Ponyang's POV "A-are you sure kaya mong ubusin ang lahat ng 'yan?" alanganing tanong ni Poging Ice sa akin. "Oo naman, ang totoo niyan ay kulang pa nga 'to, gusto ko pa sanang dagdagan ng donut kaya lang nahihiya na ako sa'yo," sagot ko. Spaghetti, fried chicken, rice, pizza at ice cream ang nasa harap ng lamesa namin. Ang lahat ng iyon ay order ko, samantalang ang kay Poging Ice ay isang cup ng hot chocolate lang. "Pwede ka ring kumuha ng pagkain dito kung gusto mo, ito hati tayo ng pizza, tag dalawang slice tayo," sabi ko habang inilalapit sa harapan niya ang box ng pagkain. "No, thanks, I'm good with this," tanggi niya na iwinasiwas pa ang mga kamay. "Bakit ayaw mong kumain, nagda-diet ka ba?" tanong ko, tama lang naman ang katawan niya nakakapagtaka lang bakit kailangan pa niyang