Chapter 1:

1990 Words
"No mom! You will never force me to do that? I want to be in the military not in the showbiz." Giit sa ina na pinipilit na naman siyang mag-try sa isang role sa pelikula. "My God Dani, anong gagawin mo sa military? Sayang ang ganda mo. Kaya ka namin in-enroll ng daddy mo sa iba't ibang workshop para mahasa ang talento mo. Now, whether you like it or not. Pupunta tayo bukas sa audition. Period!" Putol na wika ng ina saka ito umalis. Ngunit bago ito tuluyang lumabas ay nagsalita pa ito. "Alam mong ayaw na ayaw ko ang sinusuway ang gusto ko Dani." Anito saka umalis. Wala siyang nagawa kundi ang isubsob ang mukha sa unan at umiyak ng umiyak. Mabilis siyang umupo at kinuha sa pinakamababang drawer ang kaniyang slumbook noong second year high school siya. Dahil sa pag-iyak ay unti-unting pumapatak ang luha sa notebook na hawak at ng mahanap ang pahinang kaniyang sadya ay napatigil siya. "Lance Montecalvo," basa sa pangalan ng lalaking kaniyang pinapirmahan sa kaniyang slumbook noon. Naalala pa niya kung papaano siya kinikilig sa tuwing nakikita ito. Kapag may ROTC ang mga ito ay lagi siyang nanonood kahit may klase pa siya noon. First year pa lamang siya ay crush na niya ito habang ito naman ay third year na. Ginawa niya ang lahat noon para lamang mag-fill up ito sa kaniyang slumbook at nakitang pangarap nito ang maging sundalo kaya ganoon na rin ang pangarap niya. Muling bumuhos ang luha niya dahil sa pahinang iyon nakadikit ang 2x2 picture nito na ninakaw pa niya sa ROTC officer bulletin board sa pasilyo ng kanilang eskuwelahan. Doon ay muling nasilayan ang guwapong mukha ng lalaking unang minahal ng kaniyang puso. Huling balita rito ay nasa PMA ito at tinutuloy ang kagustuhang maging sundalo at kagaya nito ay gusto rin niyang sundan ito. Gustong-gusto na niya itong makitang muli. Ngunit sa sinasapit ngayon ay mukhang malabo na iyon. Kaya muli ay umiyak na naman siya hanggang sa makatulog na lamang habang yakap-yakap ang kaniyang slum book. Kinabukasan ay yugyog sa balikat ang gumising sa kaniya. Pagmukat ng mata ay nakita ang kaniyang yaya Fely. "Yaya," pupungas pungas na wika. "Naku namang bata ka. Dalaga ka na Dani kaya umayos ka at teka lang bakit mugto na naman ang mga mata mo?" Alalang tanong nito saka elsaheradang bumuntong hininga at umupo sa gilid ng kama niya. "Nag-away na naman ba kayo ng mama mo?" Anito na sinagot niya ng tango. "Anak naman, paulit ulit na lang ganyan. Oh siya mag-imis ka na at hinihintay ka na ng mommy at daddy mo sa breakfast niyo. May sasabihin daw ang daddy mo sa'yo." Anito saka tumayo at nagsimulang magligpit. Nang mapansin nito ang hawak na notebook. Tumingin ito sa kaniya. "Siya pa rin ba?" Anito. Ang yaya Fely lang kasi ang nakakaalam tungkol sa lalaking matagal nang tinatangi ng puso niya. Tumango siya. "Gusto ko lang naman sundan siya yaya. Gusto ko siyang makilala pa." Turan dito. "Pero anak, aba! 'Di mawawalan na kami ng prinsesa dito sa bahay. Anak, hindi ka bagay doon. Ang bagay sa'yo-" "Artista," putol na dugtong sabay busangot. "Hindi! Beauty queen. Aba malay natin ikaw na ang next Gloria Diaz ng Pilipinas," anito. "Yaya naman eh," aniya saka ngumiti. "Aba! Titingalain ka ng buong mundo anak. Kapag nangarap ka eh taas-taasan mo na. Ang mama mo gusto ka lang maging artista pero ako. Miss universe," anito na tila nag-iimagine pa kung papaano nanalo ang idol nitong si Gloria Diaz. Iniwan niya nalamang ito at pumasok sa kaniyang banyo upang mag-imis dahil tiyak ay sermon na naman ang kaniyang almusal. At hindi nga siya nagkamali dahil hindi pa man siya nakakaupo sa hapagkainan ay nakataas na naman ang kilay ng kaniyang mama. "Ginagalit mo ba talaga akong bata ka. Look at yourself. Mugto ang mata mo, paano magagandahan sa'yo ang mga talent scout kapag ganyan ang mukha mo. Noong pinapaiyak ka, ayaw mong umiyak tapos magdamag ka yatang umiyak!" Gigil na turan ng ina. "Honey, just calm down." Awat ng ama na binaba na ang diyaryong hawak. "Did you decide, which course you're going to take?" Tanong ng ama. "Yes dad!" Aniya saka kumuha ng hotdog at sinubo. "Okay good. What is it?" Anito na kumuha na rin ng toasted bread. "I want to go to PMA," deretsahang wika na hindi tumitingin rito. Maya-maya ay tunog ng pagbagsak ng kubyertos ang narinig. Matapos noon ay ang nakakabinging katahimikan. "No!" Wika ng ama. Expected niya na rin ito. Kagaya rin ito ng ina. Kung ang mama niya ay gusto siyang mag-artista. Ito naman ay gusto siyang maging magaling na accountant kagaya nito. "You'll be taking accountancy whether you like it or not." Matatag na wika nito. Ngumisi siya. "So, what the used of asking me what I want?" Tanong rito. "Aba't-" "Honey, relax. Let her, alam mo kung gaano katigas ang ulo ng anak natin." Awat naman ng ina sa kaniyang papa. "Finish your food. Later, we'll going out." Ani ng ina. Bumusangot na lamang siya saka pinagpatuloy ang pagkain. Mga bandang alas tres nga ay umalis sila at hindi pa nga sila nakakarating sa patutunguhan nila ay alam na niyang iyon ang try out na sinasabi ng kaniyang ina. Gaya ng nakagawian ay mahaba ang pila at hindi malaman sa ina kung bakit nagtiya-tiyaga itong pumila. Halos abutin sila ng tatlong oras bago siya tawagin ng staff. Walang kangiti-ngiting pumunta sa harap at sa harap ay may tatlong tao. Isang babae at dalawang lalaki. Lumingon siya sa pinanggalingan at naroroon ang ina na sumesenyas na ngumiti siya. Wala siyang nagawa kundi ang magmuwestra ng isang pekeng ngiti sa labi. "Miss basahin ko ang linya at gawin mo ng may emosyon," utos ng isang lalaki. Tumingin sa monitor at binasa mula roon ang linya na dapat niyang sabihin. Matapos ng ilang segundo ay muling nagsalita ito. "Okay! Ready?" Tingin nito sa kaniya. Muli siyang napalingon sa ina na talagang gustong-gusto siyang maging artista at todo pa ang pagsenyas nito na gawin niya ang lahat. "Hija, ready na ba? Aba! Dito dapat alisto," pagtataray na nito. Doon ay napansin niyang silahis ito. "Ready na po," aniya ng makitang galit na ang ina. "Good. You may start now hija," awat naman ng babae. Bumuntong hininga siya bago inipon ang lahat ng hinanakit sa dibdib. Lumingon sa ina saka nagsalita. "Huwag kang lumuhod dahil hindi ako Diyos. Iniwan mo ako noon inay kaya huwag kang umastang ako ang may kasalanan. Ang sakit inay na pinagpalit mo ako sa mga pangarap mo, ang sakit-sakit na ako ang nagdusa sa bagay na ikaw naman ang may gawa. Bakit? Ako ba ang nagpakasasa at nagpabuntis? Matapos mo akong iwan na tila ba isang basahang hindi mo man lang nagawang tignan. Tapos darating ka at sasabihing mahal mo ako." Madamdaming turan habang bumuhos ang maraming luha sa mata na nakatitig sa inang pumapalakpak pa sa kinatatayuan nito. Muling ibubuka ang bibig upang sambitin ang huling linya ng sumigaw ang lalaki. "Cut!" Sigaw nito. "Very good, hija. Ikaw ang hinahanap namin. Well pronounce at akma ang emosyon sa linya. Madali kang umiyak and we need that." Anito saka pumalakpak pa. Sa gilid ay nakitang masaya ang ina dahil ito na ang break na hinihintay nito. "Oh my God anak, buti naman at nakauwi ka na rin. I miss you so much. So, kumusta ang pag-aaral mo sa Amerika?" Tanong ng kaniyang mama. "Well, okay lang naman mama. Kung hindi lang ako nakatanggap ng malaking project from a well known television network dito eh hindi pa ako uuwi." Natatawang wika ni Liam. Nakitang tila nagtatampo ang ina sa sinabi niya. Tumawa siya. "Joke lang Ma, alam mo namang miss na miss ko na kayo." Aniya sabay akbay rito. "Kumusta ang mga brothers ko Ma, lahat ba ay busy kaya wala man lang nakarating?" Tanong niya sa ina. "Yeah, si Lance ay nasa Basilan ngayon pero sa susunod na linggo ay naririto na iyon. Si Jake ay alam mo na. Nagpapakadalubhasa sa pagiging doktor at ang bunso niyo ay ayon kahit papaano ay nakumbinsi namin ng tito mo na kumuha ng business mangament." Turan ng ina. Naawa siya sa bunso nila dahil dito napunta ang responsibilidad na siya ang gumagawa. Kahit papaano ay na-miss niya ang pamilya kahit paminsan minsan ay nadalaw naman ang alin man sa mga ito. "Kumusta ang tita Precy mo roon?" Tanong ng ina. "Okay naman Ma, mabuti naman siya doon at may nanliligaw na Amerikano pero wala talaga yatang balak mag-asawa ang kapatid mong iyon." Aniya sa ina na kinatawa nito. "Masyadong nasaktan noong ipagpalit ito ng unang kasintahan sa iba. Mula noon ay hindi na ito nagka-nobyo pa." Turan naman ng ina. Napailing na lamang siya. "Ikaw? Wala kabang naiwang girlfriend sa Amerika?" Baling ng ina sa kaniya. Napangiti lamang siya. May nakarelasyon siyang Amerikana pero mas gusto pa rin niyang mag-asawa ng Pinay. Iba ang upbringing ng mga westerner at mas maganda pa rin ang mga filipina. "Wala Ma, gusto pa rin ng Pinay," aniya. "Sabagay," ani naman ng ina. Kinabukasan noon ay kinailangan na niyang magreport sa television network na nag-alok sa kaniya ng trabaho. Nakitang napapapalingon ang ilang staff at tila nagtataka kung artista ba siya. Tinanggal ang suot na sunglasses at nakita ang ilang pamilyar na mukha. Kilala na niya, artista ito. Ngumiti ito ng makita siya kaya ngumiti rin siya. "Hi sir, saan po ang punta natin?" Tanong ng tila isang security personnel ayon sa suot nito. "I'm direktor Liam Montecalvo. I'm meeting with the head of the network," tugon rito. "Oh kayo po pala ang hinihintay ni Mr. Chavez? This way sir." Anito at agad siyang giniya kung nasaan ang opisina ng big boss ng mga ito. "Sa elevator po tapos sa penthouse lang po. Doon po ang office ni boss," anito saka siya iniwan nito. Mabilis na tinungo ang elevator na papasara. Agad na iniharang ang paa sa papasara nang pintuhan nito. Muli itong bumukas at nakita ang isang magandang babae. Mukha itong pagod na pagod at may kalakihan ang shoulder bag nito. May hawak pa itong libro na may kakapalan na ang nakasulat ay accounting. Nagmamadali na si Dani sa workshop nila ng pinapareha sa kaniya. Iyon ang ayaw niya sa pag-aartista. Kailangan mo pa ng loveteam para masabing sikat ka. Bukod sa stress sa kaniyang thesis ay stress din siya lalo na at puspusan na ang kanilang workshop sa pelikulang gagawin nila ng bagong ka-loveteam. Agad na pinindot ang floor na pupuntahan at nang magsasara na iyon ay nakahinga siya ng maluwag pero hindi pa tuluyang nagdidikit ang pintuhan ng elevator ay may paang humarang. Malinis ang itim na leather shoes na iyon at nang muling bumukas ang pintuhan ay nakita ang may-ari ng paa. Napakislot ang puso niya. Gusto niyang titigan ito kung hindi ba siya dinadaya ng mata. Nalito siya. Kawangis nito ang lalaking matagal na niyang inaasam na makita. Si Lance. Mabilis siyang yumuko. Ngunit sa gilid ng mata ay sinusulyapan ito. Guwapo ang lalaki at very masculine ang dating nito. Maya-maya ay agad na binawi ang tingin dahil nakitang lumingon ito. Mukhang pinag-aaralan din siya nito. Doon ay na-conscious siya. Hindi pa niya nagawang tignan ang hitsura sa salamin. Doon lang ulit siya tinubuan ng hiya. "Ahhhhhmmmmm! Miss," dinig na tinig nito. Nag-angat siya ng tingin. "Yes po sir," aniya rito. Ngumiti ito at lumabas ang biloy nito sa magkabilang pisngi. Muli ay nagpakita sa balintataw ang mukha ni Lance. Ngumiti si Liam ng makitang nakatitig ang babae sa kaniyang mukha. "Miss," ulit niya. "Yes po sir," ulit ni Dani. "I think, dito ang floor na pupuntahan mo?" Dinig na wika nito at agad na tumingin na kanina pa pala nakabukas ang elevator. "Ah! Sorry po sir. Salamat," magalang wika rito at mabilis na umalis na dahil sa pagkapahiyang nangyari. Nawala siya sa kaisipan sa nakitang kawangis ito ng lalaking unang tinibok ng puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD