Ponyang's POV Napaka boring talaga kasama ng isang Clark Vander. Matapos ang mahigit kalahating oras nang nakababagot na biyahe ay sa wakas nakarating narin kami sa GAV Supermalls. Napakalaki pala ng mall na ito. Ang tagal ko ng gustong makarating dito, akala ko hanggang pangarap na lang iyon kasi naman mayayaman lang ang nakaka-afford na mag-shopping sa sosyal na mall na ito. Manghang inilibot ko ang mga mata sa paligid, ang daming magagandang damit, sapatos, bag at mga accessories. "Halika, dito tayo." Ang maraming rashes na lalaking ito, wala man lang pakundangang hinatak ang kuwelyo ng uniform ko. "Bitiwan mo nga ako, ano ba?!" Singhal ko rito at agad pinalis ang kamay niya. "Ang likot mo kasi, eh. Kung saan-saan ka nagpupunta, hindi kita isinama rito para gawin mo lang akong al