Makalipas ang tatlong araw ay pauwi na sa Pilipinas sina Clark at Ponyang. Hindi available ang private plane ng mga Vander ng araw na iyon dahil ginamit ito ni Sebastian sa kaniyang business trip sa Japan kaya ang dalawa ay sumakay sa pampasaherong eroplano pauwi ng bansa. "Hala, ganito ba talaga dito, bakit may kama? Parang wala tayo sa loob ng eroplano, para tayong nasa hotel," manghang sabi ni Ponyang. "Luxury first class flight ang tawag dito kaya ganito," sagot ni Clark. "Ah, ito pala ang first class flight, ngayon ko lang nalaman na may ganito pa lang pamapasaherong eroplano. Yung mga napapanood ko sa tv, parang katulad lang din sa bus ang itsura ng mga upuan at walang kama tapos nakikita mo pa ang mga kasabay mong sumakay sa eroplano. Pero dito may kani-kaniyang kwarto ang mga