Tama bang gawin ito?
Nakasuot ako ng isang simpleng puting blouse at isang kulay itim na skinny jeans na tinernuhan ko ng isang beige na flat shoes. Inipit ko ang buhok ng half pony tail.
I didn't put much effort today. For me this is only a typical date.
Tumingin ako sa salamin para tingnan ang sarili ko. Bigla akong nagdalawang isip.
Hindi ko akalaing gagawin ko ito.
Makikipag-date ba talaga ako sa estudyante ko? This is not right!
Lahat naman ng ito hindi tama.
Ni ang halik, hindi iyon tama!
Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Gusto ko lang naman ng boyfriend hindi perwisyo.
Sana lang talaga na tumupad siya sa usapan na ititigil niya na ito.
Bago pa lang ako sa school na pinapasukan ko. Hindi ko kayang mawalan ng license dahil sa isang estudyante na makulit.
I valued my job so much.
Kinuha ko ang aking cellphone mula sa aking handbag na dala. Sakto iyong nag-beep at nag-register ang pangalan ni Raevan sa aking screen.
Estupidyante is calling....
Nag-exchange kami ng number para lang sa date na ito.
Sinagot ko iyon.
"Hello" sagot ko sa tawag.
"Naandito na ako sa labas"
Ibinigay ko ang address ng bahay ko dahil ayaw kong makitang sunduin niya ako sa labas.
"Lalabas na ako. Huwag kang lalabas ng sasakyan mo. Understood?"
"Yes ma'am"
Sinilip ko muna siya sa bintana ng sala. Nakita ko na mayroon na ngang sasakyan doon at sumunod talaga siya na hindi lumabas.
Sinarado ko ang bintana bago tinanggal ko ang saksak ng ilang appliances na bukas. Nang sigurado na akong walang nakalimutan, tsaka ako lumabas.
Feeling ko tuloy para akong may ginagawang masama dahil tingin ako ng tingin sa paligid hanggang buksan ko ang pinto ng shot gun seat at nagmamadaling pumasok doon.
"Phew.." pinunasan ko ang pawis na namuo sa noo ko.
"Goodmorning"
Lumingon ako kay Raevan. Ngayon ko lang ata siya nakitang hindi naka-hoodie. Maayos din ang buhok niyang hindi na takip ang mga mata.
Nakasuot siya ng kulay gray na polo at isang cargo pants. Ang cool lang ng get up niya ngayon.
Parang naghanda siya masiyado.
Hindi ko rin maipagkakaila na sobrang gwapo siya. Kung siguro mga bata-bata pa ako, baka talaga crush ko rin siya.
"Goodmorning din" bati ko.
"So this is your house." Sumilip pa siya sa maliit na apartment na inuupahan ko. "Ikaw lang mag-isa?"
"Oo ako lang pero darating na din sa susunod na school year ang kapatid ko at isa pa, huwag mo ako pupuntahan dito kahit pa alam mo na ang address"
"I told you I'm not stalker"
"Naninigurado lang"
May kinuha siya sa backseat pagkatapos ay nilahad iyon sa akin.
Isa iyong kumpol ng sunflower na nakabalot sa isang magandang wraper.
My eyes locked at those beautiful flower.
"For you" Sumilip si Raevan sa kumpol ng mga bulaklak. Nakita ko ang mata niyang may salamin.
"Salamat pero hindi ka na dapat nag-abala" inabot ko iyon at inilagay sa aking hita.
I almost smile. It's so pretty. I like it.
"This is our date. Dapat may inihanda man lang ako kahit papaano. Sabi ni g**gle isa sa mga flowers ang gusto ng babae" aniya kaya nawala ang focus ko sa itsura niya ngayon.
"Mahilig ka atang mag-browse" bigla ko lang naalala na pati ang pagbukas ng pinto ng kotse, ni-g**gle pa niya.
"I don't have experience about dating"
"So first time mo ako?" I scoffed. "Hindi ako naniniwala" umiling ako.
Paano siya nakakahalik ng ganoong kagaling kung wala siyang karanasan?
"If it's about...the kiss" he mentioned like he knew what I'm thinking. He cleared his throat. Kinamot niya ang ilong at umiwas ng tingin sa akin. "I have hook ups before. It's because I have a womanizer brother. Sinasama niya ako sa parties at social events and then I met girls..." hindi na niya matuloy. Mahina lang niya iyong sinambit na para bang kinakahiya ang mga iyon.
Hook ups.
Seriously? Hindi ko akalain na may mga ganoong experience siya. Totoo nga ang sinasabi nila. We should never judge their appearance. Hindi rin talaga natin alam ang tinatagong kulo sa kanilang panlabas na kaanyuan.
Kaya pala kahit papaano ay malakas ang loob niya maging straightforward. Ganoon din ang makipag-flirt sa akin.
"But I never dated anyone ma'am" diin pa niya na para bang may pinu-prove na point sa akin.
"You don't need to prove a point. Wala tayo sa defense para idefend ang sarili mo" napailing ako nang maalalang nag-advise ako sa kaniya na magsaya at mag-enjoy. Nakakahiya 'yon ah? Akala ko talaga aral-aral lang siya. Mukhang nag-eenjoy naman pala siya sa buhay.
"Gusto ko lang malaman mo" giit niya pa, hindi nakikipagtalo.
"At ito na din ang last date mo sa'kin" pinanlakihan ko siya ng mata. "Titigilan mo na ako okay?"
"And it's my last date to prove to you that I'm a worth it boyfriend"
"Not gonna happen" balik ko.
"We don't know about that"
Tumingin ako sa sunflower na dala niya. "Pero seriously, dapat hindi ka na gumastos para sa sunflower. Akala mo hindi ko alam na nagpapadala ka ng sunflower sa mesa ko? Ilang araw din 'yon. May kasama pa ngang tsokolate"
"Huh? I didn't give you sunflowers. Ngayon lang ako nagbigay"
Natigilan ako sa sinabi niya. "Hindi ikaw?"
Nagkatinginan kaming dalawa. Raevan brows furrowed. "Do you have another suitor?"
Umawang ang bibig ko at hindi makapaniwala.
Hindi siya ang nagpapadala no'n?
Then sino?!
Another student?!
May nanti-trip ba sa akin?
"So it's not only me who likes you ma'am" Tumitig siya ng mariin sa akin na para bang kasalanan ko kung mayro'n pa ngang isa.
"Nevermind" umiling ako. "Simulan mo na ang date na ito"
"Okay. Where do you want to go?"
I want to say museums dates but I keep my mouth shut. Baka kasi mamaya hindi naman pala niya gusto. Parang si Paulo lang, he pretended he like it. Pati sa mga messages namin. Akala ko talaga matalino at interested siya sa mga topics na tinatalakay ko pero nang mabasa ko ulit 'yong mga messages, I'm sure na sa internet niya lang nakuha ang mga 'yon.
Ang tanga ko.
"Ikaw bahala. Ano ba nasa isip mo?"
"Gusto mo ba ng long ride?"
"Long ride?"
"Yes. I'm thinking to bring you to Laguna"
"L-laguna?" Gulat kong sambit.
I thought we will just date near here.
"Pwede rin naman sana dito mang meseum hopping pero alam kong hindi ka komportableng makita sa labas kaya mag-ibang lugar tayo."
"Museum hopping?" Hindi ko alam kung pansin niya ba ang tinatago kong excitement sa sinabi niya.
"It's like an island hopping where you visit different island in just one day. Ganoon din sa museum. Bibisitahin sana natin ang iba't ibang museum sa Laguna kung ayos lang sa'yo ang ganoong date—"
"I'm okay with long rides. I think it's not that long. Laguna lang naman" iniwas ko ang tingin para hindi niya mas lalong makita ang sobrang interes ko do'n.
"Sige ma'am. I think you will like it"
I like it!
Hindi ko lang masabi.
Wala pa man din kami pero ramdam ko na ang excitement.
Nagsimula na kami bumiyahe.
"Buti pinapayagan ka ng mag-drive" ani ko nang mapansin iyon.
Ang bata pa ng 20 para sa akin, kung magda-drive na.
Ang galing nga e. Gusto ko din magkasasakyan pero hindi ko pa rin afford. Marami pa akong pinaglalaanan ng pera.
"I have professional driver license since 18. Don't worry, I'll be careful" Aniya na para bang hindi ko siya pinagkakatiwalaan sa pagmamaneho.
Pinagkakatiwalaan ko naman siya. Knowing his intellectual capacity, hindi naman siya stupido para maging kamote sa daan.
"Are you hungry?" Tanong niya kalaunan.
"Oo. Hindi pa ako kumakain. Baba muna tayo sa Cafely"
"Okay. Malapit lang iyon dito"
Tumigil muna kami sa Cafely. Sabay kaming lumabas at piniling kumain muna.
"Are you a regular customer here?" Tanong niya.
"Oo. Madalas kong i-order dito ay Iced americano tsaka chocolate drizzle nut cupcake"
Bubuksan ni Raevan ang pinto para sa akin. I was about to enter when he spoke again.
"Ninang ko nga pala ang may-ari nito"
I immediately step backward.
"Ikaw na lang ang umorder" sambit ko bago ako tumalikod.
Ninang pala niya ang may-ari nito. Paano kapag nakita kami? Ayoko ng scandal. Basta ayaw kong malaman ito—
"Wala dito si Ninang Fely. Sa ibang branch siya nakapwesto" dagdag pa niya.
Muli akong humarap at dire-diretsyong pumasok.
I heard him chuckle as he follow me behind.
Maganda na 'yong maingat. Prevention is better than cure ika nga.
_____________
PART I