SAMANTALA halos sasabog si Darwin sa sobrang galit at nasa loob na ito ng kulungan. "Attorney, gawin mo ang lahat para makalaya ako dito!" galit na utos ni Darwin at hindi sumagot ang abogado sa halip si Mingzhu ang nagsalita. "Hon, hindi tinatanggap ng korte ang petisyon natin para makapag piyansa tayo," umiiyak niyang sumbong. "Lintek naman, oh! Gumawa kayo ng paraan ayaw kong makulong nang matagal dito!" "Don't worry, hon. Magpatulong tayo kay Daddy." "Si Nianzhu nasaan?" tanong ni Darwin. "Umuwi sa bahay at masama ang loob." "Tawagan mo! Kailangan ko siyang makausap!" "Okay." PAGOD ang mga ito nang makauwi sa mansyon at agad hinatid si Cheng sa guest room. Upang makapagpahinga ang binata at inalalayan muna nilang mag-asawa si Mr.Huang at hinatid sa kaniyang kuwarto "Lolo