CHAPTER 5

1869 Words
Sinigurado kong maayos akong haharap sa date ko na magaganap sa sabado kaya maaga pa lang, ginamit ko ang mga free time na mayroon ako para bumili ng damit. Nagpatulong pa ako sa mga kaibigan ko para makapamili ako ng maayos na damit. Mas marami silang taste pagdating sa akin e. Ang dami ko nga ring nabili sa online sa sobrang excitement. Basta ang goal ko ay humarap ng maayos sa kaniya. Paulo: Kumain ka na? Ako: Oo naman. Ikaw kumain ka na rin ah? Paulo: Yes. I'm done. Are you excited about our date? Ako: Oo naman. I hope we get along. Napangiti ako habang binabalikan ang aming mga past conversation. Paulo is a sweet guy. Hindi siya bastos sa text at base sa unang impression ko ay magiging magkasundo kaming dalawa. Parehas kami ng hilig. Bookworm rin si Paulo at matalino rin. Mahilig ako magbasa ng mga libro at katulad ni Raevan, mahilig pa rin ako mag-aral. New learnings gives me excitement. Napawi ang ngiti sa aking labi nang maalala ang estudyanteng 'yon. Bakit naman siya nasama aber? Napailing ako sa naisip. Anyways, focus lang dapat kay Paulo. Kahit puyat, hindi mainit ang ulo ko pagpasok sa school. Sa katunayan ay sobrang good mood ko na kahit si Raevan ay hindi maaapektuhan iyon. Nginitian ko pa nga siya nang pumasok ako sa classroom pero tanging nilagay niya ang ang headphone sa tainga at hindi ako pinansin. I just shrugged my shoulders, not bothered by it. Ganoon ako ka-goodmood. Inilapag ko ang mga gamit at nagsimula na magturo. "Ma'am parang ang blooming niyo" sambit pa ni Hannah. Napahagikhik ako. "Nako, mga bola!" "Hindi nga ma'am. Ang ganda niyo" Pabirong akong umirap. Pilit kong piniligilan ang aking ngiti. Ayaw ko isipin nila na natutuwa ako sa mga compliment nilang pang-uto lang talaga. "May jowa na kayo noh ma'am" asar pa ng ni Thomas, ang pala-absent sa klase niya. Nako, talaga naman. "Nako wala!" "Ayiieeeeee" Hindi ko maiwasang ilagay ang ilang takas na buhok sa naisip. Paano nga kung maging jowa ko si Paulo? Hindi na rin ako single sa wakas. Sana nga lang maging jowa ko si Paolo. "Mga bola kayo. Alam ko naman inuuto niyo ako para walang quiz" "Ay hindi po. Totoo 'yon. Cross my heart ma'am" Pabirong akong umirap, nauuto na. "Oh siya bukas na ako magpapa-quiz" Naghiyawan ang mga estudyante na para bang nananalo sila ng lotto. Napailing na lang ako sa inasal nila. Habang nakangiti ay napadako ang tingin ko kay Raevan. Nag-ayos na siya ng gamit at bigla-bigla na lang umalis kahit hindi pa naman tapos ang klase. Matapos ang email na iyon, tumigil siya sa pangungulit sa akin na aking ipinagpasalamat. Hinayaan ko na lang siya umalis. Hindi masisira ang maganda kong mood para sa kaniya. _______ Hindi pa sumisikat ang araw, gising na gising na ako sa sobrang excitement at kaba na nararamdaman ko. Sabado na kasi kaya eto kahit mamaya pa naman ang aming kitaan ay nag-prepare na agad ako. Ako ang nag-suggest na magkita kami sa Cafely. Nakasuot ako ng isang magandang koserbatibong kulay asul na bestida na hanggang itaas ng aking tuhod. Hindi naman iyon manang tingnan sa akin. Parang simpleng elegante lang ang pasabog ko. Hindi ako nag-heels dahil hindi ako sanay. Baka mamaya mapahiya pa ako at matapilok. Confident naman ako sa aking height. Inilugay ko ang buhok at nilagyan ng kaunting kulot sa bandang ilalim ng buhok tapos naglagay ako ng katamtamang make up. Sa sobrang excited ko nga ay mas maaga ako nakarating sa Cafely. Hindi ko lubos maitago ang excitement at kaba sa mga oras na iyon. First time ko ito kaya hindi ko alam kung paano makikitungo. Tinuruan at binigyan naman ako ng tip nila Peach pero hindi ko alam kung magagawa ko ba ang mga iyon. Panay ang tingin ko sa orasan habang naghihintay. Umorder na rin ako ng kape at nagbasa ng mga available na magazine at libro sa gilid para magpalipas ng oras. Lumipas ang dalawang oras, wala pa rin si Paulo. Nag-o-overthink na ako kasi baka hindi ako siputin. Hindi ko na mapigilang mag-message. Sienna: Nasaan ka na? Paulo: Malapit na. Doon lang nanumbalik ulit ang sigla ko at hinintay ko pa rin siya. Maybe he's not that late? Naging maaga ako? Ewan ko. True enough, pumasok si Paulo. Namukhaan ko siya dahil nakita ko naman ang profile picture niya e. Nanatili akong nakaupo at hindi siya sinalubong. Hindi ko kasi alam kung tatawagin ko ba siya o hahayaan na. Biglang naging pasmado ang kamay ko sa sobrang kaba. Hindi ata nakatulong na uminom pa ako ng kape. Nagpalpitate tuloy ako. Buti na lang, mukhang namukhaan ako ni Paulo. Ngumiti siya sa akin at lumapit sa table ko. "Sienna right?" Tanong niya pagkalapit. "Oo" tumayo ako. "Hi!" Saglit niya akong pinagmasdan at hinusgahan ang aking porma. "Hmm...you look simple but pretty" "Ah..salamat" matipid akong ngumiti. "Ako ba?" Tinuro niya ang sarili. "Pogi" tipid kong sambit. "Small things" kumindat siya. Ngumiwi ako. May itsura talaga siya at tingin ko nga mas charismatic siya ngayon. Hindi ko lang inasahan ang porma niya. I thought he will be formal pero nakakaswal lang siya na kasuotan. Isang V neck t-shirt na pinaresan ng cargo pants. May mga accessories siya sa katawan. Bumagay sa kaniya iyon pero hindi katulad do'n sa picture niya na inosente at pormal. "I'm sorry if I'm late. Traffic e" "N-no worries" "Hindi pa ako nakapag-almusal. Pwede order muna ako bago tayo pumunta" "S-sige" Umupo kami parehas at tila na-blanko na ako at hindi alam ang sasabihin sa kaba. Buti na lang talkative si Paolo na siyang sumasalo ng conversation. I know to myself that I'm stiff. Pawis na pawis ang kamay ko at hindi ako makasagot ng ayos. Mukhang napansin iyon ni Paulo. "Relax. I won't eat you unless you want me to" he winked. "O-okay?" He chuckled. "Joke lang. Sobrang stiff mo. I know it's your first time but trust me, this date will be fun. Just relax okay? I won't do anything that will make you uncomfortable" It help me relax a bit. Sana hindi siya ma-boring sa kain. After coffee shop, niyaya ko si Paulo sa isang museum date. "Museum?" Tanong niya. "Yes. Hindi ba napag-usapan natin 'to last wednesday? You want it right?" "Ah may sinabi ba akong gano'n?" Kumunot ang noo ko. "Oo" "Ah kung gano'n edi tara" Pumunta kami sa national museum. Nagbayad kami ng entrance fee bago pumasok. Hindi na naman ito bago sa akin pero lagi pa rin akong natutuwa kapag pumupunta ako dito. "Gusto mo 'yong ganitong lugar?" Tanong ni Paolo habang naglilibot sila sa loob. Every artifacts na mayroon sa museum ay may mga nakasulat na description. Some of the artifacts are familiar but some are not. "Yes. I'm curious in a lot of things" "Kaya ka pala teacher" he chuckled. "Ahmm..yeah" "So let's go. Be my tour guide. Pass me your knowledge" Inakbayan ako ni Paulo. Hindi ako nakagalaw agad sa gulat. Parang ang bilis naman ng physical touch. Pero iniisip ko din na matanda na ako. Hindi pwedeng masiyado ako mapaghalataang walang karanasan sa ganitong bagay. Kaso hindi ako komportable. Habang naglalakad ay nararamdaman kong tumatama ang daliri niya sa dibdib ko. I tried to adjust his broad arms on my shoulder but it keeps coming back. Pakiramdam ko sinasadya niya talaga ipatama iyon kaya hindi ko na nakaya at tinanggal ko ang braso niya sa balikat ko. "Why?" Tanong niya dahil sa ginawa ko. "I just need to go to the restroom" "Samahan na kita" Tumango na lang ako bago nagtungo ng banyo para pakalmahin ang aking sarili. I really felt uncomfortable earlier. I don't want to judge Paulo. Mabait siya kanina pa. Maybe I only misundertood everything? Pagkatapos ko magretouch ay bumalik na ulit kami sa paglilibot though hindi ko na siya hinayaang makaakbay. "Look at this jar" turo ni ko sa jar na may takip na dalawang pigurang sakay ng bangka. "Ito ang tinatawag na Mununggul Jar. Ito ay isang banga ng libing noon. Alam mo ba na ang pigura diyan sa may takip ay pinaniniwalaang kumakatawan sa kaluluwa ng namatay at isang bangkero na humahatid sa kaluluwa patungo sa kabilang buhay?" Sumilip ako sa kaniya. Nawala agad ang ngiti sa labi ko nang makitang nace-cellphone lang siya. "Uhmm may sinasabi ka?" Tanong niya dahil napansin niya ang pagtigil ko sa pagsasalita. "Ah...nothing" "Uhmm okay ka na? Hindi ka ba nabo-boring dito o hindi ka ba nagugutom? Kain na tayo. Nalibot na naman natin ang halos buong silid" Halatang halata na tinatamad siya. I could see that he's not interested in this kind of thing. Or maybe I'm wrong? Mali ba na niyaya ko siya? Umalis na lang kami kasi ayaw kong mas lalong madismaya. Kumain na lang kami sa malapit na restaurant pero wala na akong ganang makipag-usap. I admit that it turn me off. Kung ano 'yong ginawa niya kanina, hindi ko iyon nagustuhan. "Sadya bang tahimik ka?" "Medyo" tipid kong sagot. "Ah okay. After this why not we go to my friends condo? You know let's chill. My friends would love you—" "I'm sorry" putol ko sa kaniya. "Why saying sorry?" Kinuha ko ang cellphone at ni-check iyon. Umakto akong may binabasang mensahe. "I have an emergency at school. I need to go na" Tumayo na ako at tinago ang cellphone sa bag bago ako dire-diretsyong umalis doon. I ditch my date. Wala na akong gana. Halata namang may balak siya sa aking iba. He's not for relationships. Sa pag-aaya pa lang niya sa condo, alam ko na kung anong pakay niya. Alam ko namang normal iyon sa mga matatanda. Ganiyan din si Peach dati. May mga naikwekwento siyang mga hook ups. Hindi naman ako gano'ng klaseng babae. I feel devastated after that. Mukhang peke ang ipinakita ng binata sa akin. Nakakapanlumo at nakakaiyak. My first date is failed. Sa sobrang sama ng pakiramdam ko ay muling akong nagbihis at umalis para pumunta sa isang sikat na resto bar para doon uminom ng kaunti. Nakasimpleng kulay blue na plain t-shirt at high waitsted skinny jeans ako na pinartneran ng flat shoes. Pagkapasok ko ay umorder ako ng isang bote muna ng beer at pulutan. Tahimik akong pumwesto sa isang sulok habang nag-iinom at nakikinig sa magandang boses ng kumakanta sa harapan. Hindi ko makita ang kumakanta sa maliit na stage dahil nasa sulok at dulo ang pinwestuhan ko. Ang dami ring tao ngayo kaya nakikinig na lang ako. Naisip ko na magpa-request ng kanta. 'Yong pang-broken sana kaya naman umalis ako sa pwesto para lumakad paharapan. Kumuha lang ako sa pitaka ng tip at isinulat ang request kong kanta. Paglapit ko sa harapan ay naaninag ko ang isang pamilyar na mukha. Nakaupo siya sa gitna ng stage. May hawak itong gitara, itinutugtog iyon habang kumakanta. Nakasuot pa rin siya ng tipikal na malaking sweater at nakasabit sa leeg ang headphone niya Natigilan ako saglit. Para bang naramdaman nito ang aking presensiya, dahan-dahan nagtungo ang mga mata niya sa akin. Tumigil siya sa pagkanta at sandaling napako ang tingin niya sa akin. He widen his eyes a bit like he's not expecting me to see here. "Raevan?" I whispered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD