Nang makalabas si Dani sa elevetor ay napahinto siya at nang marinig na nagsara ang pintuhan ng elevator ay agad siyang lumingon doon saka ngumiti ng ubod tamis.
Ngunit laking gulat niya ng bigla muling bumukas ang elevator at nakitang nakatingin na ang lalaking kasabay kanina. Bigla ay napatalikod siya. Nahiya tuloy siya dahil nahuli siyang nakangiti rito.
Hindi mapigilang mapangiti ni Liam ng muling bumukas ang pintuhan ng elevator ay naroroon pa rin ang babae at nakangiting nakatingin. Nang tila mahimasmasan ito ay agad na tumalikod.
"Miss," tawag rito. Nakita niya kasing nalaglag ang ID nito. Nabasa pa ang pangalan nito at nalamang graduating sa kursong accountancy sa isang sikat na unibersidad. Mukhang isang OJT ito sa network na iyon.
Napalunok si Dani ng marinig ang baritonong tinig nito. Very husky and masculine.
"Miss, I think this is your ID." Anito.
Doon ay natigilan siya at agad na lumingon. Hawak nga nito ang ID niya habang nakangiti. Mabilis siyang lumapit rito saka inabot iyon.
"Thanks," nahihiyang wika saka ngumiti.
"Your welcome Danielle," anito.
Tumingin siya rito dahil alam nito ang pangalan niya. "How—."
"I saw it on your ID," agad na turan nito sa itatanong pa lang sana.
Doon ay napangiti siya. Nakita nga pala nito ang kaniyang ID. "Okay thank you ulit sir," aniya saka na tumalikod.
"Don't call me sir, call me Liam. Liam Montecalvo." pahabol niya sa babaeng naglalakad papalayo. Ngunit nakitang tumigil ito nang marinig ang pangalan niya. Lumingon ito ngunit tuluyang sumara na ang elevator.
"Liam Montecalvo." Paulit-ulit na inusal ang pangalan ng lalaki. "May kaugnayan ba sila ni Lance?" Tanong na namutawi sa kaniyang bibig.
Matapos noon ay nagmadali na siya dahil tiyak na late na siya sa kanilang chemistry workshop ni Paulo Aguilar, ang kaniyang leading man sa gagawin nilang pelikula. Pagpasok sa room ay naroroon na ang ilang mga kasamahan. Si Paulo ay agad na lumapit sa kaniya at muli ay nagpapa-cute na naman. Napaismid siya konti at hindi nagpahalata. One of the reason kaya ayaw niya rito ay masyadong believe sa sarili.
"What took you so long Miss Santibañez? Alam mo maswerte ka at pinagbibigyan ka ng management dahil malakas pa ang fans club mo pero kapag nagtuloy ang ganito ay mahihirapan kayo sa project ninyo. Good thing ay nag-eeffort itong si Mr. Aguilar." Ani ng trainor. "Okay, since kompleto na ang loveteam. We gonna start now, magsimula tayo sa kung papaano kayo magtitigan," anito.
Napabuntong hininga na lamang siya at walang nagawa kundi ang makipaglaro. Kunwari ay inlove na inlove sa kapartner kahit inis na inis na siya. That's part of being in the showbiz industry, to master the art of drama and showmanship. Pakitang tao lamang.
"Good miss Santibañez, buti at maganda ka at madali kang maipartner. Very impressive, mukha kayong inlove sa isa't isa. Next is how to touch each other," anito saka pa sila pinasuot ang blind fold.
Doon siya nainis kay Paulo. Mukha kasing ginamit niyang rason iyon para maka-tyansing sa kaniya dahil kung saan-saan nadapo ang kamay nito. Minsan ay sa dibdib niya pa kaya agad na hinarangan iyon. Kunwari ay magsosorry ito saka ngingisi. Buwisit man ay ngumiti pa rin siya. Ito na ang buhay na binigay ng kaniyang ina. Bumabalik lang siya sa sarili kapag nasa eskuwelahan siya at nagiging normal na tao. Iyong, hindi na niya kailangang laging naka-make-up o lipstick para lamang masabing maganda siya.
Nang matapos ang kanilang workshop ay pagod na pagod na siya. Full load kasi siya sa school at running for c*m laude pa siya kaya lahat ay kinakaya mapagsabay lamang ang pag-aaral niya. Maraming projects ang iti-turn down niya para lamang hindi maapektuhan ang pag-aaral niya. Few months to go ay makakapagtapos na siya.
Hapong-hapo na siya pagkalabas ng building. Lowbat pa ang cellphone para sana tawagan ang driver ng kaniyang papa para sunduin siya dahil nahirapan na siyang magtaxi. Hindi pa kasi siya nagda-drive dahil lagi siyang puyat at pagod ay baka kung mapaano pa siya. Ilang minuto na siyang nakatayo roon at nagpasabi na rin sa guard na kung may dumaan na taxi ay parahin niya.
Maya-maya ay huminto sa harap ang magarang sasakyan ni Paulo.
"Hi Dani, hindi ka ba susunduin ng daddy mo? Halika na at ihahatid na kita," alok nito. Pero ayaw niya, ayaw niyang magkaroon ng koneksyon rito maliban sa pagiging loveteam nila.
"It's okay, susunduin ako ni Mang Fedil," kaila niya para tantanan siya nito. Pinilit pa siya nito ngunit hindi siya nagpadaig hanggang umalis na lamang ito.
"My pleasure Mr. Chavez, I do hope that my success will be enough to contribute to your company," ani ni Liam habang nakikipagkamay sa CEO ng network na iyon.
"I know that you have a great job in the US. But thanks for considering our offer, we believe that by your talent and career may help to the progress of the network." Masayang pag-welcome nito sa kaniya sa companya nito.
Ngumiti siya sa lalaki bilang pagpapalam. He signed already a contract for three years sa TV network na iyon. Ilang projects na rin ang nakahelerang kaniyang ididirek. Matapos noon ay agad na siyang umalis dahil kakatagpuin pa niya ang kaniyang bunsong kapatid. Ito pa lang kasi ang available sa mga kapatid niya.
Palabas na siya sa building at tutunguhin na sana ang kinapaparadahan ng sasakyan ng mapansin ang babaeng nakatayo sa may hagdan sa labasan ng building. Napakunot noo siya lalo pa at nakitang tila inaantok na ito nang may humintong sasakyan sa harapan nito. Tila niyaya siya ng lalaking sakay noon. Lumabas pa ang lalaki at tila pinipilit siya nito.
"Sir, kayo pala. Nakausap niyo po ba si Boss?" Tanong ng security na nag-approach sa kaniya kanina.
"Yes. Thanks," tugon rito. Napansin nitong tinitignan niya ang pares na nasa kabilang panig.
"Cute po nilang tignan noh sir. Bagong loveteam sila ng network na bini-build up. Sina Danielle Santibañez at Paulo Aguilar." Turan ng security personnel.
"Loveteam?" Ulit niya.
"Oo sir. Matagal din kaya ayaw magka-loveteam iyang si Dani. Nito lang pumayag dahil sa pamimilit ng mama nito." Ani pa nito na tila halos alam ang buhay ng babae. Napalingon siya sa security personnel at tila napansing napapadaldal na ito.
"Sorry sir," anito na nahihiya.
"It's okay, thanks for the info," aniya at pagbalik ng mata sa kinaroroonan ng dalawa ay pabalik na ang lalaki sa sasakyan nito at naiwan ang babae.
Maya-maya ay nakitang lumapit sa kaniya ang isang security guard kasunod noon ay ang pagparada ng isang taxi. Sumakay doon ang babae saka ngumiti at nagpaalam sa security guard.
Pagkauwi ni Dani ay agad na hinalungkat ang kaniyang slumbook. Nakita roon ang picture ni Lance. Kamukha nito ang lalaking nakita kanina sa elevator. Coincidence rin bang kaapelyido niya ito.
"Oh anak, naririyan ka na pala? Magbihis ka na at hinihintay ka ng magulang mo sa hapunan." Turan ng kaniyang yaya Fely. "Oh, bakit mo na naman hawak iyan?" Dagdag pa ng makita ang kaniyang hawak.
"Yaya, may nakita akong lalaki. Kamukha ni Lance," excited na wika.
"Baka siya naman iyon. Eh matagal din kayong hindi nagkita. Anim o pitong na taon din iyon?" Tugon naman ng kaniyang yaya.
"Liam Montecalvo ang pangalan niya yaya," mahinang wika.
"Baka kapatid," agad na turan nito.
Doon ay napangiti siya. Bakit nga ba hindi niya naisip iyon. Baka nga kapatid ito ni Lance. Kapag nagkataon ay may paraan na siya upang makita muli ang kaniyang matagal na crush na hindi alam kung crush lang ba o gusto na niya ito.
"Ay naku anak, kaya ba ayaw mong nagpapaligaw dahil naasa ka pa rin kay Lance. Anak, baka naman may asawa na iyon ngayon," ani ng kaniyang yaya na kinabahala niya.
"Hmmm. Yaya naman eh," aniya ritong angal. Napatawa ang yaya niya.
"Itong batang ito. Hala na dali at baka nababagot na ang magulang mo," pagmamadali nito sa kaniya.
Nang makagayak ay agad na bumaba at tinungo ang komedor. Matiyagang naghihintay ang magulang niya.
"Oh anak, buti naman at naririyan ka na. Halina at makakain na tayo. Kumusta ang araw mo?" Bati ng ama.
"Okay lang po dad, medyo hectic lang. Marami nang ginagawa sa school. Idagdag pa itong acting workshop na ginagawa ko." aniya na pina-OA ang huling sinabi. Baka maawa ang ama sa kaniya at hayaang mag-focus na lamang sa pag-aaral tutal ay c*m laude siya.
"Anak, nalaman ko sa talent manager mo na dumating na raw ang magdi-direk sa pelikula ninyo ni Paulo." Agaw ng ina sa kaniyang pansin.
Halos maitirik ang mata sa inis sa inang panira talaga. Naiinis siya dahil pati pangarap nito ay sa kaniya ibinubunton. Kaya gusto mang makuha ang pinakamataas na parangal sa pag-aaral ay hindi na nagawa dahil hati ang atensyon niya.
"Kuya!" Malakas na tawag ni Kiel sa kaniya. Excited itong lumapit sa kaniya at umakbay.
"Musta bunso. Balita ko ay ikaw ang magmamanage ng ating kompaniya," aniya rito.
Ngumisi ito. "Kaya pa naman ni tito. I want to prove myself too. After graduation siguro ay maghahanap muna ako ng iba kong mapapasukan. Ayaw kong maging boss agad. Gusto kong matuto muna para kapag hinawakan ko na ang kompaniya natin ay masasabi kong bihasa na ako." Mahabang turan ng kapatid. Nahabag siya dahil dapat siya ang gumagawa noon. Si Lance naman ay pangarap talagang maging sundalo at si Jake ay doctor samantalang ito ay walang nagawa kundi ang kumuha ng business management.
"I'm sorry bro, dapat ako ang gumagawa niyan bilang panganay pero—" Putol na wika. Wala rin doon kasi ang gusto niya kundi sa likod ng kamera.
"It's okay kuya. Nandito na ako. Hindi naman ako umangal. Siguro nga ay ako talaga ang nakatalagang magpapatuliy sa negosyo ni papa." Agad namang turan nito. Ngumiti siya sa kapatid.
"Akala ko pa naman eh mag-uuwi ka ng Amerikana." Maya-maya ay tudyo ng kapatid. Siguro ay nakita nito ang isang babaeng kasama sa isang party.
"Loko! Bata pa ako noh," giit nito.
"Bata ba ang bente-nueve. Aba! Kuya malapit ka nang mawala sa kalendaryo," biro ng kapatid.
"Life begin at forte," dagdag niya na tinawa nito.
"Kuya kapag ganoon. Anak mo, lolo ka na!" Tawa pa ni Kiel.
Natawa na lamang siya saka niya naalala si Danielle, ang babaeng nakasama sa elevator. Ngunit napailing siya dahil masyadong bata para sa kaniya. Wala pa talaga siyang nakikitang babaeng pwede niyang maging asawa at babaeng maiintindihan ang klase ng trabaho meron siya.
"Eh ikaw ba? Ilang babae na ang napaiyak mo?" Turan sa kapatid.
"Pinaiyak ko lang sila sa kaligayahan kuya," simpatikong wika ni Kiel.
"Aba! Maloko itong batang ito ah," aniya na kinatawa nilang magkapatid saka sila nagsimulang kumain na. Marami pa silang napag-usapan.
Kinabukasan, ay may dadaluhang workshop si Liam. Para na rin daw makilala niya ang ilang baguhang artista. Mula kasi ng mawala siya sa Pilipinas ay wala na siyang update sa mga bagong artista. Hindi niya nga alam na artista pala si Dani. Napangiti pa ng maalala na naisip niyang nag-oOJT ito roon.
Pagpasok sa acting workshop ay maraming kababaihan ang napalingon sa kaniya.
"Guys, meet Director Will Liam Montecalvo. Siya ang magdi-direk sa ilang shows ng network at ilang movies. Kaya siya naririto para makilala kayo at malaman niya ang inyong kalibre. Kaya galingan ninyo," pahayag ng kanilang trainor.
Nilibot ang mata ni Liam ngunit wala roon ang babaeng nais makita. Ilang sandali ay nagsimula na ang workshop. Marami ang mahirap pa ring magbigay ng tamang emosyon sa linya. Ang iba naman ay todo bigay to the extent na nagiging OA na.
"He's so cute," dinig niyang turan ng isang babae sa 'di kalayuan.
"Magtigil ka baka marinig ka," kinikilig ding tugon ng kasama nito.
"Bakit kaya hindi siya mag-artista? Magpri-prisenta akong ka-loveteam niya," natitilihang turan pa ng isa.
"Girls, batuhan kayo ng linya from the script. Let's start," malakas na sigaw ng trainor.
Muling sumalang ang mga ito at naging maayos naman na. May ilan pa ring kulang sa emosyon dahil marahil wala pang masyadong mapanghugutan ng ganoong emosyon kaya kinakapos. Konting training pa ay magagawa na nila. Nang magpaalam na siya sa trainor ay lilipat naman siya sa kabilang workshop.
Naglalakad na siya patungo sa room na sinabi ng iniwang trainor ay may naulingan siya. Hindi niya sana papansinin iyon pero tila magneto ang tinig na naririnig at naintriga siya sa nilalaman ng sinasabi nito.
"Mommy, this is not what I want. I'm doing this because I want you to be proud of me. I did everything to make you happy. Is this what you want me to do? Let anyone to touch me and kiss me just because this is what the script want me to do?"
Punong puno ng hinanakit ang tinig na naririnig. "Mom, ayaw ko ng ganito," basag na tinig nito.
"What do you want? To go to military, for what? Para hanapin ang crush mo?" Sumbat ng isang tinig.
Mas lalo siyang napatigil. Mukhang malalim ang ugat ng pinag-uusapan ng dalawang pinakikinggan. Napasilip siya at nakita ang babaeng naka-side view si Danielle.
"Akala mo ba hindi ko alam na gustong-gusto mong pumasok sa PMA ay dahil nagsundalo ang lalaking kinababaliwan mo. Wake up Dani, nandito sa showbiz ang buhay mo at ano ang gagawin mo kung naging sundalo ka? Sayang ang ganda at talento mo." Giit ng kausap na tiyak niya ay mama nito.
"Pero Mom, ayaw ko ng ganito. Papahalik ako sa lalaking hindi ko naman mahal. Just for the sake of love team. Hahayaan mong hawak-hawakan ako ng ibang lalaki?" Katuwiran nito.
"My God Dani, three years ka na sa showbiz. Hindi ka pa nasanay. Ganito sa showbiz kaya kailangan mong maki-ride on. Kung sinabing ngiti, ngiti. Kung sabihing iyak, 'di umiyak at kung sabihing halik. Halik pero sa camera lang," ani pa ng ginang.
Umiling-iling ito. "No Mommy, ayaw ko ng ganito."
"Dani, stop it. Ito na ang break na hinihintay mo. Ito na iyong ikaw na mismo ang maging leading lady. Pupunta ka sa work shop kung ayaw mong hindi ka makapagmartsa sa graduation mo." Banta ng ina.
Nagtaas ng tingin si Dani sa ina sa sinabi nito. Saka bumuhos ang luha niya.
"This is your dream Mom, not mine! All my life ay sinunod kita," puno ng hinanakit ka turan.
"Please do this one Dani," mahina nang sambit ng ina.
Napahakbang patalikod si Liam ng makitang tapos na ang mag-ina. Nagulat siya sa mga rebelasyong narinig. Kaya pala noong makita ito kahapon ay tila walang buhay ang mga mata nito. Nahabag siya kay Dani ngunit nanlumo siya dahil tila mahal na mahal nito ang lalaking tinutukoy ng mama nito na pumasok sa pagsusundalo.