CHAPTER 4

1808 Words
Hindi ako sumakay sa sasakyan niya. Kaagad kong napagtanto na malalaman niya kung saan ako nakatira. It will be a hassle. Umaga na naman at kailangan ko ulit pumasok. Habang nasa shower ay naalala ko ulit ang sinabi ni Raevan sa akin. "Age doesn't really matter?" I scoffed. Ni-kailanman hindi ko inisip na papatol ako sa bata. Oo, sabihin na lang natin na gwapo talaga siya pero ang bata pa rin niya. Mukha naman akong nanay na may inaalagaang anak. Isa pa, estudyante ko siya kaya triple No. No. No! Paano kung hindi ko estudyante? Natigilan ako doon. May chance ba? Napailing ako sa iniisip. Pati ba naman iyon naiisip ko pa? At talagang nag-isip pa ako ng possibilities. Tinapos ko na ang shower para rin makapagbihis na. As usual, nakasuot ako ng tipikal kong suot tuwing papasok ng paaralan. Laging parang dinilaan ng pusa ang aking buhok sa sobrang unat. Dahil medyo mas bata sa edad ko ang itsura, kinakailangan kong mas magmukhang older para naman galangin ako ng estudyante ko. Pero bakit hindi tumatalab 'yong ganito kay Raevan? Isa pa, nakita niya akong naka-dress. Muling pumasok sa aking isipan ang mga mata nitong determinado kahapon. Seryoso ba talaga 'yong bata na iyon? "He is a headache" monologue ko pa sa sarili. Biglang nag-vibrate ang aking phone kaya nalihis ang aking atensyon doon. Kinuha ko iyon at nakita ko ang chathead ng gc namin. May message si Peach doon. Nakita ko ang lampas sampo na picture ng mga kalalakihan. Peach: These are the list of recommended hotties for you my NBSB friend. I hope you could get a match! Sabihin mo lang kung anong napili mo, ibibigay ko account tapos number para magchat muna kayo para na rin matest ang inyong comptability. Kilala ko lahat ng mga 'yan at they are a catch! Tiningnan ko isa-isa ang mga lalaki. Kahanga hangang...may mga itsura ang mga iyon. Nag-iinit pa ang pisngi ko dahil ang karamihan ay expose na expose ang mga magagandang build ng katawan. Para namang bold star. Hindi naman ako makahinga sa nakikita. Parang pupunta ako ng isang bar at naghahanap ng macho dancer na sasayaw sa harapan ko. Kaagad ako nagtipa ng reply. Ako: Walang matinong larawan? Peach: Unbelievable. Lahat ng babae ganiyan gusto makita tapos ayaw mo? Ako: It's uncomfortable! Peach: Ay sige! Ulitin ko na lang. 'Yong mas matino na pictures na lang. Ako: Thank you so much. Sinarado ko na rin ang cellphone. Hindi ko na ulit uulitin pang ma-late. Hindi magandang ugali 'yon. Pagkarating ko ng school ay mayroon ng mga bumabati sa akin. Maayos naman ako makipag-usap at sadyang nakikisakay naman ako sa biro tuwing out of school hours kapag sa room lang ako strikto. It was a peaceful entrance until I Raevan Santiago. Mabilis makita ang binata dahil maraming tumitinging babaeng estudyante sa kaniya. "Ang gwapo noh? Hirap lang i-approach kasi mukhang suplado" "Si Raevan Santiago 'yan! IT!" "Ay shet alam mo social media account?" "Wala ata eh. Hindi ko nga rin alam pero alam ko account no'ng Rivo!" He is on his phone as always. Nakasuot ang earpods sa tainga habang nakatayo sa gilid ng hallway na para bang may hinihinay. Wala nga siyang pake sa mga naririnig sa paligid. Pakiramdam ko na ako ang hinihintay niya kaya kahit malayo, nag-short cut ako ng daan. Nagtagumpay naman ako dahil hindi nakasunod ang estudyante ko. Hingal pa nga ako pagdating sa faculty room dahil umikot pa ako para lang makapunta dito. Lintik na Raevan 'yan. "Goodmorning—" Natigil ako sa pagsasalita. Nakita ko ang mga co-teachers ko na nagkakagulo sa aking table. What is happening? "Hoy ikaw ah? Ang bongga naman ng manliligaw mo" Isabel said. Nahampas pa ako sa sobrang kilig nito. "Manliligaw?" Nanlaki ang kaniyang mata. Bigla akong kinabahan pero napagtanto ko din na hindi bobo si Raevan. Kalmado akong lumapit sa aking table. Hinawi ko ang kumpulan ng teacher at bumungad sa akin ang malaking bouquet ng sunflower at maraming chocolates. My eyes locked at the flowers. It was beautiful. I picked it up and take my time to appreciate the flowers. "Sino 'yan ma'am?" Tanong ni Ma'am Jane na nakikiusyoso din. "I don't know" sagot ko kahit alam kong si Raevan iyon. "May admirer si Ma'am. Aba nga naman!" Isabel teased. "Ay baka si Sir Olsen 'yan" segunda ni Jane. "Hoy hindi!" Tanggi ko naman . Nag-iritan ang sila. I shook my head in embarrassment. Kasabayan ko si Sir Olsen noong pagpasok ko sa sa University na ito. Magkakilala na kami kasi naging blockmates kami no'ng college. Malamit nga kami maasar dahil nga parehas kaming single at bagay daw kami. Usually, I'm ignoring it. Ayaw kong patulan ang mga kantiyaw na iyon. After appreciating the flower, ibinigay ko na iyon sa kanila. Kahit ang mga tsokolate ay wala akong kinuha. Kapag tinanggap ko iyon, para ko na ring tinanggap ang panliligaw niya. Hindi ko iyon gagawin. "Bakit mo naman pinamimigay?" "Hindi ko kilala kung sino 'yan. Sa inyo na lang" Hinayaan ko sila maghati-hati. Nagpapasalamat pa sila sa akin dahil sa tsokolate. I just sighed. Talaga namang nagpaparamdam na siya ah. Pumunta na ako sa aking unang subject. Natigilan pa ako dahil na-realize ko na klase ko ngayon ang section ni Raevan. Huminga ng ako nang malalim bago professional na pumasok ng room nila. "Goodmorning class" My eyes immediately find my annoying student and our eyes immediately met. Muntikan pa akong mabulunan dahil bigla siyang kumindat. Mabilis akong napaiwas ng tingin at kinuha ang aking water bottle para uminom. Something is stuck in my throat. Pasimple ko siyang sinilip at nakita ko pa rin na nakatingin pa rin siya sa akin habang nilalaro ang hawak niyang lapis. I sighed. "Let's have a quiz today" "Na-naman!" Rinig kong reklamo ng iilang estudyante pero wala silang magagawa. Wala ako sa mood kaya magpapa-quiz ako. "Passed the paper and make an advance reading about this topic because I will have a suprise quiz again in our next meeting" sinulat ko sa pisara ang topic at narinig ko na naman ang mga reklamo nila. "Badmood ngayon si Ma'am ano?" "Wala kasing jowa eh" "Ganoon talaga kapag magiging matandang dalaga, nasungit" Sinamaan ko ng tingin ang estudyanteng nagsalita no'n. Napansin nila iyon kaya sila mga nagsitahimikan. Matandang dalaga? I'm only 35! Dahil unang klase pa lang ay badmood na ako. Nadamay pa ang sumunod ko pang dalawang klase. Pumasok ako at nagpa-surprise quiz. After three classes, may free time na akong magpahinga. Gutom na rin ako kaya nagpunta na ako sa canteen. Nag-order ako ng chicken kaldereta tsaka isang cup ng kanin bilang lunch ko ngayon. Pagbalik ko sa table ay nawalan kaagad ako ng gana. Mayroon na kasi nakaokupa sa isang bangko, kaharap ng pwesto niya. None other than my student. Raevan Santiago. Kaagad akong naghanap ng ibang table para makakain ng mapayapa. Pumunta pa nga ako sa table na iisa lang ang available na upuan pero nang ilapag ko na ang gamit at pagkain ko sa mesa, narinig ko na ang gitgit ng upuang palapit sa pwesto ko. Si Raevan ulit iyon habang kaladkad ang upuan palapit sa table ko. I sighed. Kailangan kong uminom ng paracetamol. Sumasakit ang ulo ko. Nagbaba siya ng libro sa aking harapan. "I just want to ask you a question Ma'am Cuanco" tipid na ngumiti si Raevan. "Can I?" "This is my free time Mr. Santiago" giit ko. Baka nakakalimutan niya iyon. "Saglit lang. Pwede ka kumain ma'am" matipid siyang ngumiti. "Mr. Santiago—" "Evan. Just call me Evan" "We're not close" "That kiss doesn't make us closer?" Kaagad lumibot ang mata ko sa paligid. Jusko! Gusto kong atakihin sa kaba dahil sa bibig niyang walang preno. Pinanlakihan ko siya ng mata. "Ano ba Mr. Santiago?!" He put his headphone down on his neck before sitting comfortably. "Pwede magtanong?" "I'm not going to entertain your question" "Okay. I would like to ask you on a date" "You don't care do you?" "Let's date on saturday. I'll send you a message ma'am Cuanco" Hindi niya ako pinagbigyan ng pagkakataon na tumanggi. Bigla na lang siyang tumayo at umalis. I scoffed. Hindi ako makapaniwalang sinundan siya ng tingin. A date? Nababaliw na siya! Bakit ba sobrang malas ko ah? Minsan na lang mayaya na makipag-date, bata pa. Lintek na buhay. Bumuntong hininga ako bago ko kinuha ang cellphone para muling buksan ang mga message ni Peach. I need to date. _______________ "Balita ko, may nagpapadala daw sa'yo ng flowers at chocolate a?" Kasabay ko ngayon si Sir Olsen. Nagkasalubong lang kami at parehas naman ang dadaanan namin kaya eto, medyo nagkaroon ng kwentuhan. Hindi ko siya gaano kinakausap kasi madalas kaming tuksuhin. 'Yong ganito nga lang kaikling pag-uusap naiilang ako dahil sa mga pang-aasar sa amin. "Oo nga po Sir" ngumiwi ako habang yakap ang mga folders na dala ko. Ang bilis naman kumalat ng balita. Panigurado si Isabel 'yon o si Jane. "Kamusta naman? Kilala mo ba kung sino?" Kumunot ang noo ko. Bakit siya curious? "Hindi ko kilala. Hindi ko rin naman tinatanggap" "Ah...nabalitaan ko nga Ma'am. Ipinamimigay mo lang" umiwas ng tingin si Sir Olsen. "Oo nga" I sighed, thinking the gifts I received from Raevan. "Sana tigilan na niya kung sino man 'yon. Hindi ko naman siya sasagutin at mayroon na akong kinikita ngayon" "K-kinikita?" Mas lalong naging malamlam ang mukha ni Sir Olsen. Bumagsak ng kaunti ang balikat niya. "Hindi pa. Kikitain pa lang" ngumiti ako. Pinigilan kong kiligin. "Ah gano'n ba..." lumunok siya. "Sige po ma'am, dito na ang daan ko" "Sige" ngumiti ako at lumihis ng daan pasalungat ng kay Sir Olsen. Naalala ko na naman 'yong date ko ngayong sabado. Nakapili na ako ng makaka-date. Kaagad binigay ni Peach ang number tsaka social media account no'ng guy na napili ko. Iyon na 'yong nakita kong pinakainosente at maamo ang mukha. Paulo ang pangalan niya. Nagsimula na rin kaming mag-usap via chat at unti-unti ko din siyang nakilala. Mabait siyang kausap base sa mga napag-uuspan namin. I could say that he's funny and smart. Nagpapalitan kami ng opinyon sa mga bagay . Nasasabik na ako sa magiging date ko sa sabado dahil mukhang parehas naman kami ng interes. Sana maging successful ang date ko. I'm looking forward to meet this person. Atleast eto, kaedad ko, hindi estudyante. Kaya naman kinagabihan ay kaagad kong in-email si Raevan. To: evan_santiago@email.com Good evening Mr. Santiago. I would like to decline your date proposal. I just want to let you know that I won't entertain any romantic relationship you want to happen with us. Not gonna happen, my student. Anyway, I would like you to know that I have a date with someone on saturday. I hope that you stop pursuing me by knowing that information. Thank you. Madiin kong tinipa ang send. Haist. Sana naman tumigil na siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD