Ponyang "Ano'ng mga ito, Ate Jhen?" takang tanong ko ng ilapag niya sa ibabaw ng aking kama ang mga litrato, bigla akong napatigil sa ginagawa ko sa aking laptop. "Go and see it for yourself." Walang kangiti-ngiti at parang masama ang timpla na sabi niya kaya naman kinuha ko ang mga pictures at sinipat iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang isa-isahin ang mga ito. Mga kuha namin ni Clark na magkasama, no'ng isang araw sa GAV Supermalls. Meron din sa canteen ng school, yung time na kinakaladkad ako nito papunta sa table niya, pero sadyang madaya ang camera, para kaming mag boyfriend-girlfriend sa picture na magka-holding hands. Tapos nang nasa table naman kami may kuhang sinusubuan ako nito ng french fries pero ang totoo niyan inaagaw lang niya ang french fries sa kamay ko dahil kinupit ko