Tuwang-tuwa ang mga kasambahay ng pamilya Vander sa pasalubong na mga imported na lotion, sabon, shampoo, chocolates at chips ni Ponyang sa kanila. Kaligayahan naman para kay Ponyang na nakikitang masaya ang mga ito kahit sa konting bagay na ibinigay niya. Nagpahinga lang siya maghapon sa kaniyang kwarto at kumain kapag oras na ng pagkain. Bukas ay papasok na uli siya sa Alekzander U at maaga na naman siyang gigising kaya kinukondisyon niya ang sarili. May kani-kaniyang lakad ang mga tao sa bahay kaya si Ponyang na naman ang naiwang mag isa. Si Clark kahit na kadarating pa lang ay nagpahinga lang saglit at nagpunta na sa Vander Hospital para sa kaniyang training. Nakatulog naman kasi iyon ng komportable at matagal sa eroplano, sa haba ng biyahe nila ay sinamantala rin nito ang makapagpah