Isang malaking pagkakamali.
Ganoon ko kung ilarawan ang nangyari kagabi na halos hindi ako patulugin sa alaalang iyon kaya naman puyat na puyat ako pagkagising ko sa umaga.
Sumasakit na nga ang ulo dahil sa mild hangover, pinapatindi pa iyon kapag ka naiisip ko 'yong ginawa ko kagabi.
Katangahan ang ginawa ko.
Hindi dapat ako pumatol.
Gusto ko irason na lasing ako pero hindi e. Ginusto ko iyon. Hindi ko siya tinulak bagkus ay hinila ko siya palapit sa akin.
Ang istupido ko para matukso.
Ganito na ba ako kadesperada para patulan iyon?
Inaalala ko ulit ang mga halik na hatid ni Raevan at nararamdaman ko pa rin iyon sa aking labi.
"Masarap e" giit ko sa naiiyak na tono.
Ganoon pala ang pakiramdam no'n. Parang may bumubuhay sa lamang loob mo kapag naglalapat ang aming labi. May kuryente iyong hatid kada haplos ng labi at kumpas ng dila.
Napalunok ako ng madiin. Naramdaman ko ang pag-init ng aking katawan.
"Nababaliw na ako!" Ginulo ko ang buhok sa inis bago tumayo para maghanda sa pumunta ng school.
May mga gagawing paperworks lang kaya kahit linggo ay papasok pa rin.
Binabagabag no'n ang isipan ko hanggag pagpasok ng campus.
"Goodmorning ma'am!"
Biglang sumulpot na parang kabute si Sir Olsen sa tabi ko. Muntikan ko siyang masuntok sa gulat.
"Nakakagulat ka naman!" Bulalas ko habang hawak ang aking dibdib.
"Kanina mo pa ako kasabay Ma'am. Ang lalim ng iniisip mo kaya hindi mo alam"
Hindi ko alam na ganoon ako kalutang para hindi ko siya maramdaman.
"Sorry. Marami lang iniisip"
"Ano ba iniisip mo? Kamusta pala ang date no'ng sabado?"
Naalala ko na naman ang halik kaya ramdam na ramdam ko na umiinit 'yong pisngi ko. Mukhang napansin iyon ni Sir Olsen.
"Ayos ba? M-mayroon ka na bang boyfriend?"
"Ahh..wala!" Umiling ako. "Bastos 'yong naka-date ko"
"Ah kamusta ka? May ginawa ba siya sa'yo?" Kinapitan ni Sir Olsen ang aking balikat. He started searching and roaming his eyes on my body
"Ahm...Sir?" nagulat kong sambit. Hindi ko mawari ang ginagawa niya.
Napatigil si Sir Olsen at mukhang napagtanto ang kaniyang ginawa. Mabilis pa sa alas kwatro niya akong binitawan.
Nagkaroon tuloy ng awkward silence sa pagitan namin.
"Sorry Ma'am Cuanco" hingi niyang patawad.
"W-walang anuman. Alam kong concern ka lang pero ayos naman na ako. Mauna na ako sir" paalam ko habang nahihiwagaan sa ginawa niya.
Pero paano niya nalaman na may date ako sa sabado? Hindi ko naman sinabi—
Isabel!
Pagpasok ko pa lang sa office, nakita ko na agad si Isabel na mayroon ng mapaglarong ngiti sa labi
"Nakita ko kayo ni Sir Olsen kanina" iyon ang bungad niya sa akon.
Si Isabel ang isa sa mga co-teacher ko na kasabayan kong mag-apply. Kami 'yong mga bagong batch ng teachers talaga.
"Ikaw nagsabi sa kaniya na may date ako?" Sumingkit ang mata ko.
"Ay nabanggit ko lang te. Nagka-kwentuhan lang kami last friday"
Ngumisi si Isabel, mayroong paglalaro ang titig nito.
"Ano bang tingin mo kay Sir Olsen?"
"Co-teacher? Ano pa nga ba?"
"Napakamanhid mo talaga." She chuckled.
"Tigilan niyo na 'yong ganiyang pang-aasar"
Lagi na lang nila ako kinakantyawan doon kaya ayaw ko talaga nakakausap at nakakasabay si Sir Olsen. Lagi na lang nagkakaroon ng malisya.
"Anyway, kamusta ang date mo kahapon?"
The memories of kiss flashed in my memory again.
"Huwag niyo na nga 'yan i-mention. Huwag niyo na akong tanungin about sa date please!" Pakiusap ko.
Ayaw ko na iyong itinatanong. Naiisip ko lagi 'yong halik.
Iyon ang mahirap e. Iyong halik ang natatandaan ko, hindi 'yong date namin ni Paulo.
"Okay lang 'yan ma'am. Mayroon pang mga susunod na date. Try mo kaya si Sir Olsen?"
Sinamaan ko ng tingin si Isabel. Tumawa naman siya ng malakas.
"Eto naman wala namang mawawala e"
"Nako Isabel, tigilan mo 'yan"
Buti na lang at linggo kaya maayos at parang naging normal ulit ang araw ko pero pagdating ng lunes, muli na naman akong kabado.
Hindi ko nakakalimutang guro at estudyante ko si Raevan.
Sana nga pwede kong i-drop 'yong subject nila para hindi na kami magkita pa e.
Pagpasok ko pa lang sa silid ay kaagad tumahimik ang mga estudyante at sinalubong ako ni Raevan nang mapapanusok na tingin.
As usual, nasa pinakadulo siya ng seat.
I never been nervous when teaching. Ewan ko ba, nanginginig ang kamay ko ngayon at naba-blanko. Pinilit ko na lang na hindi siya pansinin at nangyari no'ng sabado.
Dapat professional ako at kailangang magturo.
Nasa computer lab kami at pinagsisimula ko na sila nagconstruct ng system para sa project nila sa akin sa finals.
The finals is coming. Hindi dapat sila papetiks petiks.
"Ma'am Cuanco"
Kumabog ng malakas ang puso ko nang marinig ang boses ni Raevan.
Tumikhim ako. "Yes?"
Pinanatili ko ang malamig at masungit na aura na lagi ko naman talagang bitbit kapag nasa school ako.
"Can I show you the system we're doing?" Tanong niya.
Alam ko ang pakay niya. Gusto lang niya ako palipitin. Gusto niyang gamitin ang student card niya huh.
Pero responsibilidad ko na tulungan sila kaya wala akong magagawa kung hindi lumapit.
"Hmm? What is it?" Lumapit ako sa kaniyang pwesto pero sinigurado ko na malayo ako at may space. Tanging sumilip lang ako sa kaniyang monitor at pumwesto sa kaniyang likod.
"What's the problem Mr. Santiago?"
"My system isn't working" aniya at pinakita sa akin ang system na pinagtatrabahuhan niya.
It is a billing system.
The structure isn't complete yet. Pinapakita pa lang niya ang features
"Can I see the code?" Tanong ko.
Lumayo siya ng kaunti para makalapit ako. Tiningnan ko ang code niya.
Kaagad kong nakita ang kulay red na font. Iyon ang error.
'How's the kiss? Is it passed or not?'
Iyon ang nakalagay sa error code na 'yon.
I parted my lips as I glance at Raevan. Nakatingin siya sa malayo habang nilalaro ng daliri niya ang labi.
Wala akong nasabi. Basta ko na lang iyon binura at inayos ang code niya.
"Here. It's working" giit ko bago ako tumikhim at umalis sa pwesto niya.
Minasahe ko ang sentido dahil biglang sumakit ang ulo ko.
"Okay class. Ituloy niyo na lang 'yan sa bahay. Nakikita ko naman na may progress na. Building a system isn't easy. Huwag niyo 'yang i-rush!"
"Goodbye Ma'am Cuanco" sabay-sabay nilang sambit bago umalis ng computer lab. Hindi muna agad akong umalis dahil sinigurado ko muna na patay na ang mga computer at malinis iyon.
Napansin kong isa-isa ng naglabasan ang mga estudyante ko pwera sa isa.
Si Raevan.
I knew it.
"You have next class Mr. Santiago" I said in an authorative tone.
Binilisan ko ang pag-ayos ng aking gamit. I want to get out of this room.
"30 mins pa" sagot niya bago siya tumayo at naglakad patungo sa pinto at ni-lock iyon.
I swallowed hard. "Kailangan ko ng umalis"
"We need to talk"
Bumuntong hininga ako. "Anong pag-uusapan natin? Wala tayong dapat pag-usapan—"
"The kiss..." he cut me off.
"I'm just drunk" rason ko.
He scoffed. "Gusto mo 'yon ma'am. Hinalikan mo ako pabalik"
"At mali iyon" giit ko.
Hindi ko alam kung bakit pa kailangan iyon pag-usapan. Gusto ko iyon kalimutan.
Umiwas siya ng tingin. Inayos niya ang suot na salamin at ramdam ko ang sama ng loob niya sa sinabi ko.
"Kalimutan na natin iyon"
"E paano kung ayoko?"
"Then I will forget it. Tigilan mo na ito Mr. Santiago. Pinalampas kita pero baka hindi ko na iyon magawa sa susunod"
"Fine. I'll stop"
Nakahinga ako ng maluwag. Parang nawala 'yong sikip sa dibdib ko sa sinabi niya.
If he's really serious then I won't have any problem anymore—
"But in one condition"
Mahigpit akong napakapit sa bag ko. Muli na naman akong kinabahan.
Aba, may pa one condition pa.
Pero kung ito lang ang tanging magpapatigil sa kaniya I will take the chances.
"Sige. Ano 'yon?" Pagpayag ko.
"A date with me this saturday. After this date, titigilan na kita ma'am. Deal?"
A date with him? Baliw na talaga siya!
Pero kung ito lang ang paraan para tumigil ang kabaliwang ito, gagawin ko.
"Sige, deal Mr. Santiago"