Mabilis siyang lumihis at tinungo ang pupuntahan niyang workshop. Kumatok siya roon at agad siyang pinagbuksan ng tila isang trainor din. Ngumiti ang babae na nagbukas ng pintuhan at nakita sa loob ang halos magkapares na mga artista. Sinipat ng trainor ang orasang pambisig saka tinanong ang lalaking nakaupo sa hindi kalayuan na tanging walang kapareha.
"Wala pa ba si Dani?" Tanong sa lalaki. Lumingon siya rito at napansin na ito ang lalaking pumipilit kay Dani kahapon. Guwapo ang lalaki at kasing edad lang siguro ni Danielle ito.
Maya-maya ay may kumatok. "Pasok!" Turan ng trainor dahil nagsisimula na itong maging busy. Lumingon ito ng bumukas ang pintuhan at nakita ang pagpasok ni Dani habang namumula pa ang nga mata.
"Buti naman at naririto ka na? Dali na at naririto si Direktor Liam Montecalvo." Dinig na turan ng trainor. Nakayuko lamang ang babae.
Pasimple niya itong sinundan ng tingin at tumabi ito sa kaparehang lalaki. Nakita ang concern sa mukha ng lalaki na tila inuusisa kung bakit ito namumula ang mata.
"Dani, bakit ganiyan ang hitsura mo? Papaano ka makakapag-concentrate niyan?" Pigil na inis ng trainor. Ang ilan ay napapatingin na sa babae. Habang siya naman ay nakamasid lamang.
"Loveteams, ang gagawin natin ngayon ay kung papaano ang paghawak sa baba ng partners niyo. Iyong tipong hahalikan niyo siya, ganoon." Ang kinikilig na turan ng trainor.
Napalunok si Liam. Saka bumalik sa isipan ang mga salitang binitiwan ni Dani sa ina. Muli ay naawa ito sa babae. She don't like what she's doing.
Nakitang unang nagkahawakan ang nga magpapartner ng palad. Bahagyang pinisil ang palad nito saka nagtitigan. Nakitang nagbaba ng tingin si Dani.
"My God Dani, what's happening to you? Okay na tapos bigla kang babawi ng tingin," gagad ng trainor.
Hindi malaman ni Dani kung bakit siya nagkakaganoon. Sabi ng mama niya, umarte lamang siya dahil iyon naman ang trabaho ng isang artista pero bakit ganito. Hindi niya magawa, ni hawak nga ng kamay niya ay ayaw niyang pahawak sa kapareha niya. Paulo is ideal man pero hindi niya nakikitang ito ang kasama sa isang romantic date.
Nang marinig ang inis na tinig ng trainor ay agad siyang napaangat at sa pagtitig ng trainor ay nakita sa likod nito ang pamilyar na mukha. Bigla ay napapitlag siya.
"Liam?" Sambit sa pangalan ng lalaki. Mataman din itong nakatitig sa kaniya.
"Yes, Direktor Liam. He will be the one to film your upcoming movie," ani ng trainor ng marinig nito ang kaniyang sinabi.
Halos mapanganga siya sa sinabing iyon ng trainor saka muling yumuko dahil mukhang alam na ng lalaki na ito ang pinag-uusapan nila. Napalunok siya.
'Makakasama ko siya?' Sigaw ng isipan niya. Kahit papaano ay masaya siya sa balitang iyon.
Muli ay nagsimula ulit sila. Umayos na siya dahil nahihiya na siya sa ilang pares na naroroon para matapos na rin. Muli silang naghawak kamay ni Paulo. Kahit papaano ay winork-out niya ang pagbibigay ng ningning sa kaniyang mata para makitang tila inlove siya sa kaniyang partner.
Nang hawakan nito ang kaniyang baba ay tumingin siya rito ng mata sa mata. Medyo inuwang ang mga labi niya at nang unti-unti ng bumaba ang mukha nito ay bahagya siyang pumikit.
"Cut!" Malakas na sigaw na nagpamulat sa kaniya. Si Liam iyon na ngayon ay nakatayo na.
Hindi alam ni Liam kung bakit naiinis siya ng makitang hinawakan ng lalaki ang baba ni Dani. Ang natural na mapupulang labi nito ay unti-unting bumuka. Nang makitang pababa na ang ulo ng lalaki at napapikit na si Dani ay hindi na niya napigilan pa ang sarili.
Malakas siyang napasigaw ng 'cut.' Dahilan para mapatigil ang lahat ng naroroon maging ang trainor ng mga ito. Tumayo agad siya para hindi siya mahalata ng mga ito.
"Great! You did a great job guys," aniya puri sa mga ito saka pumalakpak. Saka bumaling sa trainor.
"That was great Mrs. Benitez. I think, they're ready to move to the next step." Aniya saka nagpaalam na rito. Naguguluhan siya kung bakit siya ganoon naaapektuhan sa bagong artista na hahawakan.
Nang matapos ay dumeretso siya sa kaniyang magiging opisina. He will be the one to film one of the morning shows ng TV network na iyon kaya kailangan niya ng working place. Nakilala na rin niya ang mga crew na makakasama niya. Ang camera man na naka-assign sa kaniya. Masuyong pinakisamahan ang mga ito. Malugod naman siyang tinanggap ng mga ito. Mula sa technical hanggang sa lighting man ay masaya siyang nakipag-usap sa mga ito. Gusto niyang makuha ang loob ng mga ito dahil mahirap magtrabaho ng may ilangan sila.
"Direk, mukhang inspirado kayo ah," puna ng kaniyang editing staff. Gusto niya kasing makita kung paano ito magtrabaho. He worked in the international scene pero hindi pa niya alam kung papaano rito sa Pilipinas. Iba kasi rito, the camera, the lightning. Ibang-iba kaya gusto niyang magamay lahat bago ang big break niyang movie. Sabagay may dalawang TV shows tapos isang teleserye siyang ididirek bago ang movie. Siguro that time naman ay sanay na siya rito
Napangiti siya ng makitang bihasa na rin talaga ang mga staff niya sa kanilang trabaho.
"Buti direk, hindi mo balak mag-artista. Tiyak maraming babae ang pipila." Natatawang wika ng kaniyang camera man.
Agad siyang ngumiti. "Sa tingin mo kaya eh may manonood?" Natawa pang turan.
"Tiyak direk. Naku! Buong building ay ikaw ang pinag-uusapan. Kilala mo iyong sikat na artista ngayon direk. Si—ano bang pangalan noon?" Anito na kinatawa pa niya.
"Akala ko ba'y sikat, bakit pati pangalan ay hindi mo matandaan?" Nakatawang tugon sa nasa singkuwenta edad ng camera man niya.
"Si—ano nga bang pangalan ere. Sina Nora at Vilma pa kasi ang kilala kong sikat noong kabataan ko." Anito na napakamot ng ulo. "Ahhhhh. Shane Arguelles. Iyon, naku! Direk, mukhang tinamaan," palatak nito.
Umiiling na lamang siya.
"Oh siya, basta gawin natin ang best natin. We will start to shoot our first project together. Gusto ko ay maayos at maganda ang kalalabasan nito. Isang TV show iyon sa umaga at kailangan nilang ayusin ang lahat para ma-attract ang viewers nila. Every other week ay may set ng youth artist na magpoportray sa bawat story na kanilang gagawin. And from all the stories are base sa real life na nangyari sa mga random na taong maiinterview nila. The network collected already letters from people at bahala na ang creative and editing staff to do their work para ma-shoot nila.
Excited ang lahat sa team niya. He also personally went to look at the creative team kung ano ang mga insight ng mga ito sa gagawin nilang TV show sa umaga. Hindi ba boring o anuman. We'll hindi pa naman nagyayari. They will need brainstorming with the writers, artists and the staff para sa ikagaganda ng kanilang show.
Matapos ng magkapon niya sa paglilibot sa buong station. Pauwi na siya ng muling makita si Dani. Malaki ang bag nito at may hawak na makapal na libro. Abala ito sa paghahanap ng kung anong bagay sa bag nito. Hindi ito nakatingin sa daraanan nito, imbes na lumihis siya ay sinalubong pa niya ito dahilan para mabunggo ito.
"Oppsss sorry Miss," aniya.
Nakayuko ito. "Naku, sorry po. Sorry po talaga," anito habang pinupulot ang gamit nito. Agad niyang dinampot ang makapal nitong libro. Mag folder pa ito at halatang thesis iyon.
Nang iabot ang libro nito ay nanlaki ang mata ng makita siya. "Sorry po direk. Nagmamadali po kasi ako," anito.
Nakailang text at tawag na ang kaibigang si Maricar para daw mag-ensayo sila sa gagawing defense nila sa thesis nila. Palabas na siya ng workshop room ng muling tumunog nag cellphone na nasa malaking bag niya. Habang mabibilis ang hakbang ay pilit hinahanap kung saan nakalagay ang cellphone ng bigla ay may mabangga siya.
Buti na lamang at tumigil ang pagtunog ng cellphone at mabilis na humingi ng pasensiya saka pinulot ang gamit na natapon sa kabiglaan. Naunang nahawakan ng nakabangga ang libro niya ng makatayo ay iabot nito iyon ay nabigla siya ng makitang si Liam iyon.
"Sorry po direk," agad na turan rito.
"It's okay, next time mag-iingat ka. Mukhang nagmamadali ka yata?" Puna nito sa kaniya.
"Ah opo. May practice po kami for our final defense," tugon saka tumango at nagpaalam. "Sige po direk mauuna na po ako," aniya saka humakbang. Ngunit hindi pa man nakakalayo ay tinawag siya nito.
"Danielle," buong pangalan niya ang tinawag nito.
Napatigil siya saka lumingon rito. Nakitang humakbang ito papalapit sa kaniya. Kabadong-kabado ang dibdib niya sa bawat hakbang nito. Naiinis siya dahil mukhang nagagawa ng lalaking kaharap na pabilisin ng t***k ng puso niya gaya ng bagay na nagagawa noon ni Lance sa kaniya.
"Bakit po direk?" Lakas loob na tanong sa lalaki dahil pormal ang mukha nitong nakatitig lamang sa kaniya.
Doon ay natauhan si Liam. Nawili siyang pagmasdan ang inosenteng mukha ng babaeng nasa harap.
"Saan ba ang praktis niyo? If you want, I will drop you there since pauwi naman na ako," turan rito. Noong nakita kasi ito kahapon ay nahirapang makakuha ng sasakyan.
"Naku, huwag na po direk. Maaabala ko pa po kayo," aniya. Sa loob ay kinikilig siya dahil mukhang concern ito sa kaniya.
"Hindi naman. Since, few months more we'll be working in one project. Para makilala na natin ang isa't isa," ani ni Liam saka bahagyang ngumiti. Ngiting muling nasilayan ni Dani.
Tatanggi sana siya rito nang muling mag-ring ang cellphone. Agad na dinukot sa bag at sinagot iyon.
"Hello, friend. Asaan ka na, naiinis na ang ilan nating kasama," wika ni Maricar.
"On the way na ako best, please saglit na lang talaga. Promise," turan saka napatingin sa lalaki sa harap.
"Ahmmmm. Pwede pa ba iyong offer mong libreng sakay direk.m?" Lakas loob na tanong saka sinabayan ng matamis na ngiti.
"Sure," agad namang turan ni Liam.
Mabilis siyang sumunod rito hanggang sa kinapaparadahan ng sasakyan nito. Pinagbuksan agad siya nito at sumakay siya. Hindi na niya alintanang sa katabi nitong upuan siya naupo. Napagtanto niya lamang iyon ng nasa loob na rin ito. Bigla ay na-conscious siya. Bahagya siyang napasilip sa side mirror upang masilip ang reflection niya at bahagya ay nahiya. Wala man lang siyang kaayos-ayos. Wala na siyang panahong magretouch pa. Pasimple niyang inayos ang kaniyang buhok.
Napansin ni Liam ang hindi mapakaling babae sa tabi.
"Are you alright. Mainit ba?" Tanong saka lalakasan ng aircon.
"No, it'sokay." Agap naman nito saka sinabi kung saan ang bahay ng kaibigan nito.
"You should have driver, you can't do like this everyday. Going to school, then going to the station for some workshop and shows." Aniya para magbukas ng mapag-uusapan.
"Ayaw ko ng may nagagambala akong tao direk. May driver si papa minsan ay siya ang tinatawagan ko pero kapag alam kong tapos na ang working hour niya ay hindi ko na ginagambala." Malumanay na tinig nito.
"Ganoon ba? Pero mahirap itong ginagawa mo."
"Hindi ko naman pangarap maging artista. Sinusunod ko lang si mommy—" Putol na wika nito saka lumingon sa kaniya. "Sorry," paumanhin nito.
"It's okay. Ituring mo na akong kaibigan mo. Kung gusto mo, willing akong makinig." Nakanginig turan na ni Liam.
Dahil sa ngiting iyon ng lalaki ay napangiti na rin siya. Kung wala lang talaga siyang gagawin ay baka willing na rin siyang magkuwento at maglabas ng sama ng loob. "Salamat Direk."
"Liam, call me Liam, Danielle." Muling wika nito ng buo sa pangalan niya. Ngumiti siya rito.
Nang makarating sila kina Maricar ay muling nagpasalamat rito.
"Salamat ulit Dir—este Liam. Sige, mauuna na ako," aniya saka mabilis na bumaba.
"Danielle wait!" Awat ni Liam. Mabilis na iniabot ang kaniyang calling card saka ngumiti. "If you need anything, call me. If you want a ride or someone to listen just call me," dagdag saka nagpaalam.
Naiwang natitigilan si Dani ng makarinig ng tili sa 'di kalayuan. Sina Maricar at Angela. Agad lumabas ng mga ito ng gate at agad siyang tinanong ng mga ito.
"Sino ang naghatid sa'yo? Oh my God. Ang hot!" Ani ni Angela.
Hinila ito ni Maricar. "Eskansalosa ka talaga. May pa-hot-hot ka pa eh. Ikaw itong hot na hot kanina pa sa kahihintay." Sawata nito. "Ikaw best, tell me? Sino iyong guwapong hot fafa na naghatid sa'yo. Aahhhhh!" Tili ni Maricar. Kung makasaway ito kay Angela ay mas malala pa pala ang adjective na gagamitin nito. Hot na guwapo pa.
"Ah iyon ba? Si direk iyon."
"What?" Sabayang tugon ng dalawa. "Direktor, oh my gulay! Ang yummy at ang hot. Ayaw bang maging artista," tanong pa ni Angela.
"Malay ko!" Kibit balikat kuno pero sa totoo ay kinikilig siya. Kay tagal na panahong hindi naramdamang kiligin at ngayon lang ulit sa katauhan ni Liam.