CHAPTER 15 MURDERED MAFIA BOSS REVENGE By: JOEMAR ANCHETA (PINAGPALA) “Ah tungkol ba diyan. Sige pumasok ka iho.” Iho? Tinawag niya akong iho? Kinuha niya ang nakasabit sa kanyang gate na wanted hardinero. Tahimik kaming pumasok. Habang naglalakad kami papunta sa bakuran nila ay para akong nagbibinata uli. Kinakabahan. Nanlalamig. Itong-ito yung nararamdaman ko noong magkasintahan pa lang kami. “Diyan tayo sa Gazebo mag-usap. Nakikita mo naman siguro ano? Marumi ang garden. Marami nang mga nagtatayugan na mga halaman at ilan naman ay kailangan nang palitan dahil natuyo na.” Hindi ako sumagot. Nilingon niya ako. Tinitigan ko siya. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin sa kanya na ako si Frank ngunit alam kong hindi ganoon kadaling ipaliwanag iyon sa kanya. Kung hindi bukas a