RACHEL
“Manang, umalis po ba si ninong?” tanong ko kay manang dahil pumunta ako sa room niya pero naka-lock ito.
“Oo may pinuntahan lang, iha. May kailangan ka ba?”
“Wala naman po, pero magpapaalam po sana ako.” nakangiti na sagot ko sa kanya.
“Sa tingin ko ay umuwi ‘yun sa bahay ng parents niya.”
“Puwede po ba akong umalis? May bibilhin lang po ako sa labas.” paalam ko kay manang.
“Tawagan mo ang ninong mo sa kanya ka magpaalam.” sagot niya sa akin.
“Wala po akong number niya.”
“Ito, iha paki-hanap na lang ng numero niya. Gov ang pangalan niya diyan sa selpon ko.” saad sa akin ni manang.
“Thank you po, manang.” pasasalamat ko sa kanya nang makuha ko na ang number ni ninong.
Nang pumasok na si manang sa kusina ay sinusubukan kong tawagan si ninong pero hindi naman niya ako sinasagot. Kaya naman lumabas na ako sa bahay. Nagbook na lang ako ng masasakyan papunta sa mall. Gusto ko kasing bumili ng mga art materials. Gusto ko na may pagkaabalahan ako habang nasa bahay ako ninong.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ako titira sa bahay niya. Kaya habang nasa poder niya ako ay gagawin ko pa rin ang mga gusto ko. Habang nasa biyahe ay nakikinig ng balita ang driver. At ang balita ay tungkol sa mga magagandang programa na ginagawa ni Ninong Gov.
“Kuya, kumusta po ang Governor dito?” tanong ko sa kanya.
“Si Gov Adam, mabuti at may malasakit siya. Alam mo ba na marami ang walang bilib sa kanya dahil ang bata pa raw niya. Pero alam mo kahit na bata pa siya ay marami na siyang magagandang programa. Ang gusto ko pa sa kanya dahil maagap siya. Mabilis siya sa lahat ng mga ginagawa niya. Marami siyang natutulungan na mga mahihirap lalo na ang mga estudyante sa kolehiyo. At isa ang anak ko sa mga ma-swerte na nakatanggap ng scholarship.” masaya na sagot niya sa akin.
“Ang galing naman po niya,” nakangiti na sabi ko.
“Hindi mo ba siya kilala, iha?” tanong niya sa akin.
“Ngayon ko pa lang po siya nakilala. Galing ho kasi ako sa Amerika,” nakangiti na sagot ko sa kanya.
“Kaya pala hindi mo alam ang mga magaganda niyang ginawa. Sikat siya, lalo na sa mga babae lalo na nalaman nila na single na ito ngayon.” Sabi sa akin ng driver.
“Gwapo po kaya sikat sa mga babae.” natatawa na sabi ko.
“Sinabi mo pa, iha.” natatawa rin na sabi niya sa akin.
Sa wakas ay nakarating rin ako sa mall. Nagbayad ako at hindi ko na kinuha ang sukli ko kay manong. Masaya ako dahil maingat naman siya sa pagmamaneho at hindi ako nabored habang nasa biyahe kahit na sobrang traffic.
Habang nag-iikot ako ay napatingin ako sa isang clothing line. Napangiti ako dahil si Ninong ang model nila. Ang gwapo niya lalo at nakangiti pa siya. Maliban pala sa pagiging governor ay modelo rin pala siya. Sh*t! Uminit ang buo kong mukha dahil nakita ko ang abs niya sa poster kaya naman bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina.
Pinaypayan ko ang sarili ko dahil biglang uminit ang pakiramdam ko sa malaking bukol na nakita ko kanina. Ibang-iba talaga kapag sa personal. Kung yummy siya sa larawan dito sa mall ay mas yummy siya sa personal. Kaysa magmukha akong ewan dito sa harap ng larawan niya ay pumasok na ako sa bilihan ng mga art materials.
Dahil nalibang ako sa pagpili ng mga kailangan ko ay hindi ko na namalayan ang oras. Kaya naman nagmamadali na ako. Pero medyo naiinis pa ako dahil nahihirapan akong sumakay. Alas otso na at wala na akong choice kundi tawagan ulit si ninong.
“Hello, who’s this?” he asked me with his manly voice.
“Hello po, Ninon—”
“Where are you?!” sigaw niya bigla sa akin.
“Nasa mall po—”
“Stay there at huwag kang aalis. Susunduin kita,” sabi niya sa akin at ibinaba na niya ang tawag.
Mukhang galit yata siya sa akin. Pero tumawag naman ako kanina. Siya lang itong hindi sumasagot. Kaysa mas lumala ang galit niya sa akin ay hinintay ko na lang siya dito sa labas ng mall. Halos isang oras rin akong naghihintay sa kanya. Marami na nga ang nag-alok sa akin na taxi.
Natataranta ako dahil bigla na lang siyang lumabas sa sasakyan niya. Ni hindi man lang niya naisip na takpan ang sarili niya. Baka kasi mamaya ay ma-issue pa siya.
“I’m sorry po, Ninong.” nilakasan ko ang boses ko para marinig nila na ninong ko siya. Narinig ko naman na nagbulungan ang mga tao sa paligid.
Hindi nagsalita si ninong. Kinuha niya ang mga hawak ko at nilagay niya sa backseat. Halata na naiinis siya, hindi man lang kasi siya ngumingiti.
“Ano ka ba, Rachel? Bakit naman siya ngingiti eh galit nga siya?” saad ko sa sarili ko.
Pumasok ako sa front seat. At hinintay ko siya na pumasok dito sa loob ng kotse.
“Ninong, I’m sorry po.” sabi ko sa kanya.
“Hindi ka nagpaalam.” malamig na sabi niya sa akin.
“Tinatawagan po kita kanina pero hindi ka po sumasagot.” nakayuko na sabi ko sa kanya.
“Hindi ako sumasagot basta-basta ng mga tumatawag sa akin, Rachel. Puwede mo akong i–text pero hindi mo ginawa.” naiinis na sabi niya sa akin.
“Sorry po, hindi na po mauulit.”
“Hindi na talaga mauulit.” suplado na sabi niya sa akin.
Hindi na lang ako nagsalita dahil baka lalong magalit pa sa akin. Ramdam ko ang galit niya sa akin kahit hindi niya sabihin. Aminado naman ako na may mali ako. Kaya hindi ko siya masisisi kung galit siya sa akin.Habang nasa biyahe kami ay naging tahimik kaming dalawa. Hanggang sa bumibigat ang talukap ng mga mata ko. Gusto ko matulog pero pilit kong pinipigilan. Hanggang sa nakarating na kami sa bahay niya.
“Ninong, mauna na po kayo. Kaya ko na po ito, magpahinga na po kayo. Alam ko po na pagod na kayo.” sabi ko sa kanya at kinuha ko ang mga binili ko.
Hindi siya nagsasalita at siya na mismo ang nagbitbit ng mga pinamili ko. Nauna na rin siyang pumasok sa loob ng bahay hanggang sa makarating kami sa loob ng silid ko.
“Thank you po, Ninong and sorry po.” sabi ko sa kanya.
“Hangga’t nasa pamamahay kita ay sagot kita. Simula ngayon ay hindi ka lalabas na hindi mo ako kasama.” seryoso na sabi niya sa akin.
“Kahit po ba pumunta ako sa bar ay sasama ka po?” tanong ko sa kanya.
“At bakit ka pupunta doon?” nakakunot ang noo na tanong niya sa akin.
“Kasi dumating ang kaibigan ko galing US. Niyaya po niya ako na maghangout sa friday.” sabi ko sa kanya.
“Hindi ka pupunta doon.”
“Pero, ninong. Kaibigan ko po ‘yun at nakakahiya po kapag hindi ako pumunt—”
“My decision is final, Rachel. Hindi ka pupunta doon.” sabi niya sa akin at mabilis na lumabas sa silid ko.
“Ano ba ang dapat kung gawin para payagan niya ako? Hindi puwede ang ganito, hindi niya ako puwedeng kontrolin. Kailangan ko pa rin na maging normal. He’s just my ninong,” saad ko sa sarili ko.
“Oo ninong mo pero nakalimutan mo na ba na sa kanya ka ipinagkatiwala ng daddy mo.” paalala sa akin ng kontrabida kong utak.
“Alam ko, pero kailangan kong pumunta doon. Hindi ako puwedeng maging buro dito sa bahay niya.” kausap ko sa sarili ko.
“Arghhhh!” sigaw ko dahil bigla na lang akong na-stress.
Pero laking gulat ko dahil biglang bumukas ang pinto ng silid ko at pumasok si ninong.
“May problema ba?” tanong niya sa akin.
Narinig niya yata ang sigaw ko. Nakapambahay na siya ngayon at mukhang nagmamadali pa.
“What if akitin ko na lang kaya siya? Baka sakaling hindi na niya ako paghigpitan.” nakatingin ako sa kanya at pinagmamasdan ko ng mabuti ang gwapo niyang mukha.
“Anong klaseng tingin ‘yan?” tanong niya sa akin.
“Po? Anong tingin po, ninong?” mapang-akit na tanong ko sa kanya pero dapat shy type pa rin ang kilos ko.
“Damn it!” mahina na bulong niya pero narinig ko pa rin siya.
“Ninong, you can come with me if you want.” nakangiti na sabi ko sa kanya.
“Come?” nakakunot na naman ang noo na tanong niya sa akin.
“Hindi niyo po ba alam ang come? Ano po bang come ang alam niyo?” nakangisi na tanong ko sa kanya kaya nakita kong napalunok siya.