"Para sa iyo, Lolo. At sa aking ama ay gagawin ko ang lahat maprotektahan ko lang ang inyong pinaghihirapan." "That's my apo! Isa ka ngang tunay na Limlengco," nakangiti nitong tugon. Hanggang sa makarating na sila sa kompanya at halos magkasabay lang rin ang dating nina ni Darwin. Papasok na sana sila ng conference room nang biglang hawakan ni Nianzhu ang kamay ni Hallie. "Hallie, you're alive?" Nasa boses ni Nianzhu na masaya siya. "Don't touch my wife!" matapang na tugon ni prince Yao-Yee at tinanggal niya ang kamay nito. Napang-abot ang kanilang matutulis na mga tingin na tila may pagbabanta sa isa't isa. Isang malakas na sampal na naman ang dumapo sa pisngi ni Nianzhu. "Marami kang dapat ipaliwanag sa akin. Hindi pa tayo tapos!" dahil sa galit ni Hallie ay nasampal ni