Siya na ang pinag-order ko sa counter at ako naman ang humanap ng table.
Pinili ko 'yong sulok na hindi masiyadong makikita ng mga tao. Buti na lang talaga walang masiyadong customer ng ganitong kaaga.
Habang naghihintay ay naglaro muna ako ng candy crush sa cellphone ko.
Isa ito sa mga past time ko kapag ka bored ako.
Level 2,601 na ako noh!
Ganoon ko na siya katagal nilalaro.
"What are you playing ma'am?"
Napatingin ako kay Raevan na hindi ko napansin na dumating. Ibinaba niya ang order namin sa lamesa.
"C*ndy cr*sh" I answered. Kinuha ko sa tray ang order ko. Napansin na umorder lang siyang refreshing juice at isang special ensaymada.
"My mom also had that game" aniya.
I felt like old now when he mentioned his mom.
Alam ko naman na isa ito sa mga nilalaro ng matatanda.
"Maganda naman siya laruin. I'm actually level 2,601. How about your mom?" Sakay ko na lang.
"Level 3,000"
"Wow. Galing naman. Ako nga stuck na dito sa level na 'to"
Actually ilang araw na ako nasa level 2,601.
"Can I see?" Inilahad niya ang kamay sa aking harapan.
Ibinigay ko iyon sa kaniya at hinayaan ko siya maglaro. Tingnan ko kung kaya niya tapusin iyon.
Sumimsim muna ako ng iced americano at maliliit na bites sa aking drizzle choco nut cupcake. Ang sarap e.
"Tapos na"
"Huh?" Napatingin ako sa kaniya sa gulat. "Natapos mo?"
"Yes" ibinalik niya sa akin ang cellphone ko at nakita ko ngang natapos niya iyon.
"You're...unbelievable" napailing ako. Hindi ako makapaniwalang natapos niya talaga. "H-how? Hindi ko ito matapos e. Paano mo nawipe out 'yong mga obstacle?"
"Uhmm I only did what I can and by using more power ups while lessening the moves..."
Hindi ko ma-gets pero napatango na lang ako. "No wonder why you're my top student"
"Hindi na favorite?" Nagtaas ang kilay niya.
"Yes. Hindi na" ngumiti ako sa kaniya ng sarkismo.
"Okay. You're still my favorite teacher though" He glances away while biting his ensaymada.
"Why you even like me huh?"
"I don't like to talk about it"
Payapa kaming nag-almusal at naging usapan namin ang Candy crush sa isang upuan na iyon.
Sa totoo lang, I don't feel insulted if we're talking casually like we're in the same age. Matalino siya kaya parang mas mature siya magsalita compare sa age niya.
It doesn't feel like we're 15 years apart.
Minadali ko na din ang pagkain dahil gusto ko na magmuseum hopping. Two hours din na biyahe 'to.
Bumalik na kami sa sasakyan. May mga binigay din si Raevan na blanket at neck pillow in case daw na gusto ko matulog.
We're back to the road. Natahimik kami sa sasakyan dahil wala rin naman ako talagang sasabihin.
"Do you love music?" Tanong ni Raevan in the middle of driving.
"Hindi gaano pero minsan nakikinig ako"
"Pwede ako magpatugtog?"
"Ofcourse you can. This is your car" Bakit pati iyon pinapaalam niya?
"I just want to know if it's okay with you too"
"Go on. Para hindi rin boring"
"Hm...I also bring a book with me. Do you want to read it?"
"Sige" kaagad kong payag. Hindi ako nakapagdala ng libro dahil hindi ko alam na long ride.
Ibinigay niya iyon sa akin. The title is interesting and it's a novel from a famous author!
"Hala, limited edition 'to ah?" Sambit ko dahil nifo-follow ko ang author ng librong ibinigay niya sa akin.
"Yes. I have the rest of his books. The limited edition too"
"Wooah" mangha kong sambit.
I can't afford to buy books because it's expensive.
Rich kid.
"May mini library ako sa bahay. May dalawa akong cabinet na puno ng libro. Pwede ka manghiram sa akin kung gusto mo ma'am"
"Talaga?" Nangisap ang mga mata ko sa narinig. Nai-imagine ko ang mga libro maaari kong mabasa ay naglalaway ako.
Kinwento pa ni Raevan 'yong favorite author niya at may mga ni-recommend pa siyang books sa akin. Gusto ko na agad iyon hiramin at mabasa pero kaagad din iyong naglaho nang maalala ang sitwasyon namin.
Borrowing books means that we will still have connection outside the school.
It's inappropriate.
"Hindi na ako hihiram" nawalan kaagad ako ng interes.
Napatingin si Raevan sa gawi ko. He only stare at me a little bit longer before focusing on the road. Wala siyang sinabi kaya alam kong naiintindihan niya kung bakit.
Nagbasa lang ako sa gilid habang nakikinig sa music. Napansin ko na parang halos sa mga sikat na banda no'ng 90's 'yong mga song niya.
Hinayaan ako ni Raevan magbasa ng hindi ako iniistorbo. Minsan napapasilip pa ako sa kaniya kasi baka siya naman ang naboboring?
It's a date right? I mean dapat hindi ako nakatutok sa libro.
But he gave me some.
Ganito ba ang date?
"What's bothering you ma'am?"
Napatingin ako kay Raevan. "Huh?"
"Para kang may malalim na iniisip"
Hindi ko namalayan na ganoon na pala ang itsura ko.
"Hindi ka naman ba naboboringan?" Tanong ko. "I mean we haven't talk for almost one hour already" tiningnan ko pa ang relo.
"Not that I know of? I'm okay with our set up"
"Are you sure? Hindi ba boring sa'yo 'yong ganto?"
"Hmm.." tumango siya. "Ikaw ba? Nabo-boringan ka ma'am?"
No. I'm sure it's not boring. For me it's peaceful.
This is the date that I want. I don't feel pressure to say something. Wala akong pressure na mag-create ng topics. This is smooth. Walang pwersa ng pakikipag-usap.
"Hindi din. I'm just concern"
"Rest assured that it's not" ngumiti siya ng tipid.
Matagal pa akong napatitig sa kaniya bago ako ngumiti din at bumalik sa pagbabasa.
The book is interesting. Hindi ko nga namalayang dumaan na kami sa drive thru para umorder ulit ng pagkain dahil medyo traffic kaya natatagalan kami sa biyahe.
Kumakain ako ng fries habang nagbabasa. Minsan ay humahalakhak ako kapag ka may mga nababasa ako ng funny.
Kinailangan ko lang tumigil sa pagbabasa nang makarating kami sa unang museum na bibisitahin namin.
Museo de San Pablo.
Hindi ko pa ito napupuntahan kaya naman talagang na-excite ako pero hindi ko iyon pinakita. Sa loob ko lang siyempre.
Hinintay ko muna si Raevan na makababa. May kinukuha siya sa loob ng kotse.
"Ang tagal mo" hindi ko na maiwasang sambit. I'm just excited you know.
"Wait. Nakuha ko na ma'am"
Sa wakas ay nakita ko na siyang lumabas ng kotse niya at may bitbit na dslr na camera.
Rich kid talaga.
"Mahilig ka mag-take ng pictures?" Tanong ko nang makita 'yon.
"I like to take picture of things and the scenery but not my face in it"
I almost want to say 'same' but I decided not to. What for? Para lang alam namin may match kaming personality?
Mayroon naman akong mga picture pero mga takip ang mukha. I just don't like taking picture of myself. Not because I'm not pretty. Hindi lang ako ganoong ka-confident at hindi rin din talaga ako comfortable.
Kalimitan ng pictures ko ay mga groupie o kapag nagseselfie kami ng mga friends ko. Ganoon lang.
"Tara na"
Pumasok kami sa loob. Mayroon doong namamahala at siya ang nag-guide at nagsabi ng protocol ng museum. Isa na nga doon ay hindi pag-upo sa ilang kagamitan at hindi pagdadala ng pagkain sa loob. Pwede naman daw mag-picture at mag-video.
As we go inside, nagpi-picture na si Raevan sa mga nakikita namin.
My eyes roamed inside. Binabasa ko ang mga nakadikit na history board to know it's origin.
Hindi lang talaga ako basta-basta tumitingin sa mga bagay. I must know what is their use of and what is their history. Ano ba ang naging saysay nila noon?
Minsan mapapatanong ka na lang at mamamangha kapag nalaman mo.
"Do you like history?" Tanong ni Raevan nang mapansin ang masiyado kong pagtingin at taimtim na pagbasa sa mga nakasulat sa mga board.
Tumango ako. "Yes. It is fun. 'Yong may natutuklasan ka at nalalaman mo 'yong nangyari sa past at hindi ba nakakamangha makita 'yong progress at evolution ng mundo from past to present?"
"You're right" ngumiti si Raevan habang tinututok ang camera sa mga bagay na nadaanan namin. "Some people may not find this interesting but visiting museums is one of my hobby. Maaaring isa lamang silang building pero punong puno ng mga nangyari sa kasaysayan kapag ka pumasok ka. Marami kang matututunan. I like how the small piece of cloth or things has their own story"
"Tapos maapektuhan ka rin sa story na meron sila noon" dagdag ko pa.
Nakakalungkot lang na 'yong mga kabataan ngayon, hindi na sila ganoong ka-interested sa history. Dahil na rin sa pagkahumaling sa social media, they think history is boring but it actually fun if you will understand and listen to its story.
Ang dami naming nakitang painting ng iba't ibang artist at marami ring mga lumang kagamitan ang naando'n. Even the dresses na sinusuot noon ay naandito rin.
Nakatingin ako sa paitings na nakasabit sa dingding nang makarinig ako ng stutter ng camera.
Lumingon ako at nakita kong si Raevan iyon, kinukuhanan ako ng litrato.
"It's a good view. Kinuhanan ko" lumapit siya sa akin at pinakita sa akin ang kuha niya.
Ang ganda nga no'n. Nakatalikod lang ako habang nakatingin sa mga paintings.
"Send mo sa akin 'yan ah?"
"I will"
Tumigil na siya sa pagkuha ng litrato at sumabay na sa akin maglibot.
After Museu de San Pablo, we headed to the next location.
Nagcarlan Underground Cemetary.
"I know the history of it. Na-browse ko dati 'yan. Isa 'yang baroque style Roman Catholic kung saan mayroong cemetary sa ilalim ng lupa. Hindi ko na matandaan kung kailan siya ginawa but all I know is 'yong cemetary diyan ay para sa prayle, mga elite spaniard families and mga importanteng tao sa lugar na iyan"
"Hmm yes it is but it's not all about cemetary ma'am. Naging saksi din ang underground cemetery sa mga plano ng katipunero at guerillas noon."
"Really? So does it mean naging kuta nila iyon? Like a hideout"
Tumango si Raevan. "Doon nila plinano ang kanilang pag-aalsa para ipaglaban ang Pilipinas noon"
"Woah..I want to go there" napangiti ako ng malawak.
"Hmmm you are pretty when smiling"
Kaagad kong pinseryoso ang mukha at masungit na tumingin sa kaniya.
"Tigilan mo ako Mr. Santiago"
"I told you to call me Evan"
"Hindi kasi bagay"
"It's a request"
Medyo nahihiya akong maging informal sa pagtawag pero tama siya. Ito naman ang last date namin at pinagbibigyan ko siya so I must do his request.
"Sige. Evan na lang"
"And I will call you yena"
"Yena?"
"Pinaikli ko ang pangalan mo. Instead of calling you Si-ye-na, I'll just call you Yena. It's short and also exclusive for me"
No one called me Yena before. It's actually cute.
"Sige. Pagbibigyan kita pero ngayon lang"
I could see how it lighten up his mood. "Okay, Yena"
I chuckled. "Fine, Evan"
__________
PART II