismong gate ng eskuwelahan ng mahagip ang babaeng halos patakbong lumabas. Nabigla pa siya sa suot nito.
Nakatingin siya kay Dani ng biglang katukin siya ng traffic enforcer at sinenyasang go na raw. Imbes na dumeretso ay gumilid siya dahil halatang nag-aabang si Dani ng taxi. Bumaba siya at saktong lalapitan na ang babae. Nakitang naiiyak na ito dahil punuhan ang mga sasakyan.
"Danielle," tawag rito.
"Liam?" Gulat na turan nito.
Napangiti siya. "Ay direk pala," bawi nito.
"It's okay, mas gusto ko ng Liam ang itawag mo sa akin." Dagdag na turan.
"Napadaan ako rito ng makita kita. Pupunta ka ba sa studio?" Tanong niya sa babae.
"Oo, may guesting kami." Aniya na tiyak na inis na inis niya ang mama niya.
"Good, pabalik na rin ako. If you want ay sumakay ka na sa akin." Alok nito.
Ngumiti agad siya. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at pumayag agad.
"Sure! Tatanggi pa ba ako eh mali-late na ako," aniya na kinatawa naman ni Liam.
Pagkaupo nila ay agad na pinausad ni Liam ang sasakyan. "You look so beautiful in your cloth. You look si dignified." Puri niya.
"Ah, may defense kasi kami kanina. Sa studio na lamang ako magpapalit. Naiinis na nga si mama," aniya.
"No kidding aside. You're beautiful." Turan ni Liam.
Kinilig naman si Dani sa sinabing iyon ng lalaki. Hindi niya maiwasang mapangiti ng palihim ng umilaw ang cellphone nito. May natawag. Agad na kinonekta nito sa suot na bluetooth na nasa tainga. Nagmamaneho kasi ito.
"Hello Lance," wika nito.
Halos ma-freeze siya sa kinauupuan ng marinig ang pangalang binanggit nito. Ang Lance ba na kausap nito ay ang Lance na crush niya noon.