Ponyang's POV
Nang makapasok ako sa loob ng opisina ay nagulat ako sa aking nabungaran. Isang maputi at guwapong lalaki na halos kasing edad ko lang ang nakaupo sa mahabang sofa. Inilinga ko ang aking mga mata sa paligid para hanapin ang boss daw na mag i-interview sa akin. Ang pagkakaalam ko ay iyon daw ang may ari ng coffee shop.
"Ah-eh... hello! Applicant ka rin ba?" bating tanong ko rito.
Busy ito sa ginagawa do'n sa aparato na hindi ko alam kung ano ang tawag.
Tumingin ito sa akin. Medyo napaatras ako.
Huh! Napaka pogi pala niya sa malapitan.
"No!" matipid na sagot nito.
Hindi pala siya aplikante, eh, ano kaya ang ginanagawa niya rito?
"Sit down!" sabi nito sa akin na itinuro pa ang katapat na sofa, sumunod naman ako rito.
"Lumabas ba yung, boss? Ang sabi kasi ni Miss Sungit, 'yon daw ang mag i-interview sa akin? Alam mo ba kung saan siya nagpunta?"
Ngumiti muna ito sa akin. "Ako ang mag i-interview sa'yo," sabi nito.
Napaawang naman ang bibig ko sa narinig.
"Weh! Hindi nga?" hindi makapaniwalang sabi ko.
Nagsalubong ang kilay nito at dumilim ang mukha.
"Sabi sa akin 'yung may ari raw ang mag i-interview sa akin. Bakit ikaw ba ang may
ari?" tanong ko rito.
"As far as I remember, I am still the owner of this coffee shop," seryosong sagot naman nito.
Tssh ... Grabe ang lakas mag-trip ng lalaking ito, siya raw ang may ari, eh mukhang eighteen years old lang siya.
"Hay naku naman, ang galing mong magbiro parang totoo, kung hindi ka lang guwapo mapagkakamalan kong baliw ka."
"Hahaha! Do I look like I'm joking to you?" tuwang tanong nito.
"Oo, ang bata-bata mo pa para maging boss. Ah, alam ko na. Empleyado karin dito, noh? Part timer ka rin diba?"
"Tsk. Bakit ba ang kulit mo? Sabi ng ako'ng may ari ng coffee shop na ito and FYI hindi na ako bata dahil eighteen years old na ako. Old enough to be a boss," medyo pikon ng sabi nito.
Hindi ko na napigilang lumapit dito, sinipat-sipat ko ang mukha nito, sinisigurado ko lang na hindi niya ako niloloko.
"Hoy! Ano ka ba!" saway nito sa akin na pilit na iniiwas ang mukha niya sa akin dahil sa sobrang lapit ko na sa kaniya.
Huh! Ang guwapo talaga, hiyang-hiya naman ako sa baby face nitong mukha, pati taghiyawat ay mahihiyang dumapo sa mukha ng lalaking ito, eh! Sobrang kinis.
Nasa'n ang katarungan? Bakit ba mas maganda pa ang kutis niya kaysa sa akin? Naturingang babae ako pero ang dugyot kong tingnan kapag itinabi sa kaniya.
"ID!" sabi ko sabay lahad ng kamay.
"What? You're so weird!"
"Sabi ko, ipakita mo sa'kin ang ID mo."
"Tsk... hindi ba dapat ako ang gagawa niyan dahil ako ang mag i-interview sa'yo? I'm the boss here if you forgotten."
"Eh, sa hindi ako naniniwalang ikaw ang may ari ng coffee shop na ito, eh. Teka! Makalabas nga muna itatanong ko kay, Miss Sungit, kung nagsasabi ka ng totoo."
Hindi ko na hinintay itong sumagot mabilis na akong lumabas para puntahan ang kausap kong babae kanina.
"Miss Sungit!" tawag ko rito.
Napaatras ako ng pumihit ito paharap sa akin at bigyan ako ng masamang tingin. Hindi yata niya nagustuhan ang pagtawag ko sa kaniya ng sungit.
Ngumiti ako rito sabay peace sign
"Problema mo? Tapos na ba'ng interview mo?" singhal nito sa akin.
"Ah, hindi pa, eh. Wala naman 'yong mag i-interview sa akin do'n sa loob. Ang naroon lang ay 'yong guwapong lalake pero parang may sayad ang lakas ng tama, eh! Sabihin ba naman niya sa akin na siya raw ang boss. Grabe! Akala naman niya ay maloloko niya ako! Wais to, noh! Hindi ako paloloko sa kaniya."
"Eh, sira ka naman pala, eh! Ang laki mong ewan! 'Yung gwapong lalake sa loob ay ang boss namin."
"Huh! Hindi nga, seryoso ka? Siya ba talaga ang boss n'yo?" paniniguradong tanong ko.
"Oo nga sabi! Three years na 'ko rito at three years ko na ring boss 'yon. Hay naku! Mas mabuti pa umuwi ka na lang, siguradong hindi ka naman tanggap. Go... uwi na, napaka atribida mo kasi, eh!" pagtataboy nito sa akin.
Hay, napakamalas ko naman. Malay ko bang seryoso sila.
"Eh, miss. Puwede bang pakikuha mo na lang ang bio-data ko. Sayang naman eh, magagamit ko pa 'yon sa susunod na pag aaplayan ko at saka ang mahal kayang magpakuha ng picture."
"Eh, bakit hindi na lang ikaw ang kumuha sa loob?" nakangising tanong nito.
Sunod-sunod ang iling na ginawa ko.
"Ayaw!" matipid na sagot ko.
"Bakit, may ginawa kang masama sa boss namin, noh?"
"Wala, ah! Grabe ka sa'kin ano naman ang gagawin ko sa boss mo?"
"Tssh... Kunwari pa, sige maghintay ka d'yan kukunin ko ang bio-data mo."
"Naku, thank you talaga, ha!" tuwang sabi ko.
Tumalikod na ito at naglakad papunta sa saradong pinto, kumatok sandali at saka pumasok sa loob.
Naghintay naman ako sa may counter. Alas dos na ng hapon at marami-rami na rin ang mga tao. Hindi magkamayaw ang mga crew sa pagse-serve sa mga customer.
Hay, sayang talaga, parang ang sarap pa namang mag-trabaho rito ang kaso nga lang bad shot agad ako do'n sa boss nila.
Huh! Hindi ako sigurado pero parang nasabihan ko pa yata siya ng baliw kanina.
"Psst... oy! Pumasok ka raw sa loob sabi ni boss."
Muntik na akong mapalundag sa gulat ng bigla na lang sumulpot si Miss Sungit sa harapan ko.
"Ay, letsugas!" biglang nasabi ko.
"Alam mo ang weird mo talagang babae ka. Pumasok ka na raw ang kulit mo, ayaw ni boss ng pinaghihintay s'ya. Ikaw raw ang kumuha ng bio data mo sa loob."
Naku naman! Napakamot pa ako sa sarili kong ulo sa pagkadismaya.
Alanganing lumakad ako papunta sa nakasaradong pinto. Alumpihit na pinihit ko iyon para bumukas at dahan-dahan akong pumasok sa loob.
"Hi po!" nahihiyang sabi ko do'n sa guwapong lalake na boss palang talaga. Bahagya pa akong yumuko bilang paggalang.
"Take a sit!" Itinuro nito ang katapat na upuan.
"Ay hindi napo, sir, kukunin ko lang ang bio-data ko tapos ay uuwi na rin ako," mariing tanggi ko sa alok nito.
Napaawang ang bibig nito. "Uuwi ka na hindi pa nga kita nai-interview," sabi nito na binabasa ang mga nakalagay sa bio data ko.
"Hoh!" gulat na sabi ko.
Akala ko pa naman wala na akong pag asa.
"Umupo ka na bago pa magbago ang isip ko," utos nito.
Dali-dali akong umupo do'n sa katapat niyang upuan. Mahirap na baka magbago pa talaga ang isip niya.
"So, high school graduate ka lang pala?" Habang sinasabi iyon ay pinapasadahan ng basa nito ang hawak na papel.
"Ah, yes, sir! Kaya nga po ako naghahanap ng part time job para makapag-college ako."
"Hmm! Gano'n ba? Okay, sige bumalik ka bukas ng umaga para makapagsimula ka na sa training."
Totoo ba to? Natanggap ako?
May trabaho na ko?
Huh! Hindi talaga ako makapaniwala.
"Tanggap na po ba ako!" paninigurong tanong ko, mahirap na baka nagkamali lang ako ng dinig.
"Oo, bakit ayaw mo ba?"
"Ay naku, sir! Gusto po, gustong -gusto," tarantang sagot ko.
"Wag mo na akong tawaging, Sir, ang lakas makatanda. Kung gusto mong tumagal dito ang itawag mo sa akin ay, Poging Ice."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.
"Seryoso, Poging Ice ang itatawag ko sa 'yo?" alanganing tanong ko.
Sunod-sunod ang naging pagtango nito.
"Oo ang sarap pakinggan 'diba?" nakangiting sabi niya.
Tsh... Parang timang, guwapo na nga siya bakit kailangan pang ipangalandakan?
"Ano, tatawagin mo ba akong Poging Ice o sesante ka na?" nakangising sabi nito habang hinihimas pa ang kaniyang baba.
Grabe! Hindi pa nga ako nagsisimula sisante agad.
"Oo napo, Poging Ice," napipilitang sagot ko.
"Drop the opo! Magsing edad lang naman tayo, eh"
"Okay, Poging Ice."
"Good... masunurin ka naman pala. Pumasok ka ng maaga bukas, okay?"
"Yes, Poging Ice!" sagot ko sabay saludo.
Natawa naman ito sa ginawa ko.
"By the way I like your name.
Isabela ang cute kasing cute mo," nakangiting sabi nito.
Pinamulahan naman ako ng pisngi dahil sa papuring iyon.
Ako raw cute? Hahaha! Malabo na ata ang mata ng lalaking ito, eh. First time na may nagsabi sa'kin na cute ako.