Sumisikat na ang araw ng magising si Clark, pagbukas ng kaniyang mga mata ay agad niyang nabungaran si Ponyang, tulog na tulog ito na nakasiksik sa dibdib niya. May naririnig pa siyang parang sumisipol na nagmumula sa bibig nito. "Te-teka! Ano'ng ginagawa ng babaeng ito sa tabi ko? Bakit dito siya natulog sa kwarto ko? How come na hindi ko namalayan na may katabi na pala ako?" sunod-sunod na tanong ng binata. Ang huling pagkakaalala niya ay nauna itong umakyat sa kaniya. Nang mahiga naman siya ay hindi niya ito nakita sa kama niya. Sigurado siya bago siya matulog ay mag isa lang siya sa kaniyang kwarto. Habang nag iisip ay may naramdaman siyang kung anong malamig sa kaniyang dibdib. Naitulak niya ng malakas si Ponyang. Gumalaw ito at umalis sa pagkakasuksok sa kaniyang katawan, ngunit