CHAPTER 8.3

1426 Words
Pagkarating namin sa Nagcarlan Underground Cemetary ay kaagad kaming naglibot. Kakaunti lang ang tao ngayong araw kaya hindi hectic ang maglibot. Pag-pumunta ka dito sadyang makikita mo ang pagka-old vibes ng lugar. Makikita kung paano nalipasan ng panahon ang simbahan. Ang pagkaluma nito ang siyang nagpalaki ng halaga nito. I took videos using my phone. Hindi nga lang ganoong kaganda ang quality hindi tulad ng kay Raevan na naka DLSR pa. Pumunta kami sa ilalim ng lupa kung nasaan ang ground cemetery. Medyo madilim dahil ilan lang naman ang ilaw na bukas. Medyo nakakatakot siya. Tuwing iniisip ko na isa itong sementeryo at maraming patay na nakalibing dito, kinikilabutan ako. Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Raevan sa kamay ko. Napaangat ang tingin ko sa kaniya. "You look scared. May I hold your hand for a second?" Tanong niya sa isang magalang na tono. Buti na lang at medyo madilim dito sa loob. Hindi niya makikita na namumula ang pisngi ko. Dahil gusto siyang pagbigyan sa last date na requested niya, hinayaan ko siyang hawakan ang kamay ko. It actually felt....warm. Inayos niya ang hawak sa kamay ko. He interwined it with his. Napalunok ako kasi nakaramdam ako ng pamamawis ng kamay. Mas lalo ko tuloy na nararamdaman na isa nga itong date. Bigla kaming natahimik. Hindi na din ako makapagpokus sa nakikita ko sa daan. Paglabas namin ng underground cemetary ay hindi ko na napigilan na bawiin ang kamay ko. "Wait" pinigilan niya ako at muling binalik sa pagkakasiklop ang aming kamay. Tinutok niya doon ang camera niya at kinuhanan iyon ng litrato. "I'll just keep it" una na agad niya. Naghiwalay na rin kaagad ang kamay namin. We decided to have lunch first. Mayroon doong malalaking puno, doon kami sumilong. May kinuha si Raevan na blanket at isang basket sa sasakyan. "Ano 'yan?" Tanong ko nang mapansin ang mga dala niya. "A blanket and basket" he answered the obvious. "'Yong basket kasi" gusto pa talaga ako pilosopohin. "Pagkain natin Yena" sagot niya. Naglatag siya sa ilalim ng puno ng blanket at inibaba doon ang basket. Buti na lang hindi ako naka-dress kaya nakaupo ako ng komportable. Hinubad ko ang flat shoes para hindi madumihan 'yong blanket. Umupo na din si Raevan at pinaggitnaan namin 'yong basket. "Naglabas siya sa basket ng iba't ibang putahe na hindi ako pamilyar at habang tinitingnan 'yong nilalabas niya ay hindi ko din maiwasang mapansin ang set up namin. A picnic date. Talagang pinaghandaan niya ito lahat. Hinawakan ko ang pisngi. Nararamdaman ko na namang umiinit iyon. Ano ba naman ito? Kinikilig ba ang isang matandang tulad ko? I just let it pass. Hindi magandang pangitain 'to. "My father is a chef" ani ni Raevan nang maiayos lahat ng pagkain sa blanket. Doon ko na lang ipinokus ang sarili. "A chef? You mean a professional chef?" Tanong ko. May nilabas siyang disposable na baso, pinggan at kutsara at binigyan niya ako ng iisa no'n. "Oo. We have a restaurant. You know Reviros?" "I know that restaurant" napaawang ang bibig ko kasi once lang ako nakakain do'n no'ng birthday ni Dean Glydel, isa sa mga senior teachers. Nilibre niya lahat sa restaurant na iyon. Mahal ang mga pagkain do'n pero masasarap. Maganda rin ang reviews at marami na ring branches. Natanggap nga din sila ng catering services. Naalala ko tuloy 'yong isang kasal ng aking kaibigan na si Peach. Reviros ang kinuha nila as catering service. "Yes. It's my family restaurant" tumango si Raevan. Ngayon ko lang napagtanto na mayaman pala talaga siya. Bigla akong nanliit sa sahod ko. "Edi marunong ka magluto?" Umiling si Raevan. "Hindi ko namana 'yon kay Dad. Marunong ako magluto pero mga simpleng putahe lang. Hindi ako kasing expert ni Chino at Rivo. Mas nakuha ko ang talent ni mom in terms of music tsaka na rin sa utak. Kung may namana man ako sa Dad ko, it's the santiago's blood. Ang katigasan ng ulo" "Tama. Matigas talaga ang ulo mo para gawin 'to sa guro mo, Evan" pagpapaalala ko. "Worth it naman" he smiled. Napatingin ako sa ngiti na iyon. Napailing na lang ako. Sobra-sobra kaya ang stress ko noh! Binaling ko na lang sa pagkain ang pagka-stress ko. True enough, ang sasarap nga ng pagkain! "Ang sarap!" iyon na lang lumalabas sa bibig ko. "Kung gagawin mo akong boyfriend, araw-araw kitang dadalhan ng pagkain na luto ni Dad" Muntikan na akong mabulunan sa sinabi niya. Buti na lang nalunok ko na 'yong kinakain ko. "Hindi mo ako mauuto sa ganiyan utoy" "Sinubukan ko lang" he chuckled while playing with his nose. "Subukan mo. Ibabagsak ko grades mo" pagbabanta ko ng pabiro. "Power tripping" parinig niya pa. I scoffed. "Marami ka ng violations. Minus 10 ka na sa behavior. Pwede kitang i-tres kaya ibabagsak kita talaga" "Okay lang basta babagsak ka sa akin" Nagkatinginan kaming dalawa. Raevan is the first to look away while removing his glasses. Kumuha ako ng tubig at uminom bago ako sumubo ng maraming pagkain sa bibig. "Is it corny?" Tanong niya. Kita ang pamumula ng tainga niya. "Swobwa" (sobra) hindi ko maideretsyo 'yong word sa sobrang dami ng nasa bibig ko. He chuckled. Kumuha siya ng tissue bago pinunasan ang gilid ng bibig ko. "Ang amos mo na. Hinay lang sa pagkain" I stiffened before my arms went to the side of my lips. Parang nakikita ko lang sa mga romance movies. Kinuha ko ang cellphone ko at ni-check ang itsura ko sa ginawa niya. He just eat silently, not trying to do an eye contact. Huminga ako ng malalim. Pagkatapos ng lunch ay nanatili muna kami doon. Makulimlim ang kalangitan pero parang hindi naman babadya ang ulan. Mahangin kaya ang sarap sa pakiramdam kapag tumatama 'yong presko at sariwang hangin sa katawan mo. Hindi katulad sa syudad na mabaho na ang amoy at malangis na sa mukha. Dala ko 'yong libro kaya sinandal ko ang likod sa trunk ng kahoy at nagbasa. Raevan sit beside me while listening to the music. It was peaceful. Napatingin ako kay Raevan na nakapikit habang nakasandal. He is humming. Nasa tono din 'yong pag-hum niya. Singer e. Dahil nakapikit siya, nakakuha ako ng pagkakataong pagmasdan siya. Kulay talaga niya ang una kong napapansin. Para siyang bampira sa puti. The freckles on his nose and cheeks complimented his looks. Bagay iyon sa kaniya. I also notice his mole on the tip of his nose. Ang liit lang na tuldok no'n pero bagay. I can say that it can be his asset. May biglang dumapo na tuyong dahon sa kaniyang buhok. Hindi ko alam kung tatapikin ko ba siya para sabihing may dahon siya sa buhok pero ang peaceful niya, parang ayaw ko istorbohin. So I decided to remove it gently. Umusog ako ng kaunti. Lumuhod ako habang ang isa kong kamay ay tumukod sa sahig. Lumapit ako ng kaunti sa kaniya para hawiin 'yong dahon sa buhok niya. "What are you doing?" "Ay!" Nawalan ako ng balanse sa gulat sa pagsasalita niya. Bigla akong napabagsak sa katawan niya. He groaned, not expecting my fall. Nasiko ko pa ata ang tiyan niya. "I'm sorry!" Paumanhin ko bago ako bumangon. Raevan cough a little. Hindi siya nakagalaw kaagad. Masakit talaga 'yon. Alam kong tumusok 'yong siko ko sa kaniya. "I'm sorry talaga. Hindi ko sinasadya!" Hingi ko pang paumanhin. He raised his hand, he waved it like it was fine. Hindi pa siya makaimik. Later on, umayos din ang paghinga niya. Sapo niya ang tiyan bago tumingin sa akin. "Ano? Okay na? May pasa ba?" Sunod-sunod kong tanong. Inalis niya ang headphone sa tainga at isinabit sa leeg. "Okay na" "Sorry ulit. Nagulat kasi ako" "What are you doing anyway?" "Ahm may dahon kasi sa buhok mo. Tinatanggal ko lang" Tumingin siya sa buhok at hinawi niya ito ng kaniyang kamay. "Wala na naman na. Nahawi ko na" "Okay. I thought you want to kiss me" "Hoy! Hindi! You are delusional, Evan" "Maybe it's a dream" "A dream?" Umiling siya. "Wala" Kumunot ang noo ko. Ano ang panaginip niya ha?! Biglang may pumasok na hindi kaaya-ayang scenario sa isip ko. Hindi naman siguro siya gano'n? Pero nagawa niya ako nakawan ng halik at may mga hook ups siya. Napatingin ako ng mariin kay Raevan na inosenteng nakatingin sa malayo. "Why are you staring at me like that?" Tanong niya nang mabaling ang tingin niya sa akin. Pinaningkitan ko siya ng mata. He look clueless about my stare. "Pervert" mahina kong bulong. Umawang ang bibig niya at hindi nakapagsalita. Mga lalaki talaga! ________________ PART III
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD