Pagbaba pa lang ng sasakyan ay nagmamadali nang tumakbo si Ponyang. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang kanilang klase. Tinanghali siya ng gising dahil sa kaka-cellphone niya kagabi. Nawili siya sa kapipindot ng kung ano-ano roon. Nag download pa siya ng mga games kaya mas lalo siyang nalibang. Inumaga na nga siya sa kalalaro, hindi niya kasi namalayan ang oras. Ang gustong-gusto niyang nilalaro ay yung babaeng dinadamitan. Siya ang mamimili ng kung ano ang susuutin nito, pwede niya ring ibahin ang kulay ng balat ng babae, pati na ang style at kulay ng buhok nito. Parang batang tuwang-tuwa siya, pakiramdam kasi niya ay stylist siya. Mistula siyang bumalik sa pagkabata na naglalaro ng manikang papel, ang kaibahan nga lang ay hindi na niya kailangan pang mag-drawing at magkulay ng sus