Ponyang's POV "Sige na, Brix! Please, turuan mo na ako sa Algebra," pagmamakaawa ko rito habang abala siya sa pagtipa sa keyboard ng kaniyang cellphone. "I'm so sorry, Isabela, may lakad ako today. May date kami ni Criselle, next time na lang." Tumayo na ito sa kaniyang kinauupuan at inumpisahan nang lumakad, dali-daling sumunod naman ako rito. "Naku naman, wala ng next time kailangan ko ng matutunan ito ngayon. Please, kahit fifteen minutes lang, ipaliwanag mo lang sa akin itong isang problem na 'to tapos kapag natutunan ko na ako na ang bahala sa iba," pamimilit ko. "As much as I want to help you hindi talaga pwede, male-late na 'ko sa lakad namin. Kay Iñigo ka magpaturo, he's a genius pagdating sa math, sisiw lang sa kaniya ang Algebra. I have to go now." Kumaway pa ito sa akin