Nakakadalawang oras nang nagtatrabaho si Ponyang sa C&C, Ang usapan nila ng among si Ice ay hanggang tatlong oras lang ang pasok niya roon. Tama namang dumating ito at may dalang meryenda para sa kanilang tatlo na empleyado nito. "Mag meryenda muna kayo," sabi nito. Inabot kay Mac ang isang plastic bag ng kilalang fastfood chain. "Yun, oh, may pa-meryenda si Mayor," birong sabi ni Mac, binuksan nito ang may kalakihang plastic at sinilip ang laman niyon. "Wow! Spaghetti at burdger," bulalas nito ng makita kung ano ang nasa loob ng plastic bag. Sinadya nitong lakasan ang boses para marinig ni Ponyang na noon ay kasalukuyang nasa kusina at naghuhugas ng mga ginamit nila sa pagtitimpla ng mga kape at iba pang inumin. Nang makarinig ng pagkain si Ponyang ay mabilis pa sa ipo-ipong lumab