"Ma'am?"
Mayroong isang palakpak ang nagpagising sa akin mula sa aking lumilipad na kamalayan.
Napatingin ako sa isa sa mga Intern teacher dito sa office.
It's been an hour after Raevan leave the faculty and that's also the length of time that I'm pre-occupied with thoughts.
"Ano po 'yon?" Tanong ko sa Intern at ngumiti pa ng tipid.
"Kailangan lang po ng pirma mo"
"Ah okay"
Pumirma ako. Naghingi ako ng paumanhin sa kaniya dahil sa pagiging unattentive ko. Nag-thank you naman ito bago umalis.
Sinimulan ko na na ayusin ang gamit ko para sa pag-uwi. I realize na kanina pa ako dito sa office kahit tapos na naman ang school hours.
I brushed my hair frustatedly.
Hindi ko alam kung seseryosohin ako ng estudyante na iyon.
Parang naging useless ang pag-uusap namin kanina.
"I will court you wether you like it or not"
Hindi ako makapaniwala. Natatawa na lang ako dahil isa pa talagang estudyante ang magtatankang manligaw sa akin.
Oo jowang jowa na ako pero hindi sa estudyante at mas lalong hindi bata.
Hindi ko alam kung hahayaan ko lang ba iyon? Paano nga kung manligaw talaga?
'I'll make sure that I have your permission first"
My body trembled about that statement. Pumasok sa tuloy sa utak ko kung gaano siya ka-eksperto humalik.
Muli kong nasampal ang sarili.
Wft?! Are you saying that he's a good kisser?!
Hindi ko alam kung ano bang depinisyon ng magaling humalik pero dahil first kiss ko iyon at iyon lang ang pamantayan ko. It was definitely good!
At natatakot ako para sa sarili ko dahil kapag nangyari iyon ulit ay baka bumigay na ako.
Pangit na pangitain.
____
Kinabukasan ay linggo at half day lang ako sa school kaya nag-decide ako na makipagkita sa mga friends ko.
They are my high school friends na hanggang ngayon ay kaibigan ko pa rin.
Nagkita kami sa isang fancy restaurant para lang mag-catch up. Hindi ko na rin napigilang ikwento sa kanila ang nangyari kahapon.
"Really your student did that?" Gulat na sambit ni Glenda.
"Omygod! What a nerve?! Why you didn't tell it to the guidance?" Peach exclaimed.
"The nerve of that student? Iba na talaga ang mga bata ngayon. They don't care about the rules and policies. Kapag gusto nila, gusto nila" saad naman ni Dada.
"I can't tell the guidance for now. He is a top student. Sayang naman kung maeexpell siya sa school right?" Rason ko naman.
Hindi ko alam kung tama pa ba akong maawa sa ganoong klaseng estudyante.
"But what if he did something more than a kiss? Kissing you is already a s****l assault. Top student pa naman pero hindi alam ang ganiyang patakaran sa school"
My point si Glenda. What if may gawin siyang iba maliban sa halik? It is concerning.
Pero iyon din 'yong problema. Nagustuhan ko nga 'yong halik.
"I don't know Glen" huminga ako ng malalim.
"Anyway, sino ba 'yan? Patingin nga ng mukha?"
I have one picture in my phone. Isang class groupie lang iyon noong nakaraang teacher's day.
Naaalala ko na binigyan ako ni Raevan ng isang bouquet na sun flower, ang paborito kong bulaklak. Nakatago iyon sa bahay ko kaya balak ko ng itapon.
Binigay ko sa kanila ang cellphone ko at ang tatlo ay mabilis na nagbago ang isip ng makita ang itsura ng estudyante ko.
"Ay sh*t! Napakagwapo nga namang nilalang"
"Aba'y okay lang magkasala basta gwapo"
"Mine po"
"Add to cart"
"Jojowain"
"Aatras na ba ako sa kasal? Ako na lang magvovolunteer?"
"Age doesn't matter"
"Ayaw mo ba no'n sis? May thrill na buhay mo. Pwede niyo namang itago ang relasyon niyo. Marami akong alam na stories na gano'n eh"
Parang gusto ko manakit ngayon sa reaksyon nila. Hindi sila nakakatulong. Dedemonyohin pa talaga ako.
"Pambihira talaga kayo" binawi ko na sa kanila 'yong cellphone ko. "Hindi kayo nakatulong e."
Glenda chuckled. "Sorry, nagulat kami. Napakagwapo naman kasing binata 'yan"
"Totoo!" Segunda pa ni Peach. "What in the earth? Bakit ikaw ang gusto?"
"Sienna is beautiful" Glenda interject. "Hindi lang siya marunong mag-entertain ng mga lalaki. You know her, bahay-school lang tapos ang ilap-ilap pa sa mga lalaki."
Oo na. Sapol na talaga sa mukha ko 'yong sinabi niya.
"Marami nga 'yang admirer sa school. I don't know what gotten to his mind. There are younger than me" kwento ko pa.
"Maybe he saw something special to you" Dada said while sipping her iced tea.
"I found a very special love in you~" dagdag pa niyang kanta.
Peach nodded. "Yeah. Or maybe he's interested in older woman?"
"Anyway, let's dropped the topic. I'll just do my job and ignore my student. He maybe playing around" I sighed.
May mga tarantado pa naman.
"Sabagay. Masiyado pang bata para magseryoso. What if we set you up on a date?" Suggest ni Dada.
A date. I never tried one. Hindi lang ako sanay na makipag-date sa hindi ko naman talaga kilala. It's my trust issues. Pero isa naman na akong matanda at kaya ko na sarili ko.
Maybe it's time?
"That is a great idea. I think I want t-to try..." umiinit ang pisngi ko sa hiya. Hindi natural sabihin.
"Ayiee" iritan nilang tatlo.
Tinakpan ko ang mukha sa kahihiyan.
"Ayon! Napapayag din natin. Marami akong mairerecommend. Isend ko na lang sa'yo ang mga picture tapos mamili ka lang okay?"
"Sige..."
This is a better option. Kapag may boyfriend na ako, baka tumigil na si Raevan ano.
We settled it with that. We divert our topic from my complicated situation right now. Tinuruan na lang nila ako kung anong gagawin ko kapag nakipag meet ako sa date ko.
"Be approachable. Huwag kang masiyadong tahimik. Maghanda ka na rin ng topics na mapag-uusapan niyo" suggest sa akin ni Peach.
Isinulat ko ang mga tips nila. Ignorante ako sa ganitong bagay kaya naman mahalaga sa akin ang makuha ang mga tips nila.
Masaya ang mga naging kwentuhan. We really catch up dahil hindi na rin naman kami gaanong nagkikita. Busy na kami sa aming mga buhay kaya naman kapag may pagkakataon ay sinusulit talaga namin na magsaya at maikwento ang mga nangyayari sa aming buhay.
Sadyang napakabilis ng oras dahil hindi namin namamalayan na kailangan na pala naming maghiwa-hiwalay at mga sinusundo na sila ng mga partner.
"Gusto mo bang hatid ka na namin?" Offer sa akin ni Glenda nang dumating ang kaniyang fiance.
Kumaway ako sa fiance niya bago umiling sa kaibigan.
"Ayokong...mainggit" totoo iyon. "Okay lang. Sanay na ako mag-isang umuuwi ng walang sumusundo"
Tumawa siya. "Iba talaga nagagawa ng tumatanda na. Nagiging madrama at bitter"
Umirap ako bago ko siya tinulak papunta sa fiance niya .
"Sige na. Ingat kayo"
"Bye ma'am!"
Pinagmasdan ko lang ang papalayo nilang kotse hanggang siya na naman ang natira mag-isa.
Sana ol sinusundo.
Mag-isa lang kasi ako nakatira sa syudad. Ang magulang ko ay nasa probinsya. Mayroon akong kapatid na isa na pinag-aaral ko. Mag-college na siya next year at dito na rin mag-aaral sa syudad.
Buti na lang talaga at may makakasama na din ako once na magpunta ang kapatid ko dito.
Minabuti ko na ring umuwi dahil nakakaramdam na ako ng lamig.
Naglakad na muna ako saglit para maghanap ng magandang spot para pumara ng taxi ay kaso biglang may humarurot na kotse palapit sa akin.
Beep beep!
"Ay palaka!"
Napahawak ako sa dibdib sa gulat nang biglang may bumisinang kotse sa aking harapan.
Napatingin ako sa sasakyan.
Anong problema ng kotse na ito-
Suddenly, the tinted window's car rolled down and I saw a familiar face.
Ang pamilyar na mukha ng kaniyang estudyante ginugulo siya ilang araw na.
"Ikaw nga iyan ma'am. Akala ko namamalikmata lang ako" Raevan fixed his glasses while waving at her.
Dahan-dahang umawang ang bibig ko. Pagkamalas nga naman!
"What are you doing here? Are you stalking me?"
"No" kaagad siyang umiling. "I'm just driving and saw you Ma'am. Hindi ako ganoong lalaki"
Sumingkit ang aking mata, tinatanya ko kung nagsisinungaling ba siya o hindi.
"I don't lie Ma'am" he said it in his firm voice.
I scoffed.
Bakit ko nga ba gusto pang patunayan iyon? Bahala siya sa buhay niya. Bakit ko pa pinagkakausap?
Hindi ko na lang siya pinansin. Dumiretsyo na lang ako ng lakad at naghanap ng ibang pwesto para maghanap ng masasakyan kaso kada papara ako ay sinisundan at hinaharang ni Raevan ang sasakyan sa harapan ko.
"Ano ba?!" Inis kong sambit.
"Delikado sa isang babae ang maglakad mag-isa." He cleared his throat. "Gusto mo bang ihatid kita?"
Nagpatuloy ako sa paghahanap ng taxi. Naglakad lang din ako dahil wala akong planong pumayag sa offer niya ngunit masiyadong mapursigi si Raevan.
"I'm only concern for my teacher"
Tumigil ako sa paglalakad at istrikto ko siyang tiningnan.
"I don't need the concern of my student"
"Then as a suitor na lang"
Lumingon ako sa paligid, baka may makarinig ng kung anong pinagsasabi ng binata.
Bigla akong kinabahan kaya dali-dali akong lumapit sa car window niya.
"Ano ba?! Tumahimik ka!" Inilagay ni ko ang hintuturo sa bibig, pinapatahimik siya. Hindi ko alam na may likas pa lang kadaldalan ang batang ito! Straightforward pa! Dapat nananahimik na lang siya ano. Gusto niya ba ng eskandalo?!
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Baka may makarinig sa'yo. Hindi ka nag-iisip"
Tila hindi naman niya pinansin ang sinabi ko. Bagkus ay inayos niya ang eye glasses na suot bago pumukol ang titig niya sa mismo kong mukha.
"Now that you're closer, you look pretty"
It was a simple compliment but it my heart flattered.
Ngayon ko lang napansin na hindi nga pala ako nakauniform. Naka-dress akong blue na hanggang hita. Nakaflat shoes na itim at puting sling bag.
Nakaladlad din ang aking buhok na madalas kong naka-clean bun.
Napaayos akong ng tayo sa komplimento nito. Pinigilan kong masiyadong ngumiti dahil lang do'n.
Minsan lang kasi ako makatanggap ng komplimento sa lalaki!
Tinago ko ang ngiti sa pamamagitan ng masamang tingin.
"Stop pestering me Mr. Santiag-"
"I'll offer you a ride to your house. Accept it and I'll stop pestering you for today" he cut me off.
Napasapo na lang ako ng noo. Pakiramdam ko tatanda ako ng maaga.
Para akong may batang pinapalaki na sobrang kulit.
"Oh sige na nga" para matapos na ito.
Lumabas si Raevan sa driver seat at pinagbuksan ako ng pinto.
"I searched on g**gle that women are attracted to a gentleman guy. Tamad ako pero dahil ikaw 'yan ma'am, gagawin ko ito. I will always open the door for you" inilahad niya ang isang kamay, telling me to go inside his car.
I gritted my teeth in annoyance as I walk towards him. Bago ako pumasok sa sasakyan ay humarap muna ako kay Raevan.
He has this atittude. He's too straightforward and overconfident.
I observe Raevan's appearance. He has a long messy hair, halos natatakpan na ang kaniyang bored na mata. He has freckles on his nose. He has a nice pouty lips. A pale white skin.
A really good looking guy.
Fresh and young.
I gathered my braveness to lean closer on his face. Raevan became stiff because of that unexpected move.
At aking kinuha ang pagkakataon na mabara ito sa unang pagkakataon. Hindi ko na siya kakausapin pa ng professional simula ngayon.
Kailangan ko siyang untugin ang ulo niya. Kailangan ko siyang prangkahin.
"Gentleman or not, hindi ako naaattract sa bata at lalo sa aking estudyante. Got it Mr. Santiago?" May tipid na ngiti sa labi ko dahil mukhang nasampal ko talaga siya ng katotohanan.
I know that his confidence seems to decrease. Nakita ko sa mukha niya ang rejection.
Panigurado, it tear his heart.
Pero mukhang mali ako.
Pakiramdam ko mali ako na sinabi ko iyon dahil kumikislap ng pagkamangha ang kaniyang mga mata.
His eyes ignites with admiration. It was burning with determination and excitement.
Nanigas ako sa kinatatayuan nang bigla niyang sapuin ang aking pisngi.
"I'll make you mine ma'am..." Mariin niyang sambit na para bang magagawa niya iyon.
"...I'll make you realize that age doesn't matter"