Chapter 41- Hatid•

1854 Words

Alas siyete na ng gabi. Problemado si Ponyang, hindi siya makauwi dahil malakas ang ulan. Tiyak na mahihirapan siyang makahanap ng masasakyan kapag ganito ang panahon. Iniisip niya na baka hinahanap na siya ng mga tao sa kanilang bahay. Tapos na ang 3 hours duty niya sa C&C. Hindi naman niya matawagan si Jen para magpasundo rito, magtataka ito kapag nalaman na wala siya sa eskwelahan dahil ang buong akala nito ay nasa library lang siya dahil iyon naman talaga ang paalam niya rito. "Hay, ang hirap umuwi nito, mabuti na lang may baon akong tsinelas," sabi ni Mac. Bitbit na nito ang kaniyang backpack, may kinuhang plastic sa loob niyon at inilabas ang tsinelas sa loob ng plastic, hinubad ang sapatos para magpalit. "Hoy, ano ba 'yan? Ilang taon ka na bang hindi nagpapalit ng medyas? Amoy pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD