"Hey, ano'ng ginagawa mo? Alisin mo nga ang kamay mo sa akin!" inis na pinalis ni Clark ang kamay ni Ponyang. Naiinis siya sa mga ikinikilos nito, nakapulupot kasi sa braso niya ang kamay nito at ang ulo naman ay nakahilig sa balikat niya habang naglalakad sila. Kasalukuyan silang nasa Covent Garden, nag bus lang sila papunta roon dahil mahirap ang parking sa lugar na iyon. Ang kagandahan naman ay malapit lang iyon sa tinitirahan nila, hindi pa umabot ng limang minuto ang biyahe papunta roon. Nainis nga si Ponyang, hindi pa man nag iinit ang puwet niya sa upuan ng bus ay bumaba na agad sila. "Ito naman napaka kj! Bakit ayaw mong magpahawak, mag asawa naman na tayo 'di ba? Okay lang 'yon,' wag kang matakot, wala naman ang daddy mo rito. Wala ang masungit na dragon na nagbabawal sa atin