Limang minuto na ang lumipas simula ng magpaalam si Ponyang kay Clark ngunit nanatili pa rin siyang nakaupo sa bench na kinauupuan nito. Napansin iyon ni Clark na noon ay hindi makapag-concentrate sa pagbabasa dahil sa malikot na si Ponyang kung ano-ano ang ginagawa nito kaya nadi-distract siya sa pagbabasa. Naroong nagpapadausdos ito sa upuan, ginagaya ang huni ng ibon, sumisipol at ang ikinaiinis pa niya panay ang sabi nito ng "tuko" naririndi na ang tenga niya sa paulit-ulit nito sa pagbigkas niyon. "Why are you still here? Akala ko ba aalis ka na? Pwede ba itikom mo 'yang bibig mo at manahimik ka, nakakaistorbo ka sa pagbabasa ko. Umalis ka na nga, ano pa ba ang hinihintay mo?" pagtataboy niya rito. "Paano pa ako makakapasok nito tapos na yung recess thirty minutes na akong late sa k