Third Person's POV
Green House
(House of the First Family)
Problemado ang mukha ni Sebastian Vander.
"I don't know where to start. But, something's came up and I wasn't expect this, I never thought things like this will gonna be happen." Ang tatlong anak ay nag-aabang lang sa mga susunod na sasabihin nito.
Sina Iñigo, Clark at Brix Vander ay talaga namang takang-taka dahil sa biglaang pagtawag ng meeting ng kanilang ama.
"What is it, Dad?" kunot noong tanong ni Iñigo ipinagpaliban niya ang pagpunta sa Macau kasama ang modelong girlfriend dahil lang sa meeting na iyon.
Si Clark naman ay tutok sa kanyang laptop, kahit kasi bakasyon ay kumuha siya ng advance study para sa ilang subjects.
Tanging si Brix lang ang matamang nakikinig sa kanilang ama.
"It has something to do with your Great Grandmother's necklace," sagot ni Sebastian Vander na isa-isang tiningnan ang mga anak. Kasalukuyan silang nasa study room.
"And what's the connection of that necklace to us?" tanong ni Brix.
"One of the three of you is involve here," sagot naman ni Sebastian Vander.
Nagkatinginan sina Brix at Iñigo parehas nangunot ang mga noo nito samantalang si Clark ay parang wala naman ang isip sa pinag-uusapan ng pamilya niya. Abala ito sa pagme-memorize ng mga medical terms para sa kaniyang lecture.
"Your Great Grand Mother Claudette Vander entrusted her one of a kind necklace to someone else. Mayroon siyang malaking utang na loob sa taong ito dahil iniligtas siya nito nang lumubog ang barkong sinasakyan nila sa North Atlantic Ocean. Isa si Great Claudette sa nakaligtas dahil sa taong ito na isa sa mga empleyado ng luxury cruise na iyon at ipinangako niya rito na kung sino man ang pamamanahan nito ng kwintas ay siyang pakakasalan ng ika-limang lalaking Vander.
"Huh! Pang-ilang Vander ba ako?" Tarantang tumingala at napaisip sa hangin si Brix at nagbilang sa daliri.
"You're the sixth Vander!" sabi ni Clark na hindi nag-abalang tingnan ang kapatid, tutok parin ito sa kaniyang laptop.
"Oh, thanks God, I'm safe!" Nakahinga naman ito nang maluwag sa narinig, napahawak pa sa kaniyang dibdib.
"If Brix is the sixth Vander. It means I'm the fourth Vander and therefore
you Clark is the fifth Vander?" Si Iñigo na hinimas pa ang baba.
Nanlaki ang mga matang napatingin si Brix kay Clark na ikinataas naman ng kilay nito.
"That's ridiculous! Arrange marriage doesn't exist anymore. We're on a modern era now. I don't think Great Grandmother would force us to get married to a person who's totally stranger if she's still alive," protesta ni Clark hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng kanilang ama.
"She did!" maagap na sagot ni Sebastian Vander.
"Whaat...?!" gimbal na tanong ni Brix.
Lihim namang napangisi si Iñigo mukhang nagugustuhan niya ang nangyayari ngayon. Mabuti na lang at ipinagpaliban niya ang pag-alis dahil kung hindi ay hindi niya makikita ang ganitong eksena na ang kinaiinisang kapatid na si Clark ay talaga namang hindi maipinta ang mukha.
"She already did long time ago. She made everything legal. Legally sealed with witnesses."
Napailing-iling si Clark.
Hindi talaga siya makapaniwala sa mga pangyayari palihim pa niyang kinurot-kurot ang mga binti, nagbabakasakaling isa lang itong panaginip. Ngunit, sa kamalasan, nang ginawa niya iyon ay nasaktan siya. Ang ibig sabihin lang nito ay totoong lahat ang nangyayari.
"What if I refuse to follow her will?"
"Then we're on trouble, son!"
"What do you mean, Dad?" nagugulahang tanong ni Brix nagpalipat-lipat pa ang tingin nito sa mga kapatid.
"Well, it's in the will that if the fifth Vander refuses to go on with this arrange marriage, all the assets of the Vander will be proceed to different orphanage all over the world, others will be transfered to government as funds."
"Even our mansions from different countries and swiss accounts?"
"Yes!" As in all of our assets, properties, businesses, local accounts and international accounts are at stake."
"Dad, If this is a joke it's not funny! You're talking about billions of dollars here!" asar na sabi ni Iñigo.
Malaki na ang ipinagbago nito, mas lalo itong naging bugnutin at mainitin ang ulo.
"How I wish this is just one of your Great Grandmother's prank but, apparently I have seen the will with my bare eyes. Great Alekzander Vander handed it so I can attest to it that it's genuine!"
"It's just a marriage Clark you can annulled her after. Just a few years of sacrifice and it's worth it," pinipigil ang ngiting sabi ni Iñigo.
Pakiramdam niya ay naisahan niya ang kapatid sa pagkakataong iyon, nasisiyahan siyang nakikitang nag iinit ang ulo nito.
"Come'on burst out your anger!" sigaw ng utak niya. Provoking Clark is his hobby now.
Asar na tiningnan ni Clark nang pailalim ang kapatid na si Iñigo. Araw-araw lumalala ang ugali nito na lalo niyang ikinaiinis. "Tsk. You're not on my shoes, that's why it's very easy for you to say that," inis na sabi niya.
"Whatever, Clark. I'm fine without anything, I can make money on my own. Just take in consideration of Michelle, Brix, Dad and most especially Mom they are not used to live in simple life."
"You have a choice, it's either be selfish or be selfless. Which do you prefer anyway?"
"I gotta go, Dad. I think I don't need here anymore." Sabay tayo ni Brix.Hindi niya nagugustuhan ang pagsasagutan ng kaniyang mga kapatid.
"Where are you going, Brix? We're not yet done?" tawag ni Sebastian Vander sa anak na walang lingong likod na lumabas nang silid.
"I'll better get going too, may date pa ako." Nagmamadaling tumayo si Iñigo at naglakad palabas.
Napabuntong hininga nalang si Sebastian Vander, hindi na niya nagugustuhan ang ugali ng mga anak. Alam niyang malaki ang galit ng mga ito sa kaniya dahil sa nangyari two years ago at si Iñigo ngayon ay lumayo na ng masyado ang loob sa kaniya. Si Clark ay gano'n din kaya si Brix na lang ang tanging inaasahan niya. Hindi naman niya pinagsisihan ang ginawang desisyon noon dahil alam niyang para iyon sa ikabubuti ng mga anak lalo na ni Iñigo.
"So what's your decision, Clark?" baling tanong niya sa anak.
Isinara muna ni Clark ang kaniyang laptop at sinama itong binitbit nang tumayo naglakad palayo sa ama ngunit bago ito tuluyang makalabas ng silid na iyon ay huminto saglit.
"Find the girl, I'll marry her!" sabi nito na hindi man lang nilingon ang ama dirediretso na itong lumakad hanggang mawala na sa paningin ni Sebastian.
Napabuntunghininga nalamang ito sa ginawi ng anak ngunit waring nabunutan naman ito ng tinik sa dibdib.
Hindi nito naisip na magkakaroon sila ng ganito kabigat na problema at malalagay sa alanganin ang isa nitong anak.
Hindi niya alam kung saan magsisimula at kung paano nila mahahanap ang nagmamay ari ng kwintas ngayon?
Naisip na niyang ipakalat sa social media ang larawan ng kuwintas kaya lang ay siguradong maraming mag kakainteres at malamang ang iba ay magpapagawa pa ng replika ng kuwintas para lang makasal kay Clark kaya naman nag dadalawang isip tuloy siyang gawin ang ganuong pag aanunsiyo.
~
"Georgina let's go, we're late!" tawag ng may edad ng babae sa kaniyang anak ngunit, higit itong batang tingnan sa kaniyang edad, pusturang pustura ito.
"Hey... Winsky, stop it! " awat ni Georgina sa alagang aso dinambahan siya nito buhat sa pagkakaupo sa garden sa malawak na solar na hardin ng mansiyon.
Nagulat siya nang kagatin ng aso ang suot suot niyang kuwintas, hinatak iyon at natanggal sa kaniyang pagkakasuot. Mabilis na tumakbo ang aso bitbit sa bibig ang kuwintas.
"Winsky, wait!" sigaw nito na pilit hinabol ang aso na nakalabas nang gate dahil nagkataong lumabas din ang isa sa kanilang mga kasambahay para itapon ang basura sa paparating na garbage truck.
"Geogina, I said let's go!" Iritadong lumapit ang sosyalerang ginang at hinatak ang anak papunta sa direksyon kung saan nag-aantay ang limousine na sasakyan nila papuntang party.
"But, Mom! Winsky took my necklace," pagsusumbong nito sa ina.
"Don't mind it, you have lots of necklace. Much better if I'll buy you one, there's a latest designs from Greggory and it's already out in the market."
"Really?" excited na sabi nito.
"Aha! Leave that cheap necklace to Winsky it suits her," maarteng sabi nito.
"Are we going to New York then?"
"Yeah, sure sweetie we'll buy your necklace there!"
"Okay, great!"
Dumiretso na ang mga ito sa kung saan naroroon ang sasakyan habang ang asong si Winsky ay may naamoy na makakain sa mga plastik ng basura na nakalagay sa garbage bag kinalkal iyon at mabilis na nakahanap ng buto ng fried chicken.
"Naku...Winsky! Bakit mo kinalat ang basura?" Asar na sabi ng kasambahay at hinawi ang aso palayo tumakbo ito papasok ng mansiyon bitbit ang buto ng manok.
Ang kasambahay naman ay inayos ang mga nagakalat na basura, itinali ang mga iyon at pagkatapos iniabot sa mga nangongolekta ng basura at hinagis naman ang mga iyon sa truck.