Ponyang's POV Tsh! Kay aga-aga kung bakit ba nakabuntot sa akin ang mga asungot kong classmates na sina Georgina at Colleen? "Ano ba'ng problema ninyo? " Nakapamewang na hinarap ko ang mga ito. "You and only you is our problem, Isabela." Dinuro-duro pa ako nitong si Georgina na naging dahilan para maagaw namin ang atensiyon ng mga estudyanteng naglalakad sa corridor. "A-ako?!" Gulat na itinuro ko pa ang aking sarili. "Ikaw nga sabi, napaka engot!" segunda ni Colleen. "At ano naman ang ginawa ko sa inyong dalawa, paki explain?" "Tigilan mo si Clark huwag kang makalapit-lapit sa kaniya dahil akin s'ya!" mataray na sabi ni Georgina. "Sa 'yo si Clark?" pag uulit ko. "Aha!" tatango-tangong sagot nito. "Bakit nabili mo na ba siya? Magkano?" tanong ko uli. Haisst! Ibinibenta p